2ND ANGONO PUBLIC ART FESTIVAL
Ikalawang taon pa lang ng pagsasa-publiko ng sining para sa mga anak ng Angono. Magandang activities ito para magkaroon ng awareness ang mga artist na gustong dumayo sa lugar na ito tuwing sasapit ang kanilang pyesta. Hindi ako taga-Angono, ni isang artist ay wala akong kilala doon. Ngunit naging bisyo ko noon pa na pumunta sa ganitong mga gatherings tungkol sa art lalo pa’t alam kong may matututunan ako.
May komiks silang ilalabas (malas ko lang at hindi pa pala nila ipamimigay nang araw na iyon) tungkol buhay at sining ng dalawa sa pinakamahusay na artist noong panahon ng Kastila na sina Tandang Pedro Piñon at Tandang Juancho Senson. Ipinakita pa sa akin ang mga orihinal na pahina ng komiks bago ito dalhin sa printing (ang gumawa ng ilustrasyon ay si Rod Lofamia na kasalukuyan ay gumagawa pa rin sa Liwayway).
Sayang nga lang at hindi ako umabot sa art discussion tungkol sa sining ng mga Pilipino noong panahon ng Kastila na ginawa sa Nemiranda Café. Ngunit naimbitahan naman ako sa installation art na ginawa sa Wawa ng San Vincente. Kasabay nito ang mga street performances at pagpapakita ng iba’t ibang uri ng anyo ng sining.
3 Comments:
Talagang buhay na buhay pa rin ang sining sa ating bansa ngunit sayang nga lang at hindi gaanong pinapahalagahan sa ating bansa ang iba't ibang uri ng sining lalo na ang magandang pagsasalarawang istilo ng Komiks...Sayang talaga ang malikhaing isipan ni Juan de la Cruz!
Sayang din at ang iba pa sa mga sining na ito'y unti-unting naglalaho't namamatay!!!
kaya nga bawat alagad ng sining san man disiplina ay may tungkuling pangalagaan,ingatan, at ipamana sa mga susunod na salinlahi ang tradisyon,kultura,sining at kasarinlan ng ating pagkamalikhaing pinoy may tulong man ng gobyerno o wala. May mga kulturang nawawala dulot na rin ng mga makabagong pananaw sa pamumuhay at impluwensya ng ibang bansa at modernong teknolohiya...pero kaya p rin natin itong sariwain at buhayin sa pamamagitan ng tamang pagtuturo at pagbubukas ng kasipan lalo na para sa ating mga kabataan at pagkakaroon ng bukas na pagiisip..may pag-asa p,hanggang humihinga...
Post a Comment
<< Home