Sunday, December 31, 2006

BAGONG TAON, BAGONG BIHIS

www.RandyValiente.com



Saturday, December 30, 2006

THE MONOPOLY OF FORM: COUNTDOWN TO MONOPOLY THEORY (Part 3)

TITLES

“Dalawang titles lang ang inilabas namin noon sa Compass Komiks (mid-80s). Ang hawak noon ng mga Roces ay 39 titles. Lahat ng artist namin ay galing din sa mga kumpanya ng Roces. Nagtaka na lang kami nang bigla na lang hindi na gumawa sa amin ang mga artists. Nalaman ko na sinabihan pala ng kung sinuman sa mga tao ng Roces na kapag gumawa pa sila sa Compass Komiks ay hindi na ulit sila makakagawa sa GASI at Atlas. Siyempre, kung ikaw naman ay isang praktikal na artist, natural na iiwan mo kami dahil dalawa lang ang titles namin, mas marami kang makukuhang trabaho sa mga Roces.”

“Ang ginawa namin noon, para lang maka-survive, ay pina-drawing namin ang mga cartoonists (mga kasamahan ni Nonoy Marcelo) ng mga realistic drawings. Pero iba talaga ang genre nila. Hindi gaanong tinanggap ng readers. Mas gusto pa ring makita ng tao ang drawing ng mga artists na hawak ng GASI at Atlas.”

“Kaya wala kaming choice kundi itigil na ang komiks namin.”


Benjie Felipe
Compass Komiks, editorial staff

Friday, December 29, 2006

FILIPINO KOMIKS NOW AVAILABLE!!!

Sa mga nagtatanong kung saan mabibili ang first issue ng Filipino Komiks ng Risingstar, nasa National Bookstore na ito. Sa halagang P100, mayroon itong 76 pages na punum-puno ng kuwento, articles at galleries ng mga dibuhistang Pilipino.


Wednesday, December 20, 2006

BAKASYON NA PERO HINDI PA TAPOS ANG TRABAHO

Hindi ko alam kung makakapag-post pa ako hanggang next week or sa January na. Sobrang busy dahil kailangan kong matapos ang mga trabaho ngayon dahil gusto kong makapagsimula na ng bagong project sa 2007.

Lagi rin akong nasa labas ng bahay, namamasyal at namimili kasama ng mga kamag-anak para sa dadating na Pasko.

Iiwanan ko muna kayo ng teaser page para sa Filipino Komiks #2 ng Risingstar Enterprises. Pinamagatan ko itong 'Gripo'. Of course, kuwento ito tungkol sa gripo...na nasa loob ng cabinet.
Weird, 'no? Hehe.

I'm sure, magtataka kayo dito kung horror o fantasy o kung ano. Kaya kailangan ninyong bumili ng komiks na ito next year. Sana nga ay mai-release sa January.

Merry Christmas and a Happy New Year, mga kapatid! Enjoy the holidays!

World Peace!














Tuesday, December 19, 2006

THE MONOPOLY OF FORM: COUNTDOWN TO MONOPOLY THEORY (Part 2)

DISTRIBUTION

Don Ramon Roces’ magazine and newspaper distribution network grew to an extent that even if you were a bourgeoning komiks competitor you had no choice but to avail of this national distribution network that was the only one existing. Oftentimes, the fees paid for availing of this distribution service ate up the income profits of up and coming komiks competitors’ so the latter had no chance to shine. Alternative distribution networks were tried but they were not wide enough and eventually folded against Don Ramon’s humongous network.

“Some new and independent publications like ‘Extra’ and ‘Romansa Komiks’ of the late 1950s published by the Philippine Book Company, folded when their star writer, Ramon Marcelino quit and joined the Roces’ ACE Publications. In 1963, some enterprising komiks writers and artists like Pablo S. Gomez (PSG Publications), the brothers Nestor and Virgilio Redondo and Alfredo Alcala of CRAF, and others, tried to start their own komiks business. Unfortunately however, their companies ended up being bought by the Roces publishing empire. Mars Ravelo’s RAR publications maintained its independence but later folded due to financial problems. G.M. Miranda and Sons, and the Rex Group of Komiks through their predominantly ‘educational’ komiks, tried to stay afloat but were saddled by a dismal circulation base.”

