READY FOR KOMIKON
Handa na ang lahat ng dadalhin ko sa Komikon ngayong Linggo kaya may panahon na ako para puntahan ang mga events ng PICCA sa iba't ibang venue.
Php50 lang ang copy ng PINOY KOMIKS REBYU kaya huwag ninyong kalilimutan na magpunta sa table ko, malapit lang ito sa stage area. Magpapakawala ako ng maraming original art galing sa mga indie comics abroad pati na sa local, kasama na rin ang mga concept art at character designs para sa film, animation at games. Nagkakahalaga ito mula Php500 hanggang Php1,500. Mayroon ding mga colored prints na nagkakahalaga ng Php250. Magkakaroon din ako ng sketching/drawing ng kahit ano sa halagang Php100 per character/drawing. Kung kayo ay magpapa-drawing ng superhero ay magdala kayo ng reference, hindi ko kabisado ang costume ng mga superheroes kahit local.
Ang kikitain ko sa mga original artworks at sketching ay mapupunta sa mga nasalanta ng bagyong Ondoy at Pepeng.
Ngayong gabi (6pm) ang launching ng 'The First 100 Years of Philippine Komiks and Cartoons' ni John Lent sa Powerbooks ng SM Megamall. Nakapagpareserba na ako ng copy kaya hindi puwedeng hindi ko puntahan ang event.
2 Comments:
boss randy, mag babagsak ka ba ng mga kopya ng pinoy komiks rebyu sa mga komiks shops? di ako nakapunta sa komikon e.
Yup, yun ang aasikasuhin ko ngayong week na ito.
Post a Comment
<< Home