Wednesday, November 16, 2005

LIBRE BASA 4

Title: YOUNG LOVE, FIRST LOVE: COMPUTER OF LOVE
Writer: Hal Santiago
Love Klasiks Komiks

Mahalaga sa akin ang gawang ito dahil ito ang pangalawa kong published work na si Hal Santiago mismo ang nagsulat. Ginawa niya akong guest artist dahil hindi na kaya ni Elmundo Garing ang deadline (nagsisimula na kasing makilala si Garing kaya marami nang editors ang nagbibigay ng trabaho sa kanya). Ipinalagay pa ni Sir Hal ang picture ko para daw maraming makakilala sa akin.

Sa aking natatandaan, wala ni isa mang panel akong ginawa dito. Lahat ay ipinakopya ni Sir Hal sa kung saan-saang komiks. At iyong ibang panel naman na walang mapagkopyahan ay siya mismo ang gumawa sa lapis, at ako na ang naglinaw.

Sa ikalimang pahina ay makikita ang ‘Chattie Dolls’ na sa tunay na buhay ay kasintahan ni Joseph Christian (anak ni Hal). Ako rin mismo ang gumawa ngunit ipinangalan kay Chattie (Christianne Concepcion sa tunay na pangalan).













3 Comments:

At Wednesday, November 16, 2005 10:12:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Ilan taon lang po ba kayo nung unang nakapagguhit sa komiks? Ilan taon lang po ba kayo diyan sa komiks na iyan? Nais ko po kasing alamin kung mababa pa rin o kung nag-angat na ang paraan ko ng pagdibuho...Salamat po!

 
At Thursday, November 17, 2005 12:58:00 PM, Blogger Reno said...

Nasaan na nga ba yang si Garing? Naging kaklase ko yan nung college. Di ko na maalala ang stylr niya sa pagdodrowing, pero alam ko magaling siya.

 
At Thursday, November 17, 2005 1:04:00 PM, Blogger Randy P. Valiente said...

ano-
second year high school lang ako nun. nasa 14 lang ako nyan. natatawa nga ako pag tinitingnan ko ang picture ko dyan e heheheh.

reno-
matagal na rin akong walang balita kay garing. 6 years ago nagkita pa kami sa animation, ngayon di ko na alam kung nasaan na sya. ang style niya mas kahawig ni joseph christian na sobrang linis ang kinis ng mga lines.

 

Post a Comment

<< Home