Sunday, November 14, 2010

RIP ERNIE GUANLAO


Sumakabilang buhay na po ang beteranong dibuhista ng komiks na si Ernie Guanlao noong nakaraang Miyerkules. Ilan sa mga nagawa niyang nobela sa komiks ay ang 'Kapag Nagalaw ang Pugad ng Isang Ibon' at 'Gumamela' parehong isinulat ni Joelad Santos. Ilan din sa mga nagawa niya sa American comics ay ang 'Secrets of Haunted House' at 'Withing Hour' ng DC.

Naging storyboard artist din si Guanlao sa 'G.I. Joe' noong 1985, 'Transformers' movie noong 1986 at 'The Real Ghostbusters' noong 1987.

Siya ay nakabase sa Amerika.