FREE SPEECHES
1998 pa ang komiks na ito na pinamagatang Free Speeches pero hindi ko pa nababasa dahil hindi pa ako masyadong interesado noon sa laman nito tungkol sa censorship ng comics sa America. Kailan lang ako nagkainteres habang nag-i-edit ng mga articles sa Pinoy Komiks Rebyu.
Inilabas ito ng Oni Press at The Comic Book Legal Defense Fund. Ang laman nito ay mga artikulo galing sa mga comics personalities tulad nina Denis Kitchen, Nadine Strossen, Neil Gaiman, Frank Miller at Dave Sim. Makikita din ang mga spot illustrations nina Will Eisner, Jeff Smith, Sergio Aragones, Mike Mignola, Bill Sienkiewicz, at napakarami pang iba.
Nakatutuwa na sa isang bansa na tulad ng Amerika ay may 'maturity' sa mga comics issues. Nasa mataas na antas na ito ng pagtingin sa mundo ng sining.
Marami pa tayong isyung pagdadaanan dito sa Pilipinas para ma-elevate sa mataas na pagtingin ang midyum nating mga komiks creators. Ito nga lang isyu ng Caparas/National Artist controversy ay patunay lang na hindi pa tayo handa sa maraming bagay. Hindi pa natin maresolba itong mga salitang 'low brow-high brow art', ng 'eletista at masang sining' na madalas gamitin ng kung sinu-sino pati na mismo si Carlo Caparas.
Sa isyung National Artist, tinitingnan ko ang resultang: Napataas nga ba ni Caparas ang midyum ng komiks ngayong national artist na siya? O lalo lang bumaba ang pagtingin ng tao sa komiks dahil na rin mismo sa kanya?
Matagal nang wala sa bokabularyo ko itong 'national artist' kahit bago pa man ang kasalukuyang isyu. Ito ang aking protesta na kailanman ay hindi mananalo ang kalaban. Dahil ang respeto, kailanman ay ibinibigay ko lamang sa mga taong karapat-dapat.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home