Monday, January 25, 2010

VERY POOR


Nai-feature ni Hans Bacher sa kanyang blog, Disney animation director and book author, ang pintor na si Mauro 'Malang' Santos. Masarap malaman na hindi lang mga pintor mga nakaka-appreciate ng trabaho ng ating magagaling na fine artists, maging ang mga nasa foreign animation man.

Ang nakatawag lang sa akin ng pansin ay nang banggitin niya ang tungkol sa Pilipinas na: 'it is a very poor country'. Hindi lang basta poor, very poor pa.

Sa mata ng isang European (German si Mr. Bacher, kung hindi ako nagkakamali) na nakaikot na sa iba't ibang panig ng mundo, at nakasalamuha na ang iba't ibang lahi ng tao, at napagmasdan na rin ang iba't ibang kultura, mukhang hindi na natin kailangan pang magbalat-sibuyas. Tama si Mr. Bacher.

Kaya ano ang kailangan nating gawin? Ngayong malapit na ang eleksyon?

Magbantay. Magsuri. At gawin nating makabuluhan ang ating boto.

8 Comments:

At Tuesday, January 26, 2010 12:12:00 AM, Blogger kc cordero said...

randy boy,
hindi mahirap ang ating bayan, nasa isip lang 'yan ng mga ibang kababayan natin at ng ibang dayuhan.
maraming mas murang bilihin dito sa atin. mura ang services--communication and transportation. mura ang pagkain kaya ang mga koreans ay dito nagtatakbuhan, they love our very affordable noodles.
mura ang cable tv. kahit basusero ay may MP3. kahit bulag may cellphone na 3G.
mura ang motorcycle, P18k lang may mabibili na.
tayo lang ang bansang third world na may mga pumipila pag may product launch ang apple.
P1,500 lang makakabili ka na ng second hand pentium 4 desktop. at kahit barung-barong, may wi-fi.
mura ang drugs. ang P100/sachet ng shabu ay 24/7 ang amats--or longer.
nakakabili tayo ng billion-worth of computers na gagamitin sa halalan.
at marami pang iba. hindi baga at ang mga pensyunadong kano ay sa cavite at pampanga naninirahan at nag-aasawa ng pinay para ma-enjoy ang kakarampot nilang US government allowance?
hinahayaan ng ating pamahalaan na maging 3rd world ang tingin sa atin ng mundo para hindi tayo maghanap ng basic needs na dapat nilang i-provide sa atin, hindi 'yung tayo ang nagpapakahirap on our own just to survive--at mabuhay nang masarap.
sabi nga ng mga negosyanteng nakausap ko: "putang inang gobyerno ni gloria ito, hirap na hirap na kami sa pagsalo sa mga problema niya. kami ang nagpapasan ng mga depekto!"
agree naman ako sa 'yo na ngayong halalan ay magboto naman tayo nang tamang kandidato.

 
At Tuesday, January 26, 2010 1:47:00 AM, Blogger Randy P. Valiente said...

Siguro dahil nasa city tayo at hindi natin gaanong nararamdaman gaya ng mga nasa probi-probinsya.

Naniniwala ako na sapat ang resources natin para supplayan ang lahat ng Pilipino, kailangan nga lang nating hanapin kung nasaan ang mga ito.

 
At Tuesday, January 26, 2010 4:37:00 AM, Anonymous Mr. Rambutan said...

Yang mga binanggit ni KC e nangyayari lang sa mga mabilang-bilang at kokonting "urban centers" ng Pilipinas. Kaya dingkong KC, wag mo sanang lahatin ang Pilipinas. 7,501 isla ito. Ang Metro Manila (mula Valenzuela hanggang Muntinlupa) ang pinakamalaking urban center ng bansa.

Tama si Randy. Karamihan mahirap sa Pilipinas. Wala na halos ang middle class. Dumami ang mahirap kesa sa kokonting mayayaman. Kung ayaw maniwala ni KC, alamin nya ang average income ng nasa URBAN at Rural areas. Makikita niya ang BABA kaya napipilitan ang maraming negosyante na magbenta ng mura o patiki-tiki at maramihan para makabawi.

 
At Tuesday, January 26, 2010 5:59:00 AM, Anonymous Reynaldo Laquindanum@yahoo.com said...

