Monday, March 31, 2008

DARK PAGES

Ang DARK PAGES ay lumabas maraming taon na ang nakararaan. Pinagtulungan itong buuin ng ilang writers at artists ng GASI tulad nina Galo Ador Jr, Ron Mendoza, Jeffrey Marcelino Ong, Arman Francisco, Ronald Tabuzo, Mars Alvir, Ronron Amatos, Rey Macutay, Elmo Bondoc, Zar Alipis, Mike Lemsi at iba pa.

Hindi gaanong nai-distribute ang komiks na ito kaya kaunti lang ang nagkaroon ng kopya. Ngayon ay magkakaroon na kayo ng kopyang ito dahil ngayon pa lang ay pinag-aaralan na ng grupo kung paano ito maidi-distribute.

Puwede kayong bumili ng personal sa mga creators, paki-email lamang ang ronicmen(at)yahoo(dot)com o kaya ay sa aseroproduction2006(at)yahoo(dot)com(dot)ph. Puwede rinkayong magtext sa mga sumusunod:

09196301871 – Arman

09185017734 - Jeffrey

09278482056 - Ronald

Hindi kayo magsisisi sa komiks na ito dahil pinagbuhusan ito ng panahon, mapa-kuwento man o dibuho.

Saturday, March 29, 2008

Switch off your lights...

On 29 March 2008 the Philippines will join countries around the world as we literally “turn the lights out” for Earth Hour - an event that will fuel awareness on climate change and prove that when the people of the world work together, they can make a difference in the fight against global warming.

Earth Hour will take place throughout the Philippines from 8 to 9 in the evening on Saturday night, 29 March 2008. WWF invites you to participate by shutting off lights for 60 minutes, organizing your own “lights-out” event or by forwarding this mail to your friends, workmates
and family.

Launched in Australia on the 31st of March 2007, Earth Hour moved 2.2 million people and 2100 businesses in Sydney to turn off their lights for one hour. This massive collective effort reduced the city’s energy consumption by 10.2% for one hour. With Sydney icons like the Harbour Bridge and Opera House turning their lights off and unique events such as weddings by candlelight, the world took notice.

Inspired by the collective effort of millions of Sydneysiders, many major global cities are joining Earth Hour in 2008, turning a symbolic event into a global movement.

YOUR participation will go a long way in spreading the message that we, as individual droplets working collectively – can create an impetus far more powerful than the mightiest of rivers.

For more information, log on to the WWF Earth Hour page at: www.earthhour.org.

Friday, March 28, 2008

MAGLAKAD

"The moment my legs begin to move, my thoughts begin to flow." (Henry David Thoreau)

Nakasanayan ko na tuwing hapon ay naglalakad ako paikut-ikot dito sa lugar namin. Hindi ako tumitigil hangga’t hindi ako pinapawisan o kaya ay masakit na ang paa ko. Suwerte ko na lang dahil malayo sa main road ang bahay ko kaya hindi rin ako nakakasinghot ng usok ng sasakyan, maliban na lang kung may dumaan.

Masarap maglakad dahil bukod sa nakakapag-exercise ka na ay nari-refresh pa ang utak mo sa pagtatrabaho. Mapa-praktis mo ang awareness, at pati na analysis sa community na tinitirhan mo.

Mukha lang akong adik (hehehe) pero ang totoo ay health conscious ako. Nagpa-praktis ako ng MMA (mixed martial arts) twice or thrice a week at lagi akong nasa Quezon Memorial Circle ng linggo ng umaga para mag-aerobics. Dati rin akong vegetarian pero hindi ko nakaya dahil kung ang mga kasama mo sa bahay ay puro meat-eater, siguradong mapapasubo ka na rin. Pero sa klase ng diet ko ngayon, 70% pa rin ng kinakain ko ngayon ay puro prutas at gulay.

Sinasabi ko ito dahil masyado na akong nag-aalala sa mga kasamahan sa komiks. Kamakailan lang ay inatake si Galo Ador sa napakabatang edad. Ang ganitong klase ng trabaho—pagsusulat man o pagdu-drawing—ay para nang lagi tayong nakatali sa upuan. Lalo na kapag ginaganahan tayo, ayaw nating paistorbo. Buong maghapon ay ayaw nating tumayo, minsan pa nga ay nalilipasan tayo ng gutom.

Nakakabilib ang ganitong attitude dahil ibig lang sabihin nito ay dedicated tayo sa trabaho natin. Pero dapat din nating isipin na mas mai-enjoy natin ang ating kinikita kung masigla din ang ating katawan.

15 minutes na paglalakad araw-araw ay ayos na, ang mahalaga ay nagagalaw ang lahat ng ating kasu-kasuan, dumadaloy ng maayos ang dugo sa ating ugat, at pinapawisan tayo. Kung tinatamad naman tayong umalis ng bahay ay puwede rin tayong mag-inat-inat, kaunting stretching lang sa ulo, leeg, balikat, balakang, tuhod at paa ay okay na. Ang importante ay naigagalaw natin ang lahat ng parte ng ating katawan.

