PAGLILINAW
Mula nang gawin ko ang blog na ito tungkol sa komiks ay nagkaroon ako ng tungkulin sa sarili at sa mga mambabasa nito na ipagtapat at sabihin kung ano ang katotohanan sa mga naranasan ko at pananaw sa loob ng industriyang mahigit-kumulang labingpitong taon kong pinaglingkuran. Kung hindi ko ito gagawin, sino? Kung hindi ngayon, kailan?
Ngunit naniniwala din ako na may maseselang bagay na hindi na kailangan pang ibunyag dahil baka pagsimulan ito ng kaguluhan, kundi man, ay pagdemanda sa akin. Kaya hangga’t maari ay iniiwasan ko ang ganoong mga topic (na sa masakit na katotohanan, mabuti na lamang at hindi ko itinuloy na i-publish ang dalawa kong aklat tungkol sa komiks—dahil marami ang tatamaan). Hindi ko alam kung katapatan sa panulat, katapangan, o hinubog lang ako ng isang prinsipyo dahil ilang taon din akong naging radikal na aktibista sa kalye. Naniniwala ako sa kasabihang ang pagsasama ng tapat ay pagsasama ng maluwat.
Malungkot na balita ang nalaman ko noong Sabado nang makipagkita ako sa ilang kaibigan. Nagkaroon pala ng awayan dahil lamang dito sa blog ko. Ang masakit pa, pati ako ay nadamay. Kung tutuusin ay maliit lamang ito at walang kinalaman dito ang lahat ng nagbabasa sa blog na ito. Ang masakit ay ang mga mismong hindi pa nagbabasa nito ang nag-away. Maliit man ito, na mayroong tampuhan at hindi pagkakaunawaan, mabuti na rin na unahan ko na.
Kung mayroon man akong pagkakamali, inihihingi ko na ito ng paumanhin (dahil alam ko, mula nang malaman ko ang tungkol doon ay nagbabasa na sila ng blog na ito). Wala akong intensyon na manirang-puri o ibaba ang pagkatao ng mga artist. Naniniwala ako na matalino ang lahat ng mambabasa ng blog na ito na hindi ko na kailangan ipagduldulan sa kanila na huwag lamang itong tingnan bilang ‘text’ kundi tingnan din ng malinaw ang ‘context’ upang ganap na maunawaan ang ibig kong sabihin.
Gusto ko ring linawin, na sa dinami-dami ng mga grupo ng artist na nakasama ko—mula sa mga literary writers, filmmakers, poets, painters, performance artist, directors, at mga commercial artists—walang pinakamalapit sa puso ko kundi ang mga taga-komiks. Walang katulad na kasiyahan ang nararamdaman ko kapag kasama ko ang mga tulad kong mahilig at nagbabasa ng komiks.
At gusto ko ulit linawin, na sa dinami-daming art instructor na humubog sa akin, pinakauna ko sa listahan, at walang ibang kapalit, ang mag-amang Joseph Christian at Hal Santiago.
5 Comments:
Randy, sa tingin ko OK lang magsabi ng mga bagay na masakit, kapag ito ay kailangang marinig, at ang pagsabi natin nito ay maaari pang makatulong. Ganun ang ginagawa ng mga tunay na kaibigan, yung maging tapat ka kahit masakit. Somtimes hindi rin masyadong maganda yung sobrang pakikisama kasi maraming bagay na dapat sabihin ang hindi nasasabi. May mga nagaway na rin dahil sa akin... may mga galit din sa akin dahil sa mga sinabi ko... even though ayaw ko ng kaaway at gusto lahat ng tao nagkakasundo... sometimes merong mga bagay na kelangan mo talaga sabihin, masakit man gawin.
Pero pag ang isang bagay ay nakaraan na at ang pagbunyag nito ay hindi na makakatulong kahit kanino at makakasakit na lang, dyan ako personally tumitigil.
o nga ger, kaya ngayon medyo ingat na ako sa ilalagay dito. kahit wala dun yung tumbok ng sinasabi ko, sa iba ay iba ang interpretation. nababasa ko nga rin minsan sa website mo, may nakakabangga ka rin...haaay...hirap talaga. partida na ha, komiks lang ito, pero ang dami na ring pulitika
hindi pulitika yon randy...malyo p tayo sa politikahan..realidad! pulitika ay sci-fi! sang ayon din ako sa sinabi ni kasamang gerry..pero nabasa ko din un naisulat mo tungkol sa isyung yun at wala naman akong makitang masama dun.kasama talaga yan sa buhay ng isang tao kahit gaano p ito ka pangit o kahit gaano p ito kaganda..nasa mambabasa na iyon kun tatanggapin na yon o hinde. Maraming sikat na pintor ang mga hinangaan ko pero nang mapag-aralan ko ang mga buhay nila ay marami sa kanila ang may mga nakaraan at lihim na nkapagpabago ng aking pananaw pero hangang ngayon ay hanga pa rin ako sa mga obra nila. Ang sukatan ng isang magaling na artist ay ang mga pangit at magagandang bagay na maaring maisulat sa kanya...d b randy,inom tayo!
langya ka, seryoso na biglang inom tayo! hehehehe
cyempre pam paalis ng kaseryosohan sa buhay...mga seryoso madaling tumanda hehehehehhe..baliw ka pa rin daw sabi ni rey,galeng sa bahay kagabi..magpapublish daw tayo sa broadsheet ng tribute k vincent at ipush natin sa ncca n ang industriya ng komiks ay ihanay s mga seryosong sining kagaya ng sining biswal,awit,literatura,etc....maganda d b? bakit walang national artist for graphic arts kagaya ng komiks d b? unfair!!!! marami ng nawala ang mababaon n lang sa limot..tsk tsk...inom n lang tayo randy pampawala ng kaseryosohan!
Post a Comment
<< Home