ONDOY EXPERIENCE
Ngayon lang kami nagkaroon ng kuryente simula pa kahapon ng tanghali. Kanina lang din nabalik ang phone line ko. Pero habang sinusulat ko ito ay wala pa rin kaming tubig. Dalawang araw na kaming walang tubig, pero binaha ang lugar namin ng hanggang bewang.
Isa sa hindi ko makakalimutang karanasan sa bagyo ay itong Ondoy.
7 Comments:
taas na ng lugar sa inyo, sa parteng bulacan ganun din ang nangyari, umabot din ng hanggang beywang.
Mabuti at hindi lagpas tao ang baha dyan sa lugar mo. Kawawa ang iba nating kabayan dahil 2 days na hindi pa sila nakain at walang tubig, ang iba hangang ngaun nasa bubungan pa at wala pang rescue na dumarating.
T_T
Randy,
Na-break day ni ONDOY, ang record sa rainful noong June 1967. Iyun ang na-experience ko. Lampas second floor ang tubig sa bahay namin sa San Francisco del Monte, mga two meters na lang at aabutan na ako sa kisame, buti na lang tumigil. I could really EMPHATIZE, with the flood victims, dahil chronic victim din ako noon sa Frisco. Mababa yung lugar namin.
BTW ano ang balita sa Pasig, sa F.Antonio St.Bambang, matass ba ang tubig doon? anybody there who has information?
Auggie
Randy:
Ang suwerte lang natin diyan, eh, hindi malamig ang kapaligiran. Kung malamig, marami pa sana ang namatay sa hypothermia.
Dapat na kasing magbago talaga ng ways ang ating mga kababayan. Tigilan na ang pagtapon ng basura sa mga estero, sa tabi-tabi ng mga kalsada, at magtanim ng mga puno. Dapat i-encourage ng Metro Manila na ibalik yung mga puno sa kalye na tinanggal nilang lahat noon.
Kaso lang, may short memory nga ang ating mga kababayan. Nagugulumihanan kapag dumating na ang sandaling umalma ang kalikasan. Pero habang walang unos, ayun at walang habas na ginagawa ang lahat ng mali at makakasama sa kalikasan. By the way, mayroon pa bang tree planting sa mga estudyante at government employees diyan sa atin?
Naku, hindi na yata uso dito ang mga tree planting, kamakailan nga ay may protesta sa Pampanga at ilang lugar dito sa Metro Manila dahil pinagtatanggal ng MMDA ang mga puno.
kumsta na sir? sa amin lampas tuhod, pero mga street na daanan hanggang dibdib
Sabi nga ni Bayani sisihin daw sya at wag ang Diyos. Hindi lang naman si bayani ang dapat sisihin kundi ang mga taong kumakalbo sa mga mga kabundukan natin at ang mga taong nagtatapon ng basura, lalo na yung mga nsa squatter area. Nag pupumilit pumunta sa Luzon buti at nag babakasali, kung ako sa kanila doon nalang sila sa probinsya nila, magtanim or mag business at pa unlarin nila buhay nila dun. Problema lang sila sa Luzon gawa ng mga basura nila at ang wala sa lugar nag pag squat nila sa hindi nila lupa. Mga pugad pa sila ng masasamang loob, ayan tuloy pinaparusahan na sila. Sana magising na silang lahat at bumalik sa pinangalingan nila dahil sa huwebes meron pang isang bagyo na parating, kung mag mamatigas sila harapin nila ang tigas ng kalikasan. >.<
Post a Comment
<< Home