“In sum, controlling the distribution network is one sure way not only of dominating the komiks market and of eliminating the competition, but it is also a way of inhibiting the development of a potent and underappreciated art form.”
Distributing Komiks: The Art of the Kill


Excerpts from ‘What Really Killed the Filipino Komiks Industry?’ by Lawrence Mijares (Siklab Magasin; 2004)

Saturday, December 16, 2006

THE MONOPOLY OF FORM: COUNTDOWN TO MONOPOLY THEORY (Part 1)

WHY BOLD COMICS?

Atty. Amador Sagalongos, publisher of Tiktik and seven other sex komiks (Bold, Erotika Art, Playmate, Sakdal Sexy, Sex News Komiks, Silahis Macho, Titik L), seems to have taken it upon himself to lead the crusade against the status quo in the komiks industry. Sagalongos says that business and entertainment are ‘incidental’ to his attempts at publishing; his goal is “para makatulong sa masa”, mapalaya sila sa ginagawang pagpapamangmang ng mga monopolista sa pamamagitan ng pantasya”.

The attorney, in his usual legalese, says that the monopoly in the industry is forcing him out of business. Dismissing the fantasy komiks of his compitetors as trash and other sex komiks as pure titillation, Sagalongos cites the tagline on the cover of Tiktik Komiks as his battlecry—Palayain ang Sining at Panitikang Pilipino. Whether or not his brand of komiks is a model of free art and literature and can withstand the test of the aesthetics is another issue. However, Sagalongos is in the wings, ready with his sex komiks, waiting for his dealers and vendors—“If they like to sell, I’m willing to go to jail with them.”

A fact which should be cited as a contributing element to the state of komiks today is the monopoly which runs the industry. The Roces group of publishing companies (Atlas, GASI, API, Adventures Illustrated, Islas Filipinas) accounts for 33 of the 47 regularly published komiks in the country, and the top two komiks are under its wing—Aliwan and Pilipino, which appear twice a week with a combined circulation of about 500,000. Since the Roces group produces about 70 percent of the regular komiks titles, it influences the industry—from prices to the kind of komiks the industry produces. Since they employ a good number of the writers and illustrators, they could also set the standard for fees. On the other hand, because of the advantage of economies of scale, the Roces group of companies is able to produce komiks at the lowest possible price, which in effect becomes the industry guide.


Excerpts from ‘KOMIKS: And Industry, a Potent Medium, our National “Book” and Pablum of Art Appreciation’ by Clodualdo del Mundo, Jr. (Philippine Mass Media: A Book of Readings; 1986)

Thursday, December 14, 2006

MULING PAG-IISIP SA KASAYSAYAN

Ang problema sa kasaysayan o history, ay laging nakadepende kung sino ang nagsulat nito. Kaya ang kasaysayan ng mundo ay naisulat ayon sa point-of-view ng mga hari at emperor noong araw.

Ngayong panahong ito na mayroon nang ibang klaseng pag-aaral tungkol sa history, marami nang mga elements ang dapat tingnan para hindi maging ‘spoonfeeding’ sa next generations ang informations na kanilang nababasa.

Sa mundo ng komiks sa Pilipinas, may pakiramdam akong ‘weak’ pa ang mga nakasulat na histories ng iba’t ibang era nito. Ang problema kasi ay wala talaga tayong matibay na historian sa industriyang ito na tinitingnan ang iba’t ibang sulok ng komiks publications sa bansa. Kumbaga ay wala tayong ‘Zaide’ sa komiks.

Isa sa hindi ko gaanong tinatanggap ay ang tahasang pagsasabi na ang pinakamagagaling na komiks creators sa Pilipinas ay matatagpuan lang noong ‘Golden Age’ ng komiks—50’s and 60s era. Samantalang kabaligtaran naman ang sinasabi sa 70s at 80s era.

