TOTI CERDA's PAINTING EXHIBIT
Matagumpay na naidaos ang launching ng painting exhibit ni toti Cerda sa Art Center sa Megamall. Halos walong taon nang hindi nagkikita ang mga dating magkakasama sa komiks. Sa ganito ng mga event na lang kami nagkakabalitaan. Kabilang sa mga nagsidalo sina Larry Santiago, Rolan Guina, Rey & Rod Macutay, Ron Amatos, Rommel Fabian, Lui Antonio, Noah Salonga, Elmo Bondoc, at iba pa na hindi ko na maalala ang mga pangalan.
Kapapanalo lang ulit ng award ni Toti at siya ang naging grand prize. The best ka talaga, Toti!
Rommel Fabian, feeling nasa Luneta.
Isa sa pinakagusto ko sa mga naka-display. Tingnan niyo ang tubig.
Ang mga Glasshouse Graphics boys.
Ron Amatos, Rod & Rey Macutay, Rommel Fabian, Elmo Bondoc at Noah Salonga.
Wag nyo nang tingnan ang mukha ko, tingnan nyo na lang ang mga painting ni Toti sa likod.
Ako, Larry Santiago at Elmo Bondoc.
Group shot.
Entrance ng Art Center.
Group hug naman kayo!
Toti Cerda at Rolan Guina.
9 Comments:
ano na ang ginagawa ni Larry Santiago ngayon? sayang, pwede rin sya sa mga superhero comics.
Nagli-layout siya sa animation. Okey naman ang lagay nya dun, pero nang malaman nya na ang dami nang mga Pinoy na nagku-komiks sa U.S., parang gusto nyang subukan. Saka tingin ko madaling makapag-adopt ang style ni Larry parang si Lan Medina, hindi siya mahihirapan sa mga hinahanap ng US publishers.
Congrat's kay Toti Cerda sa kanyang show! Randy kamusta na? I always visit your blog, very informative. Remember me 'yung nag tanong ng number ni Ernie Patricio? Na mis place ko 2L, pasensya na. kung pwede padala mo ulit. And by the way do you happen to know Frank “Paking” Verano, head ng Saturday Group? Kailangan ko rin sana ang contact address nya. Pakisuyo lng. Medyo parang active ka kasi sa mga pintor dyan.Uncle ko si Frank. Salamat uli't Randy.
Hi Edbon,
I already sent you an email.
ang gwapo mo pala sa picture.. crush na kita..eyeball tayo pwede?
sayang hindi ako nkapasyal dyan,anyway tapos nb exhibit ni toti?,malaki talaga ang karunungan ng bawat isang artist,at ramdam ko ang kasiyahan ng iba,at ngiging daan ito para magtagumpay ang isang artist gya ni toti,taas ang kamay ko!congrats!!!
hello ever,
one week ang exhibit. pwede ka pang humabol.
walang nagsabi sa akin, sayang sana pumunta rin ako hay...
Galing talaga ni Toti!
Ang pangalan ko ay Alvin Sabas, kapatid ako ni Gil Sabas, minsan ding nahilig sa pagdo drowing, hindi ko kapalaran...dito ako ngayon sa California USA Project Consultant sa Wireless Telecommunication. wala lang naisipan ko lang mag search sa google at lumabas nga itong mga tropang malulupit ang mga kamay. Tayo lang pinoy ang may ganyan. mayron sa America pero sablay...iba ang utak at imahinasyon ng pinoy! mabuhay tayong lahat!..Kumusta kay Joven Gapuz, Ninong Mel Almeda, Kuya Gil sabas, Dennis Almeda, Nestor Tantiado, Elmo Bondoc, Lucas Gimenez, at sa lahat!..
Post a Comment
<< Home