PAUMANHIN
Humihingi po ako ng paumanhin sa mga regular na bumibisita sa blog na ito dahil mahigit na ring isang linggo na hindi ako nakakapaglagay ng bagong post (with the exception of my web comic Diosa Hubadera). Kung mapagkakasya ko lang talaga ang katawan ko sa dami ng trabaho, marami akong hindi makakaligtaan. Nasa critical stage na kami ng project ko sa War of the Worlds at kailangan na naming tapusin ito ngayong December dahil pagdating ng January ay dapat masimulan na ang pre-production.
Mayroon ulit kaming labas sa November issue ng GamesMaster Philippines kung saan ang naka-feature naman ay ang aming working area at ilang mga characters sa game. Kung interesado kayo sa updates ng aming game, bumili kayo. Please.
Inilabas din ng Proletariat Comics ang kauna-unahan nilang magasin na may title na HORIZON, kumbinasyon ito ng prose stories at comics. Hindi nga lang ito available dito sa Pilipinas pero makakakuha kayo ng PDF file ng HORIZON na free download (just click the title Horizon).
Komiks? Hindi ko pa talaga maisingit na makagawa ng komiks ngayong taon na ito. Ngunit nang lumabas ako sa Readers Digest ay tatlong school na ang nag-iimbita sa akin para magturo kung paano gumawa ng komiks. Magiging tour ang workshop kong ito tungkol sa komiks. 2 weeks from now ay magsisimula ako sa Lagro High School dahil iyon ang pinakamalapit. At ang pinakamalayo, na hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala, at pinuntahan pa talaga ako dito sa Pilipinas ng International School para makipag-meeting, ay sa HongKong--pero baka sa summer na ito dahil hindi pa talaga kaya ng schedule ko for the next six months.
Napakarami kong naka-line up na articles and interviews sa blog na ito, ngunit hindi ko pa maia-upload ngayon week na ito dahil kailangan pa ng matinding editing. Pero huwag kayong mag-alala at babalik ako. Kasama ito sa sinumpaan kong tungkulin, ang palaganapin at magbigay ang impormasyon tungkol sa komiks sa nakararaming Pilipino. In the meantime, bisitahin niyo rin ang mga sites na naka-link sa gilid, partikular na ang Komikero, PilipinoKomiks at Pinoy Komix Biz, marami kayong mapupulot sa mga ito tungkol sa local komiks industry.
Mabuhay tayong lahat!
6 Comments:
tara randy caririn na lang natin yan at lisanin ang mundo ng mga capitalistang korpureyt kuno....sama ako jan. o kaya inom n lang tayo
hehehe..langya ka tol, di na ko umiinom ng alak...nagda drugs na ko ngayon...biogesic na tinitira ko ngayn
goodluck sa lahat ng natitirang trabaho. :3
Wala akong paki basta ako nagbabasa lang kung may post ka fine, kung wala fine pa din ok fine? Hehehe basta huwag mo kalimutan pasalubong from HK...gudluk
biogesig ba kamo? meron ako dito kaya lang suppository..sin laki nga lang ng thermos
biogesic b kamo?...meron ako dito suppository kaya lang sin laki ng thermos
Post a Comment
<< Home