Ang tingin ng marami, ang 70s at 80s ay pagbagsak ng komiks—in terms of marketing and quality. Na isang malaking kamalian!

Sa marketing, hindi na dapat pang pagdudahan na ang mga taong 70s at 80s ang pinakamalakas na bentahan ng komiks sa bansa. Dito naganap ang highest peak ng career ng komiks publishing industry.

Komiks ang hari ng print media noong panahong iyon.

Sa quality, ito ang subjective na issue.

Kaya unfair para sa mga 70s at 80s creators na sabihin na pinababa nila ang kalidad ng komiks.

Ito ang mga issues na nagpabahala sa akin:

1. Mababa ang bayad sa mga creators noong 70s at 80s kaya dinamihan nila ang trabaho, at dahil dito ay nag-suffer ang quality.

Tinitingnan ko ang statement na ito sa ibang anggulo. Hindi ako lubusang naniniwala na mababa ang page rate noon ng mga writers at artists base sa economic situation noon sa Pilipinas. Ang dahilan kung bakit nagpadami ng trabaho noon ang mga creators ay dahil sangkatutak na titles na ang lumalabas bawat linggo. Sinasamantala ng publisher ang kasikatan ng komiks kaya nagpalawak pa sila ng husto. Sa GASI lang noon, ang dami-dami nang editors (lampas ng sampu), at ang bawat editors na ito ay may hawak na 3-6 na komiks na lumalabas bawat linggo.

Hindi kasalanan ng mga creators na ito kung alukin o mag-alok man sila ng mga ‘extrang’ trabaho sa publishers dahil kapos noon sa contributors ang publications. Sinabi kong ‘kapos’ dahil karamihan ng komiks noon ay pare-parehong mga pangalan ang makikita mo, mapa-GASI o Atlas o API ay makikita mo ang mga pangalang Jim Fernandez, Pablo Gomez, Elena Patron, Carlo Caparas, Hal Santiago. Nestor Malgapo, etc. Ibig sabihin, sinasamantala rin ng mga creators na ito ang pagkakataon na hindi sila puwedeng I-reject ng publication kahit anong gawin nila. Kesa nga naman maghanap ang mga publishers ng bagong talents na hindi pa nila sigurado kung makakagawa ng quality works tulad ng mga creators na nabanggit ko.

Ang dahilan kung bakit nagparami ng trabaho ang mga creators noon ay dahil nagparami na rin ng komiks (na lumalabas ng weekly and twice a week) ang mga publishers. Dahil ito ang highest peak ng industry. At hindi dahil kapos ang page rate nila.

Nasabi ko ito dahil may mga creators noon na isa o dalawang nobela lang ang hawak bawat isang linggo pero buhay na buhay pa rin.

2. Wala nang nakaabot sa level ng mga golden age artists noong 70s at 80s.

Sabi ko nga, subjective ang isyung ito. Dahil art issue na ito.

Simulan nating tingnan ang writing:

Mas tinitingnan ko ang 70s at 80s na may pinakamagaganda at logical na story telling kumpara noong 50s at 60s. Ang mga writers ng 70s at 80s ay mararaming original na ideas, flexible ang style at mas mahusay ang flow ng kuwento kung scriptwriting technicalities ang pag-uusapan. 70s at 80s ang era na nakapag-produce maraming pinakamagagaling na writers sa bansa—Carlo Caparas, Elena Patron, Nerrisa Cabral, Gilda Olvida, Vic Poblete, Lav Diaz, Ollie Roble Samaniego, Mike Tan, Almel de Guzman, Joseph Balboa, Vincent Kua Jr. at marami pang iba.

Tingnan naman natin ang illustrations:

Quantity over quality. Daily and every-other-day deadlines. Ito ang number one na kalaban noon ng mga illustrators. Marami ring artists ng panahong ito na maraming assistants. Tinitingan ko ang sitwasyon noon na hindi nailalabas ng isang artist ang kanyang ‘pure self’ at ‘highest artistic ability’ dahil sa sunod-sunod na deadlines.

