Wednesday, August 30, 2006

MHENG MY FRIEND

(Mag-relax muna tayo. Masyado na tayong matatalinong lahat, hehehe. Magbasa muna kayo ng isang karanasan ko, kinuha ko ito sa luma kong blog. Ipapabasa ko na lang ulit sa mga hindi nakabasa nito.)

Nakilala ko si Mheng sa isang madramang tagpo.

Araw noon ng miyerkules, singilan sa West Publication. Dumating ako ng 4:30 ng hapon, nag-uwian na ang ilang writers at illustrators na nakasingil. Pinakahuli ako sa pila, kaya nang matapos akong abutan ng kahera ng suweldo, wala na akong kasabaya palabas ng building.
Paalis na ako nang makasalubong ko ang isang illustrator, si Rommel Fabian, si Mheng, sa palayaw. Hindi ko siya masyadong kilala, nakikita ko lang ang mga gawa niya sa komiks. Estudyante siya ni Vic Catan Jr., halata sa kanyang estilo.
Nagbatian lang kami ng mata sa mata. Sabi niya pa, “Hintayin mo ‘ko, ‘tol. Meryenda tayo. Libre na kita.”
Ngumiti lang ako, sabay tango. Hinintay ko siya sa lobby.
Karamihan ng barkada ko sa publication ay puro matatanda. Masyado ko kasing mahal ang craft na napili ko kaya inakala ko na basta matanda ang nakakausap ko lagi ay tiyak na bibilis akong gagaling. Ang mga kasing-edad ko ay nakakasama ko lang sa inuman at kalokohan. Si Mheng, mas bata sa akin ng iilang taon, nagpupunta lang sa publication tuwing malapit nang magpasingil ang kahera. Madalas ay kasama niya ang kanyang girlfriend na talaga namang nililingon namin ng tingin pag dumadaan. Naging tampulan pa nga ng ilang illustrators kapag nakikita si Mheng, “Ang suwerte mo, a. Ang ganda ng syota mo. Pa’no mo napasagot ‘yan?’ Totoo naman, talagang pang-displey ‘yung babae.

Kaya naman taas-noo at angat-nguso si Mheng kapag naglalakad habang kasabay ito.Pero nang hapong iyon, nang yayain nga ako ni Mheng para mag-meryenda ng banana cue at palamig sa labas ng building, biglang tumulo ang luha sa mata niya.

Nagulat ako. Ni hindi ko pa nga talaga kilala ang taong ito, bigla na lang iiyak sa harapan ko! Ano ba ‘to, bading na ba ‘to o nababaliw na?

Nalaman ko ang totoo. “Inilayo sa ‘kin ng mga magulang ang syota ko, pare. Wala daw siyang future sa ‘kin. Porke ba mahirap lang kami at ganito ang hitsura ko?”

Hindi ko na kailangan pang ungkatin ang detalye. Kitang-kita ko sa mata ni Mheng ang matinding lungkot at galit. Alam ko na mahal na mahal niya ‘yung babae. Umiyak ka ba naman sa harap ng hindi mo kakilala? Natural na naghahanap ka talaga ng makakausap para mai-release ang lahat ng sama ng loob.

Magmula noon, dumalang na ang punta niya sa publication. Bihira ko nang nakikita ang pangalan niya sa mga komiks. Minsang nakikita ko siya, lulugu-lugo pa rin. Para pa ring binagsakan ng langit, lupa, impiyerno at purgatoryo. Hindi ko masisisi. Dala ng matinding depression.
Mga ilang buwan, sumisigla ulit si Mheng. Dumalas na ulit ang punta sa publication. Madalas na kaming magbatian, nagkakakuwentuhan na kami tungkol sa komiks at kung ano ang mga hilig namin sa buhay. Naging mag-classmate kami sa inuman tuwing pagkagaling sa singilan.
Marami kaming bagay na pinagkakasunduan. Bukod sa pareho na kami ng Zodiac sign, lagi pa naming pinag-uusapan ang tungkol sa drawing, sa music, sa kalokohan. Naging kabanda ko siya ng ilang taon, madalas kong maka-collaborate sa komiks, naging kasa-kasama sa mga gimikan at raket.

Sa komiks, si Mheng na ang sa tingin ko ang pinaka-close sa akin bilang kaibigan. Pero nitong mga huling buwan, hindi na kami masyadong nagkikita. Pag nagkakasama naman kami, hindi na kami masyadong nagkakausap. May pader akong nakikita sa pagitan naming dalawa. Pinipilit kong basahin ang isip niya. Siguro sinasabi niya, “Nagbago na ‘to si Randy, parang wala nang kakilala. Hindi man lang namimigay ng raket. Iba na ang pinagkakaabalahan, wala nang time sa barkada kahit minsan.”

Hindi ko siya masisisi. Ultimo kapatid ko nga, ang sabi sa ‘kin, bigla raw naging iba ang takbo ng utak ko.Nabawasan ang aking paglilibang, mas nakatutok ako sa trabaho.Pero nami-miss ko talaga ang mga barkada. Kung hindi nga lang kumakain ang tao, malamang ay hindi na ako magtrabaho at maghapon-magdamag na lang ako sa piling ng mga kabigan.
Kaya para kaya Mheng:

“HAYUP KA! THREE WEEKS NANG DELAYED ‘YANG DEADLINE MO SA ‘KIN! HINDI KA MAN LANG NAGPAPARAMDAM KAHIT TEXT! HULING SABI MO SA ‘KIN, SA LINGGO, TINUBUAN NA ‘KO NG UGAT, DI KA PA RIN TAPOS! SUSUNUGIN KO BAHAY N’YO E!!!!”

Saturday, August 26, 2006

CULTURE SHOCK

Gusto kong isa-isahin lahat ng topics ng mga comments na umuulan dito sa blog ko. Hindi ko na kasi mapigil dahil kung saan-saan na napupunta ang usapan. Okey lang naman sa akin kung ako ang tatanungin, pero makailang beses kong inisip kagabi, hindi kaya nababoy na ang blog na ito? Alam ko na hindi naman magkakakilala ang karamihan ng nagpo-post dito, at ang mga hindi magkakakilalang ito ay walang namang mawawala kung makipag-away sila kahit kanino dito. Pero naisip ko na, hindi dapat ito maging wrestling arena ng mga illogical at offensive na pananalita kundi maging discussions para mahukay pa natin ang lahat ng tungkol sa industriya ng komiks.

Ngayon, kung gusto niyo talaga ang makipag-away sa kung kani-kaninong tao, ibigay n’yo sa akin ang mga email n’yo isa-isa…at ibibigay ko kung sino ang gusto n’yong murahin. At wala na akong pakialam kung magpatayan pa kayo.

Joke lang. Anyway, magkukuwento lang ako tungkol sa ‘culture shock’ (hindi Culture Crash, lilinawin ko lang, baka kasi haluan na naman ng kung anu-ano). Ginawa ko itong personal para hindi ako makasagasa ng tao. Pero sana ay mabigyang linaw nito kung bakit ang mga nagku-comments dito ay wala pa ring pinagkakasunduan (well, wala naman kasing perpektong pinagkakasunduan sa mundong ito. Ultimo nga diyos, pinagdedebatehan din kung meron o wala). Kung may tatamaan man ako sa article na ito, pasensya na, pero ito ang view ko na nabuo ng mga experiences ko sa komiks industry. Saka naniniwala ako sa kasabihang, “Ang pagsasama ng tapat, ay pagsasama ng maluwat.” Sa madaling salita, honest akong tao.

MY FOUNDATION

Nakilala ko ang komiks, kinder pa lang ako, sa Odiongan, Romblon. Probinsyano ako na ang tanging libangan para maaliw ay ang magbasa ng komiks. Maraming arkilahan ng komiks sa lugar namin. Lahat ng sari-sari stores noon, may nakasabit na komiks. Pati bigasan, tindahan ng ulam, ng gulay at prutas. Napakalawak ng naaabot ng komiks noon. Marami akong kamag-anak na nakatira sa baryo at sa bundok (may mga kamag-anak akong magsasaka na nakatira sa mga bundok). Kapag napupunta ako sa kanila, nakakakita rin ako ng komiks sa kanilang mga taguan.

Ang komiks noon, abot ang pangkaraniwang Pilipino. Mapa-siyudad, at mapa-bundok.

