ARTWORKS FOR A CAUSE
.jpg)
Dahil dito ay naisipan kong magbigay muli ng tulong sa mga kaibigan. Pakakawalan ko ang ilang drawings ko (gaya ng illustration na nasa ibaba) para ibenta sa Komikon, malamang na mag-drawing/sketch din ako para sa mga aatend. Ang lahat ng kikitain ko sa original drawings at sketching ay ibibigay ko sa pagtulong sa mga binaha.
.jpg)
Binabalak ko na rin na magbigay ng artwork para i-auction sa Komikon, maghahalungkat pa ako ng files kung ano ang puwede. Mayroon ding auction si Gerry Alanguilan sa Ebay para sa nasalanta din ng bagyo.
Ang unang litrato nga pala ay kuha ko sa cellphone camera mula sa itaas ng overpass. Nagpapatuyo ng damit sa bubong ang ilan nating kababayan na nabasa noong nakaraang bagyo.
*****
Napadaan kami kahapon (with Joel Chua, Ner Pedrina, Orvy Jundis, Danny Acuña at Jann Galino) sa 'Ideas Alive! A Seminar and Workshop on How to be a Media Creator' sa Powerbooks Megamall, kung saan nagsalita sina Budjette Tan (TRESE) at art entrepreneur Jomike Tejido (FOLDABOTS).
Maraming matututunan sa speech ng dalawa at maganda ring marinig ng mga komiks creators at iba pang creatives, para sa inspirasyon at kung paano natin isasabay sa panahon at pagkakataon ang ating mga creations at paano ito palalawakin.
Maganda siguro kung gawin din ito sa iba pang venue.
.jpg)
.jpg)
1 Comments:
Go Jomike!
Post a Comment
<< Home