DELL BARRAS INTERVIEW (Part 1)
Si Dell Barras ay isa sa ipinagkakapuring dibuhista sa industriya ng komiks sa Pilipinas dahil hindi lamang siya nakilala dito sa atin kundi maging sa ibang bansa. Hindi ko na masyadong pakahahabain ang introduction, hayaan nating kilalanin ang isang batikang artista ng komiks sa aking panayam sa kanya.
Paano po kayo nagsimula sa local komiks at paano po kayo napunta sa American comics?
I started doing short stories for Horror komiks then Nestor Redondo hired me as art director in his Superyor komiks ( doing letterings, art revisions while I studied under him) then Mars Ravelo hired me to work for Atlas and Gasi where I did lots of novels like Javlin Ang Taong Isda, Darna at ang Babaing Linta to name a few. Ravelo then built his own publishing house and took me with him, where I did Candy (which later was bought by my late kumpadre Ricky Belmonte and starred her daughter Sheryl Cruz for film. I had to follow my wife to the States, so from Japan (I sang there for 6 years) I came here to the States. Romeo Tanghal took me to D.C. comics and I started as an inker on various titles like Blue Beetle, Green Arrow and helped Romeo on Teen Titans. Then Marvel Comics called me up to ink The New Defenders and The Incredible Hulk. And Conan the barbarian (which I’m working on now as an animated direct to DVD)
Sino po ang mga kasabayan niyo sa local komiks, I mean yun pong mga ka-batch niyo dati?
I still remember Ernie Guanlao and Vic Catan as my batch.
From local komiks to international market, nag-adjust po ba kayo sa style or during that time, talagang bilib na ba ang mga Americans sa gawa ng Pinoy na kahit hindi na sila mag-adjust?
I started as an inker. I inked with my Filipino style of inking which they approved. Those days, they liked the styles of Filipinos because of the greats like Nestor and Nebres are already there. We didn’t have time to adjust because of the deadlines. Just ink it as you get the job.
Ano po ang hindi niyo makakalimutang ginawa nyo sa local komiks? Then sa US?
Javlin ang Taong Isda / Darna at ang Babaing Linta / Candy// at iba pa
U.S.: Death’s Head ( I went to London to do this for Marvel comics U.K.) and my collaboration (penciling and Inking with Neal Adams for his Continuity Comics where I showed Tor Infante’s work to Neal Adams and he was called and hired the same day.
Ano po ang usually na pinupuri ng mga editors, fans or followers tungkol sa mga Filipino artists? Is it the style, or the discipline? Ano naman po ang madalas nilang puna?
Their being always on deadline and perseverance for work. Wala pa akong puna na nakuha sa kanila maliban doon sa mga puti na naiinggit dahil hindi sa kanila naibigay ang assignment. It’s always praising the Pinoys for a job well done. Sobrang manira ang mga puti dito, maraming back biters.
During your time dito sa local komiks, sapat po ba ang binabayad ng mga publishers sa mga artists? I mean, mas mura ang bilihin nu'ng araw, mas mababa ang standard of living, ang kinikita niyo po ba sa komiks noon ay talagang makakabuhay ng pamilya? Or talagang naramdaman ninyo na hindi sapat ang kita dito sa local komiks kaya sa US po kayo nagtrabaho?
Mars Ravelo always takes care of his artists.Kaya those times. Pag kinuha ka ni Mars Ravelo, You’re made! I think sapat nang bumuhay ng pamilya ang kinikita sa komiks noong araw, kaya nga yung ibang artists tatlo- tatlo ang kabit those days ( hindi ako kasama doon, hanggang girlfriend lang ako dahil ako ang hinahabol ng mga babae noong araw( joke only). Kung hindi lang nandito na ang misis ko, I will not leave. I like being a comicbook artist. That’s why I miss those days na pag nakasingil, e tuloy na kami sa beerhouse. I really miss those days. Those days that will never come back.
Ano pong mahalagang-mahalagang aral ang natutunan ninyo sa local komiks na hanggang ngayon ay isinasabuhay ninyo diyan sa US, kahit po nasa animation at storyboarding na kayo?
Pakikisama, sipag at tiyaga. Study the trend and always apply it. Practice, practice, practice. Remember na ‘Nothing is Forever’, everything will soon come to an end. Everybody should save for the future. Dito sa States, pag wala kang job , you’re screwed. Kaya bago pa lang matatapos ang job n’yo, try to network agad.
May pagkakaiba po ba ang fans ng mga local komiks noong araw sa mga fans na inyong naranasan diyan sa US?
Wala kaming masyadong fans nu’ng araw dahil walang conventions diyan na katulad dito. Pinipilahan kami para sa autograph ng ginawa naming comics (ang mga artists sa Japan ay itinuturing na ng mga fans na gods).
If given a chance na makapag-drawing ulit sa local komiks, gagawin niyo po ba?
Are you kidding? I would love to! I’m still a Filipino! As of right now I’m putting together an anthology of shorth stories comic book para sa Pilipinas.with the artists here contributing kasama na ang mga Guhit Pinoy sa Saudi.
(to be continued)
8 Comments:
Wow Dell Barras, isa sa pinakamahusay nating comc artists! Swerte mo Randy na-interview mo si Dell! Hintayin namin part two ng interview ha!
can't wait to read more!!!
keep it up!
marami pa talagang marunong lumingon sa bansa ntin!
kahanga-hanga!!!!
may web site din ba c mr barras? :)
yes, nasa mga links ko sa gilid ang website nya
Ayos! Mabuhay si Dell! :)
Hey Guys! Thank you very much sa mga papuri nyo.Tumataba ang puso ko niyan,a. Baka atakihin ako sa puso.I wont forget this...
nice randy...mabuti at nahagilap mo ang ilang artist natin na nasa abroad. abanagan namin ang part 2 nito. saka sana may iba pang artist..!!! good work man!!!!
Aside from comic books ang isa ko pang gustong makitang ma publish someday ay mga compilation ng interviews ng mga katulad ni Dell.
Kahit papaano ay parang andun ka na rin kapag binabasa mo yung mga accounts nila ng buhay komiks nun. :)
Post a Comment
<< Home