Ang komiks noon, hindi lang kuwento ang natututunan ko. Pati ang kultura ng Maynila (hindi pa ako nakakarating noon sa Maynila). Probinsyano ako, pero lahat ng kuwento sa komiks noon ay nakaka-relate ako. Sa mura kong edad, grade 1, naa-appreciate ko na ang mga matured stories (well, hindi ko pa rin naman talaga ang alam ang definition ng mature sa hindi). Masa ang kuwento nina Pablo Gomez, Carlo Caparas, Mars Ravelo, etc. May mga writers noon na hindi ko masakyan dahil masyadong ‘advance’ ang plot ng kuwento, isa diyan si Jim Fernandez. Pero sa kabuuan, ‘yung komiks na binabasa ko noong bata pa ako, reflection siya ng bawat Pilipinong kilala ko. Mapa-fantasy, action, drama, ay tatanim sa isip mo na ‘Pilipino ito!’ kung nakikinig din kayo noong araw sa drama sa radyo na ‘Zimatar’, malalaman niyo na tama ako. Ang Zimatar ay kuwento ng isang prinsipe, adventures niya sa kung saan-saang kaharian, mga bruha, maligno, etc. I mean, fantasy ang lahat ng nasa Zimatar, pero maiintindihan mo ang mga characters, dahil sa loob ng diwa mo, nakaka-relate ka na ‘Pilipino sila’.

Grade 6 nang makarating ako ng Maynila. Medyo nag-aadjust pa ako sa kultura ng siyudad. Bagong kalaro, bagong kaklase, naninibago pa ako dahil kahit sanay akong mag-Tagalog, iba pa rin ‘yung nakasanayan ko na lahat ng kausap ko dati ay puro Bisaya.

Sa Maynila, mas maraming arkilahan ng komiks. In fact, maraming nakapalibot noon sa eskuwelahan namin. Kaya bumagsak ako ng 2nd year high school dahil sa kababasa ng komiks. Nahuli ako ng teacher ko at ipinatawag ang mga magulang ko dahil dito.

Ang pagbabasa ng komiks, ayon sa pagkakaintindi nu’ng araw, ay walang pinipiling kultura. Marami akong kasabay na nagbabasa rin ng komiks sa mga arkilahan. Kagaya rin noong nasa probinsya ako. Wala sa isip namin noon ang class A, class B, o kung anu-ano pang class. Ang komiks ay komiks, sa simpleng kahulugan nito.

Pagkatapos kung tumigil sa pag-aaral noong 2nd year high school, pinakiusapan ko ang nanay ko na ipasok ako sa workshop ni Joseph Christian Santiago. Then, inilipat kaming lahat na estudyante kay Hal Santiago.

Nakilala ko ang ‘inner world’ ng komiks. Kung paano ito ginagawa, sino ang mga gumagawa nito, paano ito pini-print, at paano ito binebenta.

Ang tingin ko noon sa mga artista sa pelikula ay parang Diyos, mahirap abutin. Pero ‘yung mga gumagawa ng komiks, kahit idol ko sila ng husto, e parang ang tingin ko ay simpleng mga tao lang. Madaling maabot, madaling lapitan, madaling makausap. Totoo nga. Dahil sa pagtira ko ng ilang buwan kina Sir Hal, nariyang madalas mamasyal sina Vic Catan, F.C. Javinal, Vir Redondo, Menny Martin, etc. Nakakausap ko sila ng personal. I mean, napaka-normal ng eksena (subukan n’yong kausapin ngayon si GMA o kaya si Dolphy, malalaman niyona hindi normal ang eksena between you and them).

Nakakita ako ng komiks ng Amerkano noong nag-aaral na ako kay Sir Hal (although kilala ko si Superman, pero sa sine ko lang siya nakita). Ang tingin ko noon sa komiks ng mga Kano ay ‘another art reference’. Ibig sabihin, maraming drawing ng Kano ang puwede mo ring pagkunan ng style—Kubert, Wrightson, Kane, etc.

Nahubog ako ng husto sa komiks ng Pilipino—mapa-marketing, editing, storytelling. Ang foundation ko bilang komiks creator ay walang duda na binuo ng Filipino komiks industry. Ang nasa isip ko noon, ang komiks (kahit sa ibang bansa) ay kapareho rin ng komiks na kinalakhan ko.

OTHER’S FOUNDATION

Mid-90s nang bigla akong manibago sa eksena ng komiks. Nariyang mabalitaan ko na nasa bansa si Whilce Portacio. Nasa isip ko, sino ‘yun? Hindi ko siya kilala dahil hindi naman ako nagbabasa ng US comics. Pero nagulat ako dahil bakit sikat siya? Lumalabas siya sa tv, napi-feature siya sa mga dyaryo. Meron siyang seminar sa Megamall. Then, ‘yung ibang mga artist sa GASI, nagpuntahan sa kanya para magpatulong na maka-penetrate sa komiks sa Amerika.

Then, nalaman ko na din, na meron palang ‘sub-culture’ noon ng US comics dito sa bansa natin. I mean, meron palang mga tao na ang sinusundan lang ay ‘yung gawa ng nasa ibang bansa. Sila ‘yung tinatawag noon na mga indies. Makikita ang mga gawa nila sa ComicQuest sa Megamall. Isa dito ang Alamat. Nakapunta pa ako noon sa opisina ng Taekwondoggs. Nasali pa ako sa grupong Sining-Ekis.

Nagpa-workshop ako sa komiks illustration noon sa QCCircle. Isa sa nakilala ko sa Lawrence Mijares (publisher ng Siklab), may binabanggit siya noon na mga artist ng komiks na hindi ko kilala. Nalaman ko na gumagawa pala ang mga taong ito sa Amerika. Nabuo sa isip ko, na habang kaming mga struggling writers at artists dito sa local scene, meron palang mga maliliit na grupo na gumagawa rin sa US.

Then, na-introduced din ako sa Glasshouse Graphics. Wala akong kilala ni isa man sa mga artist na naroon. Ibang-iba ang kultura ng mga tao sa mga grupong ito.

Sa kabuuan, culture shock talaga. Ibang mga tao ang nakasanayan ko noon sa local komiks.

Sa eksenang ito ng mga gumagawa ng komiks sa US, nakita ko ang ilang mga bagay na hindi ko nakita noon sa GASI at Atlas. Number 1 dito ang EGO. Para bang ‘yung simpleng achievement ng isang artist na makagawa ng pin-up o kaya ay ma-publish-an ng isang komiks sa US, ay para bang napaka-powerful na ng tingin niya sa sarili. I mean, si Mang Yong Montaño, na isang old master na kaibigan ko—nakapag-drawing na sa US, nakahawak ng hindi na mabilang na nobela, series ay short stories sa komiks, ay hindi mo kakikitaan ng ego. Para ka lang nakikipag-usapa sa tatay mo. Nakikipagbiruan pa. Itong mga grupong ito na ‘may superstar syndrome’, kakilala lang ang mga sikat sa US ay parang sikat na rin kung umasta.

TWIST

Then, namatay ang local komiks. Lumalaki na rin ang sub-culture na ito ng mga Japanese at American comics followers. Sila na ang nangingibabaw sa eksena. Dahil sila ang may pera. Sila ang may kakayanang mag-publish ng sarili nila. Sila rin ang may access sa media—tulad ng newspapers, tv stations, etc.

Lumawak ang commercialization. Kung sino ang kayang sumabay sa takbo ng panahon, siya ang magsu-survive. Nag-iba ang market ng mga babasahin. Karamihan ng printed materials ay sa bookstore na ibinabagsak. Ang naiwan sa bangketa ay mga tabloids, songhits, puzzles, at showbiz mags. Pero ang mga babasahing ito ay makikita rin sa bookstores, of course, hindi dito kasama ang ilang bastos na tabloids. Nagsulputan ang mga magazines na medyo ‘classy’ ang dating. Nagpagandahan ng appel at printing. Dumami ang independent publishers komiks. Ang mga ito ay naka-pattern sa marketing strategy ng mga magazines sa bookstores, at mga komiks na mabibili sa Filbars, Comic Quest, etc.

Ang mga baguhang players na ito ng ‘modern komiks’ ay malayung-malayo sa thinking noon ng Roces (GASI, Atlas, Counterpoint, Kislap, Mass Media, API, etc.). Nagkaroon na ngayon ng separations ang class A sa class B, class C sa class D. nagkaroon na ng watak-watak na pagtingin sa mga mambabasa, particular na sa salitang ‘masa’. I mean, hindi ganito ang thinking noon sa local komiks. Sa local komiks, pag sinabing masa, iyan ang malawak na bilang ng mga tao. Paano sila maaabot. Pano natin mapapalawak ang circulation. Anong klase ng babasahin ang puwede mong ibigay sa mga taong ito na hindi mo ipapaalam sa kanila na sila ay class A, o class B, o class C. Sa madaling salita, ang lesson na matututunan natin sa nakaraang industry, ang komiks noon ay ‘classless’ (ego lang ang dahilan kung bakit ayaw itong tangkilikin ng mga nasa itaas). Kaya nga may mga awards pa noon na pinapalabas sa tv tungkol sa komiks ay dinadaluhan pa ng mga nasa alta-sosyedad.

