Saturday, January 31, 2009

KUA & CELERIO

Nasa opisina ako ng Philippine Business for Social Progress (NGO) nang makita ko sa lobby itong mga komiks na may drawings nina Joey Celerio (first image) at Vincent Kua Jr. Walang nakasulat kung anong taon ito lumabas, pero base sa hilatsa ng papel at kalidad ng pagkakagawa ay mukhang late 80's/early 90s ito.

Nakakatulong ang ganitong mga proyekto sa mga komiks creators bukod pa sa kinikita nila noon sa local publications. Ang mga NGOs ang nagbibigay ng extra income sa kanila, kasama na rin dito ang mga campaign materials tuwing sasapit ang eleksyon.


Sunday, January 25, 2009

SHORT VIDEO OF ALEX NIÑO TALKING

Nakakuha ako ng maikling footage ng event noong nakaraang Friday. Makikita ninyo na ang event ay parang round-table discussions kung saan puwedeng magtanong ang bawat isa. Nagustuhan ko ang ganitong eksena dahil mas malapit ka sa speaker, at ang speaker din naman ay malapit sa audience, mas intimate ang bonding. Pasensya na at hindi masyadong maganda ang pagkakakuha ko dahil hindi ko napaghandaan kung saan ako pupuwesto, nakapalibot lang kasi kami sa isang bilog na mesa.

Maraming kasamahan sa komiks ang nanghinayang dahil hindi nga masyadong nai-promote ang event na ito. Ang totoo kasi ay nangyari ang event na ito dahil sa animation sa pag-iimbita ng CREAM. Nangako naman si Mang Alex na marami pang pagkakataon na magsasalita siya sa harap ng mga tao dahil sinabi niya na nag-i-enjoy siya sa ganitong mga usapan at gusto rin niyang mag-share ng kanyang mga experiences at nalalaman.

Saturday, January 24, 2009

A TALK WITH ALEX NIÑO & HANS BACHER

Biglang nag-text sa akin ang kaibigan kong taga-animation: "Randy, pupunta ka ba sa Friday sa Laurel House?"

"Anong meron?" reply ko.

"Magsasalita si Alex Niño kasama si Hans Bacher."

"Ha?! Andito siya?"

Kahit hindi na ako magkaugaga sa trabaho ay pinilit kong magkaroon ng rest day para lang makapunta. Friday ng 3pm, ako ang unang nakarating sa event. Nakausap ko ng kaunti si Mang Alex sabay pa-sign ng autograph ng 'Dead Ahead' comics at iba pang libro niya tungkol sa concept art.

Hindi masyadong na-promote ang event na ito kaya kaunting mga tagakomiks lang ang nakakaalam nito. Karamihan kasi ng nasabihan ay mga taga-animation, at tungkol naman talaga sa animation ang dahilan kung bakit naganap ang event na ito.

Dahil ako ang unag-unang dumating, nauna pa ako kay Mang Alex. Ako rin ang unang nakapagpapirma at nakaipagkuwentuhan ng kaunti.

Si Hans Bacher ang creative designer ng Mulan, Lion King at iba pang disney movies. Siya ang author ng librong Dream Worlds.

Mayroong mini-exhibit ng mga gawa ni Mang Alex.

Kabilang sa mga nagpapirma sina Simon Amores, Hannibal Ibarra at Joel Chua.

Big fan din ni Mang Alex si Ms. Imee Marcos na matagal nang sumusuporta sa industriya ng animation.

Sumulpot din ang mga layout artists ng animation (na mga dating komiks illustrators, sina Larry Santiago at Roland Guina.

Ipinakita ni Mang Alex ang 3rd issue ng Dead Ahead, 24 pages ito na dugtong-dugtong, walang putol. Kaya exciting ang komiks na ito.

Kabilang sa mga naka-displey ang mga concept art ni Mang Alex sa Mulan. Kapag nakita ninyo ang mga original art na ito ay talagang tutulo ang laway ninyo. Ibang level ang talino ni Mang Alex.

