Saturday, May 30, 2009

PARALUMAN EXHIBIT LAUNCH

Thursday, May 28, 2009

Lichtenstein




Si Roy Lichtenstein ay isang pop artist noong 1950s na ginagamit ang komiks para sa exhibit. Kakaiba sa ibang pintor ang kanyang mga obra dahil inililipat niya sa canvass ang panel ng comics, hindi lang ang drawing kundi ang dialogue at caption ng eksena, maging ang texture ng papel.

Ang tanong dito, ginawa niya ba ang mga obrang ito upang maiangat ang komiks art form? O gamitin ang komiks bilang isang seryosong paksa at tema ng sining?

Wednesday, May 27, 2009

MGA ARTIKULONG BISAYA TUNGKOL SA KOMIKS

Ilang araw na rin akong nagbabasa ng mga artikulo sa internet tungkol sa komiks para sa isang bagong proyekto. Hanggang sa matagpuan ko itong mga sulat sa Bisaya. Mukhang mga interesting ang mga artikulong ito dahil may bagong point-of-view tayong mababasa tungkol sa komiks sa paningin ng mga Visaya. Ang malas ko lang dahil hindi ako masyadong nakakaintindi ng ibang salitang bisaya maliban sa Odionganon (Romblon) at kaunting Ilonggo.

Narito ang ilan sa nakita ko:

Ang Binisayang Komiks ug ang Kalamboan Niini

Ang Kinabuhi Usa Usab Ka Komiks

Komiks Nga Balasahon

Sunday, May 24, 2009

MGA WERTHAM NG BAGONG PANAHON

Nagkaroon ng thread sa Philippine Cinema Yahoo Group tungkol sa pagkaka-nominate ni Carlo Caparas bilang national artist. As usual, ang dami ring reactions galing sa iba't ibang tao. Hindi na ako nakisali sa usapan at hinayaan ko na lang silang magkaroon ng kani-kaniyang kuru-kuro.

Hanggang sa kung saan-saan na nauwi ang usapan. Napunta na kay Fernando Poe at Nora Aunor. Hanggang sa may nag-post na ganito:

Korek... Nora Aunor can be a legit candidate for National Artist pero hintayin na lang natin ang pag upo ng bagong Presidente. Actually kong buhay si FPJ at naging Presidente, malamang National Artist na si Nora Aunor. Remember his famous line... Philippine Showbiz is not the same without NORA AUNOR dahil si FPJ mismo alam niya kong ano ang naging impact ng isang Nora Aunor. Kong may mag nominate kay Carlo J... well and good, pero isipin nila na maraming bumagsak na students dahil sa kababasa ng mga Komiks before kasi ito ang pinakamurang aliwan lalo na yong For Rent sa mga tabi ng school. Maraming students ang nagbabasa ng komiks at nalilimutan na ang pag gawa ng home works and the results bagsak ang mga ito sa school.

Dito na ako biglang nag-post pero pahapyaw lang. Sabi ko:

Pero mas maraming natutong magbasa dahil sa komiks....

Tulad ng inaasahan ko, biglang nag-react ang sinabihan ko. Ito ang sagot:

Hello... kaya nga ang tao nagbabasa ng komiks dahil marunong silang magbasa o hindi gusto niya lang tingnan ang mga pics. Ang point lang dahil sa komiks kaya maramig kabataan ang na neglect ang studies and the results bagsak sa klase lalo na yong mga nasa lower middle class that time. Marunong na silang magbasa kaya komiks ang nakahiligan nila at hindi yong sinasabi mong MARAMING NATUTONG MAGBASA DAHIL SA KOMIKS. Just remember iha/iho...ang mga pinoy ang isa sa pinaka literate na tao sa buong mundo at para sabihin mong MARAMING NATUTONG MAGBASA DAHIL SA KOMIKS..... ITO ANG PISO KAUSAPIN MO SI RIZAL!

Natural sumagot din ako...

May source ka ba dyan sa sinasabi mo na napabayaan ng mga kabataan ang pag-aaral nila dahil sa komiks? O baka haka-haka mo lang?

Oo tama ang sinabi mo na mayroon na rin naman talagang basic knowledge ang mga bata sa pagbabasa bago sila nakahawak ng komiks, pero nakatulong ng malaki ang komiks para bumilis at ma-praktis ang kanilang pagbabasa.

Siguro nasa alta sosyedad ka kaya hindi mo alam.

