Sunday, November 30, 2008

MAMMOTH

Pinadala sa akin ng kaibigan at dating komiks writer na si Marife Necesito itong trailer ng Mammoth. First quarter ng 2009 ito ipapalabas sa abroad, hindi pa tiyak kung kelan ito ipapalabas dito sa Pilipinas.

Congrats, 'tol! Kelan ang libreng pakain?

Saturday, November 29, 2008

FILL YOU IN

Share ko lang sa inyo itong music video na ginawa ng animator na si Jason Lee Peacock para sa kantang 'Fill You In' ni Josh Pyke. Bukod sa maganda na ang pagkakagawa ng animation ay paborito ko rin ang kanta.

Friday, November 28, 2008

CONCRETE JUNGLE

Naisipan ko lang mag-speed drawing sa Photoshop tapos ginawa kong entry sa Concrete Jungle Art Contest, naging weekly winner pa last month, tapos napasali sa 41 semi-finalists. Ngayon naman ay napasama pa sa top 10 finalists. Hindi ko man makuha ang grand grand prize sa December 3 ay may makukuha na akong premyo at mapapasali na sa DVD version ang artwork ko na nasa itaas.

Ang Concrete Jungle ay isang Hollywood film na kasalukuyang ginagawa ng Grammy Award winner and platinum music producer Quincy Jones III. Kasama dito sina Tony Hawk, Pharrell Williams, Paul Rodriguez Jr., tungkol ito sa urban lifestyle, including hip-hop, skateboarding and art.

Thursday, November 27, 2008

DERRICK MACUTAY PAINTING EXHIBIT

Pagkatapos ng ribbon cutting.

Roderick Macutay, nagpapaliwanag tungkol sa mga konsepto niya.

Hawakan ng dibdib.

Pang-Heavy Metal.

Ito ang pinakagusto ko sa gawa niya. Ang title nito ay Yaya 2000. Tinanong ko kung bakit ganu'n ang title, sabi niya, dahil hanggang ngayon ay 2000 pa rin ang suweldo ng yaya hehehe.

Ito ang pangalawang pinakagusto ko. Parang ginamitan ng Photoshop. Pero purong acrylic ito.

Kami lang ang mga taga-komiks na dumating, karamihan mga pintor at iskultor. Ako, Almar Denso, Toti Cerda (pintor na rin pala ito), William Cinco at Roderick Macutay . Kuha ni Jefffrey Apelo.

Mario Macalindong at Derrick.

Wednesday, November 26, 2008

THE EVOLUTION OF HUMANITY

Bumilib ako ng husto sa Italian illustrator na si Milo Manara nang makita ko ito. Tingin ko ay ito na ang kanyang masterpiece. Tungkol ito sa ebolusyon ng tao, mula sa unggoy hanggang sa mga pangyayari sa kasalukuyan. Accurate ang mga costumes. Medyo brutal nga lang ang ilang eksena dahil may sex at violence.

Tuesday, November 25, 2008

ZEN

Tuwing hapon ay nakukuha ko pang mag-jogging pagkatapos ng maghapong pagtatrabaho. Kasama ito sa pagri-relax ko. Madalas kong nadadaanan ang building na ito na may pangalang ZEN Mansion. Inisip ko, baka ang may-ari nito ay Japanese o kaya ZEN Buddhist.

Noong mid-90s ay may nakilala akong practitioner ng ZEN Buddhism. Dahil sa curiosity ko kung paano sila nagsasagawa ng meditation, nagtanong ako kung pwede akong umattend sa kanilang gathering. Pinagbigyan naman niya ako. Ang kanilang center ay sa Paco, Manila. Pagdating ko doon ay dalawang estudyante lang ang nadatnan ko.

Tinuruan ako ng breathing exercise, ngunit ang pinakamahirap ay ang mismong meditation. Think of nothing. Kapag may pumapasok na thoughts sa isip, palampasin lang ito. Kapag naisip mo naman na hindi ka dapat nag-iisip, mali rin ito dahil nag-iisip ka pa rin. Ang hirap-hirap ng proseso ng self-enlightenment.

Kunsabagay, lahat naman ng relihiyon, mahirap ang proseso ng pagpunta sa langit o nirvana. Pero ang twist ng ating pagiging mortal na tao: Gusto nating makarating sa langit pero takot naman tayong mamatay.

