JESS NORIEGA EXHIBIT PICS
Nakadaan ako sa opening ng exhibit ni Jess Noriega sa Sigwada Gallery. Ako lang ang tagakomiks na nagpunta dahil ang pagkakaalam ko ay maraming activities na naganap kahapon, may launching ng komiks si Danny Acuña sa Bookfair sa MOA SMX at huling lamay ni Roger Miralles, parehong hindi na ako nakapunta sa dalawang ito dahil maghapon din ang lakad ko.
Bilib ako kay Mang Jess dahil 1982 pa daw siya tumigil sa paggawa ng komiks pero naipon niya ang lahat ng kanyang gawa, ipinakita pa niya ang compilation ng mga gawa niya mula noong 1960s nang nagsisimula pa lang siya.
Aksidente lang pala ang dahilan kung bakit nakapag-exhibit si Mang Jess, nananahimik na lang daw sana siya sa bahay at inaalala na lang ang nakaraan niya sa komiks. Mayroon siyang maliit na carwash at art shop sa Cainta nang magpa-carwash doon si Luis Singson (nag-organize ng exhibit), nakita nito ang ilang artwork ni Mang Jess na naka-displey, at iyon na ang simula ng komunikasyon nila hanggang sa mabuo nga ang exhibit.
Maraming salamat kay Luis Singson sa pagbibigay ng panahon para muling maipakilala sa marami ang mga limot ng komiks creators. At maraming salamat din kay Ma'am Cecile Pagaduan (may-ari ng Sigwada Gallery) sa paniniwalang dapat mai-displey din sa mga galleries ang gawa ng mga tagakomiks. Mabuhay kayo!
Para sa ibang pang litrato, puntahan ang site na ito: Jess Noriega Exhibit Pics.
1 Comments:
Sir Randy! maraming salamat po talaga sa pagdalo!:D - luis
Post a Comment
<< Home