Friday, November 30, 2007

TITIBAY ‘YAN!

Kausap sa phone: Hoy, Randy! Ano na naman bang nangyayari sa blog mo?

Ako: Binibigyang buhay ko lang ang walang kabuhay-buhay na industriya ng komiks (sabay tawa).

Kausap sa phone: Nag-aaway na naman ang mga tao. Tuwang-tuwa ka pa!

Ako: Grabe ka naman. Hindi naman. Nagpa-praktis lang ang mga ‘yan! Para pagdating sa December 11 (Pasko ng Komiks sa UP, Diliman) e praktisado na silang sumagot. Titibay na silang humarap sa lahat ng pagsubok sa buhay (tawa ulit).

Kausap sa phone: Bakit, may debate ba ru’n?

Ako: Hindi ko alam. Basta ang alam ko e maghapong balitaktakan ‘yun. Saka kaharap ng mga tagakomiks e puro mga propesor at academicians, mga galing sa literature. Hindi puwedeng dumaldal lang tayo du’n ng kung anu-ano.

Kausap sa phone: Parang napaka-active ng komiks industry ngayon. Ang dami-daming happenings.

Ako: Ngayon lang ‘yan. Mga third week ng December, pahinga ang mga ‘yan. Susunod na ingay niyan, baka mga February o March na.

Kausap sa phone: Bakit? Anong ingay na naman ang darating?

Ako: Secret (ngising aso). Basta abangan mo na lang. Teka, nakakapagsulat ka ba ng prosa?

Kausap sa phone: Di ko pa na-try e. Komiks script lang alam kong sulatin.

Ako: Kaya mo ‘yan. May sasabihin ako sa ‘yo…bzzz bzzzzz…..

*****

Naisip ko, kaya nagtatalu-talo ang mga magkukomiks ngayon ay dahil MAHILIG lang talaga sila sa komiks.

Kaya gumawa akong video para sa mga MAHIHILIG sa komiks. Kasama ako. Para sa ating lahat ito…


*****

Kung maluwag-luwag lang talaga ang oras ay gusto kong mag-drawing sa mga komiks ni Direktor Caparas. Pero dahil talagang tali ako sa trabaho, hindi ako makapag-commit kahit noon pa ako tinatanong ng editor.

Pero minsan, tumawag si Direk Caparas sa cellphone ko. Gusto niya talagang makakita ng ‘bagong dugo’ sa kanyang mga komiks. kung hindi man sa limang existing titles ay baka doon sa mga bagong titles na bubuksan.

Mula noon ay minaya’t maya niya ang tawag sa cellphone ko para I-discuss sa akin ang istorya niya na balak ipa-drawing sa akin. Nag-text din siya ng mga eksena para dito. Napasubo na tuloy ako. Saka naisip ko rin, bakit nga naman hindi? Siguro naman kahit isang maliit na panel ay makakatapos ako sa isang araw.

Pero mag-iisang buwan na ay isang page (na hindi pa rin tapos) ang nagagawa ko. Nahihiya na tuloy ako kay direk Caparas.

Pero dahil nga kung anu-anong isyu itong naglalabasan ng mga nakaraang linggo, hindi ko alam kung matatapos ko pa nga ito. Pero gusto ko talagang matapos, pero siyempre, gusto ko e tapos na rin ang problema sa publication. Masarap gumawa kung alam mong lalabas ito at mababayaran.

Pakikiramdaman ko pa ang ibang mangyayari. Malay niyo, isa na pala ako sa blacklisted hahaha.

Walang may hawak sa akin. Gusto kong gumawa kahit kanino. Gusto kong mag-contribute sa abot ng aking makakaya. Pirma nga ni Martin Cadlum sa kanyang mga sulat sa blogs: ‘Martin Freeman’. Gusto kong maging ‘Randy Freeman’ (ang nawawalang anak ni Morgan, hehehe).

Narito ang page 1 na hindi pa tapos. Story by Carlo J. Caparas. Drawing ni Randy Freeman.

Wednesday, November 28, 2007

ANG KONTROBERSYA NG 'ANONYMOUS WRITER'

Nagkaroon ng palitang diskusyon sa Philippine Komiks Message Board tungkol sa isang manunulat na nagbigayng kanyang artikulo sa aklat na 'Komiks sa Paningin ng mga Tagakomiks'. Ang tinutukoy ko ay si Aklas Isip, na pen name na isang manunulat.