After a year na madalas kong madaanan ito ay lumipat ako sa ZEN Mansion, hindi lang dahil gusto ko ang pangalan ng building kundi dahil tahimik din ang buong lugar.

Doon ko nalaman na kaya pala ZEN Mansion ang pangalan ay dahil ZENAIDA ang pangalan ng may-ari nito.

Minsan, may mga bagay na ginagawa kong malalim. Hindi naman pala.

Sunday, November 23, 2008

KOMIKON 2008 PICS

Nakalimutan kong magdala ng camera sa Komikon kahapon kaya nakihiram na lang ako ng ilang pictures kina Gerry Alanguilan at Mario Macalindong.

Johnny 'Balbona' Danganan at Tony de Zuniga.

Fernan, Jun de Felipe, Edwin Chavez at Gerry Alanguilan.

John Becaro, Edwin at Fernan.

Josie Aventurado, Abe Ocampo, Ofelia Concepcion, Rico Rival at Val Pabulos.

Roger Miralles at Val Pabulos.

Val Pabulos, Meyo de Jesus and son, at Edbon Sevilleno.

Booth ng Guhit Pinoy.

Exhibit ng GP.

Bob Turda (father of Mike Turda--Guhit Pinoy Abu Dhabi) with Guhit Pinoy members.
Laging puno ang booth ng GP.

Rico Rival, Armida Francisco at Romi Lizada (Guhit Pinoy China).

Maraming salamat sa mga kaibigan at kasamahan na dumalaw sa puwesto namin at mga nakakuwentuhan na wala dito sa litrato--KC Cordero, Novo Malgapo, Benjie Felipe, Ner Pedrina, Rommel Fabian, Beth Rivera, Lan Medina, Gilda Olvidado, Rosahlee Bautista, Imelda Estrella, Azrael Coladilla, Arman Francisco, Jeffrey Ong, Ron Mendoza, Mars Alvir, Ronald Tabuzo, Bing Cansino, Tina Francisco, Ogie Almeda, Alvin Goya, Alfredo Alcala Jr., Dennis Redondo, Orvy Jundis, Hannibal Ibarra, Ravenson Biazon, Noah Salonga, Lui Antonio, Ariel Padilla, Jun Lofamia, Yong Montaño, Gia at Boboy Yonzon, Grace at Mang Jess Jodloman, at marami pa na hindi ko pa maalala sa ngayon. Salamat kay Benji Marasigan ng College of Saint Benilde sa DVD ng mga student animators. Salamat din sa mga kaibigan galing sa DAYO animation na nagbigay ng suporta sa Komikon.

Pasensya na rin po sa mga kaibigang writers at artists na hindi ko na nadalaw sa kani-kanilang booth dahil sa sobrang dami ng tao, ang hirap gumalaw sa loob ng venue, sinabayan pa ng sobrang init tapos biglang ulan. Lowbat ako noong hapon dahil hindi ako nakakain ng tanghalian sa dami ng tao na nakapila sa mga kainan.

Dapat nang ilipat ang Komikon sa mas malaking venue next year!

Thursday, November 20, 2008

UNTITLED

Wednesday, November 19, 2008

THE OVERGROUND (WOWIO report)

Panglima sa Top 10 list ng November report ng Wowio ang The Overground na pinagtambalan namin ni Alveraz Ricardez. Wow!

Monday, November 17, 2008

RODERICK MACUTAY SOLO EXHIBIT; PARA SA KOMIKON

***UPDATES:*** November 26 daw pala ang opening. Same time, same venue.


Nagkakabunga na ang pag-shift ni Roderick Macutay sa fine arts world. Pagkatapos magsara ng mga komiks publications dito ay tumutok na siya sa paggawa ng mga paintings. Ilang beses na rin siyang nanalo sa mga painting contests kaya mayroon na rin siyang napapatunayan dito.

Two years ago, biniro ko pa siya dahil may nakita akong isang trabaho niya na 'futuristic' ang dating. Sabi ko, tutukan mo ang ganyang style, wala ka pang kalaban dito sa Pilipinas. Ikaw ang magiging HR Giger dito.