Ako ang isang example. Kinder pa lang ay hasa na ako sa pagbabasa ng komiks kaya pagtuntong ko ng grade 1 ay hindi na ako masyadong hirap sa pagbabasa sa klase. I am talking about READING here, labas na ako kung may kwenta o wala ang content ng binabasa, ang punto ay ang pagbabasa per se.

'Just remember iha/iho...ang mga pinoy ang isa sa pinaka literate na tao sa buong mundo'

Ah, kaya pala may problema sa readership ng mga Pilipino. Kaya maraming program ang iba't ibang grupo para hikayatin na magbasa ang nakararaming Pilipino dahil hindi tayo palabasa.


Hindi na ulit siya sumagot, hanggang sa may mga kumampi na sa akin.

Naisip ko lang na kung hindi natin paliliwanagan ang ganitong mga tao ay patuloy pa rin mabubuhay ang Fredric Wertham syndrome sa utak ng marami.

Hindi ko kasi puwedeng tanggapin na dahil sa komiks ay nagkaloko-loko ang pag-aaral ng mga kabataan. Masyadong sweeping ang statement na ito.

Kasi noong 1970s at 80s, recorded na pinakamalakas na bentahan ng komiks sa buong Pilipinas, 80% ng tao ay nagbabasa ng komiks at ito ang pangunahing libangan mula Aparri hanggang Jolo, ay hindi puwedeng sabihin na hindi nag-aaral ang mga kabataan.

E di sana wala nang edukado noong mid at late 80s hanggang 90s?

Sunday, May 17, 2009

ANG LOVE LETTER


May napulot akong loveletter sa Luneta minsan. Hindi ko alam kung itinapon o nalaglag. Binasa ko dahil gusto kong malaman kung anong meron sa sulat na ito. 4 pages ito at isinulat sa magandang papel na kulay pink.

Nalaman ko na hindi lang pala baliw ang pag-ibig. Baliw man umiibig din.

Hindi ko na ilalagay dito ang buong sulat, namili lang ako ng mga paragraphs na talagang nabaliw ako ng husto.

Ito ang laman ng sulat...


My Ever Dearest-----

First, I would like to greet you a pleasant life for the only girl I met in the sky of my feeling to you. I was afraid to say I love you because I am shy to say I love you as my friend. Matagal nang kumita ang pananalitang ito ngunit may profit pa rin na marating ang langit sa tagumpay na mabasa mo ito. Lagi ka sanang masaya na sing saya ng joyful song. Alive, alive, alive forevermore to sing you a story short. Sana magtagal tayo sa Luneta na nakaupo, nakadamit at nakapaligo. Ang samyo ng kaisipan ay mabango sa isip sa salita at sa gawa.

Love, mahal kita, iniibig kita na salita ni kupido na pumana at ang busog ng pagmamahal ay sumibat sa primitibo na tulad yaring tulad ko sa simpleng makabago na tulad mo. Tulad ng isang ibon, ibon ay lumilipad na naghahanap ng pugad na kanyang maibabahay. Parang isang tao na naghahanap ng hanapbuhay sa pugad ng isang ibon. Iyong unawain, iyong namnamin ang lasa ng gatas na likidong lumalabas sa pastol ng mga baka, na binusalan upang wag nang magsalita at ipinid ang pintong bunganga ng armas nukleyar. Mabigat, masidhi, mahimutok ang damdamin na tila bagang bombang atomika na pinipigil ng puwersa ng hangin o vacuum ng isang compressor ng aking puso.

Huwag ka sanang magagalit sa akin sa akin na sabihin ko sa yo ang aking tunay na pagkatao. Ako'y isang anak mahirap lagi na lang akong nagsusumikap, college lang ang inabot ko, weirdo pa ako, paano na ngayon ang buhay ko. Kung wala ka, hindi ko makakaya harapin ang bukas na nag-iisa, kung mawawala ka kung mawawala ka. Awiting bago tunay na pagmamahalan masasayang awitin na nararapat tangkilikin. Sumayaw sumunod sa sindak ng panahon kasabay ng makabagong tungkulin ngayon at kailanman sumpa ko sa sarili ay ngayon ay kailanman.