May natanggap akong impormasyon galing kay Tagailog na magkakaroon ng Komikon ngayon Mayo sa UP Bahay ng Alumni, hindi ko pa alam ang ibang detalye dito pero ang nag-organize nito ay Artists Den ulit. Iba pa ang regular na Phil. Komikon sa November.

Monday, January 19, 2009

ANIMAHENASYON


Screenings at the UP Film Institute of the winners of the Animahenasyon 2007 & 2008 Pinoy animation festival ! See works in 2D, 3D & Flash & experimental animation style outputs ! Bring your friends who might want to watch the best of Pinoy animation works.

See attached announcement & Details here.
Kindly forward to those who might be interested. Thanks !

Regards,
Grace Dimaranan

www.animationcouncil.org

Wednesday, January 14, 2009

SCOTT McCLOUD ON TED

SLIP ON

Ipinalabas sa Siggraph Asia ang short animation na ito na pinamagatang 'Slip On' na ginawa ng Groovisions. Maganda ang reaction dito ng mga viewers, matapos magtawanan ay nagpalakpakan. Ito ang magandang halimbawa ng 'simplicity+humor=effectivity'.

Panoorin ninyo na bukas ang inyong mga speakers para mas ma-enjoy ninyo ang palabas.



*****
Kauuwi ko lang galing Pangasinan. Nag-judge ako ng beauty contest ng fiesta ng Pozzorubio, Pangasinan. Hindi ko alam kung bakit napili ako ng organizer samantalang wala naman akong experience sa ganitong mga contest. Pero kapag andoon ka na pala ay madali mo nang mahusgahan kung sino ang karapat-dapat na maging Reyna.

Ang sarap pala ng feeling na napapaligiran ka ng mga magaganda ahahaha.

Monday, January 12, 2009

IDEAS WORTH SPREADING

Ilang linggo na akong nahihilig sa panonood ng mga speakers sa website na TED.com. Site ito kung saan iba't ibang tao ang nagsasalita sa harap ng stage para sabihin ang kanilang mga nalalaman tungkol sa kani-kanilang fields.

May ibang mga ideas na hindi ko sinasang-ayunan pero ang importante dito ay maipahayag nila sa buong mundo ang kanilang mga iniisip.

Ang TED.com ay magandang halimbawa ng isang sharing-of-ideas (totoo man ito o hindi) na kapupulutan ng aral.

Ang video na nasa ibaba ay ang idea ni Siegried Woldhek kung saan pinatutunayan niya ang totong hitsura ni Leonardo Da Vinci.



******

Salamat nga pala kay Carlo Pagulayan sa litrato na ito. Kuha ito noong nakaraang exhibit ni Tony de Zuñiga sa Megamall.

Sinabi ni Mang Tony na baka ito na muna ang exhibit niya sa comics art dahil ang mga susunod niyang exhibit ay nakatutok na sa fine arts. Retired na rin siya at balak nang mag-stay dito sa Pilipinas.

Congrats, Mang Tony!

Friday, January 09, 2009

CRUSADER

Sobrang busy nitong pagpasok ng taon. Wala pang time para magsulat, kaya ang pinakamadaling gawin para regular na tumakbo ang blog na ito ay maglagay na lang muna ng kahit anong images dito.

Isa sa kinomisyon sa akin, at kasalukuyang ginagawa, ay itong poster para sa isang comics na pinamagatang Crusaders. Hindi ko talaga sukat akalain na hindi na ako nakakahipo ng papel at lapis, lahat ng pinaggagawa ko ngayon ay puro sa computer na, mula sa sketch hanggang final render.

Tuesday, January 06, 2009

EDBON SEVILLENO EXHIBIT






Congratulations kay kasamang Edbon Sevilleno sa matagumpay na exhibit sa kanilang bayan sa Bacolod. Pinamagatan itong 'BRANDEAD' kung saan iba ito sa kanyang mga watercolor landscapes. Balak dalhin ni Edbon ang exhibit sa iba pang gallery sa buong Pilipinas.

Monday, January 05, 2009

TONY DE ZUÑIGA EXHIBIT

Image taken from Gerry Alanguilan's blog.

Friday, January 02, 2009

BIKE LADY work-in-progress

Tuloy-tuloy pa rin ang praktis ng digital painting.