Mukhang tinutoo nga ni Derrick, dahil ilang paintings na rin ang nakita ko na ganito ang kanyang tema. Interesting din sa akin ang ganitong tema dahil mahilig din ako sa ganito--steampunk, gadgets, machines, spaceships, etc.

*****

Wala akong mairi-release na kahit anong komiks o libro ngayong Komikon. Nitong mga nakaraang buwan kasi ay tumambak ang trabaho ko sa commissions at part-time job sa iba't ibang studios. Sa sobrang busy ko ay hindi ko namamalayan na ang bilis-bilis ng araw, Komikon na agad.

Aatend ako ng event, nasa booth lang ako ng Guhit Pinoy at sa mga kakilala, paupo-upo at pagala-gala. At para naman may pakunswelo ay ipagbibili ko na lang itong tote bag (na komiks) na nabili ko sa Thailand. Hindi ko na rin naman kasi nagamit at nakatambak lang sa cabinet. Mukha lang siyang maliit dito sa picture pero malaki ito, kasya ang laptop at portfolios sa loob. Dahil mag-isa lang ito, kung sino na lang siguro ang mauna ay sa kanya ko ibibigay, sa halagang P500 lang. O kaya email niyo na lang ako para hindi ko na i-displey pa sa Komikon.

Friday, November 14, 2008

4TH KOMIKON

Paki-klik lang po ang mga images para mas makita ng malaki.

Para sa karagdagang impormasyon, pumunta sa www.komikon.blogspot.com

Wednesday, November 12, 2008

STEAM PINK (work in progress)

Mag-iisang buwan na yata akong hindi nakakahawak ng lapis. Naa-adik na ako sa digital painting. Ganu'n pala kapag napupulsuhan mo na ang paggawa ng digital artwork, parang kapag naglalapis ka ay naiisip mo na ang 'ctrl+z' sa pagbura, o kaya 'shift' sa pagru-ruler.

Habang tinitingnan ko itong colored-version ay parang naiisip ko na mas maganda pa itong sketch hahaha. Edit na naman...haaay. Buti na lang may 'layers' at may 'ctrl L' para sa adjustments.

Tuesday, November 11, 2008

WALL OF IMAGES

Sangkatutak ang reference ko sa bahay pero matagal-tagal na rin na hindi ko nabubuklat ang mga ito. Ang dahilan, dahil sa internet. Mas mabilis kasing maghanap ng reference sa web kesa hahalungkatin ko pa isa-isa ang mga libro ko. Kapag talagang higpitan na ang deadline, bawat minuto ay mahalaga, kaya kung makakahanap ka ng kailangan mong image nang mabilisan ay malaking tulong.

Sinubukan ko itong Cool Iris na ayon sa review ay mabilis makahanap ng mga images. Hindi mo na kailangan pang magpunta sa mga web browser (Google at Yahoo) at isa-isahin pa ang mga pages para lang makahanap ng gusto mong image.

Maganda nga siya. Isang klik mo lang ay naka-hilera na sa harapan lahat ng hinahanap mo. Ang problema ko lang sa kanya ay hindi ko mai-right click ang image para mai-save.

Sunday, November 09, 2008

USAPANG STYLE

Hanga ako dito sa ginawang animation ng mga French students na pinamagatang La Main des Maîtres. Kitang-kita ang modernity ng trabaho pero hindi nawawala ang estilo ng French art. Parang Art Nouveau Movement noong 20th century na inilipat sa animation.




Sa isang interview naman kay Zhang Jing, isang Chinese illustrator, na lumabas sa Computer Arts magazine, magandang palaisipan itong sinabi niya:

How do Chinese designers differ from those in the West?

Zhang: Most Chinese are used to learning rather than creating, and they're not often as daring as Western designers. Chinese designers are still in the course of pursuing something beautiful, while Westerners try to destroy the beauty.

Friday, November 07, 2008

ANG PAGKU-KOMIKS

Isang interesting na article para sa seryosong papasok sa paggawa ng komiks:

Making The Time

Chris Eliopoulos

"There’s a difference between an amateur and a professional. The amateur works when the mood strikes. The professional works." continue..

Sinagot naman ng isa pang comics creator na si
sa ScriptGraphicsArtPremier Yahoo Group:

"I agree, stop being a comic fan and start being an artist.

