ZUMARA AT IBA PANG PANINIWALA SA MGA KAKATWA
Nag-sponsor ang Pinoy Komiks Rebyu ng trophies sa isang environmental-beauty contest sa Pozorrubio, Pangasinan. Naimbitahan din ang inyong lingkod para maging judge ng naturang contest. Fiesta sa lugar kaya maraming palabas sa plaza. Isa sa nakatawag ng pansin ko ay itong 'freak show' na may pamagat na 'Zumara'. Wala akong ideya kung ano ang makikita sa loob dahil hindi ako pumasok, pero malinaw na naging inspirasyon nito ang Jim Fernandez' character na si 'Zuma'. Base sa litrato ay may 'babaeng ahas' na makikita sa loob.
Noong bata pa ako ay interesado rin akong makakita ng ganito. Isa sa napanood ko noon ay ang 'babaeng isda', na hindi ko masyadong naaninaw dahil madilim. Isa rin sa hindi ko makakalimutan ay ang 'taong pawikan', pero nang makita ko ay dispalinghado lang ang mga paa at walang tuhod na mukha nga namang paa ng pawikan.
May isang nakatutuwang video na ipinakita ang 'The Skeptic' magazine editor na si Michael Shermer tungkol sa pagkahilig sa paniniwala ng mga tao sa mga kakatwang bagay.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home