Tuesday, May 25, 2010

RENAISSANCE: CEBU TOUR pics

Matagumpay ang ginawang book signing ng ilang artist na kasama sa librong Renaissance na ginanap sa Grand Convention Center (Sabado) at Powerbooks SM Cebu (Linggo). Makikita sa Facebook account ni Ernest Hernandez ang mga litrato ng nakaraang Renaissance Cebu Tour.

Ako at si Danny Acuña.

*****
Salamat sa complimentary copy na binigay ng Big Ape Design Studio, lahat sila ay mga independent comics creators na nakabase sa Cebu. Narito ang kanilang blog.

Salamat din sa island hopping/swimming na sinagot ni Francis Sy. Makikita ang litrato sa Facebook account ni Carlo Pagulayan. Nag-enjoy ang grupo.


Tuesday, May 18, 2010

RENAISSANCE: ANG MULING PAGSILANG BOOK TOUR - CEBU


Attention, comic book fans in Cebu!

In light of the successful release and warm welcome of the art book RENAISSANCE: ANG MULING PAGSILANG, Anvil Publishing and National Bookstore are bringing your favorite comic book artists to Cebu! Meet and greet some of the comic book industry’s top talents as they sign and sketch for you at National Book Store Ayala Mall in Cebu City on May 22, 2010 from 3 PM to 5 PM.

Renaissance: Ang Muling Pagsilang is brought to you by Anvil Publishing, Inc and is now available at all bookstores nationwide.

Thursday, May 13, 2010

RELIGIOUS BOOK ARTWORKS

Noong bata pa ako ay may Bibliya ang kamag-anak ko na may mga paintings sa ilang pages. Hindi ko makalimutan dahil napakagaganda ng mga ito. Siguro maituturing natin na ginawa ang mga paintings hindi lang upang mailagay sa libro kundi pinagbuhusan talaga ng panahon ng artist. Ang Bibliyang tinutukoy ko ay imprenta ng mga Jehovah's Witnesses.

Nakakakita ako ngayon ng mga libro nila, kahit magasin, pero hindi kasing-ganda tulad ng dati ang mga artworks. Wala rin akong idea kung sino ang artist.

Bukod sa mga regular bookstores ay madalas din akong pumasok sa mga religious bookstore para tumingin ng magagandang trabaho. Marami kasing artist ang alam ko na wala sa mainstream pero napakahuhusay ng trabaho.

Ang librong ito ng 'Book of Mormon Stories', na gawa ng Latter Days Saints ay paintings na parang ginawang komiks. Ang gaganda ng paintings dito na siguradong ginawa ng frame-by-frame bago binuo. Wala ring nakasulat kung sino ang painters dito.



Pero ang pinakamaganda na sigurong nakita ko ay itong librong may pamagat na 'Jesus The Son of Man', a Catholic book, na may mga paintings ni Carl Bloch (buti na lang at nakalagay ang pangalan), isang Scandinavian painter. Parang trabaho ng mga Rennaisance painters, at malapit-lapit sa gawa ni Diego Velasquez. Napag-alaman ko rin na madalas din palang gamitin ng mga Latter Day Saints ang paintings ni Bloch sa kanilang mga libro.



Tuesday, May 11, 2010

Legendary artist Frank Frazetta Passes Away

Renowned fantasy and comic-book artist Frank Frazetta passed away today as the result of a stroke. He was 82. continue...

Tuesday, May 04, 2010

UNCOMMON GROUND exhibit

Galing kay Derrick Macutay.

Monday, May 03, 2010

BHAKTI ART

Hindi ako espiritwal na tao, at hindi rin naman relihiyoso, ngunit isang malaking karangalan na makilala at makausap ko kahapon (Linggo) ang isa sa mahusay at hinahangaang pintor ng Bhagavad Gita at Vedic writings sa katauhan ni Syamarani Dasi. Nag-iikot siya sa buong mundo at kasalukuyang narito sa Pilipinas upang magturo ng spirituality.

Unang kita ko pa lang sa kanya ay si Mother Theresa agad ang pumasok sa isip ko. Napakabuting tao, malumanay magsalita at punung-puno ng kaalamang espirtiwal. Hindi nga aakalaing isa pala siyang mahusay na pintor.

Nagdadalawang-isip pa nga ako na magpakuha ng litrato sa kanya, inosente kasi ako sa mga bagay na related sa Indian spirituality, baka kasi 'material thing' itong pagpapakuha ng litrato. Pero nang makita niya na inaayos ko ang camera ng cellphone ko, ngumiti siya at pinalapit ako sa kanya. Ako lang yata ang nagpakuha ng litrato kasama siya sa event na iyon.

Kung ang trabaho nina Michaelangelo at Da Vinci ay pinag-aaralan, ang gawa ni Syamarani Dasi ay literal na sinasamba sa mga templo. Anong klaseng visual art ang tataas pa diyan? Binigyan ng basbas ng mga spiritual guru ang kanyang mga paintings at sinabing hindi lang daw images ang mga ito kundi isang pintuan sa spiritual world.


Bumili ako ng ilang aklat na may paintings niya sa cover. Paboritong gamitin sa mga libro ang kanyang mga artworks. Namigay din siya ng mga prints at nakatutuwang pinirmahan niya ang mga ito. Para sa iba pang impormasyon tungkol sa artist at sa kanyang mga likha, narito ang kanyang website: Bhakti Art.