Hindi naman ito mainit na pagtatalo kundi palitan lang ng opinyon.

Bukas ang blog na ito para sa iba pang lulutang na opinyon at pananaw.

Narito ang palitan ng kuru-kuro:

Gothic Cathedral-
Nakabili na ako ng book nyo sa megamall kagabi, mangilan-nilan pa lang ang nabasa ko pero enjoy na ako. Tanong lang sino (o sino sino) ang mga taga Aklas Isip?

Gerry Alanguilan-
Alam nyo na malaki talaga ang problema ko sa mga "anonymous", maganda man ang sinasabi o hinde. Ang kasabihang "Hindi kung sino ako ang impotante kundi kung ano ang sinasabi ko" ay bullshit para sa akin.

Kung tunay na mahalaga ang sinasabi mo, binibigyan mo ito ng kaukulang bigat sa pagsabi ng tunay na pagkatao mo.

Anyone who writes anonymously is telling you that he cannot be, and is unwilling to be responsible for his words, and that he refuses to be accountable for anything that he says.

By doing so, he insults every other contributor to this book, each of us publicly declaring who we are, publicly declaring our true identities and by doing so we are publicly declaring that WE are responsible for what we are saying and YES, you can hold us accountable for it.

Anyone who doesn't do the same does not have any credibility with me at all. And pardon me for being frank, I find that the inclusion of his writings in this book sullies an otherwise excellent publication.

Auggie Surtida-
Right On Gerry ! siguro sa revised edition, dapat ilabas na ang mga secret identities nitong mahiwagang grupong ito, otherwise i-delete na lang, di ba ? STAND & BE ACCOUNTABLE !

Robby Villabona-
That's what I thought about Randy's blog as well. Nasira dahil sa anonymous posts. But I suspect that Aklas Isip isn't as anonymous to some as we are led to believe.

Randy Valiente-
Magkakaiba tayo ng pananaw sa issue na ito. Actually centuries old nang pinag-uusapan itong issue ng paggamit ng pen names. Greek period pa. Maraming dahilan. Merong mababaw at merong malalim.

Sa history ng Pilipinas, siguro naman aware na tayo na ilang mga kilalang tao ang gumamit ng 'alyas'--Rizal, Bonifacio, Marcos, Ninoy...pati nga si Bob Ong.

Ang malaking dahilan kung bakit gumagamit ng 'alyas' si Aklas Isip ay dahil sa 'sensitivity ng mga issues' na kanyang isinusulat. Ganito rin ang madalas na gawin ng mga taong involved sa mga political ideologies.

Sensitive ang mga issues ni Aklas Isip dahil wala siyang 'kiyeme' sa kanyang mga sinusulat. Kung nasusubaybayan natin ang mga naisulat niya sa kanyang blog, malalaman natin na marami siyang binabanggang tao--mula sa Roces family, indies, traditional at modern komiks, art, marketing. Pati nga lahat ng writers sa libro ko ay nakabangga na rin niya--si Gerry, Dennis, Fermin, Joemari, ako. Pati ang iba pang tao dito sa PKMB--Robby, Mcoy, etc.

Bilang editor ng libro, naisip ko rin kung dapat bang isama si Aklas Isip. Pinag-aralan ko rin kung kukuwestyunin ba ng marami ang kanyang kredibilidad (gaya ng nangyayari ngayon). At alam kong darating sa puntong ito.

Pero dahil opinionated, individualistic, at self-regulated ang mga articles (dahil halos wala naman akong pinakialaman sa 'thoughts' ng mga nasa libro), naisip ko siyang isama.

Narito ang mga dahilan:

1. Mayroon siyang mga ideas na hindi naisip ng sinuman sa atin.

2. Mayroon siyang mga research materials na hindi natin na-research.

3. Mayroon siyang mga informations na hindi natin nalaman.

4....at higit sa lahat, mayroon siyang mga issues na hindi natin puwedeng kantiin dahil makakasakit lang tayo ng damdamin, magkakaroon tayo ng kaaway, o kaya ay magiging pagkasira lang ng ating pagkatao sa paningin ng iba.

Kung lalantad ba si Aklas Isip ay papalakpakan natin siya? O lalo lang tayong lalayo sa kanya para iwasan na maging personal na kakilala?

Robby Villabona-
There's pros and cons to anonymous writing -- but for academic writing (which I believe your book's articles should at least strive for, otherwise it's just a collection of ordinary writing), I don't think anonymous writing brings out the best possible work from people.