Meron akong nakilalang matanda minsan sa QCCircle. Nagbabaras siya, umiikot-ikot pa, ilang beses, bilib na bilib ako. Pagkatapos niyang mag-exercise ay nilapitan ko. Tinanong ko kung ilang edad na siya, sabi niya ay 78 years old. Nagulat ako. Napakasigla pa ng katawan niya. At nalaman ko rin na naglalaro pa daw siya ng tennis at laging nagsu-swimming sa Rizal Coliseum. Mula noon ay naging idol ko ang matandang ito pagdating sa pangangalaga sa katawan, ang dami kong natutunan sa kanya pagdating sa diet at pag-I-exercise. Ilang beses na kaming nagkikita pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pangalan niya, basta ang tawag ko lang sa kanya ay ‘Manong’.

Masarap magsulat at magdrawing, at nakakatamad mag-exercise, pero napaka-importante nito para sa ating katawan. Para ring pagkain iyan, hindi lahat ng masarap ay masustansya. Minsan, yung lasang ayaw pa natin ang maganda para sa atin—gaya ng ampalaya.

Kaya habang binabasa ninyo ito, mag-inat-inat na kayo. Sabayan niyo akong mag-jogging sa QCCircle tuwing linggo ng umaga.

Bago ko nga pala tapusin ito ay pakinggan niyo muna ito:

Wednesday, March 26, 2008

PICTURE PICTURE

Naghahanap ako ng reference sa mga kahon nang makita ko ito na nakaipit sa isang libro. Kuha ito noong June 2004 sa Toy Convention sa Megamall. Launching din ito ng Siklab Komiks-Magasin. Natawa ako sa litrato dahil sobrang payat ko pa dito.

Makikita sa picture sina June Peña, ako, Lawrence Mijares (nakatayo), at Vincent Kua, Jr. (SLN). Sa palagay ko ay ito na ang huling litrato ni Vincent sa komiks dahil ilang buwan lang ay bigla na siyang nagpaalam sa mundong ito.

Makikita naman dito si Dennis Villegas, ako at si Pilar Velasquez (maybahay ng ama ng komiks na si Tony Velasquez).


Ang bilis talaga ng panahon, 2008 na ngayon at malaki na rin ang tiyan ko.

Tuesday, March 25, 2008

ST PAULS PHOTO-KOMIKS

Ilan lamang ito sa mga photo-komiks na inilabas ng St Pauls publication noong 1970. Ang gumawa ng mga covers ay si Franc Reyes, na ngayon ay isa na sa pinakamatinding concept artist/illustrator sa Amerika.

Ang mga kuwentong ito ay religious at inspirational at mabibili lang noon sa mga piling bookstores at Catholic schools.





Ito ang makikita sa loob ng komiks kung saan mga litrato ng artista ang ginamit sa halip na drawing. Nakahiligan ko ring mangolekta ng mga photo-komiks, maganda itong reference sa drawing dahil actual na litrato ang makikita, hindi puwedeng magkamali ang human anatomy at shades and shadows.

Friday, March 21, 2008

REPRINTS

Pinadalhan ako ng isang kaibigan na nagtatrabaho sa Kuwait ng mga reprint ng American comics na translated na sa kanilang wika. Napakalaki talaga ng kinikita ng American comics publications bukod sa original prints ay marami pa silang franchise sa iba't ibang bansa. Sa palagay ko ay malakas sa Middle East ang mga komiks na ito dahil napakarami nilang titles hindi lang Marvel at DC, meron pa silang Archie. Iba't iba rin ang sukat, may kasinlaki ng Japanese comics, merong regular size, at merong kasinlaki ng magazine.

Dito sa Pilipinas, ang kasalukuyang gumagawa nito ay ang PSICOM. Marami na rin silang titles na inilalabas, pero karamihan ay 3-in-1. Sa isang komiks ay mayroong tatlong kuwentong mababasa. Glossy ang papel at maganda ang pagkaka-print. Sa halagang P95 ay makakabasa ka ng tatlong issues ng American comics.

Noong early 90s ay ginawa na rin ito ng Mahal Kong Pilipinas, Inc. (MKPI). Ang kaibahan lang nila sa PSICOM, newsprint ang ginamit nilang papel, black and white, at ang distribution ay sa bangketa. P5 ang initial price nila hanggang sa maging P7, at naging P10 nang maging colored na. Ang dami nilang titles na inilabas at halos lahat ay kinolekta ko. Nagkaroon pa sila ng announcement na magkakaroon ng sariling titles kaya nagpunta naman ako sa opisina nila sa White Plains. Pero hindi rin natuloy dahil bigla na lang silang nagsara, wala akong naging balita kung bakit.





