ROGER MIRALLES, Sumakabilang Buhay Na (Updated)
Sa Sabado po ang huling lamay sa labi ni Mang Roger, inaasahan po ng kanyang mga kaanak na darating ang mga tagakomiks. Magdi-displey po sila ng mga trabaho ni Mang Roger sa dingding, ito na ang huling exhibit niya. Nagpunta na po kami kanina kasama sina Hannibal, Steve Gan, Noly Zamora, Hal Santiago at Jun Diaz, pero babalik din po kami sa Sabado ng gabi, at inaasahang sasama ang iba pa.
Nakakagulat ang isang balita para sa akin kaninang umaga, sumakabilang-buhay na ang beteranong illustrator na si Roger Miralles. Si Mang Roger ay nakasali pa sa table exhibit namin sa Guhit Pinoy noong nakaraang October Komikon sa UP.
Nagkaroon ng bara ang kanyang puso at mula noon ay pahina na siya ng pahina, kinabitan na rin ng oxygen para makahinga, madalas na siyang dalawin sa bahay nina Steve Gan at Hannibal Ibarra.
Kasalukuyan siyang nakaburol sa Funeraria Paz sa Araneta Ave. Pinag-uusapan na kung kailan pupunta ng sabay-sabay ang mga tagakomiks.
4 Comments:
RIP kay Mang Roger nakikiramay ako halos nakasabay niya si Patrick Swayze a. :(
nakakalungkot na balita. nakikiramay ako...nawala man pero may naiwan sa kanyang likha sa larangan ng komiks..
ipinaaabot ko ang aking pakikiramay sa pagyao ni Roger Miralles sa kanyang mga naulila. Hahanap rin ako ng mga obra ni Roger sa aking mga file para maisama siya sa aking talaan ng mga ipini-feature kong komiks illustrator. Again condolence po sa mga mahal sa buhay ni Roger Miralles
Nakikiramay po ako sa pamilya ng aking kaibigang si roger.Nagkita pa kami ni roger noon sa Bocaue last 2007 nagkausap pa kami sa bahay nya.naaalala ko pa noong panahon ng GASI fans sya ni Elvis Presley Party noon, christmas din kila Florence kumanta pa sya kuha nya ang estilo ng idol nya.matagal ko din syang nakasama isa sya sa mami mis naming kasama sa komiks.Condolence po.
Post a Comment
<< Home