Academic writing needs a large degree of being critical of one's own work so you don't end up committing fallacies (i.e. making false assertions, making questionable conclusions). It also requires a large degree of peer review -- having subject matter experts point out errors in what you write. Self-criticism and peer review, PLUS subject matter expertise and research result in well-written articles.

The anonymous writer is more concerned with advancing an idea than his personal credibility (since it's not at stake anymore). Good thinking generally doesn't come from people not really concerned with their personal credibility. When you lose that concern, you lose the ability to view your own writing with a critical mind. There's no consequence to being careless, making hasty generalizations, making ad hominem arguments, and all the other fallacies they teach you not to make in high school when writing essays.

Aklas Isip's articles may be full of raw information, but his articles are also rich in these fallacies they teach you not to make in high school. And that's probably where I find him good at -- source of raw information. But not really as a source of well thought-out reasoning and conclusions (kasi nga they're very carelessly put together).

Anonymous writing is probably only good for situations where you're writing can get you killed. Other than that... it's just really a license that can easily be abused and destroys your own ability to write well.

Aklas Isip should write with his real name not to satisfy our curiosity, but so he can improve on his writing.

Auggie Surtida-
Right On ! unless may threat sa buhay ni Aklas Isip, it's hard to justify, anonymous writings. You gotta have balls when you decide to write and critique. Tingnan mo sa Mon Tulfo, bumibira siya, pero hindi siya takot sa consequences, dahil preparado din siya. Ang alam ko parating mi kargada itong si Tulfo, bukod pa sa mga marines niyang bodyguards. Ditto with Mike Enriquez sa hard-hitting niyang programang Imbestigador. Sa mga Komikero, kung gusto mo rin bumirada, huwag matakot, mababait naman siguro ang mga artists, unless mi Right Wing, death squad na nagbabasa rito,at bigla nalang kayong mawala from the face of the earth.....

Robby Villabona-
To further clarify... I don't think anonymous writings have no place anywhere. There are types of writings that are perfectly ok to be written anonymously -- such as poems, works of fiction, and songs. Kasi hindi naman kailangan ng mga ito ng left-brain discipline na kailangan sa pagsusulat ng articles.

Ang hindi lang talaga ako agree ay scholarly articles written anonymously. They tend to be full of fallacies, relying more on sensationalism than real meat and solid argument.

Randy Valiente-
May punto ka diyan...

Pero gusto kong ibalik ang isyu sa librong 'Komiks sa Paningin ng mga Tagakomiks', doon tayo mag-focus.

Dapat nating tingnan na ang aklat na ito ay 'compilations' ng mga articles ng mga editors, writers/artists, fans, etc. Ang una kong tiningnan dito ay ang 'content'. Hindi ko gaanong tiningnan kung sino ba ang nagsulat, kasi kung gagawin ko iyon, hindi lahat ay nasa libro ko. Baka pati ako mismo ay wala sa libro dahil undergraduate ako at Architecture pa ang kurso ko.

Unang-una, kami lahat ng nagsulat ay hindi academicians--si Dr. Lirio lang ang may PhD sa amin--which is, hindi rin naman gaanong nahalukay ang topic na kanyang isinulat (na alam kong mapapalalim pa niya ng husto).

Ang kagandahan sa librong ito, open siyang pag-aralan ng academe. Dahil kami ang 'workforce' ng industry. Walang iskolar sa amin sa pagsusulat, kami ay nahinog lang sa karanasan.

Ang mga articles ni 'Aklas Isip' ay bukas para pag-aralan ng kahit sino sa atin. May sense ba ang kanyang pinagsasabi? Saang bagay siya nagkamali? Ano ang mga kuwestyunable sa mga isinulat niya? Hindi ba katanggap-tanggap ang kanyang opinyon dahil nasasaktan tayo?

Sabi ko nga, thousand of years ng pinagtatalunan itong isyu ng 'anonymous writings'. Kumporme sa sitwasyon.

Sa eskwelahan, hanggang ngayon ay piag-aaralan pa natin ang mga isinulat ni 'Huseng Batute'. Inabot ng maraming taon bago lumantad sa publiko na siya pala si Jose Corazon de Jesus.

Narito ang listahan ng mga writers (poets, sholars, ficiton writers, etc.) na gumagamit ng pen names:

en.wikipedia.org/wiki/List_of_pen_names

nagkataon lang na kilala na natin sila ngayon.

