.
Wednesday, December 30, 2009
Wednesday, December 23, 2009
Tuesday, December 22, 2009
IPAGLABAN MO
Ang komiks-magasin na ito ay lumabas noong 1997 sa pangunguna ni Josefina S. Sison. Ang nilalaman nito ay mga kuwento tungkol sa legalidad ng batas at mga kaso na hango sa totoong buhay. Nagsimula ang babasahing ito mula pa 1993. Ito ay base sa popular na tv series sa channel 2 noon na pinamagatang 'Kapag May Katwiran, Ipaglaban Mo' ni Atty. Jose Sison. Pinamamahalaan ni O.B. Pangilinan ang mga kuwentong komiks samantalang si Tony Ancheta naman ang regular na dibuhista.
Sunday, December 20, 2009
RENAISSANCE
Tandaan na ninyo ang petsa: January 9, 2010. Sa mga susunod na araw ay ilalagay ko dito ang mga detalye. Para sa karagdagang impormasyon, pumunta sa link na ito.
Thursday, December 17, 2009
FRAZETTA CONTROVERSY
Ngayong milyong dolyar na ang halaga ng painting ni Frank Frazetta, pera na ang dahilan kung bakit nagkaroon ng kontrobersya sa kanyang pamilya. Tsk! Tsk! Sana ay magsilbing aral ito sa mga kaanak (mga anak at apo) ng mga kilalang alagad ng sining.
Wednesday, December 16, 2009
THIS COLORIST IS INSANE!
Ito ay sample page na ginawa ng colorist para sa isang 3-part comicbook na katatapos ko lang gawin. Background artist sa animation ang colorist na nakabase sa Greece na ngayon pa lang nagta-try gumawa ng komiks, kaya parang mga eksena sa animation ang kinalabasan ng drawing ko. Nag-announce na sa kanyang twitter ang writer tungkol sa project na ito kaya naglagay na rin ako ng sample page dito. Ang writer nito ay isang kilalang writer sa American comicbooks.
Tuesday, December 15, 2009
LAPU-LAPU ni FRANCISCO COCHING
Mabibili na sa lahat ng branches ng National Bookstore ang 'Lapu-Lapu' na isinulat ni Francisco Coching. Ito ay unang lumabas sa Pilipino Komiks noong 1954.
Sa Filipiniana section ito nakalagay at wala sa komiks section ng naturang bookstore kaya mas mabuting magtanong sa staff ng NBS. P120 lang ang halaga nito .
Napaka-energetic ng trabaho niya dito. Fluid at organic ang mga eksena.
Sinabi sa akin ng editor ng Atlas na si Terry Bagalso na ang susunod na ilalabas nila ay ang 'Talipandas' na likha ulit ni Francisco Coching.
Sunday, December 13, 2009
CHRISTMAS GIFT FROM ADI
Gumanda ang araw ko ngayon dahil nakatanggap ako ng mga regalong komiks galing kay Adi Granov.
Si Adi Granov ay Bosnian at superstar artist ng Marvel Comics. Siya rin ang concept artist ng mga Iron Man movies.
Salamat kay Jobert Cuevas at Reynald Cuento sa pagpapadala nito sa koreo.
Saturday, December 12, 2009
BOTONG & COCHING BOOK LAUNCH
Matagumpay na naidaos kagabi ang book launch ng libro nina Francisco Coching at Botong Francisco sa National Museum, Rizal Park. Maraming bisita na dumalo kabilang ang ilang pulitiko at artista tulad nina Roilo Golez, Aurora Sevilla, Bebe Gandanghari, mga National Artist na sina F. Sionil Jose at Napoleon Abueva, mga tagakomiks na sina Pablo S. Gomez, Jess Jodloman, Ernie Patricio, Jun Lofamia, Danny Acuña, Roderick Macutay at Toti Cerda. Marami pang dumating na mga kilalang tao mula sa art world, showbiz at media. Naparaming tao na pumunta para saksihan ang book launch at exhibit ng dalawang modernong maestro ng painting at komiks.
Ang dami ko sanang kuhang litrato sa cellphone kaso mukhang nasira yata ang memory card ko kanina at ayaw mabuksan. Kinunan ko na lang ng litrato ang set ng mga libro nina Coching at Botong.
Binabati ko ang napakagandang mga aklat na ito na binuo ng Vibal Publishing at ni Dr. Patrick Flores.
Makikita sa blog ni Dennis Villegas ang iba pang litrato.
Wednesday, December 09, 2009
For improving early literacy, reading comics is no child's play
CHAMPAIGN, Ill. – Although comics have been published in newspapers since the 1890s, they still get no respect from some teachers and librarians, despite their current popularity among adults. But according to a University of Illinois expert in children’s literature, critics should stop tugging on Superman’s cape and start giving him and his superhero friends their due.
Read more...