Si Hal Santiago ay nakakatapos ng 15 pages sa loob ng isang araw (may assistants siya na gumagawa ng backgrounds at blackings). Pero magaganda ang trabaho noon ni Hal Santiago kung makikita natin ang original. Malalaki ang size, spread pages pa palagi ang opening scene. Naniniwala ako na kung hindi dahil sa deadlines araw-araw (dahil araw-araw din ay may nobela siyang lumalabas sa iba’t ibang komiks bawat linggo) ay mapapaganda pa niyang lalo ang kanyang trabaho. Bigyan mo ng isang page si Hal Santiago na tatapusin niya ng isa hanggang dalawang araw, malaki ang kumpiyansa ko na marami din siyang matatabunan noong ‘golden age’ ng komiks. Hindi sa niro-romanticize ko ang sitwasyon pero maraming maiinit na illustrators noong 70s at 80s na mahuhusay, bigyan lang sila ng sapat na oras—Nestor Malgapo, Mar Santana, Vic Catan Jr., Jun Borillo, Rico Rival, Jun Lofamia, Steve Gan, Nestor Infante, Noly Zamora, Clem Rivera, at marami pa




( Images courtesy of Gerry Alanguilan's Phillipine Komiks Museum)

Isa pa sa tinitingnan kong anggulo kung bakit ang mga batch 70s-80s artists na ito ay hindi nakarating sa level nina Coching, Redondo, Alcala at Niño—pero naniniwala ako na kaya nila kung hindi dahil sa malaking balakid sa industriya—ito ang tatalakayin ko sa hiwalay na article na pinamagatan kong ‘Monopoly of Form’.

In conclusion, ang mga creators noong 70s at 80s ay na-trap sa isang sitwasyon na kailangan nilang gumawa ng gumawa ng gumawa ng gumawa dahil sa malaking demand ng market.


Sabi ko nga, marami pang anggulo na dapat tingnan sa history ng komiks natin. Ang mga ideas na ibinigay ko sa itaas ay ilan lamang sa mga palaisipan sa akin. Ang conclusion sa mga ito ay makukuha lang natin sa malalim at iba’t ibang anggulo ng pag-aaral ng kasaysayan.

Tuesday, December 12, 2006

Character Again!


Hindi pa ako puwedeng mag-post ng page ng Guardian Empires, so puro characters na lang muna ang preview.

Monday, December 11, 2006

FREE SOFTWARES REVIEW

Isa sa magandang nagagawa ng internet ay ang makakuha ka ng softwares sa wala kang babayaran. Dalawa sa paborito ko na free downloads ay ang ArtRage at SketchUp na paminsan-minsan ay ginagamit ko sa trabaho (sa paggagawa ng komiks).

ARTRAGE

Ang ArtRage ay isang painting software. Katulad din ito ng Corel Painter sa ilang function. Puwede kang gumawa ng painting dito na mukhang oil paint, watercolor, crayola, chalk, pencil at marker.

Ang kagandahan sa software na ito, hindi kakain ng maraming memory sa computer at madali lang I-install. At kung medyo mahina-hina ang capacity ng PC mo, walang problema kahit mag-install ka nito dahil very handy. Dahil nga for painting talaga ang purpose nito, hindi rin mahirap pag-aralan ang mga keys at commands—lalo na kung may background ka ng Photoshop.

Ang pinakagusto ko dito ay ang oil paint, puwede mo itong isawsaw sa tubig na para ka talagang nagpipinta sa traditional media (teka isinasawsaw ba sa sa tubig ang oil?). Madali lang din ang pag-transfer ng files from ArtRage to Photoshop, be sure na I-save mo lang ito sa Jpeg or PNG file (magagawa mo ito sa ‘Export File’ sa File section.

Ang problem ko lang dito, hindi siya mai-save ng 300dpi. Lagi lang siyang nasa 72 dpi, na hindi recommended kung ang artwork ay ipi-print mo. Pero I’m sure na ginagawan na nila ito ng paraan. Nasa second version na ito at tingin ko ay ito rin ang reklamo ng ibang user.