Robby Villabona-
Siguro sasagutin ko yung mga tanong mo pag nakabili na ako ng libro mo. Either that o sabihin mo na lang sa akin aling article ang ni-reprint mo.

Yung comment ko about Aklas Isip's writing is general -- and refers to several articles in his blog. When I have more time on my hands I might put a sample analysis here, but only when I'm convinced it's not a waste of time. I say that because Aklas Isip is a man of obviously very little mental discipline. When he doesn't like someone's point of view, he calls them names and gives them sarcastic labels (the fallacy of argumentum ad hominem). He also has a habit of making straw-man arguments (mis-stating someone else's opinion so he can easily attack it). These are signs of a closed mind. And it's a waste of time having a 'dialog' with someone who's not listening.

*Maybe* a few articles somewhere were spared this lack of intellectual honesty, so yes, I'm not ruling out that it's sometimes possible to find convincing arguments from him.

Your defense that others did it in the past is an example of "bandwagon" fallacy. Just because others practiced it in the past doesn't mean it's right. It just means it's not the first time.

Oh, and just because you're not Ph.D.'s doesn't mean you're exempt from following rules of good logical writing.

Saturday, November 24, 2007

KASISIMULA PA LANG, TINAPOS NA

Hindi ko matiis na hindi magsalita. Ayoko nang palipasin pa ang maraming araw dahil magandang maaga pa lang ay malaman na natin ang mga isyung kinakaharap natin ngayon.

Gusto kong ipagpauna sa lahat ng makakabasa na ito ay opinyon ko. Wala akong pakialam kung sino ang masasaktan. Karapatan kong sabihin ito dahil involved ako dito, kaming mga gumagawa ng komiks sa Sterling, kaming mga umaasa na isang araw ay bigla na lang ulit sisigla ang industriya ng komiks dito sa atin. At hindi ito dapat palampasin dahil kasama ito sa kasaysayan.

Nakatanggap ako ng balita (text message) na nag-resign na sa Sterling si Mr. Martin Cadlum (siya ang may hawak business side ng komiks). Sa dalawang tao ko natanggap ang balitang ito, pareho sila ng tinext sa akin. Noon pa man ay nararamdaman ko na ang internal problem ng Sterling at ng grupo ni Direk Caparas. May duda ako na hindi malinaw ang kanilang pagiging ‘business partner’. Hindi ko rin alam kung may kontrata o wala. Ang alam ko lang, maraming isyu silang dapat I-solved.

Tinext ko ang editor na si Sir Andy Beltran pero wala pa siyang masasabi sa isyu na ito.

Iyon ang mahirap sa isang business deal na binuo ng showbusiness at puro palabas. Hindi naging malinaw ang usapan. Maganda ang advertising at promotion on the outside, pero sa loob ay maraming hindi malinaw.

ANYO NG KOMIKS

Malinaw ang konseptong nais ilabas ng Caparas editorial board, ibalik ang tradisyunal na komiks. Kung ano ang kanilang iniwan, iyon din dapat nilang balikan. Kaya nag-reflect ito sa limang komiks na kanilang binuksan. Traditional kahit saang anggulo tingnan.

Sa nababasa ko sa Sterling, mayroon din silang sariling pananaw. Para sa kanila: Kung ano ang iniwan ninyo 10-20 years ago, hindi na iyon ang babalikan mo ngayon. Nagbago na ang maraming tao, lalo na ang mga nagbabasa.

Naging problema nga kaya ang konsepto ng limang komiks?

PAGPASOK NG IBA

As a business entity, may vision ang Sterling (sa pamamagitan ni Mr. Cadlum) na palawakin at palaguin ang kanilang negosyo. Kaya nang matapos nilang suportahan ng husto ang paglalabas ng komiks ni Direk Caparas, kailangan naman nilang mag-move on. Paano nga ba ang naisip nilang pag-move on? Iyon ay walang iba kundi tumanggap ng ibang grupo—na hindi under ng Caparas team—at gumawa rin ng sariling komiks.

Kaya nabuo ang mga meetings between Sterling at mga independent creators. Sa katunayan, maging ang dalawang titulo na noon pa binalak ng Sterling na ilabas ay ipinahawak na rin sa ilalim ng ibang grupo.

Ito ang problema: Madalas banggitin noon ni Direk Caparas—kahit pabiro—na wala nang ibang komiks na makakapasok sa merkado kundi ang Caparas Komiks. Hindi ko alam kung ipinaglaban niya ito kaya nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ng Sterling. Magulo ang business deal na ito dahil napaka-importante ng isyu ito. Paano magiging mabuting business partner ang dalawang hindi magkasundo ng layunin?

