Thursday, January 28, 2010

KUNG SUSUWERTEHIN KA NGA NAMAN

Matagal-tagal na rin na hindi ako nakakadalaw sa mga bookstores, kaya kanina, habang wala pang masyadong ginagawa ay nag-ikot ulit ako. Matagal at matiyaga akong maghanap ng libro, at swerte din naman na natiyempuhan ko ang mga ito:

Nakuha ko ang hardbound ng Dynamic Figure Drawing ni Burne Hogarth sa halagang P250, hardbound ng Bone ni Jeff Smith for P100 at 24 Seven ng Image Comics for P180.

Hindi ko sana kukunin itong 24 Seven, pero nang buksan ko ay talagang visual feast, kasama sa halos 70 contributors sina Adam Hughes, Eduardo Risso, Alex Maleev, Fabio Moon, Gabriel Ba, Ben Templesmith, at napakarami pang iba.

6 Comments:

At Thursday, January 28, 2010 11:55:00 PM, Blogger TheCoolCanadian said...

Randy:

Maganda nga iyang 24 Seven.
Mabuti naman at may time ka pang maghalungkat ng mga libro. Siguro kung dito ka nakatira, isa ka sa mga magiging regular na parokyano ng Writers conferences. Katatapos lang ng isa sa mga yearly conferences at ako'y nagpunta. Na-meet ko ang mga bagong authors na may mga best sellers na tulad nina Diana Gabaldon, Maeve Binchy at JK Rowling. Itong sina Maeve Binchy at Rowling ay tatlong beses nang nagpupunta dito.

Siguradong magpipiyesta ka sa mga libro sa ganitong mga okasyon. Ang nakatutuwa pa ay makakausap mo ang mga authors mismo, kaya straight from the horse's mouth ang info na mapupulot mo at nagkakaroon ka ba ng more comprhensive understanding ng mga libro nila.

Sana naman, huwag patayin ng computers ang mga printed books dahil isa ito sa mga nakapagbibigay sa akin ng tuwa sa mundo. Hindi talaga ako ganado magbasa ng libro electronically. Parang kulang sa koneksiyon. Ibang-iba yung binubuklat mo ang mga pahina. O baka isa lang na naman ito sa mga kaweirduhan ko?
:)

 
At Friday, January 29, 2010 3:13:00 AM, Blogger Randy P. Valiente said...

Medyo adik na nga rin ako sa computer, pero kahit minsan hindi pa ako nakapagbasa ng e-book. Hindi ako komportable na magbasa sa harap ng computer. Iba talaga ang papel.

 
At Friday, January 29, 2010 9:37:00 AM, Blogger Hazel Manzano said...

ok ah. sa national bookstore ba yan? kasi meron silang sale section or sa booksale?

 
At Friday, January 29, 2010 11:25:00 AM, Blogger Randy P. Valiente said...

hazel, sa booksale yung 24 seven sana hogarth. sa national yung bone.

 
At Friday, January 29, 2010 7:19:00 PM, Anonymous ROMIWORKS® said...

panalo ka sa burne hogarth ginto na ang librong yan - sa akin yung drawing the hands lang ang meron ako ni hogarth the rest puro printout na naka ring binder :)

 
At Saturday, February 06, 2010 2:22:00 PM, Blogger Solo said...

wow! ang tagal ko nang naghahanap ng copya ng Dynamic Figure Drawing. Meron lang akong printouts ng pdf file na nakuha ko sa net.

 

Post a Comment

<< Home