CONCLUSION

Sa ngayon, mahirap I-inject ito mga bagong komiks publishers ngayon. Kundisyon na kasi ang utak nila sa kung ano ang nasa bookstore ngayon. ‘Yung pattern na tinutumbok nila ay kung ano ang existing ngayon. Well, marami naman kasing nagtatagumpay sa pattern na ito—sa mga magazines, sa komiks hindi ko pa alam. Parang wala nga yata. Hindi kasi nagtatagal ang buhay ng mga titles nila.

At kung susumahin nating lahat ito, pati ang culture ng writing at drawing sa komiks, ay naka-pattern na rin sa kung ano ang hinahanap sa US o sa Japan. Maging ako man, sa pagnanais kong kumita ng malaki, pinipilit kong gawing mainstream-friendly ang drawing ko. Ang feeling ko ngayon, na-stock tayo sa isang kultura ng komiks publishing industry—kabilang na ang ‘attitude ng mga komiks creators’—na malayung-malayo sa kinalakhan natin noon. At ‘yung ilang tao na nakakaintindi sa nakaraang industry, kung wala silang pera para sabayan ang umiiral ngayon, walang makakaunawa sa kanila.

Thursday, August 24, 2006

LENGGUWAHE

Malaking debate itong paggamit ng lengguwahe. Hindi ko alam kung applicable pa sa panahon ngayon ang minsang ipinaglaban ni Pang. Manuel L. Quezon para gawing national languange ang Filipino. Napakaliit na ng mundo ngayon. Ang pakikipag-communicate sa iba’t ibang uri ng tao sa buong ay isang pindot na lang ngayon sa internet, sa cable, sa cellphone, at sa telepono.

Ang reyalidad ngayon ng buhay, karamihan ng bansa ay nag-aaral na ng English. Bakit? Dahil ito ang itinuturing ngayon na ‘nangingibabaw’ sa lahat ng wika sa buong mundo. Sa cable television lang, ang mga channels ng Germany, France, India, at iba pang bansa sa Asia, ay nagkakaroon ng English translation para sa ikauunawa ng marami. Sa katunayan, ang mga Koreans at Japanese ay nag-aaral na ngayon ng English upang makipag-communicate sa mundo.

Sa kabila nito, isang aral ang makukuha natin sa ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal. Si Rizal ay marunong ng halos sampung lengguwahe. Marunong siya ng Chinese, German, English, French, etc. etc. Pero sa lahat ng ito, ganito ang kanyang sinabi: “Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay tulad ang amoy sa malansang isda.”

Undecided ako sa isyung ito ng wika. Sabihin natin nasa stage ako ng pag-aaral tungkol sa usaping ito. Kaya ayokong makipag-debate. Ang iiwan ko lang sa inyo ay isang katanungan.

“Ano ba ang pinakamahalagang purpose ng wika (o language)…ang makipag-communicate o ang alagaan ang iisang kultura na pinaggagamitan nito?”

*****

Naging guro ko si Bienvenido Lumbera (na kamakailan ay itinanghal na bilang National Artist) sa isang palihan (workshop) sa UP. Isa siya sa tinitingala ko sa literaturang Pilipino. Sa mundo ng literatura, mas pabor ako sa wikang Filipino. Ngunit sa usapin ng ekonomiya, at sa isang mortal na tulad kong kumukuha ng trabaho sa mga foreign countries, wala akong choice kundi pag-aralan ang wikang Inggles. Ang punto ko dito ay hindi ang kultura…kundi ang ikabubuhay.

Wednesday, August 23, 2006

MALIKHAING KOMIKS VOTERS CHOICE AWARDS


117 comments???!!!! Kung ako sa inyo, pindutin niyo ‘yung button dyan sa right side sa itaas, ‘yung may nakasulat na Pinoy Top Blogs, at iboto niyo ang blog na ito. Malay niyo, baka yumaman ako. Para naman magkaroon naman ng premyo ang matinong naglalagay ng comments dito. Oo nga, unfair nga doon sa matitino na bugbugin din sa harap ng maraming tao. Sige, mag-iisip na lang ako ng magandang premyo para sa inyo. What if, ‘yung mga mananalo du’n sa matitino ay sila ang gugulpe du’n sa mga loko-loko? O di ba magandang idea yun?

Ito naman ang mga finalists sa ‘let-me’think category’:

1. Anonymous
Sa tingin ko, kaya hindi nagtatagumpay ang mga glossy, ingles, at P85 to P100 na "Pilipino" comics ngayon, e dahil sa pang-affluent lang ang target market nito. Ang mga publishers at comics creators na involved dito ay hindi pinapaabot sa nakararami ang produkto nila. Bakit? Unang dahilan: kinagisnan na nila, dahil na rin siguro sa income class level nila, ang istilo ng banyagang comics. Na-condition na ang mga isip nila sapul pagkabata na wala nang hihigit pa sa US comics o Japanese comics. Kaya hayun, hanggang sa pagtanda nila, iyan ang ginagawa. Kahit sabihin pa nilang Pilipino ang gawa nila, subsconsciously, banyaga pa rin. Pangalawa, ang tingin lang nila, kikita lang sila kung sa affluent class sila magta-target market. Kahit maliit daw ang market na ito,basta may pambayad, buhay ka na. Industry na raw kahit kokonti ang mga titles. Ang hindi nila nare-realize, sa tipo ng "purely entertainment" "fantasy" at "foreign inspired" ng kanilang mga comics, taob sila ng nagko-kompetisyong mga "foreign entertainment" medium ngayon na mas maaliw kesa sa print.

2. Reno Maniquis

Mabenta ang pocketbook dahil mura na, medyo mahaba pang basahin. At ang babayaran mo, writer lang. Maliit ang overhead. Ang artist, mahal ang bayad. Isang katunayan iyan. Di mo naman puwedeng kuriputin, dahil bakit sila gagawa ng komiks sa halagang P75 per page, e puwede silang gumuhit ng isang storyboard na mga 20 frames o panels, diyes mil na ang ibabayad sa kanila.Bilang artist din, naiintindihan ko iyon. Kapag pumayag ka sa mababang rate, gutom ang aabutin mo.

3. Gerry Alanguilan

Ang sa akin... GUMAWA AKO NG DESISYON, at ang pinakaugat ng desisyon na ito ay "communication". Ang wika ay pamamaraaan lamang ng communication. Bilang isang storyteller, hindi ako gumagawa ng kwento na maiintindihan ng isang section lang ng population. Bilang storyteller, gusto kong mabasa at maappreciate ng maraming tao ang gawa ko. Pilipino, at HINDI Pilipino. Masama ba yon? HINDE. Nagiging masama lang yon sa mga tao na naniniwala na traydor ka sa sarili mong bansa pag nangIINGLIS ka. Ang KITID ng mga utak. Ang communication, para maging effective, kailangan hindi sya tinatali ng patriotism at nationalism. Recognize natin na patuloy na lumiliit ang mundo. Parte na tayo ng isang global community. Wag mo kalilimutan kung saan ka galing, pero wag mo rin bakuran ang sarili mo mula sa mundo. Kung gusto mo magpaiwan e bahala ka.

4. Bluepen

Kaso sa sobrang galing, sobrang mahal din. Kaya nde mabasa at mabili ng mahihirap na kababayan. Ang tanging nakakabili lang ay ang may pera.

5. Tagalog Teacher

PRINTED material ang TAGALOG Romance Pocketbook. Naging matagumpay ito ngayong mga panahon na ito despite the proliferation of pirated dvds, cable, cellphones, etc. LESSON: Walang kinalaman ang advanced technology at di magiging hadlang sa isang print publication business KUNG ang primary market mo ay ang low-income class at hindi WESTERNIZED audience. Ewan ko lang kung tama ako sa obserbasyong 'yan.

6. Manilaboy

Hindi po natin mapipilit ang isang artist na gawin ang isang bagay na hindi naman nito nadarama sa kanyang kalooban na dapat ay gawin niya sa panahong ito. Bawa't tao, at lalo na ang isang artist, ay mayroong mga prioridad na gustong gawin sa buhay niya. Kung may pamilya siya, may mga anak, siguradong uunahin niya ito bago ang anupaman. Now, if other artists' priority is to REVIVE the old komiks industry, that's fine. Pero huwag nating pilitin ang iba na HINDI PA HANDA para gawin ang ganito sa kanilang agenda. Napaka-payak naman po ng katotohanang ito. At sa palagay ko, kung mag-appeal kayo sa karamihan instead of emphasizing the NEGATIVE, many will support your cause. And believe me, hindi ninyo kami KALABAN. We all love the KOMIKS.