Tuesday, December 08, 2009
COMICBOOK DESIGN
Marami-rami na ring aklat ang lumabas na malaki ang maitutulong kung ang isang tao ay seryosong mag-aaral tungkol sa komiks. Nariyan ang Understanding Comics at Reinventing Comics ni Scott McCloud, ang Comics and Sequential Art ni Will Eisner, Visual Storytelling ni Tony Caputo, ang The Education of a Comics Artist nina Michael Dooley at Steven Heller. Sa mga partikular na kurso naman, gaya ng pagsusulat o pagdu-drawing sa komiks ay nariyan ang How To Draw Comics the Marvel Way at iba pang aklat ng DC Comics tungkol sa scriptwriting, pencilling, inking, at iba pa.
Isa sa pinakabagong lumabas ay itong Comic Book Design na nang una kong makita ay interesado na kaagad ako. Matagal ko na kasing nakikita na sa patuloy na pag-evolve ng comics art ay nahahaluan na rin ito ng graphic design elements. Kapansin-pansin ito sa gawa ni Jim Steranko, hanggang sa panahon nina Frank Miller at Dave McKean.
Bukod sa naiibang kuwento, kaya ako nahihilig sa mga alternative comics ay dahil sa design elements nito na bihirang lumalabas sa mainstream comics. Ilan sa mga paborito ko ay may mga ganitong cover na malakas ang attraction sa akin.
Narito naman ang mga inside pages na mayroon ding design elements.
May teorya ako na dahil sa design elements ng komiks, darating ang araw na isa sa pinakamahalagang curriculum sa isang art student ang comics course. Na hindi ka makaka-graduate ng fine arts, advertising, multi-media arts o kung ano pang visual art-related course, na hindi ka dadaan sa pag-aaral ng komiks.
Monday, December 07, 2009
SAN PABLO COMICS FEST pics
Sa entrance. Mainit ang sikat ng araw pero malamig ang hangin.
Ang Bayan Knights katabi ng table ng Vibal Publishing.
Hazel Manzano at Mel Casipit.
Exhibit area.
Andrew Villar at Rod Espinosa.
Mga estudyante na kasali sa on-the-spot drawing contest.
Makikita ang ibang litrato sa blogs nina Gerry Alanguilan, Jonas Diego, Carlo Pagulayan at Edgar Tadeo
Friday, December 04, 2009
SAN PABLO COMICS FESTIVAL
Sa mga pupunta sa San Pablo Comics Festival, narito ang blog para sa mga impormasyon:
http://sanpablocomicsfestival.blogspot.com/
Narito ang visual map na ginawa ni Gerry Alanguilan:
http://alanguilan.com/sanpablo/map/
Kung makakasabay ako sa sasakyan ng mga beterano ay magdadala ako ng ilang kopya ng Pinoy Komiks Rebyu para sa mga hindi nakabili noong nakaraang Komikon.
Thursday, December 03, 2009
Tuesday, December 01, 2009
Telling Modern Time: The Life and Art of Botong Francisco Coching
The honor of your presence is requested at the book launch, film premiere, and exhibit opening of Telling Modern Time: The Life and Art of Botong Francisco Coching on 11 December 2009 (Friday), 6:30 PM, at the South Wing Gallery of the National Museum of the Filipino People, Agrifina Circle, Rizal Park, Manila.
This landmark exhibition traces the discourse between the high art of painting and the low media of komiks and graphic design in the works of Botong Francisco and Francisco Coching. It offers an intelligent account of the complex and often ambivalent relationship between art and popular culture, which signaled the emergence of Philippine modernity.
>From the hectic postwar years to the advent of Martial Law, Botong Francisco and Francisco Coching articulated the visual sensibility of their era. Botong transformed sly notebook caricatures and design sketches into sprawling murals. Coching delved into abstruse historical sources and the widely circulated Tagalog novels of his time to create stirring narratives of Filipino heroism and nationhood in his komiks. Together they forged an iconography of the folk and the popular, the mass and the national in kindred registers.
Telling Modern Time: The Life and Art of Botong Francisco Coching, on view at the National Museum of the Filipino People from 11 December 2009 to 11 January 2010, will feature approximately 100 works by Botong and Coching, spanning a fascinating range of material, including komiks excerpts, murals, prints, sketches, and memorabilia.
The exhibition is accompanied by a limited-edition numbered box set, available only at the opening night at a specially discounted price. The box set includes:
*The exhibit catalogue of Telling Modern Time with an extensive introduction by Dr. Patrick Flores
*Scholarly essays by well-respected art historians and critics chronicling Botong’s and Coching’s lives and works
*Over five hundred full-color illustrations, paintings and sketches by both artists, in small- and large-scale formats
*Comprehensive listings of both artists’ works
We hope that you will join us in this groundbreaking event to celebrate Philippine artistic culture and history.
RSVP:
Audrey Jalandoni (4168460 / 09159159335)
Karen Lucero (4168460 / 09157005470