ITUTULOY

Lampas nang dalawang buwan ang nakalilipas buhat nang buksan ang limang titles ng Caparas Komiks. Pero isyu number 5 pa lang ang nasa merkado. Kung tutuusin, kung nasunod ang weekly nitong labas, dapat ay nasa isyu 8 na tayo.

Ang mga problema kaya sa itaas na binanggit ko ang nag-trigger kaya nagka-delay-delay ang labas ng komiks?

ANG NAKARAAN

Nang pagsarhan kami noon ng GASI at Atlas (sa ilalim ng mga Roces), marami sa amin ang hindi alam kung saang trabaho tatakbo. Higit na naapektuhan ang mga beterano. Wala kaming nagawa. Wala kaming boses. Walang blog noon para maglabas ng sama ng loob.

Pero ngayon ay iba na. Mas dynamic na ngayon ang pananaw ng mga makabagong komiks creators. Wala na tayo sa ilalim ng monopolyo.

Pero naroon pa rin ang panghihinayang sa pagkakataon na ibinigay sa marami sa atin na makapagtrabaho ulit sa local komiks. Hindi lang kayong mga nasa itaas ang apektado, kundi kaming mga contributors—writers at artists na pikit-matang umaasa sa pagbabalik ng komiks.

Narito ang nakikita kong mga problema ng Sterling-Caparas ngayon kaya hindi malayong titiklop ang publication ng komiks. Sana nga lang ay mali ako:

  1. Business partnership
  2. Editorial Board/System
  3. Komiks Concept
  4. Visual Presentation

Samantalang narito naman ang optimistic na view ng marami sa atin. At lubos ko kayong pinupuri dito:

  1. Marketing Plan
  2. Dedication
  3. Harwork
  4. Passion

Tuloy pa rin ang labas ng limang komiks ayon sa pagkakaalam ko dahil may mga sasalo sa posisyon ni Mr. Cadlum. Ngunit siguradong malaki ang epekto nito sa bawat isa sa atin. Meron nang lamat, tanggapin man natin o hindi.

Magandang hangga’t maaga ay mapag-usapan ang problema—hindi sa pagitan naming mga contributors—kundi sa pagitan muna ninyong mga nasa itaas. Saka na natin pag-usapan ang problema sa pagitan ninyo at sa aming mga empleyado.

Susunod na isyung nakikita ko: reformatting.

Nagbiro pa ako noon sa isang forum. Hanggang six months lang ang itatagal ng komiks at siguradong magri-reformat ito. Mali ako. 3 months lang pala.

Friday, November 23, 2007

MARKETING

Weird itong librong ‘Komiks sa Paningin ng mga Tagakomiks’. Saan ka naman nakakita ng libro na halos wala pang isang linggo ay meron kaagad second printing. Kunsabagay, kaunting copies lang naman ang pinagawa ko, pero hindi ko akalaing sa ganoon kaikling panahon ay halos ubos na ang kopya ko. Ang hawak ko na lang ngayon ay mga natirang complimentary copies at ilang kopya na pinareserba ng mga kaibigan para bilhin.

Nitong mga nakaraang araw ay wala akong ginawa kundi kumonekta sa mga marketing people. Malamang na sa mga susunod na linggo ay makita niyo na rin sa ibang establishments ang libro, hindi lang sa Central Books.

Hindi puwedeng patulugin ko lang ang libro sa isang lugar at maghihintay lang ako ng grasya. Kailangang kumilos. Sabi nga ni…nakalimutan ko na kung sino ang nagsabi: “It’s not the best man who normally made it but the man who desire it most.”

Ako ang klase ng taong kayang magmartsa ng maghapon sa ROTC kesa paupuin sa harap ng Math subject. Biruin mong dalawang beses kong kinuha ang Algebra noong college ako hehehe. Ganyan ako kabobo sa Math. Kung hindi ko pa nabasa ang life story ni Albert Einstein ay allergic talaga ako sa numbers.

Nalaman ko na hindi naman pala ako bopol sa Math, talagang tamad lang akong pag-aralan. Kaya kahit asar ako sa subject na ito, kailangan kong gawin dahil sa ayaw ko man at sa gusto, ang mundong ito ay punung-puno ng Math.