Invent projects to work on even when you are not expected to, and don't spend all year on it.
Forget making masterpieces and produce. It is the sophisticated beholder who determines the masterpiece and not you. Quit complaining that you need an inker, letterer, penciler or writer. If you can't complete a finished work of some sort by yourself then you are just a component of something else and not a full artist or writer.

Oh and writers, chill-out with the movie script format stuff, serious comic artists or directors look at that stuff and think to themselves, "I can do that! Why do I need him?" and yes, even in the professional world this happens. A great concept is fine, but can fall flat if you do not have the skills to execute it well.

And lastly, stop worrying about making a lot of work without a chance of being "discovered" , because it almost always happens that opportunity knocks on a Monday and the company, group or institution will want, ( and they seem to always want! ) the stuff you finished just last week, ready to go by Wednesday. You have to constantly produce. "

Sinagot pa ulit ni


"Creating something is not rocket science and finding the time, when we all have the same 24 hours a day, is not that hard. To get what you want you have to know what you're willing to give up. Do you play your PlayStation 3 four hours a day? Not anymore you don't. Make it one hour. Watch 20 hours of TV a week? Not anymore, make it 6. No reason to eliminate the stuff you love to create comics or whatever it is you want to do. Just reduce the time
you spend on it.

I had knucklehead students who, when there was a 20 page paper to do, would play Final Fantasy...even skipping a few days of school to play the game. Guess where they are now? Good luck paying 30 grand in student loans on minimum wage. Less fantasy, more reality. You can do anything you put your mind to, you just gotta sacrifice nonsense in
your life and get to work."

Sinabi na nilang lahat. Natutuwa lang akong basahin.

Tuesday, November 04, 2008

ELECTRIC CAMOU

Para sa isang artbook tungkol sa digital art. Abangan!



Sunday, November 02, 2008

ANG PAGHAHANAP SA PINAGMULAN NG 'BANIG'

Noong 1989, sinabihan ako ni JC Santiago na kung sakali mang tatambak ang trabaho niya sa komiks ay kukunin niya akong background artist. Kaya bukod sa regular classes namin noon sa Art Nouveau Comics Workshop ay tini-training din niya ako sa paggawa ng background drawings.

Kasama sa mga exercises ko ay ang paggamit ng stippling, crosshatching, at iba pa. Isa sa hindi ko malilimutan na ipinakopya niya sa akin ay itong paboritong background sa mga trabaho ni Francisco Coching:
Hindi ko alam ang tawag dito, tinawag ko na lang itong pansarili na 'BANIG'. Para kasing banig ang hitsura nito. Kung titingnan ninyo ang karamihang gawa ni Coching ay madalas ninyo itong mapansin, ginagawa niya itong pampuno sa background.

Noon ko pa iniisip, saan kaya nakuha ni Coching ang technique na ito? Hindi kasi gumagamit ng ganito sina Hal Foster, Alex Raymond at iba pang mga naunang artist ng komiks. Iniisip ko rin, baka sa mga editorial cartoonists noong araw, pero wala pa rin naman akong kinakitaan, lahat ay puro crosshatch lang.

Noong itayo ng mga 'modern creators' ang Image Comics, nagtaka ako dahil bigla ay nakita ko sa karamihan ng trabaho nilang itong 'banig' technique ni Coching. At hindi lang nila ito basta ginamit, gamit na gamit sa halos ng karamihan sa kanila--Jim Lee, Rob Leifield, Whilce Portacio, Todd McFarlane, etc.

Naisip ko, saan kaya nila ito nakuha? Sa mga artists na nauna sa kanila--Joe Kubert, Neal Adams, Berni Wrightson, Al Williamson? Kay Will Eisner? Kay Jack Kirby? Hindi yata. Sa mga manga artists? Mukhang hindi rin.

Nauna si Coching sa mga ito. 1940's pa ay ginagamit na niya itong 'banig'.

Hindi kaya nakuha ito ng mga American artists sa mga Pilipino na napunta sa US noong 70s? Ang totoo niyan ay hindi ko rin alam ang sagot. Siguro pag nakakita ako ng American comics na mas nauna pa kay Coching at gumagamit ng ganitong technique ay malalaman ko na may pinagkunan nga ito. Pero sa ngayon, wala pa akong maituturo kundi kay Coching mismo.