Siguro mura ang mga bihilin para doon sa may mga kaya sa buhay. Kung ordinaryong empleyado ka lang, saan ka kukuha ng ipambibili mo? Sa kakarampot mong suweldo ay laging kulang. May pinsan akong nakatira sa US, yung mga poor daw doon ay may mga welfare dollars monthly, may mga kupon na bigay ng gobiyerno kaya hindi sila nagugutom. Dito sa atin, kay daming gutom na tao. Yung isang basong Starbucks, ang presyo ay tulad ng sa US. Makayaya ba namin ito? Sa mga taga US na nagtatrabaho, patuka sa manok ang isang Starbucks dahil sa laki ng agwat ng suwelso nila sa suweldo natin. Isa pa, kapag may anak kang nagkasakit, bahala na ang Diyos kung maipagagamot mo ito sa ospital. Hindi po ganto ang lagay sa US. Yung mga nagre-retirong Americano dito sa atin ay sapat po ang mga pension na tinatangap nila sa kanilang retirement. Dito po sa atin, ang retirement na bigay ng GSIS at SSS ay kulang pang ibili ng pang-araw-araw na kakanin. Huwag po nating dayain ang ating mga sarili sa ating bansa. Tayo'y mahirap at walang maaasahang tulong sa ating gobiyerno, di tulad po sa US at iba pang mayayamang bansa. Tayo pong lahat na mahihirap dito ay mga isang kahig isang tuka.Isa lang ang magkasakit sa pamilya ay tiyak na isasaasa na lamang natin ng lahat sa habag ng Poong Maykapal.

Reynaldo Laquindanum

 
At Tuesday, January 26, 2010 6:21:00 AM, Blogger TheCoolCanadian said...

Randy:

Actually, mayaman ang Pilipinas sa natural resources, pero marami dito ay hindi masyadong na-ta-tap. Tapos, kung may nakukuha mang resources ang gobiyerno, mahigit sa kalahati ay napupunta sa bulsa ng mga corrupt na politikos. Kung may isang leader lamang na magpasakit at hindi magnakaw, tiyak na bubuti ang lagay ng mga mahihirap. Ayon sa United nations, ang Pilipinas ay ika-70 sa listahan ng 100 na mga pinakamahihirap na bansa sa mundo. Nag-tie ito sa Turkmenistan, Cape Verde at Dominica.

Ang pinakamahihirap na bansa ay nasa Africa.

Kung magbabago ang ating mga politiko at huwag mangnanakaw, baka mas lumayo ang number ng Pilipinas sa mga mahihirap na bansa.

Noong ang pangulo ng bansa ay si Diosdado Macapagal, ang Pilipinas ay naging pangalawa sa yaman sa Japan. Ngayon, nasaan na ito? Natalo ng China, natalo ng Singapore, natalo pa ng Thailand. At bakit naging mayaman noong 1960s ang Pilipinas? Hindi mandurugas si Diosdado Macapagal. Isa siyang taong may prinsipyo. Ni hindi ito pumayag na gamitin ang nepotism. Ngayon, yung anak niya, wala akong masasabi. Nakasusi na lang ang aking mga labi, ta masisisi ko ba si Dikong KC kung magmura ito? He-he.

Pero hindi pa basted ang baraha ng masang Pinoy. Puwedeng-puwede pa itong bumangon. Basta magbago lang ng mga pag-uugali. Halimbawa, paramaging malinis ang anyo ng bansa, bakit kinakailangang magtapon ng basura sa kung saan-saan? Bakit iihi sa tabi-tabi?
Maliliit na bagay lamang ito, subalit napakalaki ng magahawa nito sa image ng bansang Pilipinas. Iyon na nga. Magbgo ang mga Politiko, magbago rin ang mga mamamayang sibilyan. umawa ng mga laws na may kabuluhan, yung pakikinabangan ng lahat – kaysa mag-aksaya ng panahon at salapi sa mga bagay na walang kapararakan, na tulad ng Hayen Kho-Katrina Halingling affair na dapat lamang iyon maiwan sa loob ng silid na pinagyarihan ng kaligugan. Huwag botohan ang politikong nagpalaki sa isang isyung walang kabuluhan. Ang mga katulad nila ang hindi makakatulong sa ikauunlad ng bansa. Tiyaking PALITAN ang mga iyan ng mga tulad ni Isko Moreno. May pagpapakasakit para sa bayan.

Hindi nga pala ako spokesperson ni Isko, ginagawa lang natin siyang isang halimbawa.
:)
Kaya tama ang dikong KC na sabihing hindi mahirap ang Pilipinas. Mayaman ito sa katotohang may resources na pakukunan. Ang problema ay kung saan ba napupunta ang pondo kapag naging salapi na ang resources.

