MGA SANTIAGO SA KOMIKS
Ang pinakakilala na siguro ay si Hal Santiago, Rod Santiago at Ernie Santiago, hindi naman sila magkamag-anak, nagkataon na lang pareho ng apelyido.
Ang sumunod ay si Larry Santiago (hindi rin kamag-anak ng dalawa), ngunit naging assitant ni Hal Santiago. Kasama na diyan ang mga kapatid ni Larry na sina Rey at Roel na pareho ring nagsimula sa komiks na ngayon ay magkakasama na rin sa animation.
Sa mga naging anak ni Hal Santiago, sina Joseph Christian at Arthur Tristram ang nakapag-drawing sa komiks.
Kagabi ay ipinakita sa akin ni Sir Hal ang ilang sample ng isinulat ng kanyang bunso na si Katwin. Dugong writer at artist talaga ang bata. Nag-aaral ito ng nursing at kung minsan ay nagta-tattoo.
Narito ang maikling article tungkol kay Katwin Kelsene Santiago: FOR THE LOVE OF INK. At narito naman ang interview sa kanya: TATTOO 101
Naalala ko noong 1989 nang nakatira pa ako sa bahay ng mga Santiago sa Pasay, ay kinakarga-karga ko pa itong si Katwin noong baby pa. Lumaki itong talentado at magandang bata. Noon ding taon palang iyon ay may ginagawang nobela si Hal Santiago sa Pinoy Klasiks na may pamagat na 'Katwin en Dolly', ang bida dito ay ang batang si Katwin at si Dolly naman ay isang kabayo.
6 Comments:
sya ba yung nasa picture pards?
naalala ko rin nung isama mo ako sa bahay ni sir hal, at nabanggit mo rin ang bata(katwin), maliit pa sya nun.
may istilo sa larangan ng pagpintura gamit ang tinta...mahusay!
Yup, siya yang nasa pic. dalaga na no.
Naalala ko din yan si katwin minsan nung nagkukwentuhan kami ni Mang Hal. Sa sobrang likot nung tumatawid siya sa isang bangko ay biglang nahulog. hehe. Pero hanga ako hindi umiyak nung nahulog. :P
Diyosmeh mga gurang na talaga tayo.
Tama ka Reno, ang tatanda na natin. '88 ko unang nakita si Katwin kina Mang Hal, bago bago pa lang natututong maglakad :-)
FYI. Registered nurse si Katwin at talagang mga talented artists ang Santiago clan na ito.
Hello,
Oh this is interesting (but sort of embarrassing)! I did not know I am here. But thanks anyway.
Hey Katwin :) Kumusta mo ko sa Papa mo. Di na ako nakakadalaw sa inyo matagal na
Post a Comment
<< Home