Sumisikip ang aking dibdib na sana sagutin mo ako sa sulat kong ito, sana marating ko ang langit mo at kaligayahan, ito'y aliw sa pag-iinit ng aking damdamin. Aking sasalatin, aking kakapain ang pahina ng iyong pagkatao, sa diwa ng maselang bahaghari sa aking isipan. Sana unawain mo ako sa linis at dalisay ng aking ti...tiisin na maging ganito at simpleng ako. Sana kagatin mo ang aking ti...tipunin na pagmamahal bilang iyong kaibigan. Ang iyong angking ganda ay bulaklak na mabango at madamo na sariwang sariwa na aking nais pitasin at kainin na nagnanais pumasok sa aking puso. Aking nakita, aking naaninaw, na ikaw ay may dalawang bundok na mapuputing ulap sa tuktuk ng korona ng aking glorya. Ito'y sa puso at hindi lamang lumalabas sa nguso. Ang bundok na ito ay mababasa sa Biblia, itong sa Galacia 4:21-26. Ang bundok na ito ay sa Arabia at Jerusalem.

Kung tayo'y bagay na tumutunog ika'y piano at ako'y bajo. Ang piano ay mahalumigmig sa pandinig, ang bajo ay mabango sa pandinig. Salamat na lamang sa aking kantang inaawit, kantang sinasalat. Ohhh, bayan ko, ang iyong perlas na nagsisilang sa pahina ng iyong puso ay aking aakyatin, aking aarukin hanggang maabot ko ang gloria at tagumpay.

Pakikiusap ko lamang sa yo na mapagdamutan mo ako ng iyong litrato. Puso ko'y litong lito puwede bang maipasok ang nanginginig kong ti..napay sa salita sa iyong puso. Kung tayo'y bagay na metal ika'y ginto at ako'y tanso. Ang ginto ay puro na dalisay sa pag-ibig (24 karats). Ang tanso ay hinahalo sa ibang metal upang maging matibay, matatag at bigatin. Salamat sa iyo. Alien!!!

Precious wire,
A

Wednesday, May 13, 2009

WOW HAYOP!


Ila-launch ngayon Sabado sa Summer Komikon ang bagong komiks na ito na pinamagatang Wow Hayop!, makikita ito sa table ng mga indies. Kasama sa gumawa nina Tonyo Balanquit, John Becaro, Buddy Paraiso, at marami pang iba.

Php30.00 lang po ito, full color na 32 pages. Part of the proceeds in the sale of this comic will go to a non-government organization, the Brotherhood of Destiny (B.R.O.O.D.) to help in their present program: WORLD CREATIVE YOUTH FORUM.

Sunday, May 10, 2009

SUMMER KOMIKON NGAYONG SABADO NA!


Para sa karagdagang impormasyon, pumunta sa http://komikon.blogspot.com/

Friday, May 08, 2009

POP CULTURE + POP ICON

Gaya ng inaasahan ko, may mga magri-react kung sakaling mag-feature man ako dito tungkol kay Carlo Caparas. Hindi ko alam kung may mga naging masamang karanasan sila o talagang ayaw lang nila sa tao.

Pero gusto ko ulit linawin sa lahat ng mambabasa na ipinakita ko ang trabaho ni Caparas na wala akong pinagbasehan kundi ang mga sumusunod:

1. tungkol sa komiks ang blog na ito
2. at si Caparas ay isang lehitimong komiks creator

Bago natin simulan ang mga diskusyon at pagtatalo, hayaan niyo munang ibahagi ko sa inyo ang ibig sabihin ng salitang POP CULTURE na nakuha ko sa wikipedia:

‘Popular culture (commonly abbreviated as pop culture) is the totality of distinct memes, ideas, perspectives, and attitudes that are deemed preferred per an informal consensus within the mainstream of a given culture. Heavily influenced by mass media (at least from the early 20th century onward) and perpetuated by that culture's vernacular language, this collection of ideas permeates the everyday lives of the society. Popular culture is often viewed as being trivial and "dumbed-down" in order to find consensual acceptance throughout the mainstream.’

Ang kulturang popular ay kung ano ang umiiral sa paligid na tinatanggap, kinabibilangan, ginagalawan, at isinasabuhay ng tao, partikular na sa ating lipunan. Kabilang diyan ang showbiz, texting, pananamit, malls, video games, komiks, at kung anu-ano pang bahagi na ng ating kamalayan sa panahong ito.

Kung babalikan ninyo ang ilang artikulo na isinulat ko dito ilang taon na ang nakararaan, mababasa ninyo na sinabi ko na ang ‘70s at ‘80s ang pinakamalakas na panahon ng komiks sa Pilipinas. Ang basehan ko dito ay ang readership ng mga Pilipino at ang sales ng komiks na lumalabas kada-linggo. Kung nagbabasa kayo ng komiks noong 70s at 80s (o kung buhay na ba kayo nu’n) ay malalaman ninyo ang sinasabi ko.