7. Wahoo G.

Philippine society today is fractured. There are disparate and contending beliefs due to an overall lack of respect for authority and reason. Everybody right now is loking out for himself.Comics today in the Philippines is a reflection of that fractured society. And what are comics? They would never exist without the people; the publishers and creators that make them, agree? The things these people put on paper are a reflection of their thoughts and beliefs as influenced by their environment.

8. Brain Dead

Ang problema, ang kasalukuyang nakikitang mga 'global" komiks ng Pinoy ay di kagat ng karamihan at di pa abot ng mas maraming Pilipino. Pang westernized at economically advantaged ang target ng mga global comics ninyo. Limited pa. Kaya walang industriya. Tinatanong mo na negative ang obserbasyong ito? Walang solusyon? Ba't di 'nyo subukang explorin ang opposite ng punang iyan?Ba't di kayo mag-isip bilang COMICS CREATORS AT PUBLISHERS ng komiks na di mahal, maganda ang gawa, maayos na Pilipino ang wika, at mga gawang intelligente na pambata at matanda)?

9. John Becaro

IBA NA NGAYON, mas nagiging exposed ang kabataan sa mundo at iba ibang klase ng ideya, di natin mahahadlangan yan at sabihin "oy wag kayo magbasa ng Manga o American comics"...pero di ibig sabihin noon na di natin magigising ang pagiging pagka Makabayan nila.Napakarami ng expression sa ngayon lalo na ang pagsdasalita na ako ay Pilipino. Wag nyong sabihing binibiBrainwash Kami ninuman dahil may sapat kaming kaisipan at reason sa bawat ginagawa namin na parang katulad rin sa inyo. Madaling sabihinang Solusyon, madaling maisip yon, pero sa Aplikasyon ba'y kaya natin agad?

10. Anonymous


Sa Japan, a First World country, karamihan sa mga manga na ang papel e pang-yellow pages. Pero makakapal, me laman ang istorya, at me originality pa ang art. Black and White nga lang. Pero maganda karamihan. Contrast sa mga U.S. mainstream Comics ngayon na nasa glossy paper at computer coloring. Oo nga, stochastic ang gamit pero mabenta ba? Hindi. Only the top ten mainstream titles from Marvel and DC sell approximately a little over 100,000 copies a month. Ang ibang 90 to 100 titles ay bihirang maka-30,000 copies. Ang sales nila di mapantayan ang sales ng gahiganteng manga sa Japan o banda desinee' o Fumetti o Gialo sa Europe. At kung titingnan mo laman ng U.S. comics, karamihan nakakasawa. Pang teen-ager, laging gera, vulgar, amateurish ang kwento, gaya-gaya sa anime' etc. Kailangan praktikal kung karamihan sa mga printing houses sa Pinas e kulelat ayon sa high standards ng isang pihikang "artiste". Ang challenge, makakagawa ba ng maganda at intelligenteng obra pag mura ang papel at presyo para sa lower income class? Kahit mababa ang circulation?Sa tingin ko, OO. Pag malaki ang response ng public, sigurado, papansinin ito ng mayayamang readers.

Sunday, August 20, 2006

MALIKHAING KOMIKS VOTERS CHOICE AWARDS

Dahil naka-100 comments na ako sa isang entry ko, at malapit na ring mag-1 year itong blog na ito, naisipan kong magpa-contest sa lahat ng readers at visitors ng blog na ito. Ang title ng contest na ito…’yung mababasa sa taas (mga hunghang!).

Mayroon tayong dalawang categories dito. Ang una ay ang ‘let-me-think category’ at ang ikalawa ay ang ‘let-me-toink category’.

Sa ‘let-me-think category’, ang kasama ditto ay ang mga comments na malaman, may sinabi, at kapupulutan ng aral.

Sa ‘let-me-toink category’ naman, ang kasama dito ay ang mga comments na walang kakuwenta-kuwenta, nakaka-high blood, nakakasira ng pagkatao at kasumpa-sumpa.

Ang mananalo ay ibabase sa dami ng boto na ipo-post n’yo sa entry na ito, at sa kasunod pa. Ang magwawagi sa bawat category ay pagkakalooban ng…dalawang oras na gulpe (at sisikmuraan sa mukha !) sa harap ng maraming tao sa main stage ng Komikon na gagawin ngayong October. Kaya kung kayo ang nanalo sa bawat category na ito, puwede na kayong magpakilala kung sino man kayo pagdating ng awards night.

Narito ang finalists sa ‘let-me-toink category’:


1. Bluepen
- Diosa: at sa gumagamit ng alyas na puros kabaklaan ang laman. Tingnan mo yung maskuladong bakla. Check mo lang kung tama ang pagkakalarawan ko sa'yo. Sabi mo kc nde halata sau na bakla ka. buti nde ko sinama ang tagdan nyang nakatali sa likod.Eto! na naman ako, ayoko sanang patulan eh. Kaso grabe mang gulo itong super KSP na matandang huklubang bading na to.

2. Gilbert Moncupal
- Mga pre, tingnan 'nyong kulay blue at maliit na pen sa caricature ni Bluepen. Me TULO o!

3. Silent Reader
- Nakakabuwang ka at ang mga katulad mong yakyak nang yakyak ng pagka-Pilipino, tapos ngayon audience ka lang pala. Tangna! Kung talagang gusto mong iangat ang komiks natin, KUMILOS kang iho de puta ka. Hindi iyang puro talak ka sa mga gumagawa ng komiks para sa English audience. Ako audience rin lang, at nagbabasa lang ng messages dito. Pero ngayon, napuno na ako sa kasasatsat mong el gran de puta ka. Bading ka bang leche ka? Yang mga salita mong pa-sister-sister ka pang chupadero ka. Kung audience ka rin lang pala ay magtigil ka na at wala kang silbi. Bumili ka lang ng mga komiks nina Gerry Alanguilan, Manilaboy, Reno, at kung sinu-sino pang mga colonial ang mentality. At least may ginagawa sila kahi't papano. Eh, ikaw?

4. Anonymous
- Ang laki ng kamay. Siguro mahilig ‘yang magjakol.

5. Manila girl…este…boy pala
- Sige Fredrick, bigyan mo nga ng cyber punch 'yang si Diosa nang matauhan dito sa cyber space.

6. Nikki
- Hi! Bluepen, ganda ng kulay mo, yung sa akin din kulayan mo hihihi. Greg! ano na naman 'to? ano ba meron dito? Nge! parang may nag aaway...

7. Anime Boy
- Pusa! may sumagot! oh ayan may nagbigay ng time at kung saan at anung date. Magpalista na kung sinong gusto. Sports lang walang pikunan, though kung dumanak man ng dugo may ambulansya naman daw. Tado ka Anonymous pag hindi totoo yang pinagsasabi mo. Hu-hungtingin ka namin. Dila mo lang walang latay. Hangat maaga sabihin mong totoo kung nag jo-joke kalang. Demonyo mga kausap mo.

8. Myke
- "Malikhaing Komiks"... pero ang mas bagay yata na tagline sa takbo ng diskusyon dito eh... KUMPLIKADONG PILIPINONG LIKHA NG MUNDO. Hehe!

9. Diosa Hubadera
- Mga Bakla! Bumalik kayo ke God! May the lord Jesus Christ have mercy on your GOD-DAMNED SOULS!

10. Donya Victorina de de Espadanya
- Maghunos-dili ka, manay! Iyang kabadingan mo dadalhin mo pa rito sa blog ni Randy. Kukurutin kita diyan ng pinung-pino sa tinggil, matauhan kang bruha kang putatsing ka. Kung di ka ba naman tanga, nagdudunung-dunungan ka? Sa Europa po, masabi ko sa iyong hitad ka, ay uso ang mga ganitong pangalan. Unisex. Akala mo ba sa mga Italyano, yung pangalang Andrea ay pambabae lang? Baliw ka, diyan ka lang kasi sa Pritil nakarating kaya ang pananaw mo hanggang kwater na lang. Ay naku day, ginamit mo pa ang pangalang Diosa ay demonyita ka naman. Atse-tse. Hala, mga boys, pila balde na kayo dito kay Diosa nang madilig ito at tila tigang na tigang na ang matris nito.

Saturday, August 19, 2006

PANALO ANG TAGA-KOMIKS!!!!

WINNERS IN THE HAWAII CENTENNIAL MURAL
PAINTING COMPETITION ANNOUNCED
Grand Prize
Roderick C. Macutay - Pasig City

Jurors’ Choice
Arman M. Guitering – Quezon City
Joselito L. Casao – Quezon City
Ruben P. Perdiguerra – Binangonan, Rizal
Hannibal S. Cambel – Paranaque City
Alfredo S. Morales, Jr. – Pasig City

More on this on http://www.cfo.gov.ph/

Hayup ka Rod, pa-canton ka na!!!
(hayaan n'yo, hihiritan ko 'to para mai-post ko dito yung winning entry n'ya para makita natin sa mga susunod na araw)

Thursday, August 17, 2006

ANOTHER PREVIEW

Okay, bago malagas ang buhok sa mga tumbong n'yo...e pakakalmahin ko muna kayo.

