Monday, August 24, 2009

EL INDIO at GUHIT SUDLUNGAN

Nakakuha na ako ng advance copies ng El Indio ni Francisco V. Coching galing sa Vibal Publishing. Wala akong ibang masabi kundi...sobrang ganda ng printing at restoration! Hinding-hindi niyo dapat mapalampas na magkaroon ng kopya nito!

Binabati ko si Gerry (at Zara Macandili) para mabigyang-buhay ulit ang isang klasikong obra-maestrang ito.

Hindi pa ito available sa market, at balak munang magkaroon ng launching ngayong September at sa October Komikon sa Megamall. Abangan ang iba pang announcement tungkol dito.

*****

Sa wakas ay nakadalaw din ako sa mga miyembro ng PUP Guhit Sudlungan at sa exhibit nila na kasalukuyang naka-display sa main library ng PUP. Maraming members na bata at kailangan ng guidance sa art. Nag-commit ako na magbibigay ng workshop about basic drawing kapag medyo libre na ang oras ko sa September.

Sa kasalukuyan ay mayroon ng mahigit 50 members ang grupo, lahat ay estudyante at kailangang planuhin ang schedule dahil lahat sila ay pumapasok. Ito na ang opisyal na resident art group ng unibersidad na nakakonekta sa admin, at pambato kapag may mga inter-school competition sa art. Ang laki na ng iniunlad nito mula noon.

Pinasasalamatan ko si Prof. Joseph Reylan Viray (naka-polo na pink sa dulo ng larawan) bilang adviser ng grupo at nagpapatuloy ng legacy ng Guhit Sudlungan. Isa siyang Philosophy professor sa PUP at art critic kaya alam ko na maganda ang hinaharap ng grupo.








9 Comments:

At Tuesday, August 25, 2009 8:51:00 AM, Blogger dennis e. sebastian said...

Cover pa lang ng El Indio ASTIG na! Kailangan magkaroon ako niyan. Actually, kahit anong gawa ni Coching bibilhin ko. Sana masundan pa ng marami :)

 
At Tuesday, August 25, 2009 3:26:00 PM, Blogger Gio Paredes said...

Boss Randy, baka pwede akong makasama sa September workshop mo. Makiki sit-in lang. :D
PUP graduate kasi ako eh.

Balak ko lang muling makita ang almamater ko. :-)

 
At Tuesday, August 25, 2009 7:43:00 PM, Blogger Randy P. Valiente said...

Gio--sure, i-announce ko na lang ang sked kapag ayos na :)

 
At Wednesday, August 26, 2009 11:12:00 PM, Blogger mcguile said...

Ako rin Sir Randy, makikisit-in hehehe

 
At Thursday, August 27, 2009 12:30:00 AM, Blogger Gio Paredes said...

Maraming salamat po. :D

 
At Thursday, August 27, 2009 5:14:00 AM, Anonymous ROMIWORKS® Studios said...

pareng randy musta ok itong advance copy mo ng el indio naglalaway na ako sa librong yan ok talaga pagkagawa nina ka gerry at ng vibal maari rin ba akong magka advance copy hehe :)

 
At Thursday, August 27, 2009 10:42:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Randy,

Paano ka nakakuha niyan ? Compli Ba? sino ang kinakausap doon sa Vibal ? sabihin mo bigyan din ako, gagawa ako ng Review para sa mga Bicolano Fans. mi idea ka ba ng retail copy kung magkano ?


Auggie

 
At Friday, August 28, 2009 2:03:00 AM, Blogger Randy P. Valiente said...

Romi & Auggie,

Malapit na rin naman siyang i-release, few weeks from now, dahil may launching sila sa this September, pinag-uusapan pa kung saan ang venue. Iri-relaunch na ang ulit nila sa Komikon sa October. Pero sure na available na sya sa Sept. Mura lang siya ay tiyak na kayang-kaya sa bulsa.

 
At Friday, September 04, 2009 11:32:00 AM, Blogger almardenso said...

tol, pede ba ko makisit in sa september workshop mo....thanks

 

Post a Comment

<< Home