Sunday, January 24, 2010

TULAAN SA TREN

Kung kayo ay madalas sumakay sa LRT Line 2 (byaheng Recto-Santolan), siguro ay napapansin ninyo ang mga nakapaskil sa loob ng tren na tinawag na 'Tulaan sa Tren'. Mga Spanish poems ito na naka-translate sa wikang Filipino, nakasulat din ang: 'Espanya, malapit sa ating kultura. Just a station away'. Pinatutunayan lang nito na dahil nga sa tagal natin sa ilalim ng pamahalaang Kastila ay hindi na natin malaman ngayon kung iyong kultura bang ginagamit natin ay likas at orihinal bang sa atin o sa mga Kastila mismo.

Gusto ko ang ginawang ito ng pamunuan ng LRT dahil bukod sa nalilibang na tayo sa ating paglalakbay ay mayroon pa tayong natututunan.

Isang maikling tula ang hindi ko makalimutan na kahit makailang beses ko nang nabasa ay inuulit-ulit ko pa rin kapag nasa loob ako ng tren. Hindi ko masyadong kabisado ang pagkakasulat pero malapit-lapit sa ganito:


'Nang tayo'y maghiwalay ay pareho tayong nawalan,
Ako dahil lubusan akong nagmahal sa iyo,
At ikaw dahil ikaw ay nagmahal sa akin.

Ngunit sa ating dalawa, ikaw ang mas nawalan,
Dahil kaya kong magmahal ng iba tulad ng pagmamahal ko sa iyo,
Ngunit hindi kayang magmahal ng iba tulad ng pagmamahal ko sa iyo'


Hindi ko na rin matandaan kung sino ang nagsulat. Mas naging interesado ako sa pakahulugan ng tula. Napakagandang pagkunan ng inspirasyon.

6 Comments:

At Sunday, January 24, 2010 10:47:00 AM, Blogger TheCoolCanadian said...

Randy:

My favorite Spanish poet is Federico Garcia Lorca. His poetry is quite picturesque and the images he used in them made his poems very powerful.

One of his poems called Little Viennese Waltz was arranged and sung in English by another well-known modern poet, Leonard Cohen. The images used in TAKE THIS WALTZ are indeed typical of Lorca's poems.

Here's Adam Cohen's Spanish version:
www.youtube.com/watch?v=oAd_POWWGXE&feature=PlayList&p=EE352126ED6B83D6&playnext=1&playnext_from=PL&index=10

and here's Leonard Cohen's English version:
www.youtube.com/watch?v=JQm1OmLMNno

 
At Sunday, January 24, 2010 12:09:00 PM, Blogger Randy P. Valiente said...

Nice. Thanks for the links, JM.

 
At Monday, January 25, 2010 7:30:00 AM, Blogger melcasipit said...

ayos yung tula! nakarelate ako agad! hahaha. baka ilagay ko sa FB one time. salamat sa pagbahagi.

 
At Monday, January 25, 2010 9:50:00 PM, Anonymous Anonymous said...

madalas kong mabasa 'yan, madalas kasi ako sa lrt ngayon pag nagpupunta ako sa dzrh... napansin mo rin pala.
maganda nga.

 
At Friday, December 03, 2010 1:37:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Tulaan sa Tren is sponsored by NBDB. It's purely Philippine Literature.

The Filipino-Spanish poetry you wrote about is by Instituto Cervantes.

 
At Monday, December 06, 2010 3:45:00 PM, Anonymous Anonymous said...

...and it's called Berso sa Metro.

 

Post a Comment

<< Home