Makukuha ninyo ang free download ng ArtRage dito.


SKETCHUP



New to 3d graphics? Ito na ang chance niyo na mapag-aralan ang 3d na hindi masakit sa ulo ang interface (gaya ng Maya at 3d Studio Max). ang SketchUp ay gawa ng Google, user friendly ito. Sa loob lang ng 5 minutes ay siguradong makakabisado ninyo ito.

Ang SketchUp ay para talaga sa Architectural structures-buildings, etc. pero makakagawa ka rin dito ng mga simple things tulad ng mesa, upuan, cabinet. Hindi rin mahirap ang commands at buttons (mas mahirap pa nga ang Photoshop). May mga video tutorials sa website nila at napakadali lang sundan.

Dahil puwede ka ring maglagay ng textures sa mga 3d objects na ginawa mo, nagmumukha rin itong realistic at walang pinagkaiba sa Maya at 3dSMax. Ang kagandahan pa dito, ang 3d model na ginawa mo ay puwedeng I-convert into 2d kaya magmumukha siyang drawing. Madalas ko itong gamitin sa komiks kapag ang background ay puro buildings and architectural structures (kapag tinatamad na akong mag-drawing) dahil puwede kong paiku-ikutin ang view para mahanap ko ang tamang perspective na gusto ko.

Ang problema lang dito, gaya din ng ArtRage, hanggang 72dpi lang ang resolution kapag na-convert mo na sa 2d drawing. Pero I’m sure na may plug-in ito somewhere na puwede nang taasan ang resolution.

Makukuha niyo ang SketchUp dito.

Marami pa akong mga free stuffs na nakuha sa web at nagagamit ko talaga sa paggawa ng komiks. Ibibigay ko sa inyo ang iba pa sa mga susunod na pagkakataon. Happy downloading!

Friday, December 08, 2006

ANG UFC AT ANG KOMIKS

Ang UFC o Ultimate Fighting Championship ang nangungunang reality fighting show sa buong mundo. Ang mga naglalaban dito ay mga fighters galing sa iba’t ibang bansa at fighting style.

Exciting ang early years ng UFC dahil lahat ng fighters dito ay meron lang isang discipline o school na niri-represents. Halimbawa meron mga galing sa Judo, Jeet Kune Do, Wrestling, Karate, Taekwondo at iba pa. Ito ang time na madalas mag-champion ang Brazilian Jujitsu fighter na si Royce Gracie.

Ang Jujitsu ang mother style ng Aikido at Judo, ito ay system ng martial arts na naka-emphasize ang grappling at choking (pakikipagbuno na nakahiga—ground fighting) kesa sa striking (suntok at sipa). Dahil sa kasikatan ng Gracie Jujitsu, inakala ng marami na ang ground fighters ang pinakamagaling sa lahat. Kaya kahit nang mawala na si Royce Gracie, ang mga sumunod na champions at mga grapplers pa rin na karamihan at galing sa wrestling school.

Nabago lang ang pagtingin na ito nang hamunin ni Maurice Smith ang UFC champion na si Mark Coleman. Si Coleman ay isang wrestler at si Smith at isang Muay Thai champion (kickboxing art ng Thailand). Tinalo ni Smith si Coleman sa pamamagitan ng sipa at suntok, hindi umubra ang wrestling ni Coleman. Dahil dito ay nagkaroon ng paniniwala ang lahat na hindi grappling style ang pinakamagaling sa lahat dahil deadly rin ang striking style lalo na kapag mahusay ang gumamit.

Ang unang ‘complete’ fighter na pumasok sa UFC ay si Vitor Belfort na galing sa Jujitsu at isa ring boxer at kickboxer. Sinundan ni Randy Couture na galing naman sa wrestling pero magaling din sumuntok. Hanggang sumulpot na si Tito Ortiz na pinaka-complete sa mga unang batch dahil marunong na sa grappling at striking (madalas pang gumamit ng knee strike), malakas pa ang katawan.