Preview pa lang ito ng upcoming project ko, under na naman ng isang mainstream komiks sa US, na hindi ko pa puwedeng sabihin kung ano ang title.

Next year pa sisimulan ang buong komiks nito, dahil ngayon pa lang ay dinudugo na rin ako sa kadu-drawing ng robot at mecha sa current project ko na Guardian Empires.

Pinost ko lang ang maaga ang mga pages na ito dahil gusto kong makakuha ng reactions kung ano pa ang dapat kung i-improve sa drawing ko. Seryoso ako ngayon na makatanggap ng mga puna dahil binabalikan ko lahat ng lessons ko tungkol sa pagdu-drawing. Kahit may actual na akong dinu-drawing, tuloy pa rin ang pagpa-praktis ko. Walang mabilis na paraan para mapaganda ang trabaho kundi pag-aralan ito ng paulit-ulit. Sa loob ng mahigit 15 years kong pagdu-drawing, ngayon ko lang naintindihan na ang pinakamagandang foundation sa lahat ay ang kailangang 'matatag' ang basic sa pagdu-drawing.

Kaya nami-miss ko 'yung mga araw na ipinapakilala pa lang sa akin ni Hal Santiago sina Andrew Loomis, Burne Hogarth at Jack Hamm. Mabuti na lang at nakapagpundar din ako ng libro ng mga masters na ito dahil alam ko na darating ang araw (tulad ngayon), na babalik at babalik din ako sa mga lessons nila.







Tuesday, August 15, 2006

EDITORIAL CARTOON NGAYONG ARAW NA ITO



submitted by: Bluepen

Sunday, August 13, 2006

BUSINESS AND ARTISTIC SIDE

Kung ako ang tatanuning, magkahiwalay ang business side at ang artistic side ko bilang komiks creator. Gusto ko lang linawin ang mga nakaraang posts ko dito para mas maintindihan ng mga bumibisita sa blog na ito.

Tungkol sa Graphic Novel:

Kaya ko naisip ang project na ito para sa Amado Hernandez Resource Center ay dahil alam kong kaya nilang mag-publish ng isang ‘makabuluhang’ libro. Kaya nilang sagutin ang lahat ng gastos nito mula printing hanggang distribution.

Sa klase ng mga librong ipina-publish nila, nagkaroon ako ng idea na, ‘Bakit kaya hindi gawing graphic novel ang mga kuwento noon ni Hernandez?’ O kaya mga nobela ni Ave Perez Jacob o Jun Cruz Reyes? Ibig kong sabihin dito, ang gumana sa akin ay ang aking artistic side. Wala ditong kinalaman kung bebenta ito o hindi. O kung basahin man ito ng 80 million Filipinos. Ang habol ko dito ay makagawa ng isang trabaho na mabi-break ang pagtingin ng maraming tao tungkol sa komiks. Remember ‘Maus’ ni Art Speigelman? Nanalo ng Pulitzer Prize. Ang graphic novel na ito ang nagdala ng komiks sa mataas na level ng pagtingin ng lipunan. Sa atin kasi ay wala pang ganito. Dito sa Pilipinas, ang komiks at komiks pa rin gaya ng dati. Pambalot ng tinapa, at pampunas ng puwet.

Ang idea ng graphic novel na binanggit ko sa nakaraang post ay sisirain ang pagtingin na ito ng mga Pilipino. Even mga literary writers. Or, baka magkainteres pa ang Palanca na isali sa contest nila ang category ng ‘komiks writing’. Lahat kasi ng category sa Palanca ay meron na—children’s book, screenplay, novel, one-act play, future stories—komiks scriptwriting lang talaga ang wala.

I mean, ang nakaraang kong post na ito ay walang kinalaman sa business side ng komiks. O ‘yung itinatanong ng marami sa mga nag-comments na ‘bebenta ba ito?’ Sino naman ang magbabasa n’yan?

Ngayon, pumunta tayo sa business side (ulit!)..

Tungkol sa Tabloid Philosophy:

Pasensya na at hindi ko na-expand ang sinabi kong ito sa nakaraang post, ang dami tuloy nagtalu-talo at nag-away-away na nauwi sa personalan na tirahan.

Hindi natin maiintindihan ang philosophy ng tabloid…hangga’t hindi tayo nagtrabaho sa tabloid. O kaya ay hindi tayo palabasa ng tabloids. Yellow journalism, sa mas malalim na salita ng mga journalists.

Si E.R. Martin ang nakita kong isa sa pinakamagaling sumulat ng short stories sa komiks noong early 70s. Hindi ako nagbibiro. Nabasa ko ang mga short stories niya, bumilib ako. Na-master niya ang paggawa ng maikling kuwento sa komiks kesa sa paggawa ng nobela. Para sa akin, para siyang lalakeng Lualhati Bautista (although magkaiba sila ng topics sa kanilang mga stories) sa pag-deliver ng mga dialogues at flow ng kuwento, pati ang paneling ng bawat eksena. Kung si Mars Ravelo ay sa ‘characters’, at si Carlo Caparas ay sa ‘nobela’, ilalaban ko si Mang E.R. sa ‘short stories’.

Sa katunayan, isa si Mang E.R. sa kumukuwestyon noon sa librong ‘History of Komiks of the Philippines and other Countries’ na pinagtulungang buuin ng Atlas at Gasi Editors. Dahil sa totoo lang naman, karamihan ng laman ng librong ito ay ‘yung mga sikat na creators ng Atlas at Gasi. Paano silang mga taga-Rex? At ‘yung iba pang hindi kasama sa kumpanya ng mga Roces? Kaya nga kung pag-aaralan nating mabuti ang laman ng librong ito na lumabas noong early 80s, maraming komiks creators ang wala dito. Of course, dahil nga ang gumawa nito ay mga editors ng time na ‘yun, natural lang na ang isama nila ay ang mga hawak nilang artist noon sa Atlas at Gasi.

Maagang nag-retiro si Mang E.R. sa komiks. Lumipat siya sa tabloid (hindi ko alam kung na-predict na niya noon na hihina talaga ang komiks at ang tabloid ang mamamayagpag sa market). Sa katunayan, isa si Mang E.R. sa naka-impluwensya sa contents ng mga kilalang tabloids ngayon. Weird ang kanyang ideas, pero realistic. Wild, pero kayang mag-organize at makakuha ng maraming readers.

Isa ako sa hinugot noon ni Mang E.R. kaya bigla akong nag-resign sa Kislap Publication. Sa tinagal-tagal niyang naging writer ng Tiktik, Barako, Toro, etc., naisipan niyang gumawa na ng sarili.

Itinayo niya ang dyaryong Brusko, isa ako sa mga junior staffs. ‘Yun ‘yung time na sinusunog sa kalsada ang mga malalaswang tabloids at niri-raid ang mga publishers nito.

Sumugal si Mang E.R. ng time na ‘yun kahit ‘mainit’ ang sitwasyon. Ang resulta, hindi namin kinaya. Hindi nai-distribute ng maayos ang dyaryo naming (hindi nga talaga nai-distribute dahil nakatago lang sa bodega). Kinalaunan, nagpasya si Mang E.R. na itigil muna naming ang dyaryo. Kung hindi nga naman kami makulong ay baka bigla na lang kaming interviewhin sa tv at ipakita ang mga mukha naming doon na may nakasulat na ‘gumagawa ako ng bastos na dyaryo!’.

Anyways, si Mang E.R ang naging mentor ko kaya ko naintindihan ang philosophy ng tabloid. Kung ang binabasa ko noon ay stories ni Ernest Hemingway, si Mang E.R., ang binabasa ay libro ng Guiness Book of World Records. Kung ang nobelang inaabangan ko noon ay ang ‘Laro sa Baga’ ni Edgardo Reyes, si Mang E.R. ay ‘Sex Facts’. Ibig kong sabihin, magkaiba talaga kami.

Pero nu’ng ipinakilala niya sa akin ang sistema kung paano magsulat ng tabloid, ang laki ng natutunan ko. Sa katunayan, hanggang ngayon ay ina-apply ko sa kahit anong trabaho ang natutunan ko sa kanya, mapa-art man o writing.

Ano ba ang laman ng tabloid philosophy na natutunan ko kay Mang E.R.?

Una, exaggerate but don’t distort. Ipakita mo ang isang fact or information sa isang interesting na presentation. Pero huwag kang magsisinungaling kung ano ang laman nito. Outer appeal. Parang pambalot ng chocolate. Maaring may kumikintab, o kaya umiilaw ang mga letters. Pero chocolate pa rin ang nasa loob, hindi cocoa.

