ANG GILINGANG BATO
Isa rin sa hindi ko makalimutang maikling kuwento ay ang 'Ang Gilingang Bato' na isinulat ni Edgardo Reyes para sa magasing Liwayway noong 1972. Nang una ko itong mabasa ay hindi ako masyadong fan ng mga kuwentong may 'twist', gaya ng gawa nina Guy de Maupassant at O'Henry. Pero nang mabasa ko ito ay naging automatic na sa akin na mag-isip ng kakaibang 'end twist' sa aking mga sinusulat na kuwento. Parang nakita ko ulit ang kagandahan ng kuwentong may twist sa dulo.
Kung maari ko nga lang ilagay dito ang buong kuwento ng 'Ang Gilingang Bato' ay malalaman ninyo ang sinasabi ko. Sa unang pagtakbo ng kuwento ay aakalain mong 'straight-forward' lang ang pagkaka-deliver. Matatanim na rin sa isip mo kung ano ang magiging ending. Pero bigla kang matitigilan sa huli. Tapos ay manghihinayang ka, malulungkot, magagalit ka sa mga karakter.
Saka mo lang mari-realize, nagbabasa ka lang pala ng kuwento. Ng isang napakagandang kuwento.
Sa maikling anecdote ni Reyes tungkol sa kuwentong ito, binanggit niya na ito yung panahon na inalok siya ni Tony Velasquez (noo'y general manager ng GASI) na maging editor, hindi niya lang nalinaw kung sa komiks o sa magasin, pero tinanggihan niya.
Naisip ko na siguro kung may mga kuwentong Filipino ako na gagawing komiks ay baka isa ito sa unahin ko.
7 Comments:
Randy:
Ang bagong twist sa twist ending or surprise ending ay – DOUBLE TWIST. Mangilan-ngilang best sellers na ganito ang trend at kinakagat ng mga readers.
Kung logical naman ang delivery, okay lang ang "twist" kahi't lipas na ito sa panahon, kaya naman binigyan ng bagong twist na gawing DOBLE TWIST. Mag-come bck din kaya yung sayaw na twist? LOL.
:)
Isa pa sa mga kwento ni Edgardo Reyes na nagustuahan ko ay ang kuwentong kabilang sa antolohiya ng "Mga Agos sa Disyerto", ang "Lugmok na ang Nayon." Napakaganda ng depiksyon kung paanong ang ating pagiging 'hospitable' ay nagkaroon ng kakaibang anglo. May isa pa na hindi ko na matandaan pa ang titulo ngunit tungkol naman ito sa magkaibigan ngunit ito'y nasa second point of view..
Ano ba nga yun?
Jayson-
Maganda nga rin yang Lugmok na ang Nayon. Nabasa ko rin yan. Rebyuhin ko rin yang sinasabi mo na tungkol sa magkaibigan. Hindi ko na maalala. Iyan yata iyong magka-boardmate na nagkita ulit?
nasubaybayan ko ang 'laro sa baga' sa liwayway, medyo malibog na nobela. may anthology si ka edgar medyo mahal nga lang... naroon din ang mga karanasan niya nang mag-aral sa ust at kailangang mag-enroll sa rotc at pilipino 1 kahit editor na siya ng liwayway at may mga awards na.
kuya kc-
pinablis ng buong libro ang 'laro sa baga', ang haba. nakabili nga ako. wala na yatang kopya ngayon.
hindi ko pa napanood ang movie version nito starring ara mina.
maganda rin yung laro sa baga..malalim din yun, nung una pinanuod ko lang yun dahil kay ara mina...
Nabasa na ko rin po ang isa niyang nobela, Ang Mundong ito ay Lupa na ipinahiram sa akin ng kaibigang Alex Areta. Nagkasundo kami na ang istorya ay nadala lamang bunga ng pagiging beterano ni Ginoong Reyes, may twist sa dulo at susundan mo lang ang nobela dahil nais mong malaman kung kailan madi-devirginize ang bidang babae. Yun nga lang nakakadismaya ang kanyang karanasa sa huli. Sana ako na lang ang yumari sa kanya. Enjoy sana siya! Hahaha! Joke lang po!
mabuhay ka Edgardo M. Reyes! ^_^
Post a Comment
<< Home