ESPRESSO COMICS
Ipinamimigay ito sa mga stations ng LRT, LRT 2 at MRT. Naghahanap pa ang publishers ng ilalaman sa mga susunod na issues nila. Magandang oportunidad ito sa mga indie creators. Narito ang kanilang website.
Salamat sa lahat ng bumili ng komiks at magasin kahapon sa 9th Toy Convention sa ginanap sa SM Megamall. Napuno ang table namin dahil sa husay mag-portrait nina Rico Rival, Danny Acuña at Jun Lofamia. Salamat sa mga bumisita sa pwesto namin--Gerry Alanguilan, Stanley Chi, Ariel Atienza, Patrick Berkenkotter, Ali Borbe at Joel Cotejar (dating mga kasamahang illustrators noon sa Kislap) at Leng Maborrang (dating manager ko noon sa Aklat textbooks na pinag-drawingan ko). Salamat din kay Alfred Alcala Jr. sa meryenda at maya-mayang pakain, at syempre kay Azrael Coladilla sa pagbibigay ng libreng table.
Ang title pala ng dvd na nabili ko ay 20th Century Boys kung saan ang bida ay kahawig ni Direk Carlo Caparas. Suspense-sci fi ang tema, medyo pambata ang dating ng kuwento para sa akin. Pero enjoy panoorin dahil fast-paced at interesting ang mga eksena.
Natuwa ako dito sa ginawa ni Neil Defeo. Ambigram ito ng pangalan ko at ni Conan Doyle (hindi ko alam kung bakit siya ang kapartner ko). Ang ambigram ay mga salita na puwedeng basahin kahit pabaligtad. Isa ito sa napakahirap na artform dahil talagang mag-iisip ka kung paano gagawin, at syempre maraming trial and error. Salamat, Neil!
Natanggap ko kanina ang complimentary copy ng second issue ng Outbound, UK based comics anthology ito. Isang simpleng inside cover illustration lang ang gawa ko dito.
Nasa final stage na kami sa librong 'Ipuipo sa Piging', isa itong poetry book na binuo naming tatlo nina Abet Umil at Fermin Salvador. Art direction ang contribution ko dito at pawang mga kilala at mahuhusay na poets ang laman ng libro.
Mayroon nang additonal artworks sa kanyang multiply site si Jess Jodloman. Makikita dito ang ilan niyang mga paintings, illustrations at trabaho sa komiks.