JESS NORIEGA TRIBUTE EXHIBIT
Apo Jess'
Si Mr. Jess Noriega, o “Apo Jess” sa pagkakakilala ng iba, ay isang manunulat at dibuhista ng komiks magsimula noong 1957. Nakilala siya sa kanyang mga ginawang art covers, at sa pagpasok ng 1970 siya ay nakumbida ng manager ng Graphic Arts Services Inc. (GASI) na si Tony Velasquez na magdibuho para sa kanila. Kabilang ang Teens Weekly sa mga komiks na nagawan ni Apo Jess ng art cover. Sa komiks din na iyon ay nagdibuho siya ng mga maiikling kuwento tulad ng “Lola Goyang.” Lumabas rin sa Holiday Komiks ang “Gina at Aladino” na sulat at dibuho ni Apo Jess. Sa katapusan ng 1970 ay nakapagdibuho si Apo Jess sa kilalang Liwayway Publications. Siya ang sumulat at nagdibuho ng mga kuwentong “Anarda” at “Bokbok” na isinalin sa wikang Ilokano para sa Bannawag magasin. Nagretiro siya noong 1982, at sa kasalukuyan ay may arts and sign na negosyo.Bukod sa mga komiks at painting ni Apo Jess, kasama rin sa exhibition ang mga fan art ng ilang mga dibuhista ng mas nakababatang henerasyon. Inaanyayahan namin kayo na dumalo sa opening ng exhibit sa Setyembre 19, 6pm.
Narito ang ilang halimbawa ng mga komiks na ginawa ni Jess Noriega noon:
Narito ang mapa ng Sigwada Gallery.
2 Comments:
Aba! Sa Tayuman ako nakatira ehh...
Mapuntahan nga mamaya...
magkano entrance fee?
Not sure kung may entrance fee. Malamang na free yan, saka sa Sept 19 pa yung kay Jess Noriega.
Post a Comment
<< Home