TRIVIA 3
Nauso sa komiks ang pagkakaroon ng ‘bansag’ o ‘katawagan’ ng ilang manlilikha, lalo na iyong madalas magtambal sa nobela. Ilan sa mga ito ay sina:
Jim Fernandez – The Philippines’ Finest Writer
Hal Santiago - The Philippines’ Finest Illustrator
Pablo Gomez – Philippines’ Most Loved Writer
Joey Celerio – Philippines’ Most Loved Artist
Mar Santana – The Godfather
Clem Rivera _ The Godson
Mas naging kontrobersyal ang naging katawagan kina Fernandez at Santiago dahil kinalaunan ay naging Philippines’ Greatest Writer at Illustrator ang inilalagay nila sa komiks. Maraming hindi sumang-ayon dito. Ayon mismo kay Santiago, nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa mismong nag-letra sa mga pamagat ng nobela nila ni Fernandez. Ang dapat na nakasulat dito ay ‘The Official Philippines’ Greatest Writer and Illustrator’…nang panahong iyon lang.
4 Comments:
May nabasa nga akong article sa dyaryo (clipping sa files ni Rudy Florese) na sinulat ni Ros Matienzo kung saan inokray talaga nyang maigi si Hal Santiago sa kanyang (ayon sa kanya) self dubbed "Official Greatest Illustrator etc. etc". Meron bang nagbigay ng title na yun or si Mang Hal din talaga ang naglagay?
Iniisip ko parang PR lang yun na parang si Muhammad Ali pag sinasabi nyang sya yung greatest.
'yan ba yung lumabas sa 'Bongga' tabloid? i think ang basis ni Mang Hal is yung award nya from Komopeb and since sya yung huling nabigyan ng award, dahil nawala na ang Komopeb awards the following year, parang sya na yung naging 'official greatest illustrator' in perpetuity. Pero talagang maraming magdi-dispute.
After ng article na 'yan ni Ros Matienzo, ginantihan na lang sya ni Mang Hal sa isa sa mga short story nya sa komiks wherein ang character nya is named Ros Matsingso, talagang unggoy yung character. Besides, ros matienzo's reputation during that time as showbiz cum sportswriter was 'ang manunulat at kritikong walang maisulat'. Kaya sya nasapak ni Kapten Barbel (Edu) dahil sa mga write ups nya na ganun.
Artist din pala si Ros Matienzo... at least kung sya rin yung artist na Rosauro Matienzo. Medyo unique yung style nya at hindi sumasabay sa typical Pinoy style ng panahon na yun.
ye erwin, yung komopeb nga ang basehan ni sir hal. saka siguro dahil puro puri ang nakukuha niya sa mga editors at publishers. saka sa bibig na rin naman niya mismo nanggaling, nung time na yun e hindi daw naabot nina mar santana, vic catan, at kasabayan ang narating niya--i don't know what that means (baka pagalitan ako ni sir pag nabasa ito hehehe)
anyway, nakakatuwa din si sir hal minsan, dahil naalala ko rin noon, nung magkaaway pa sila ni vincent kua, nagsulat din sya sa kilabot na ang character ay pinangalanan niyang 'vincent awuk' na naging pawikan...
Post a Comment
<< Home