Saturday, March 27, 2010

EARTH HOUR TONIGHT

Mamaya ng 8:30-9:30 ng gabi, sabay-sabay po tayong magpatay ng ating mga kuryente. Malaking tulong po ito sa ating lahat, makakatipid tayo sa enerhiya at bayarin, makatutulong pa tayo sa kalikasan.

Wednesday, March 24, 2010

Alert on Missing/Stolen BenCab Paintings

ALERT ON MISSING/STOLEN BENCABS: An Open Letter from National Artist Ben Cabrera (via Pananaw ng Sining Bayan, Inc.)


Two BenCab paintings have gone missing in transit from Los Angeles to Singapore. continue....


Sunday, March 21, 2010

OFW DIARIES: Veteran Pinoy Cartoonist

Saturday, March 20, 2010

GOOD READ

Ako na siguro ang pinaka-nakakainip na kasama sa loob ng bookstore. Lahat ng section ay hinahalughog ko.

Masarap basahin itong essay ng mga estudyante ng California State University na lumabas sa librong 'Wings'. Maraming fresh ideas. Kasama na rito itong 'Comics As Art' ni Christopher Osier.

May 'cartoon issue' ang New Yorker.

Isang nakatutuwang libro ni Scott Adams.

Thursday, March 18, 2010

ANIMAL CHARACTERS

Isa na siguro sa pinakamahirap ma-assign sa isang illustrator ay kung ang mga characters ay puro hayop. Kailangan mo talagang pag-aralan ng husto dahil iba ang anatomy ng hayop kesa sa tao.

Ang Funny Komiks at Bata-Batuta Komiks na siguro ang madalas nating kakitaan ng ganitong mga kuwento.

Paborito ko ang 'Planet Op Di Eyps' ni Roni Santiago, Pinoy ang comedy at simple ang pagkakagawa.

Paborito ko rin ang Superdog ni Louie Escauriaga dahil interesting ng kuwento at maganda ang art, malakas ang impluwensya ng animation.

Sa mga foreign comics naman ay gusto ko itong adaptation ni Michael Plessix ng 'Wind in the Willows' ni Kenneth Grahame. Convincing ang emotion ng mga characters, gumagalaw ang bawat eksena at maganda ang storytelling.

Pinakagusto ko na siguro itong 'Blacksad' nina Juan Diaz Canales at Juanjo Guarnido. Seryoso ang kuwento kaya ginamit ang mga hayop sa seryosong pamamaraan. Puno ng emosyon ang pagkaka-develop sa mga characters, at cinematic ang storytelling.

May fan page ang Funny Komiks sa Facebook. Kabubukas lang nito pero mahigit 700 na kaagad ang sumali.

May nakausap akong marketing staff ng Anvil Publishing at ibinalita niya na nasa top 9 bestsellers na ng National Bookstore ang 'Renaissance Art Book'. Hindi ko pa nakikita ang listahan pero ilalabas na daw nila ang poster ng mga bestsellers ngayong buwan na ito. Magandang senyales ito dahil two weeks pa lang itong nai-launch ay gumaganda na ang resulta.

Wednesday, March 17, 2010

SUMMER KOMIKON 2010


More info here.

Monday, March 15, 2010

SALE: Spidey's Election Day

Sale ngayon sa halagang P200 itong graphic novel na 'Election Day' ng Spider-Man sa Fully-Booked Gateway. Hindi ko alam kung available din ito sa iba pa nilang branch. Sulit dahil hardbound na ay bagung-bago pa ang kopya. Hindi ko alam kung itinaon nila na malapit na ang eleksyon o pinauubos na lang nila ang title na ito.

Sunday, March 14, 2010

RENAISSANCE BOOK TOUR pics/ news bits

Narito ang mga litrato sa Renaissance Book Tour na ginawa kanina sa NBS, Glorietta 5:





*****
Marami na ang nagtatanong sa akin kung kailan lalabas ang 2nd issue ng Pinoy Komiks Rebyu. Ang totoo niyan ay marami-rami na rin ang articles na puwedeng ilagay, ngunit marami pa ring kulang para punuin ang 68 pages na magasin. Nasimulan ko na ang ilang pages ng layout, ngunit marami pang dapat ayusin dahil may theme akong sinusunod sa 2nd issue, at iyan ay: 'Komiks bilang isang Sining.'

Ang unang isyu ay introduksyon lang sa komiks dito sa Pilipinas, at ng ilang personalidad na aking na-interview. Ang mga susunod na issues ay may mga partikular na tema at iyon ang nagpapahirap sa research namin dahil kailangan naming huwag lumayo doon.

At alam din naman ninyo, hindi naman ako full-time editor/writer/publisher, fulltime ako bilang illustrator dahil nariyan ang aking kabuhayan. Kaya pinipilit ko talagang pagkasyahin ang oras para mapunan lahat. Nitong mga nakaraang buwan ay natambakan ako ng trabaho na kinailangan pang magpatulong ako sa mga dating kasamahan sa komiks, ang iba nga ay ipinasa ko na lang sa iba, lalo na doon sa mga projects na may kinalaman sa pulitika (alam naman ninyong tuwing dadating ang eleksyon ay sangkatutak ang mga pulitikong naghahanap ng gagawa ng komiks para sa kanila).

