HERITAGE
Pinadalhan ako ng isang kamag-anak sa ibang bansa ng isang libro na pinamagatang 'Heritage: Comics & Comic Art Auction'. Catalog ito ng mga old comics at original comic art sa Amerika. 300 pages ito ng mga images tungkol sa komiks at may singit din na mga original art galing sa mga sikat na animated films.
Ilan sa talagang naglaway ako ay itong mga original pages nina Hal Foster at Alex Raymond galing sa Prince Valiant at Jungle Jim noong 1930s.
May ilan ding original pages ni Alex Niño galing sa Space Clusters ng DC Graphic Novel na hand-colored.
Noong isang llinggo ay magkakasama kami nina Noly Zamora, Nestor Malgapo at Steve Gan sa Cubao. Isa sa mga napagkuwentuhan namin ay ang mga original pages ng komiks natin. Kuwento nila, noon daw sa Atlas ay parang basura lang talaga ang turing sa mga drawings. Kapag may naglalaro ng basketball sa loob ng bakuran ng Atlas ay ginagawa lang upuan at sapin ang mga ito. Kunsabagay ay inabot ko rin ang ganitong eksena sa Kislap noon, kung saan inaapak-apakan lang ang mga ito dahil nakahambalang lang sa daanan.
Siguro kung naitabi ang mga original pages na ito ay baka mas makulay ang pagbalik-tanaw natin sa nakaraan ng komiks art. At siguro kahit papaano ay may maipagbibili ang ilan nating illustrators ngayon na walang permanenteng hanapbuhay dahil nariyan ang Ebay o kaya ay sa mga mga kolektor.
Para sa iba pang impormasyon tungkol sa Heritage, narito ang kanilang website.
Speaking of Alex Niño, magkakaroon siya ng one-man exhibit na pinamagatang "Maidens, Moons and Monsters: The Imagined Worlds of Alex Niño" sa November 4-30, 2009 sa Kingsborough Community College, Brooklyn, New York.
Ilan lamang ito sa mga artworks na makikita:
Para sa ibang pang impormasyon at katanungan, puntahan ang Facebook account ni Brian Edward Hack.
3 Comments:
Ang di ko maintindihan noon, kapag nakita ka namang nag-uuwi ng mga nai-publish na na original art ay kukumpiskahin ng mga guwardiya. Nangyari ito noon sa GASI. Di ko alam kung bakit sinisita, e itatapon din lang naman nila ang mga artwork na ito.
Pati nung bandang huli na nagtitipid na sa tracing paper ang publication, di na gumagamit ng overlay para kulayan ang pages. Doon na mismo sa original art kinukulayan ng bara-bara gamit ay ordinaryong crayons lang.
May gulay...ginagawa nila 'yon?? Nakakapanghinayang naman kung bakit hindi naitabi ang mga likhang obra na sana'y mapapahalagahan ng bagong henerasyon..tsk.tsk.tsk.At nagtataka pa tayo kung bakit anhirap ipakita sa mga Pilipino na pwede ring seryosohin ang kapabilidad ng komiks na maging mahalagang media gaya ng tv para sa lahat. Kung nung araw parang lumang dyaryo lang pala ang tingin sa mga orihinal na mga dibuho, hindi na nakakapagtaka.
naabutan ko rin yung di binigyan ng importansya ang drawing..nakasama moko minsan sa publication.ganun nga ang sitwasyon.sayang!
Post a Comment
<< Home