Hindi ko alam kung bakit isang gabi ay bigla na lang akong sumama sa isang kaibigan na nakalinya sa marketing. Dinala ako sa kung saan-saan. Nakipag-usap sa kung sinu-sino, nagkuwentahan ng mga tseke at mga cash sa harap ko. Ng mga tubo at mga kulang. Ng mga kita at mga lugi. Isang araw na napuno ang utak na puro kabibilang ng pera, petsa, accounting, networking at kung anu-ano pang teknikal na isyu na sila lang ang nakaka-relate.

Pero tuwang-tuwa pa rin ako kahit inabot kami ng madaling araw. Hindi lang kasi Math ang pinag-aralan ko, pati na ang characters nila hehehe. Malas lang nila, may kasama sila na ultimo pag-inom nila ng tubig ay pinag-aaralan ko. Sa dami ng taong kinausap namin, nalaman ko kaagad kung sino ang mayaman, ang mahirap, ang gold digger, ang trying hard, ang may breeding, ang balasubas, ang hayok sa pera, at ang walang pakialam sa kikitain dahil may ibang agenda—sa mga magagandang tsiks na kasama namin na may business rin.

Merong manager ng isang car company na puro kalibugan ang pinagsasabi, may isang kapatid ng sikat na singer na walang ginawa kundi ipagmalaki na siya ang presidente ng isang malaking organisasyon, may nag-aalok ng insurance na nang makakita ng fried chicken sa mesa ay hindi na kami kinausap kundi kumain na lang, may isa ring bading na medyo pormal pa nu’ng una, pero nang may dumating na gwaping e biglang naglandi.

Totally alien ako sa grupong ito. Pero nakakatuwa. Punung-puno ng iba’t ibang karakter ang mundo. Masarap din ang ganito paminsan-minsan. At least hindi lang sa blog, sa komiks, sa artwork umiikot ang buhay ko.

Kinabukasan, biglang may tumawag sa telepono. Yung nag-aalok ng insurance, niri-recruit kaagad ako. Hindi ko alam kung ano ang alibi na gagawin ko. Hindi ako interesado. Maya-maya may tumawag ulit, sinasali ako sa networking. Mas lalong hindi ako interesado. Bigla akong nag-isip, ano ba itong napasukan ko? Sumpa yata ito? Bigla e inalok ako ng kung anu-anong appointments. May nagtitinda ng vitamins, ng sabon, ng second hand na kotse, kulang na lang e alukin ako ng pamparegla.

Pero sa kabuuan ng experience ko sa kanila, ang dami kong natutunan. Iba ang mundong ginagalawan ng mga marketing people. Hindi ko mundo ang mundo nila. Pero naisip ko, kung papasukin ko man ang mundo ng negosyo, dalawa lang ang puwede kong gawin, ang pag-aralan ang mundo nila, o mag-hire ako ng tao na nasa mundo na nila.

Nang sumunod na araw, bumili ako ng oil paint. Inisip kong magpinta para may hobby ako (hehehe weird ‘no? Drawing na nga ang trabaho ko, painting naman ang hobby). Mas gusto ko pa rin ang mundo na tahimik. Yung sarili ko lang. My own universe of art and ideas. Pero I’m sure, pagkatapos kung makagawa ng mga paintings, babalik na naman ako sa mundo nila.

Sa uri ng trabaho natin, kung gusto nating magtagumpay, kailangan nating I-market ang ating sarili. Hindi puwedeng marunong lang tayong magsulat at mag-drawing. Kailangan nating makahalubilo, lumubog, at maranasan ang ino-offer ng capitalist society (ahaha, lalim ‘no!)

Sige hanggang dito lang muna. Mawawala ako ng ilang araw o linggo, hindi ko pa alam.

Gusto ko na ring buksan ang submission para sa ikalawang aklat ng ‘Komiks sa Paninging ng mga Tagakomiks’. Kung sinuman ang mga interesado ay maari kayong mag-email sa tagakomiks(at)yahoo(dot)com

Tuesday, November 20, 2007

THE ART OF...

Kung magagawi kayo sa lahat ng branches ng Central Books ay makikita ninyo ang ilang pages ng book portfolio na 'The Art of Randy Valiente'. Sample copies lang ito at hindi pa ipinagbibili sa ngayon. Ginagamit nila ito bilang sample sa kanilang printing.

Makikita sa loob ang mga trabaho ko sa komiks at animation concepts/designs.