On the side ay gumagawa ako ng sample pages para sa mga major publishers abroad, hanggang ngayon ay hindi ko talaga matapos-tapos samantalang ilang pages lang. Ito ang sample:

Mga ilang linggo pa siguro bago ako makakahinga ng maluwag-luwag para matutukan ko naman ang iba pang gawain lalo na ang PKR. Pasensya na po sa mga naiinip na.

May ginagawang book project ngayon si Fermin Salvador kasama ang ilang Filipino poets, may maliit na partisipasyon ako dito (hindi po ako kasama sa mga gumawa ng tula, nasa production side ako), at isa rin ito sa mga haharapin ko sa mga susunod na linggo kapag nakita ko na ang buong manuscript at makipag-usap sa editor nito na isang mahusay na manunula.

Friday, March 12, 2010

RENAISSANCE BOOK TOUR

PIVOT

Isa rin itong 'Pivot' sa nagustuhan kong short animation. Stylized at artistic ang pagkakagawa ng visual, at maganda ang twist ng istorya.

Pivot from Pivot on Vimeo.

Thursday, March 11, 2010

THE SECRET OF KELLS

I-share ko lang sa inyo itong isang animated movie na inaabangan ko. Bawat scene ay ni-layout artistically, para kang nakatingin sa children's book na gumagalaw.

Wednesday, March 10, 2010

RENAISSANCE BOOK TOUR

Gaganapin ang kauna-unahang book tour ng Renassaince pagkatapos nitong i-launch last week sa SM Megamall. Ito ay gaganapin ngayon March 13 (Sabado), 4-6 pm, sa National Bookstore Glorietta 5, Makati.

Halos 20 artists ang dadalo kabilang na ang beteranong si Tony de Zuñiga.

Ang drawing na makikita sa itaas ay ang contribution ko sa naturang libro. Ito ay magiging available sa Ebay sa mga susunod na araw, ang kikitain dito ay mapupunta sa kapakinabangan ng ating mga kababayan.

Tuesday, March 09, 2010

ANGONO PETROGLYPH

Nakagugulat na malamang normal sa mga taga-Angono ang makakita ng likhang sining sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay. Para bang ito na ang kanilang hininga. Noong huling dalaw ko nga doon isang linggo pa lang ang nakararaan ay nakatutuwang malaman na may isang lugar pala dito sa Pilipinas na kasama na sa kultura at kaugalian ang sining. Bata pa lang ay normal na silang makakita ng 'art', hindi gaya sa ibang lugar na kailangan mo pang magpunta sa mga gallery at museum.

Isa sa ipinagmamalaking sining ng Angono ay ang kanilang Petroglyphs, o sinaunang ukit sa mga bato. Tinatayang ginawa ito noong 3,000 BC. Nadiskubre ito ng ating pambansang alagad ng sining na si Botong Francisco.

May entry ang WikiFilipino tungkol dito.

Hindi ko pa ito nakikita ng personal at malamang na sa mga susunod na araw ay pasyalan ko ito. Mayroon kasing topic sa pag-aaral ng 'history of comicbooks' na may pagkakatulad sa 'komiks' ang ilang petroglyphs dahil meron itong sequential images, kagaya ng mga petroglyphs na nabanggit sa librong 'Understanding Comics' ni Scott McCloud, kung saan may natuklasang mga ukit sa bato na may pagkakasunud-sunod ang mga eksena.

Isa itong magandang rebelasyon sa midyum ng komiks sa Pilipinas.

Saturday, March 06, 2010

SHORT COMICS REVIEW

Lumabas na ang 3rd and final issue ng Dead Ahead ni Alex Niño. Masasabi ko na ito ang pinakamagandang issue sa tatlo. Out of this world ang layout. Magkakadugtong ang mga pages na ito, noong una ko nga itong makita noong nagpunta sa Pilipinas si Mang Alex ay inisip ko kaagad kung paano ipi-print itong mahabang-mahabang pages, akala ko ay folded pages ang gagawin. Pinutol din ng Image dahil imposible talaga ang ginawang ito ni Mang Alex. Creativity at it's best!


Lumabas na rin ang second issue ng Joe the Barbarian nina Grant Morrison at Sean Murphy, isa ito sa mga titles na kinukolekta ko ngayon. Highly recommended ito hindi lang sa mga comicbook artist kundi pati na rin sa mga gumagawa ng storyboard. Napakaganda ng pagkakagawa ng bawat eksena na makakalimutan mong nagbabasa ka ng komiks, akala mo ay nanonood ka ng pelikula. Storytelling at it's best!

Friday, March 05, 2010

3rd Philippine Graphic Fiction Awards

Witness the 3rd Philippine Graphic Fiction Awards ceremony at 7:00PM, March 17, 2010 at the Rockwell Tent.

Monday, March 01, 2010

RENAISSANCE book Now Available

Mabibili na sa National Bookstore branches. P500 only!