LIBRE BASA 5
Huminto ako sa pag-aaral ng kursong Architecture sa kolehiyo. Unang-una, mahirap lang ang aking mga magulang at hindi ako kayang pag-aralin. Ikalawa, nagtuloy-tuloy na ang kita ko sa komiks. Ayon sa tsismis ng mga taga-komiks, humihina na daw ang komiks ng time na ‘yun, pero hindi ko pa gaanong nararamdaman. Ang laki pa rin naman ng singil ko kada-linggo. Tuwing Miyerkules at Biyernes ay sampung script lagi ang ipinapasa ko sa editor ng iba’t ibang komiks. Dito na ako bumanat ng husto, nilibot ko ang lahat ng publication ng komiks. Ang hindi ko lang kayang tapatan sa pabilisan noong magsulat ay si Armando Dollente. Tuwing pupunta sa GASI ang taong ito ay 50 pirasong script ang inililibot sa mga editor. Kaya tuwing singilan ay talo pa ang manager ng bangko sa laki ng sinasahod.
Hindi lang sa sahod ako masaya. Mas masaya kapag nakikita mo ang gawa mo na dinu-drawing ng magaling na illustrator. Halos lahat yata ng artist noon na idol ko noong araw ay nakapag-drawing ng script ko (malas nga lang at hindi na kasama ‘yung tinatawag na mga ‘class A’ illustrators).
Title: ALAALA NG PANAHON
Artist: Sonny delos Santos
Love Song Komiks
2 Comments:
Randy, in behalf of Sonny delos Santos Pinararating nya ang pangangamusta nya sa 'yo at natuwa sya na nakita nya ang mga dating gawa sa blog mo with your story. Sa print nya na lng nakita no'ng nag meeting kami. Thanks also for your recognition ng Guhit Pinoy. Salamat sa mga supporta mo.
Sabi daw ni Val Pabulos meron silang kilala na Romy Dong sa Jeddah. Sinagot nya yung comment mo sa Guhit Pinoy blog.
Salamat
Edbon
thanks ed, baka sa susunod ay yung gawa naman ni romy don ang ilalagay ko dito.
Post a Comment
<< Home