Monday, September 21, 2009

ANONG MERON SA PILIPINO?

Nang ipakita sa akin ni Jess Noriega ang mga cover na ginawa niya ay natawag ang pansin ko sa komiks na ito na may pangalang Pilipino Thriller Komiks, gawa ito ng Soller Publications, at anim na taon nang lumalabas sa isyung nasa itaas.


Nakapagtatakang hindi man lang naghabol ang Ace Publications (Atlas) nang panahong iyon samantalang mapagkakamalan mo talagang Pilipino Komiks sa lettering at laki ng letra.

Ito namang Pilipino Klasiks ng Midget Publishing House ay puwede sigurong makalusot kung magkakademandahan dahil mas malaki ang salitang 'KLASIKS'.

Naalala ko lang dahil nang maglabas ng Filipino Komiks ang Rising Star dalawang taon na ang nakararaan ay may banta ang Atlas na magdedemanda dahil sa maari daw ipagkamali ang salitang 'Pilipino' sa 'Filipino'.

Pero paano naman itong Pilipino 'Ang Babasahin ng Bayan' na inilabas ng Philippine Free Press na ang format naman ay parang magasing Liwayway? Hinabol kaya ito noon ng Ace?

At para maging 'safe' na lang ang paggamit ng Filipino Komiks, ay inilabas na lang ni KC Cordero (editor din ng Filipino Komiks) ang Filipino Independent Komiks.

Maging ako, nang una kong maisip ang Pilipino Komiks Rebyu, ay bigla akong natigilan. Hindi kaya habulin din ako ng Atlas?

Pero kung ako ang tatanungin, baka mas habulin ko pa itong Pilipino Man's Magazine. Biruin mo ba namang ipangalandakan mo pa na ang magasin na ito ay para lang sa mga malilibog na Pilipino.

*****

Two weeks ago ko pang tapos ang Pinoy Komiks Rebyu. Sa mga hindi nakahabol ang article ay puwede naman sa susunod na isyu. Ang tungkol dito ang iba-blog ko sa susunod.

1 Comments:

At Tuesday, September 22, 2009 1:17:00 PM, Blogger kc cordero said...

ka randy,
personal ang dahilan kung bakit ako lang ang hinabol ng atlas. idinemanda ko kasi sila sa paglabag sa copyright law noong 1997 at sobrang napahiya sila kaya nang makakita ng pagkakataon, bumawi.
kaya magandang development ang indie comics industry. kita mo, hindi na nila ako nahabol uli. kung magdedemanda sila, eh, online ang address--saan nila ipadadala ang demand letter, hehe?

 

Post a Comment

<< Home