Ikalawa, capture the interest of your audience/reader. Ano ba ang hinahanap ng mamimili? Kung ang chocolate na nakita mo ay may free na malaking lunchbox, bibilhin mo? Of course, dahil sa totoo, mas mahal pa ang lunchbox kesa sa chocolate. Alam n’yo ba kung bakit may Kid’s Meals sa Jolibee at McDo? Dahil ang target market nito ay mga bata. Ang laruan ang naka’front; dito sa bata, hindi ‘yung hamburger at softdrinks.

Ikatlo, attack the emotion (or libido). Saan maaring maka-relate ang audience mo? Tuwing umaga, nagtatalo kami ng pamangkin ko kung ano ang panonoorin namin. Ang gusto niya ay Blue’s Clues, ako naman ay ‘Liwanagin Natin ni Ka Totoy Talastas’. Kaya nga kung sino ang unang magising, sa kanya ang tv. Nagkakasundo lang kami tuwing hapon. Naruto o kaya Full Metal Alchemist. Nagtagpo kami sa gitna.

Ito ang dahilan kung bakit nai-post ko ang idea ng cover ng komiks na plano ko. ‘Komiks ng Masang Pilipino’, ‘Pera Ngayon Na!’.

Unang-una, mahirap na bansa ang Pilipinas. Maraming palaboy sa kalye, maraming nagugutom, maraming walang trabao. Sinong ayaw magkapera? Tatanggi ka pa ba sa offer na ito e ituturo ko na nga sa murang halaga? Bumili ka lang ng komiks ko sa halagang sampung piso.

Nag-exaggerate ako dito, pero hindi ako nag-distort. Bakit? Dahil hindi ko naman ituturo dito kung paano mag-multi level marketing, o kaya ay pyramiding. O kaya kung ano ang suwerteng numero sa lotto, jueteng at sabong.

E ano ang laman nu’ng ‘Pera Ngayon Na!?’

Success stories ito ng mga kilalang tao sa mundo, nasa komiks form. Paano nagsimula si Bill Gates sa pagbubuo ng Microsoft? Paano nga ba nagsimula ang Jolibbe sa Pilipinas? Bakit yung isang dating nagtutulak lang kariton sa kanto, ngayon ay isa ng operator ng isa sa malaking taxi company dito?

Sa madaling salita, eye opener ito sa mga Pilipino. Kung kaya nila, kaya ko rin. Walang imposible. Ang kailangan lang ay tiyaga, at tamang desisyon sa buhay.

Sa mga kuwentong ito, tatalakayin ko rin ang dahilankung bakit hindi umuunlad ang mga Pilipino—katamaran, palaasa sa magulang/sa ibang tao, waldas, pintasero, hindi responsible, at higit sa lahat, hindi nakakakuha ng proper education.

Sounds radical. Pero hindi. Hahaluan ko ito ng mga patawa (style Bob Ong o kaya Pugad Baboy—mga best sellers ngayon sa bookstores). May medyo Manga ang drawing, merong medyo Pinoy, at merong medyo American, at merong medyo alternative at underground. Na ang presentation ay kasing gaan ng tabloid. Walang halong pangangaral, walang doktrina, walang injection ng philosophies. Just plain reading material na madaling basahin pero kapupulutan ng aral ng marami.

At hindi lang ito ang laman ng komiks na iniisip ko. Meron ditong topic tungkol sa sex. Meron nga kayang tao—lalake o babae—na hindi dumaan sa ‘masturbation stage? Ano ba ang pinagkaiba ng ‘malaking boobs’ sa mata ng lalake o sa babae? Magkapareho ba sila ng tingin?

At hindi lang ito, meron din ditong mga interesting articles. Sa paningin ni Mars Ravelo, sinong artista ang pinakamagandang Darna? Totoo ba na mahilig magbasa ng komiks ang ilang member ng SexBomb? Magdu-drawing ka lang ng cartoons sa internet, babayaran ka na ng dollars?

At meron ding interview. Andrew E., sino sa tingin mo ang pinakamasarap mong nahalikan sa mga leading ladies mo? Si Jenelyn Mercado, mahilig sa anime?

May audience participation din. Puwede kang mag-text para bumati sa mga crush mo, o mahal mo sa buhay. Puwede kang magpadala ng picture mo, tapos gagawing caricature ng isa sa mga artist. O kaya ay gagamitin bilang extra ang mukha mo sa mga stories na mababasa sa mga susunod na labas.

All in all, ang ganitong mga idea ay galing sa tabloid. Interesting, exaggerated, pero totoo. May basehan.

(O, ayan, ni-reveal ko na ang ilang laman ng komiks na balak ko…kopyahin n’yo na!)

Kaya ‘yung mga nagtatanong sa akin, dahil daw ba mabenta ang pocketbook, kung gagawin itong komiks, bebenta kaya. Tingin ko, oo at hindi. Ginawa na ito ng Atlas. Naglabas na sila ng graphic novels noon mula sa kuwento nina Alteha Areta, Glady Gimena—mga pocketbook writers. Pero hindi bumenta. Ano ang kulang? Presentation. It’s not the story, hindi rin ang art. ‘Yung ‘whole packaging’ ng mismong product. ‘Yun ang kulang kung bakit hindi nagtagumpay ang Atlas sa project na ito.

Meron pa ditong nag-suggest, gumawa daw ng graphic novel na Manga, maganda ang papel at maganda ang pagkaka-color sa computer, bebenta raw ito. Isa lang ang masasabi ko…goodluck!

Pero on the other side of the coin…bakit malakas ang Witch (yung girlie-girlie na komiks ngayon) kahit mahal ang presyo? Alam ko ang sekreto. Secret hehehehe. Ito ang assignment n’yo…para may debate ulit dito.

Wednesday, August 09, 2006

MAGUGULO KAYO HA!!! ITONG SA INYO!!!! WATAAAAHHHH!!!!

Tuesday, August 08, 2006

USAPANG GRAPHIC NOVEL

Habang dumadami ang nagpo-post sa comments section sa blog na ito ay parang nagiging debate na ng INC at ADD, hehehe. Nawawala na sa 'hulog' ang marami. Meron pa dito e mga naggu-grupo-grupo. Grupo ni Gerry, grupo ni Lawrence, grupo ng mga anti-manga, grupo ng mga pro-manga. Wow! Mayroon nang mga punto ang bawat isa sa inyo, at nasala ko na lahat 'yun. Paikut-ikot tayo. Feeling ko tuloy, nagkukulitan na lang tayo para lang may mai-post.

Ang liit-liit lang ng mundo ng komiks ngayon. Habang nagtatalu-talo tayo dito, 'yung ibang mga tao ay parang ipis lang ang tingin sa trabaho natin pare-pareho. Kaya buti pa, magkuwento na lang ako.

Kausap ko 'yung dating friend ko na ngayon ay empleyado ng Amado Hernandez Resource Center.

Friend: Uy, bili ka ng bagong book na inilabas namin.

Randy: Anong book?

Friend: 'Yung gawa ni Jun Cruz Reyes. P200 lang sa bookstore.

Randy: O, ba. Sige ok 'yan. Mahilig din kasi akong mangolekta ng mga literary books ng Pilipino. Anu-anopa bang books ang inilalabas n'yo?

Friend: Si Ka Ave, gusto ring mag-propose sa amin ng mga gawa niya.

Randy: Ave Perez Jacob?

Friend: Oo, yung gumawa ng 'Damian Rosa'.

Randy: Open ba kayo sa submissions? Halimbawa, may naisip akong book, puwede kong ipasa sa inyo?

Friend: Oo naman, pero siyempre alam mo naman ang 'line' namin.

Randy: Naisip ko kasing gawing graphic novel ang gawa ng mga literary writers natin. Maraming magagandang kuwento galing sa kanila na puwede gawing graphic novel.

Friend: Anong graphic novel?

Randy: Novel na ginawang graphics. In short, nobela na ginawang komiks.

Friend: Komiks? (na-turn off)

Randy: Sa ibang bansa, kinikilala na ang graphic novels. May mga award nang nakukuha dito, gaya ng Maus, American Splendor, etc.

Friend: Pero...komiks? (lalong na-turn off)

Randy: Naisip ko nga, 'yung mga gawa na lang kaya ni Ka Amado Hernandez ang gawin kong graphic novel? Ano sa tingin mo?

Friend: Kaso...komiks?

Randy: O naman, anong masama sa komiks?

Friend: Wala lang. (ang tagal sumagot) Sige, gawa ka ng proposal, tapos papakita ko sa mga tao du'n sa opis.