 
At Tuesday, January 26, 2010 11:46:00 AM, Blogger TheCoolCanadian said...

Ay, akala ko, DIKONG ang tawag, DINGKONG pala, ayon kay Mr. Rambutan.
Buweno, mula ngayon ay tatawagin ko nang Dingkong KC si ginoong Cordero. HHHH. Pasensiya na kayo at hindi kasi ito nakalagay doon sa Supremong Kapre's Drawing Blog kaya nagkamali ako.

Para naman kina Monsieur Rambutan at Laquindanum, totoo rin ang sinabi ni Mr. Laquindanum na may mga pension nga ang matatanda. Sa US ay pinagsama nila ang lahat ng pension sa tinatawag na OASDI (old age, survivors and Disability insurance). Dito naman sa Canada, bawa't retiree ay tatlo ang tatanggaping pension:
• Old age (bigay ng gobiyerno _ Federal)
• CPP - Pension plan taken from your contribution during your working years.
• Comapny pension - pension accumulated from service to a company.

Ngayon, kung ikaw ay tinatamada magtrabaho noong bata ka pa, at ngayon ay matanda ka na, wala kang makukuhang Company Pension kasi nga di ka nagtrabaho. Pero dalawa pa ring pension ang makukuha mo.
• Old age
• Guaranteed income
Itong mga pension na ito ay tumataas kapag tumaas na ang standard of living. Kaya hindi ka magugutom dahil laging sapat ito na ikabubuhay mo.

Tapos, ang Medicare dito ay universal. Magkasakit ang pamilya mo, wala kang babayaran sa ospital. Ang tanging gagawin mo lang paggaling ng karamdaman mo ay umuwi sa iyong bahay.

Pero, may sariling yaman ang Pilipinas. Kaya makinig kayo sa kampanya ni Randy Valiente. Pakalimiing mabuti ang pagboto. Kung kinakitaan na ninyo ng mga pandaraya o pagnanakaw ang isang kandidato, itapon ninyo ito sa dagat-dagatang apoy nanag sa gayon ay huwag na nitong hilain pa sa apoy ang bansa at matupok nang tuluyan.

Huwag bale-walain ang halahang ito. Importante ito sa kinabukasan ng mga ank ninyo at ng mga anak ng inyong mga anak.

Huwag masilaw sa kaunting halagang iabot sa inyo ng mga walang pitagang politikos. Nasa mga kamay ninyo ang pagbabagong ninanais ninyong mangyari para sa inyong bansa.

Siya nawa.

 
At Wednesday, January 27, 2010 11:24:00 AM, Blogger kc cordero said...

JM,
napamura pala ako, hehe. pero sinabi lang naman 'yun ng mga negosyante at na-print ko lang.
honestly, hindi talaga mahirap ang pilipinas.
madalas ako sa mga urban areas dahil dati ako nag-UG noong bata-bata pa.
ano ang aking natuklasan?
maaga pa nasa bingguhan na ang mga tamad na iskwater.
sa halip mamalengke, bumili ng itlog, kamatis, dahon ng malunggay, konting galunggong para mas masustansya ang kain, sasabihin sa anak: bumili ka na lang ng noodles at buhusan mo ng mainit na tubig para may almusal na kayo.
ganito ang sistema hanggang hapon.
pag may napadaang media, maglilitanya ng kahirapan ng buhay.
e, paano kikita kung nagbi-bingo lang? at hindi ba't isang himala na kahit walang trabaho at bingo, tong-its at tsismis lang ang gawa sa maghapon ay kumakain pa rin ng 3 beses isang araw--puro noodles nga lang.
ang problema sa pilipinas ay maraming tamad at reklamador.
sorry po uli kung napamura :)

 
At Sunday, January 31, 2010 11:06:00 PM, Anonymous Anonymous said...

KC,

Totoo iyang obserbasyon mo lalo na sa Kamaynilaan. Pero ang roots of poverty talaga natin eh dahil napakadami na natin! malapit na tayo sa 100 million. Yung Sinasabi ni JM, na pangalawa tayo sa Japan noong panahon ng erpat ni GMA, ang population yata natin noon eh 30-35 million lang kaya kayang kaya natin magbuhay mayaman noon. Ang Simbahan eh ayaw ng Birth Control, pero wala naman silang maibigay na financial aid sa mga faithful, samantalang napakayaman nila.Ang corruption naman, eh exacerbates the Poverty dahil imbes na mapunta sa social services for the benefit of the citizens, eh sa bulsa ng ilan napupunta.


Auggie

 

Post a Comment

<< Home