Available na sa lahat ng branches nationwide ang KOMIKS SA PANINGIN NG MGA TAGAKOMIKS. Para sa karagdagang impormasyon, mag-email sa tagakomiks(at)yahoo(dot)com


Monday, November 19, 2007

SOLD OUT SA KOMIKON!

Magandang pangitain ang ibinigay ng Komikon para sa 'Komiks sa Paningin ng mga Tagakomiks' dahil naubos lahat ng kopyang dinala ko. 50 piraso lang naman ang bitbit ko. Umaga pa lang ay nag-aalala ako na hindi ako mabibilhan kahit ng 10 piraso, pero laking gulat ko, wala pang alas kuwatro ng hapon ay simot na ang libro. Nakakapanghinayang nga dahil ang dami pang naghahanap, sinabi ko na lang na available na ito ngayon sa Central Books.

Salamat sa lahat ng contributors at mga taong dumalaw sa aking table para lang puntahan ang aking libro. Ang dami-dami niyo, hindi ko kayang ilagay ang mga pangalan niyo dito hehehe.

Ngayon pa lang naka-plano na kaagad ang part 2 ng aklat na ito.

Salamat sa mga pictures na nasa ibaba. Kuha nina Azrael Coladilla, Kimi Bautista, KC Cordero at Erwin Cruz.


Suwerte ko naman sa dalawang chicks na ito, nagkakilala lang daw sila sa daan nang araw na 'yun, tapos sabay pa silang pumunta sa Komikon. At suwerte kong tumuloy sila sa table ko para bumili hehehe.

Dennis Villegas, KC Cordero at Ever Samson.

Ako, Ever at Erwin Cruz.

Mike Guisinga, ako (ulit hehehe), at ang sister ko (the real Natasha Rose).

Jun Lofamia at KC Cordero.

Leslie Navarro, Glady Gimena at Terry Bagalso.

Jun Lofamia at David Campiti. Bunulungan yata ni David si Mang Jun, "Gusto mo ng dollar?" (sinong may sabing hindi na puwede sa US comics ang 'traditional style? Magulat na lang kayo pag nasa Glasshouse na si Mang Jun hehehe).

Azrael Coladilla, gutom na.

Sa maghapon kong pagbantay sa table, nalaman ko na iba talaga ang audience ng libro ko. Nu'ng umaga nga, nagkalat na ang mga naka-cosplay costume, sabi ko, parang tagilid ang libro ko a. Nu'ng hapon ay bigla na lang nagsulputan ang mga estudyante na may interes pag-aralan ang komiks industry, mga propesor ng fine arts at literature, meron pang direktor sa advertising at animation, mga writers, researchers at iba pang may interes sa impormasyon tungkol sa Filipino Komiks Industry.

Magandang simula ito ng pagdadala natin ng komiks sa akademya.

Thursday, November 15, 2007

POSTER


Kasabay ng launching sa Sabado ay magiging available na rin sa lahat ng Central Books branches ang 'Komiks sa Paningin ng mga Tagakomiks'. Kaya kung sakaling hindi kayo makabili sa Komikon ay puwede niyo na itong bilhin sa Central Books

Narito ang listahan ng kanilang mga branches:

Quezon City
927 Quezon Avenue Phoenix Building

Makati City
Ground Floor (inside Goodwill Bookstore, beside Zara across Marks and Spencer)
Glorietta 3 Mall Ayala Center, Makati City


Morayta Manila
Ever Gotesco Mall CM Recto cor Nicanor Reyes St, Manila

Ortigas Center - Metro Manila
SM MegaMall
5th Level Building A

Cebu City
Junquera St. cor Del Rosario St.

Cagayan De Oro City
Limketkai Mall
West Concourse
Lapasan, Cagayan de Oro City

Davao City
Doors 2&3 Dover Building
Bonifacio Street
Davao City


Iloilo City
Robinson's Place
Mabini Wing
Ilioilo City

****
Mayroon din akong contribution sa indie komiks ni Reno Maniquis, na ilalabas sa Komikon, suportahan din natin siya kasama ang iba pang independent publishers.

****
At sa mga nagtatanong kung ano itong 'Pasko ng Komiks'. Narito ang kanilang website:
Pasko ng Komiks

Monday, November 12, 2007

HANDA NA SA KOMIKON


Bukas pa idi-deliver sa akin ang mga libro pero ready na ang lahat ng mga paraphernalia para sa Komikon 2007. Maaga kong inasikaso ang lahat ng dapat dalhin para pagdating ng Biyernes ay puwede pa akong manood ng sine hehehe.