Kaya kung ngayon lang kayo manonood ng UFC, makikita niyo na lahat ng fighters ay hindi mo na ma-distinguish kung ano ang style dahil hybrid na. Kumibansyon na ng iba’t ibang style of fighting. Malayung-malayo na ito sa early years ng UFC. Kaya nga ayon sa mga kritiko, kung ngayon sasali si Royce Gracie, malamang ibalibag lang siya ng ibalibag nina Tito Ortiz at Chuck Liddel o kaya ay paulanan lang siya ng siko at tuhod.

Ang komiks ngayon, lalo na sa American comicbooks, ay hybrid na rin ng iba’t ibang estilo. At dahil iba-iba na ang estilo na pinagkukunan ngayon ng mga artist, iba-iba na rin ang techniques na lumalabas.

Hindi ko na pakikialaman ang style, magpu-focus na lang ako sa technique.

Ang komiks noong araw ay pen & ink. Ibig sabihin, kung papasok ka ng komiks, either maging penciller ka o inker. Sa Pilipinas, walang penciller at inker, ginagawa na lahat ito ng isang illustrator.

Kahit pa nang mauso na rin ang colored komiks noon, pen & ink pa rin ang main focus kung gagawa ka ng komiks. Malinaw kasi sa imprenta ang naka-ink na drawing. Kitang-kita ito sa kahit anong klase ng papel—kahit low quality na newsprint.

Pero nang gumanda na ang quality ng printing press, sinubukan nang mag-print ng mga artworks gamit lang ang lapis (kahit sa mga artbooks). At napag-alaman na maganda rinpala ang kinalabasan ng printed artwork kahit lapis lang. Dahil dito ay sumubok ang America na gumawa ng mga comics na gawa lang sa lapis. Maganda naman ang quality na kinalabasan.

Hanggang sa mas naging maganda pa ang mga printing press ngayon, kahit malabong lapis ay kaya nang linawan sa tulong ng computer. Kaya ngayon, nakakakita na tayo ng maraming komiks na ginawa lang sa lapis, tapos ay diretso na kaagad sa coloring. Ang masakit na part dito, nakaapekto ito sa career ng mga inkers.

Pero ang point ko dito, mapa-lapis man o may ink, ang mahalaga ay ang final look ng komiks. Kung mas magandang may ink, pwede namang gawin. Kung sa lapis pa lang ay maganda na, puwede rin namang walang ink. Two separate techniques ito na puwedeng gamitin sa komiks.
Sa aking nakikita, ang mga techniques na ganito ay nagiging part na ng visual storytelling. Ang isang creative at ‘complete’ na artist ng komiks ay malayang magagawa ito. Puwede siyang gumamit na inked artworks sa ilang panels, puwede rin namang may ink, at puwede ring may kulay. Kumporme sa sitwasyon at eksena ng kuwento.

Mas nagkakaroon ng impact ang storytelling kung gagamit ng ganitong elements. Halimbawa, sa Batman Hush na ginawa ni Jim Lee, ang regular technique niya ang makikita, si Scott Williams ang nag-ink, tapos ay ipapasa na sa digital colorist. Naging kakaiba lang ang presentation ni Jim Lee dahil kapag may flachback sa story, ginagawa niyang lapis lang ang drawing at monochromatic lang ang pagkakakulay—usuallly ay grayish brown o green ang nakikita ko. Maganda ang ganitong presentation dahil nagkakaroon ng emphasis na ang eksenang iyon ay hindi nangyayari sa ‘present time’ kundi part na siya ng past.



Sa Superman Infinity City na ginawa naman ni Carlos Meglia, dahil siya ang gumawa ng lahat ng artworks, alam niya kung kailan gagamitin ang lapis lang, o may ink, o may digital coloring, o may watercolor wash o may photographs. Gumamit siya ng iba’t ibang kumbinasyon kumporme sa eksena. Halimbawa, kapag normal ang eksena, normal din ang pen & ink niya, kapag biglang naging maaksyon, biglang bubulagain ka na lang isang watercolor wash na may kaunting digital enhancing sa mga special effects.