Ang komiks ang bibliya ng masang Pilipino. Ito ang pangunahing libangan ng halos 80% ng tao sa Pilipinas mula Aparri hanggang Jolo.

At sa panahong ito nabuhay sa komiks ang isang Carlo Caparas.

Saan galing si Carlo Caparas? Ayon na rin sa kanya at sa mga kasabayan sa komiks, siya ay galing sa hirap, walang formal training sa pagsusulat. In-born ang kanyang talento. Nagtatrabaho siya sa isang publication bilang guwardya. Nadiskubre siya at nalamang mahusay magdala ng kuwento. Natuwa sa kanya ang mga publishers at editors dahil sinusubaybayan ng masa ang kanyang mga nobela.

Si Caparas ay mahusay na manunulat. Kasi kung hindi ay hindi rin siya pagkakatiwalaan ng mga editors at publishers. At lalong hindi rin siya magugustuhan ng mga komiks fans.

Ang sistema sa publication noon ay mahirap. Sabi nga ng mga matatanda, pitpitan ng bayag. Sasalain ang gawa mo mula publisher hanggang editor. Nadaanan ito lahat ni Caparas. At magandang balita, dahil sa angking husay niya, naging madali sa kanya na tanggapin ng marami ang kanyang trabaho.

Sinubaybayan ng mga fans ang mga nobelang Ang Panday, Tuklaw, Durugin si Totoy Bato, Bagwis ng Lawin, Sietereales, Sa Ngalan ng Ama at ng Anak, Kamagong, Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang, Lumuhod ka sa Lupa, Dalawang Mukha ng Pag-ibig, Bakekang, Joaquin Bordado, Pieta, Andres de Saya, at Angela Markado na nang gawing pelikula noong 1980 ay isinulat sa pelikula ni Jose F. Lacaba at idinirek ni Lino Brocka. (dalawang premyadong manunulat at director na maselan pumili ng istoryang gagawin).

Ilan lamang ito sa mga achievements ng mga nobela sa komiks ni Carlo Caparas. Sa kabuuan ng kanyang career bilang isang komiks writer, nakapagtala siya ng mahigit 800 novels hanggang sa iwan niya ang komiks noong mid-80s at tumutok na sa mundo ng pelikula.

Sa kabuuan, sa ayaw man ninyo o sa hindi, ang pinakamahigpit na kalaban sa larangan ng kasikatan ng pagiging komiks icon ni Carlo Caparas ay si Mars Ravelo. Puwede tayong magtanong sa kahit sinumang karaniwang tao na makakasalubong natin sa kalsada.

Thursday, May 07, 2009

ALEX NIÑO SKETCHBOOK

Nakita ko sa isang French website ang free download sketchbook na ito ni Alex Niño, hindi ko alam kung legal ito dahil wala akong maintindihan sa mga nakasulat.

Kasama sa mga free sketchbook ang ilan pang magagaling na illustrators tulad nina Denis Bodart, Mike Weiringo, at Antonio Lapone.


Tuesday, May 05, 2009

IBA PANG KARAKTER NA GAWA NI CARLO CAPARAS

Narito ang ilan pang likha ni Carlo Caparas na sumikat noon sa komiks. Hindi na nakapagtataka kung bigla na lang nating makita sa telebisyon at pelikula ang ilan dito.

Isa akong fan at follower ng mga nobela ni Carlo Caparas noon sa komiks. Kung anuman ang nangyari sa CJC, Sterling at sa mga komiks creators nitong mga nakaraang taon ay walang kinalaman sa paghanga ko sa husay niyang magdala ng kuwento para sa masa. Si Caparas ay isang tunay na pop writer at isang pop icon.







Sunday, May 03, 2009

MGA NOBELA

Hindi lang sa telebisyon namamayagpag si Carlo Caparas. Noong kasagsagan niya ng pagsusulat sa komiks ay gumagawa siya ng mahigit 30 nobela na tuloy-tuloy ang labas sa isang linggo. Halimbawa sa Pilipino Komiks noong 1978, mayroon siyang apat na nobela na magkakasabay na lumalabas sa iisang komiks.

Sa mga kabataan ngayon na nagtataka kung bakit tuwing napag-uusapan ang local komiks ay lagi nang nakabuntot ang pangalan ni Caparas, bago pa man siya maging direktor sa pelikula ay isa na siya sa may pinakamalaking pangalan sa komiks.