Sa lahat ng mga writers, kunin niyo na lang ang inyong complimentary copy sa aking table. Gusto ko pong ipagbigay alam sa mga writers na ngayon lang pupunta sa Komikon, mayroon pong entrance fee na P50. Puwede po kayong tumambay sa aking puwesto para doon mag-autograph signing. Kasama ko sa puwesto si Mike Guisinga.

Sa mga writers naman na nasa malayong lugar, padadalhan ko kayo ng email kung paano ninyo matatanggap ang kopya ng inyong mga libro.

Puwede na rin pong mag-reserve para pagdating sa Komikon ay kukunin niyo na lang. P350 ang isang kopya ng libro.

*****
Magkakaroon ng malaking table ang mga veteran illustrators sa Komikon, si Orvy Jundis ang nag-organize nito. Marami siyang ini-expect na darating kagaya nina Nestor Malgapo, Steve Gan, Danny Acuña, Jun Lofamia, Vic Dabao, at marami pang iba. Magkakaroon sila ng FREE (yes! free!) caricature para sa gustong magpa-drawing sa kanila. Ang plano ay maglalagay lang sila ng donation box sa harapan ng table at bahala na kung sino ang gustong mag-donate.

*****
Magkakaroon ng isa pang event sa U.P. tungkol din sa komiks. Ito ang 'Pasko ng Komiks', whole day discussion ito tungkol sa komiks industry. Maraming inimbitahang komiks personalities at mga propesor sa unibersidad ang magiging tagapagsalita dito.

Pero ito ang 'twist', iyung 'main man' ngayon ng komiks...ay nakalimutan yatang imbitahan.

Ang hula ko, baka naman ayaw makarinig ng U.P. ng: "Palakpakan po natin ang kauna-unahang sitting president na may pagmamalasakit sa komiks."

Politics...haaay...

*****
Ito pa ang isang pulitika...

Nagkakaroon yata ng lamat ang relasyon...

dahil sa pagpasok...

at parang gustong ilabas...

dahil gusto e nasa ibabaw...

ay...parang bastos...wag na lang...

punta na lang kayo sa Komikon hehehe.

*****
Ibebenta ko ang kauna-unahan kong gawa sa U.S. independent komiks. Ang title nito 'Rare Earth Chronicles'. Ginawa ko ito noong 2000, nangangapa pa ako dito, hindi ko alam ang gagawin ko dahil ito 'yung time na bigla na akong na-burn out sa kasusulat ng romance pocketbook at gusto ko ulit mag-drawing sa komiks.

Hindi ako kuntento sa gawa ko dito, pero mahalaga sa akin ang komiks na ito. Dahil dito ko napatunayan na wala pala akong ibang gustong maging trabaho kundi ang komiks. Sa komiks na ito nagsimula ang lahat, kaya nandito ako ngayon.

Para sa iba pang impormasyon tungkol sa Komikon, puntahan ninyo ang http://komikon.blogspot.com/

Sunday, November 11, 2007

DEOGRATIAS EXPERIENCE

Hindi ko matiis na hindi i-share ang nabasa ko kagabi...

Wednesday, November 07, 2007

Tony de Zuñiga sa GMA News

Tony de Zuñiga: The 'legend' in Pinoy invasion of US comics


Basahin ang buong artikulo dito.

Tuesday, November 06, 2007

HINDI LANG KAMI PANG-KOMIKS

Saturday, November 03, 2007

Komiks Marathon: THE PHILIPPINES COMICS REVIEW

Ang The Philippines Comics Review ang kauna-unahan at kaisa-isang magasin tungkol sa komiks ng Pilipino. Lumabas ito noong Oktubre 1980 sa pangunguna ni Ros H. Matienzo para sa Tikbalang Publications.

Hindi na ito nasundan, ngunit mababasa sa editorial box na isa sa plano ay i-distribute ito sa ibang bansa. Kung dadalhin natin sa panahon ngayon, mas marami na tayong mailalaman sa magasin na tungkol sa komiks. Mahaba na ang ating kasaysayan para mailagay dito, at napakalawak na rin ng avenue ng ating mga komiks creators.

Isa lang ang nakikita kong problema kung may maglalabas ng ganitong klaseng magasin ngayon...ang market. Kung ang komiks nga ay hirap ibenta ngayon, lalo na ang magasin tungkol sa komiks. Sa ads at sponsors lang talaga tayo aasa kung saka-sakali.