Una kong nakita ang ganitong technique sa HongKong artist na si Wing Shing Ma. Kapag normal ang eksena, naka-pen & ink, kapag maaksyon, kinukulayan niya ng watercolor wash, kapag sobrang intense ng eksena, bigla siyang magpi-painting gamit ang acrylic, at kapag malungkot naman ang ang eksena, bigla na lang siyang gagamit ng charcoal na wala nang nakapatong na kulay.

Dahil sa pag-advance ng technology at madami na ang choices ng artist ngayon sa mga techniques na puwedeng gamitin, nasa kamay na ng mismong artist kung paano ia-apply ang mga ito.

Kaya nga suggestion ko sa mga naku-komiks ngayon. Huwag lang mag-stick sa isa—penciller o inker lang. Pag-aralan niyo na ang lahat. Hindi naman sa sinusuwapang mo na ang trabaho at hindi mo binibigyan ng chance ang iba, pero mas magandang matutunan ang mga techniques na ito, for personal knowledge na rin. Dahil din sa ganito, magma-mature ka sa mga decisions mo kapag nakahawak ka na ng script. Maging penciller ka man, at least alam mo kung paano mag-desisyon sa mga eksena kung sakaling may inker na humawak ng lapis mo. At malalaman mo rin kung paano ibabagsak ng colorist ang kulay niya sa nilapis mo.

At suggestion ko rin, ewan ko lang kung sasang-ayunan ninyo ako dito, huwag lang realism ang pag-aralan niyo, pag-aralan niyo rin ang abstractionism. Magkakontrang style ito ng art, pero siguradong may matututunan kayo sa magkakaibang pananaw nila.

At kaya nga binabasa niyo itong blog ko na may pamagat na Malikhaing Komiks. ‘Creative Comics’ ang ibig sabihin nito. Maging ‘malikhain’ kayo.

Mukha ba ‘kong nanenermon? Nami-miss ko na siguro ang magturo. Bigyan niyo nga ako ng libreng venue.

Tuesday, December 05, 2006

TIPS SA PAGPILI NG IDOL

Isang binatilyo ang lumapit sa akin, hilig rin niya ang mag-komiks at gusto niya ring maging komiks artist balang araw. Tinanong ko sa kanya kung sino ang mga idol niyang artist ngayon sa komiks.

Andy Kubert daw. Saka ‘yung iba pa na kasabayan din nito.

Wala namang problema sa akin kahit Amerkano ang kanyang idolohin (tingin ko kasi e hindi siya aware sa trabaho nina Coching at Redondo). Binigyan ko na lang siya ng tip na alam kong pinag-isipan niya.

“Kung pipili ka ng ng iidolohin, taasan mo na. Kung idol mo si Andy Kubert, hindi mo siya malalampasan. Ang gawin mong idol e ‘yung idol niya, si Joe Kubert. Malay mo, pagdating ng araw, malampasan mo pa si Andy Kubert.”

Naging lesson na sa akin, kapag may gustong-gusto akong trabaho, pinag-aaralan ko kung sino ang naka-impluwensya ng malaki sa kanya. At ‘yun ang pinag-aaralan ko.

Noong early years ko sa komiks, gustong-gusto ko ang trabaho ni Nestor Redondo. Then, nalaman ko kung sino ang inidolo niya ng husto. Sina Michaelangelo at Da Vinci. Kaya ngayon, binabalikan ko ang lessons ng mga old masters. Sa kanila mo makukuha ang PINAKAMATIBAY na foundation ng drawing.

Sa mga new artists ngayon, ang kinukuha ko ay ang technique, style at concept.

Maraming-marami pa akong dapat matutunan, pero alam ko na nasa tamang direksyon ako ng pag-aaral.

Saturday, December 02, 2006

MAGPAPASKO NA KASI!

Pasensya na sa mga regular visitors ng blog na ito. Medyo busy pa kaya madalang na makapag-post ako ng mga articles. Kailangang rumaket ng husto dahil malapit na ang Pasko. Lulusubin na naman ako ng mga inaanak...at kamag-anak hahaha. Pagtiyagaan niyo muna itong mga praktis-praktis ko.