Friday, July 30, 2010

IPUIPO SA PIGING BOOK LAUNCH

Booklaunching ng "Ipuipo sa Piging" - Antolohiya ng mga Makabayang Tula

Magkakaroon ng booklaunching para sa aklat na "Ipuipo sa Piging" sa Agosto 23, 2010 (Lunes), 6 - 9 ng gabi, sa 70s Bistro sa 46 Anonas St. Project 2, Quezon City. Inaanyayahan ang lahat na dumalo sa natatanging programang ito na may mga pagbabasa ng mga makatuturang tula mula sa mga kinikilalang manunulat ng bayan sa kasalukuyang panahon na kinabibilangan nina Gelacio Guillermo, Rogelio Ordonez, Reuel Molina Aguila, Alexander Martin Remollino at marami pang iba. Walang bayad ang entrance.

Tuesday, July 27, 2010

PAALAM, LIZZIE SANTOS

Malungkot ko pong ibinabalita sa inyo na pumanaw na kaninang madaling araw ang komiks/feature writer at book author na si Lizzie Santos dahil sa lung cancer.

Si Lizzie ay nakapagsulat sa GASI, Atlas at Counterpoint noong buhay pa ang mga publikasyong ito. Naging kasamahan ko siya sa unang writing workshop ng Precious Hearts Romances noong 1995, mula noon ay naging kasama at kaibigan ko na siya sa mga writing gigs hanggang itayo namin ang 1am (No. 1 Artist Movement) noong taong 2000 kasama ang isa pang romance writer na si Michelle Vito.

Nitong mga nakaraang taon ay nag-concentrate na siya sa paggawa ng libro at pagsusulat sa mga writing sites sa internet. Huli kaming nag-collaborate noong 2005 nang ilabas niya ang 'Mga Idiomatic Expressions sa Ingles at Kahulugan nito sa Pilipino' na inilabas ng National Bookstore Publication.

Noong isang linggo ay tumawag pa siya sa akin dahil gusto niyang magkita-kita kami, nagkataon naman na marami akong ginagawa kaya sinabi kong hindi ako makakarating. Hindi niya kasi sinabi na malala na pala ang sakit niya.

Ang labi ni Lizzie ay kasalukuyang nakaburol sa Funeraria Paz sa Araneta Ave.

Paalam, Lizzie. Maraming salamat.

(Ang larawan sa itaas: Lizzie Santos, ako, at pintor na si Dennis Miguel, pagkatapos ng painting exhibit ni Dennis sa CCP noong 2006)

Saturday, July 17, 2010

ERNIE CHAN'S AUDIO INTERVIEW

Audio interview with legendary Filipino artist Ernie Chan conducted by Toronto Cartoonist Workshop's Walter Dickinson. He talks about being an artist in the Philippines, how they worked and the tools they used, then coming over to America and working with artists like John Buscema and Gil Kane. He talks about how he inked Marvel and DC books, his penciling work and some of his very recent commissions.

Here is the link.

Thursday, July 15, 2010

ERNIE CHAN'S 1960's COVERS

Nag-upload ang beteranong si Ernie Chan ng mga 1960'2 komiks covers sa kanyang Facebook account. Karamihan sa mga ito ay ngayon ko lang nakita, at ang interesting sa mga ito ay mababalikan natin ang kasaysayan ng mga malalaking balita sa ating bansa.

Narito ang ilan pa sa mga covers na gawa ni Ernie Chan.

Paumanhin po sa mga regular na bumibisita sa blog na ito kung hindi na ako nakakapaglagay ng updates. Masyado lang maraming ginagawa nitong mga nakaraang buwan. Mas madali akong makapagbigay ng updates sa Facebook account ko dahil iyon ang pinaka-convenient sa akin dahil kahit cellphone ay nagagamit ko sa pag-upload.