Randy: Gusto ko ring gawin 'to, kasi, para maiba naman ang tingin ng tao sa komiks. Lately kasi, ang pinaggagawa ko, puro superheroes at scifi na kuwento, alam mo na, puro pambata at pambata-isip. Naisip ko, bago ako kunin ni Lord ay makagawa naman ng komiks na kakaiba. Naisip ko nga, maghalungkat ako du'n sa opisina ng Palanca at mangalkal kung anong kuwento du'n ang puwedeng gawing komiks.

Friend: Sige, gawin mo (hindi ko alam kung seryoso o nang-aasar lang).

Randy: Naisip ko 100 pages, o mas makapal pa. Para talagang sulit ang babasa.

Friend: Sige, gawin mo nga...

Randy: Pero...tagal gawin nu'n. Baka abutin ako ng mahigit isang taon. Tapos by that time, pag ipinasa ko sa mga publishers, baka walang tumanggap. Paano nga naman natin ima-market ang komiks, na may seryosong topic, sa mga seryosong tao...na mababa naman ang pagtingin sa komiks? Ang gulo, 'no? Conflict of interest.

Friend: O, kala ko ba, may mga awards na 'yang graphic novels na ganyan sa ibang bansa?

Randy: Sa ibang bansa. E dito? Sabagay meron naman dito na gawa ni Arnold Arre na nanalo sa Book Critics Award.

Friend: O, yun naman pala e. Gawin mo na.

Randy: Kaso ang problema ko nga, publisher. At least 'yung gawa ni Arre, reader-friendly. Adventure, may agi-agimat. E 'yung naisip ko. Good luck kung i-publish yun ng Adarna. At good luck rin kung i-publish n'yo. E yung word pa lang na komiks, halos masuka-suka ka na.

Friend: So, ano ang desisyon mo ngayon?

Randy: Huwag na lang, pag mayaman na ako, saka ko na i-self publish. Kukuha na lang muna ako ng trabaho sa abroad. Wala pang sakit sa ulo, kahit puro robot at spaceship ang dinu-drawing ko, at least, okey ang bayad.

Pag-uwi ko sa bahay, kinalkal ko ang mga lumang komiks. Hinanap ko ang mga short stories ni Lualhati Baustista noon na lumabas sa mga komiks ng Atlas. Ang gaganda ng mga kuwento. Napapanuhan. Imortal ang kanyang mga topic.

Nakakapanghinayang. Mukhang wala nang paraan para mabasa ulit ng mga readers ngayon ang ganitong mga kuwento ng ating mga premyadong writers noon.

Monday, August 07, 2006

PIN UP


Salamat kay Bluepen sa pagkulay nito...lupit mo...ba't di ka mag-Japan?

Sunday, August 06, 2006

ROMANCE NOVELS


Nakita ko ang ten minute docu sa isang group ko ng mga Tagalog romance authors. Baka interested din kayong panoorin ito.

Tagalog Romance Video

After komiks, nag-try din akong magsulat ng romance books, itong 'yung ilan sa mga TITLES na nagawa ko. Hindi lang ako nagtagal sa pagsusulat nito dahil hindi talaga ito ang forte ko. Pero ang dami kong natutunan sa paggawa ng romance na hindiko natutunan sa komiks or alinmang literary workshops.

Saturday, August 05, 2006

EXXAGERATING, DISTORTING

Pakalmahin muna natin ang issues tungkol sa business side ng komiks. Balik muna ulit tayo sa form.

Isang cartoonist noong early 80s ang nagdu-drawing ng kakaiba sa kanyang mga cartoons. Ito si Nerddie P. Castro, wala akong masyadong information tungkol sa kanya. Ang kakaiba sa kanyang gawa, hindi lamang niya in-exxagerate ang kanyang drawings kundi dinistort pa. Hindi rin niya sinusunod ang law of gravity sa kanyang mga eksena. Narito ang isang example ng kanyang ginawa na may pamagat na ‘Tayo’y Mag-Joking-Joking: Gamot sa Taong Nakasimangot’.


Cartoons ang gawa ni Castro kaya madaling tanggapin kung ano mang distortions ang gawin niya sa kanyang trabaho. Ang pinakamahirap ay kung gumawa ka ng kakaiba na kailanman ay hindi pa nakikita ng mga ‘traditionalists’ sa publication.

Mid-90s, pagkatapos magpatawag ng meeting noon sa Counterpoint sa lahat ng contributors kung ano kaya ang puwede naming I-offer sa mga readers na bago sa paningin. Iba’t ibang suggestions ang lumutang, may kuwentong ganito, may drawing na ganito.

Nagbuo kami noon ng grupo, gumawa kami ng prototype ng komiks na isa-submit namin kay Joelad Santos sa Counterpoint. Sa lahat ng nag-contribute, ‘yung sa akin ang mas pinagtuunan ng pansin ng lahat. Dahil sa lahat ng matang nakatingin sa gawa ko noon, iyon ang sinabi nilang pina-weird na komiks na nakita nila.

Narito ang example ng unang page. Malayung-malayo ito sa komiks na nakasanayan natin. Pero ang kuwento nito ay inspired ng mga kuwento nina Og Mandino at Chicken Soup for the Soul.



Alam kong magkaka-problema ito sa marketing kung sakaling ilalabas ito ng time na ‘yun (well, pero malay natin, baka pumatok). Pero ito ang naisip ko nu’ng sabihin sa meeting na kailangang may bagong mabasa at makita ang mga readers.

Walang nangyari sa meeting namin, sa tingin ko. Dahil wala naming lumabas na bago sa paningin ng mga readers after ng ilang buwan. Wala namang nagbago.

Ang nagbago lang, ‘yung mga nakaupo sa itaas pagkalipas ng ilang buwan pa. Nawala na si Joelad Santos sa Counterpoint. Doon na pumasok sina Mr. And Mrs. Guerrero. Isinara na ang Counterpoint at isinama na lang ito sa Kislap Publishing.

Thursday, August 03, 2006

MAKASINGIT NA ULIT SA INYONG LAHAT!!!

Wowoo...anong nangyayari dito? Sa mga nabasa ko, hindi ko maiwasang mapakamot sa ulo. Alam niyo mga kapatid, lahat tayo ay gusto na ibangon ulit ang industriya ng komiks. May kani-kaniya tayong paraan para sa atin. Walang makakapaghusga nito kundi ang market mismo. Kung meron tayong magandang paraan, sabihin natin ng maayos, ilatag natin ang lahat ng facts, at kung applicable ba ito sa panahon natin ngayon. Malaki ang respeto ko kay Gerry bilang isa ring creator ng komiks, ang paglalagay ng Komikero site sa internet ay isang malaking bagay na ni isa man sa atin ay hindi naisip noon. Aaminin ko, kung hindi ko nakita ang Komikero site, malamang wala rin ang blog na ito para mag-share ng experiences ko sa komiks. ang pagpapaangat ng komiks ay hindi nagagawa ng isang gabi, o ng isang tao. Dapat dito ay iba-ibang tao. wala akong tinitira na publication or indie publisher sa post kong ito, gusto kong lang makita ng lahat ng totoo na ganito ang kasalukuyang nangyayari sa industry. kailangan natin ng marami at malalim na studies kung paano ulit ito paaangatin.
Hindi Precious Hearts ang nagsimula ng pocketbook. May pinagmulan ito, at ‘yung pinagmulan na ‘yun, ‘yun ang nag-trigger para magsimula ang malaking industry ng pocketbook sa Pinas. Para sa akin, dapat ay mayroon ding komiks na mag-trigger para magsulputan pa ang ibang publishers nito. Dahil ang mga publisher, susulpot lang naman ‘yan kapag nalaman nilang bumebenta ang ganitong produkto. Isang example ang horror stories na ginagawa ng Psicom, ngayon ang dami nang nanggagaya sa kanila. Ibig sabihin, naka-create sila ng maraming market. at naka-create sila ng maraming publishers dito.

Ang sinabi kong komiks na may tabloid philosophy ay isang option. at tingin ko ay iba ang tinutumbok nitong 'way' kesa sa ginagawa ng mga komiks publishers ngayon. Naiiba ang laman, at mura ang presyo. Kapag itinabi mo ito sa mga komiks ng Psicom, o Neocomics, o Chocolate Chips, o kung anu-ano pang naglalabasan ngayon, ito lang ang naiiba. Habang ‘yang mga komiks na binanggit ko ay nag-aaway sa iisang market, ang komiks na parang tabloid ay gagawa naman ng sarili niya. Kukunin nito ang interes ng pangkaraniwang masa.

Okay, gusto kong subukan ang concept na ito sa komiks. Pero ang problema ko ay publisher, kung meron sa inyong willing mag-finance nito, handa kong isakripisyo ang oras ko para maging editor nito. Buo na ang konsepto ko kung ano ang ilalaman nito. At alam ko na rin kung sinong mga writers at artists ang kokontakin ko.

Wala tayong mararating kung personal na atake lang ang gagawin natin dito. At wala ring mangyayari kung puro tayo ‘intellectual masturbators’ dito.

Tuesday, August 01, 2006

PAANO PAAANGATIN ANG KOMIKS?

Wowoo! Ilang araw lang ako nawala e tambak na kaagad ang nag-comments dito. Sa nabasa ko ay maayos naman ang takbo ng usapan. Pero hindi talaga maiwasan na meron pa ring nagpo-post na ang hanap lang ay away. Sa mga nakakaintindi, pagpasensyahan niyo na.

Ngayon, balik tayo sa usapan…

Ang experience ko sa komiks publication ay sa editorial at creative department kaya sa totoo lang ay hindi ako komportable na pag-usapan ang business side ng pagpa-publish ng komiks. Pero willing akong matuto, at sa nabasa ko nga sa mga comments dito, valid lahat ng points, kailangan lang ay timbangin natin ng maayos at tama. Noong makausap ko nga si Gerry Alanguilan noong nakaraang toycon, sabi ko, may fear pa ako sa pagpa-publish ng komiks. Totoo ‘yun. Unang-una, kung ako ang maglalabas ng pera para sa publication, kailangan ay alam ko na kakagatin ng marami. Napagdaanan ko na ang gumawa ng komiks noon na xerox lang, o kaya ay pa-art-art, kaya hindi na iyon ang gusto kong gawin ngayon.

Iniisip ko, dapat lahat ng readers ay maabot ng komiks ko, kaya nila itong bilhin sa murang presyo, at dapat ay mai-distribute ito ng malawak sa buong Pilipinas. Pero hindi lang doon natatapos ang alalahanin ko, kailangan kong maghanap ng printer na mura para kahit na magbaba ako ng presyo ng komiks (halimbawa ay P20.00 ang isa), ay hindi naman ako malulugi. Kailangan ko ring makipag-deal sa kung sinu-sinong tao—dealers, distributors, may-ari ng printing press, mga tauhan na nagpapatakbo ng makina ng printing, readers, etc. I mean, madugong trabaho ito. At alam ko na darating ang panahon, kailangan kong iwan ang pagsusulat at pagdu-drawing para lang tutukan ang business side ng komiks.

Isa sa inspiration ko as publisher ay si Jun Matias (may-ari ng Precious Hearts Romances). Isa ako sa unang batch ng workshopper nila noon sa Tagalog romance. Saksi ako sa paglaki ng Precious Hearts. Mula sa isang lumang bahay na ginawang bodega, ngayon ay isang malaking warehouse na na punum-puno ng iba’t ibang materyales—pocketbooks, children’s book (siya rin ang may-ari ng Lampara Books na kalaban ng Adarna), puzzles, magazines. Si Jun Matias ay dating scriptwriter sa tv, kasama niya ang ka-partner na si Richard Reynante, itinayo nila ang Precious sa maliit lang na puhunan. Ang totoo, ayun sa kuwento sa amin noon ni Jun, nangutang pa siya sa ate niya para lang may maipang-puhunan sa binabalak na negosyo. Sa bangketa unang nabuo ang Precious, karamihan ng nilalabas nila noon ay pocketbook na sexy at sex-related ang laman. Malakas ang bentahan sa bangketa.

Nang medyo maging stable na ay saka na nila nabuo ang lines ng mga titles ng pocketbooks nila ngayon na nakikita natin sa bookstores. Sila ang biggest publisher ngayon ng romance books.

Sa tagumpay na ito, kailangan niyang I-sacrifice ang pagsusulat niya sa tv. Dadagdagan niya ang oras para pag-aralan ang bawat detalye ng negosyo niya. Alam ko, may mga times na masakit sa ulo, laging puyat, hindi matapos-tapos ang iniisip para sa business. Ang reward lang dito ay ang laki ng kikitain mo, o ang sarap ng pakiramdam na sabihing ang company mo ang biggest publisher ng pocketbook sa Pilipinas.

Kaya nga may fear pa ako sa panahon ngayon. Hindi pa ako handa sa ganitong lifestyle. Sa halos 17 years kong paggawa sa komiks, ngayon ko pa lang nai-enjoy na nababayaran ako ng eksakto sa talento ko. Ngayon pa lang nag-iinit ang palad ko na mag-drawing sa komiks. Hindi ko pa ito kayang I-give-up ngayon.

Pero bukas ako sa lahat ng possibilities. Actually, may printer na nag-aalok na sa akin, bibigyan nila ako ng discount sa 32-page na komiks. Pinag-aaralan ko na rin ang print-on-demand. Pero hindi pa talaga ako tinatawag sa linyang ito.

Kung gaano kadugo ang pag-iisip ko dito, mas madugong isipin kung paano ulit paaangatain ang industriya ng komiks. Sa akin, bago mo mabuhay ang komiks, kailangan mo munang pag-aralan kung paano ito namatay. Ang dami pa nating dapat malaman na detalye sa industriyang ito. Ngunit ang masakit, kanino tayo matututo? Puwede ba tayong pumunta na lang sa bahay ni Donya Elena Roces ngayon at magtanong kung paano nila napasigla ang komiks? O kaya ay kontakin ang mga dating editors na wala nang interes sa komiks ngayon? O kaya ang mga distributors na hindi mo na mahagilap kung saan lupalop na nakarating? I mean, sino ang magba-validate ng lahat ng ating pinag-uusapan?

Lahat ng ating sinasabi ay subject for debate. Unless mai-prove natin ng husto na tama ang pinaninindigan natin. And one thing para mai-prove natin ‘yan…mag-publish tayo ng sarili natin.

That’s why may fear pa ako na mag-publish ngayon. Dahil para sa akin, para buhayin ulit ang komiks, kailangan ay kalat ito sa buong bansa at regular ang labas (na hangga’t maaari ay weekly). Nakikita ulit ito sa lahat ng sulok ng Pilipinas-- bangketa, estero, kanto, tindahan, lugawan, at lahat ng kasuluk-sulukan. Hindi natin mabubuhay ang komiks kung isa o dalawang titles lang ang ilalabas natin. Tapos pipresyuhan natin ito ng halos P100. Shit! Kung ako e bibili ng babasahin ko, hahanapin ko na lang ang FHM, halos ganu’n din ang presyo. Sulit pa ako.

Ngayon, bago ko magawa ang ganitong klase ng publication ng komiks, kailangan kong mamuhunan ng malaking-malaki. Sa tingin niyo, kakayanain kong bang mag-publish ng 100,000 copies ng komiks kada-isang linggo? Shit! Ang laking pera nu’n!

Sa kasalukuyang sitwasyon ng komiks, ang reality ay hindi tayo makakakuha ng isang mayamang-mayamang publisher na mamumuhunan ng milyon para lang dito. Alam niyo kung bakit? Sira ang reputasyon ng komiks sa atin—business wise at artistic wise. May kilala nga ako, dating writer sa komiks na ngayon ay writer sa pelikula, pero isinusuka na ngayon ang komiks. Ibig sabihin, ang ‘lang’yang writer na ito na natuto sa komiks, isinusuka na ang kanyang pinanggalingan (nakabasa yata ng libro ni Wertham).

So paano natin ito mabubuhay ngayon? Isa na lang ang paraan natin. Tayo na mismo ang mamuhunan sa mga sarili natin. Willing kayong maglabas ng P30,000.00 kada linggo? O kahit kada-buwan na lang. Ako, hindi ko kaya. Kaya nga hindi pa ako handa sa ganitong obligasyon.

Alam niyo kung bakit malakas ang pocketbook? Dahil regular ang labas nito at kayang-kaya ng masa ang presyo. Sa bangketa, makakabili ka ng P10.00 hanggang P15.00. Sa bookstore, makakakuha ka ng P25.00 hanggang P35.00. Noong active pa ako sa pagsusulat ng romance, ang Precious ay naglalabas ng 7-10 titles kada-buwan. Sa nakikita ko ngayon, tingin ko ay aabot na sa 20 titles ang inilalabas nila. Kasabay ng Precious, nariyan ang Valentine Romances na naglalabas ng kulang-kulang 10 titles. Nariyan ang 18K Romances. Nariyan ang Pacyno. Nariyan ang Nem’s. At sangkatutak na mga independent publishers (na itinitinda ang mga pocketbooks sa kalye sa halagang P5.00). Ngayon, ito ang matatawag kong industriya. Buhay na buhay ang pocketbook sa Pilipinas.

Ganito ba ang nangyayari sa komiks ngayon? Magbigay kayo ngayon sa akin ng publication ng komiks na naglalabas ng 5 titles ng komiks na GAWANG PINOY (at hindi reprint ng American comics) kada-buwan? O kahit 3 titles na lang?

Ito ang masakit na reality.