*****
OFF TOPIC

Sobra ang init ngayon dito sa Manila. Dahil walang aircon ang bahay ko, hindi ako makapagtrabaho ng matino dahil naliligo talaga ako sa pawis. Ngayon ko lang naranasan na maligo ng tatlo hanggang apat na beses sa isang araw.

Kunsabagay, okey na rin na praktis ito. Dahil pagdating ko sa impyerno ay medyo sanay na ako hehehe.

E kasi ba naman, kahit ngayong mahal na araw ay nakasubsob pa rin ako sa trabaho. Hindi ko na yata alam ang hitsura ng simbahan.

Thursday, March 20, 2008

SINDAK! # 1

Lalabas na sa huling linggo ng March ang bagong komiks-magasin na pinamagatang SINDAK!. Mula ito sa ABS-CBN Publishing, at masuwerteng isa ako sa naimbitahan ni KC Cordero para mag-contribute dito.

Tuwang-tuwa ako na may lalabas na ganitong klase ng komiks na kahit paano ay binigyan ako ng laya sa gagawin. Ang totoo ay maraming ideas na naglalaro sa utak ko matagal na matagal nang panahon ngunit hindi ko alam kung saan dadalhin at ilalabas.

Sana ay magtuloy-tuloy ang SINDAK! dahil alam kong marami pang creators diyan, tulad ko, na naghihintay lang ng break nila na makagawa ng sarili nilang obra.

Marami nang natatawa sa ginawa kong pinamagatang SHARON LOVE GABBY. May mga nag-aakalang love story, meron namang showbiz. Kahit ako man e hindi ko alam kung ano ba itong ginawa ko. Patitikimin ko na lang kayo ng isang page na teaser:

Siyanga pala, sa kuwentong ito, wala kayong mababasang dialogue kundi...SHARON LOVE GABBY. Uupps, mali pala, meron pang isa...JANICE LOVE GABBY.

Syobis ba?

Monday, March 17, 2008

BRUSH

Isa sa magiging highlight ng workshop ko, na magsisimula next week, ay ang pag-oobliga ko sa mga workshoppers na gumamit ng brush bilang basic tool sa inking. Although may mga araw na pagagamitin ko sila ng pen, pero mas gusto kong sanayin ang bawat isa na pulsuhan ang paggamit ng brush.


Ang paggamit ng brush ang isa sa namamatay na technique ng Filipino komiks art. Una, marami sa new generation of komiks artists ang hindi aware sa traditional way of komiks illustrations. Ikalawa, mas mahirap itong gamitin. Ikatlo, maraming pens (quill pen, sign pen, drawing pen, etc.) ang nagsusulputan ngayon na puwedeng pamalit sa brush. At ikaapat, nahuhumaling na ngayon ang marami sa digital artworks (kasama ang digital inking).

Gusto ko silang obligahin na gumamit nito hindi dahil gusto ko silang ibalik sa ‘tradisyunal’ na paraan, hindi ako naniniwalang ang paggamit ng brush ay isang lumang pamamaraan, ito ay isang mabisang ‘hand technique’ para mapalambot ang ating pulso. Ang ‘pulso’ ay importanteng elemento ng pagdu-drawing. Kung wala ito, hindi tayo magiging maingat sa bawat strokes at hagod ng ating lapis, pen, o brush sa papel.

Isa rin sa dahilan ay gusto kong ipakilala sa mga workshoppers ang tradisyon ng Filipino komiks artists kung saan nakilala tayong mga Pilipino sa paggamit ng brush sa komiks nang maganap ang Filipino Invasion sa US comics. Sa dinami-dami ng trabaho ng foreign artists na nakita ko sa komiks, wala pa akong nakita na kasing-pino at kasinglambot ng brush technique nina Nestor Redondo at Rudy Nebres. Maski ang mga Chinese, na kilala sa paggamit ng brush sa kanilang pagsusulat, ay iba ang hagod kumpara sa dalawang Filipino greats na nabanggit ko.

Comics/Komiks Development and Design

Starting from the basics and working up to intermediate level this training program will teach participants how to create and illustrate characters from ordinary folks to superheroes and villains; backgrounds and setting to convey a story. It will also encourage participants to develop their own style by didacting popular comic books and illustration styles from around the world.

· Introduction to Comics/Komiks

· Application of Basic Drawing Techniques

· Interpreting the Scenes by Genre

· Storytelling by Illustration Techniques

· Publishing your Story

· Marketing your Work/Creating a Portfolio

· Elective:Digital Publication

Schedule of Meetings: Saturdays only
Start: March 29


For inquiries and reservations:

Call us: (02) 729-5951

E-mail us: admin@mindtap-ph.com

http://www.mindtap-ph.com

Thursday, March 13, 2008

PAGPAPAKITA, PAG-ALIS, PAGBABAGO

Pagpapakita ng talento. FoEM art exhibit sa SM Megamall kasama ang dalawang cartoonists na sina Dengcoy Miel at Dante Perez. Larawang kuha nina Gerry Alanguilan at Roderick Macutay.

Kasama si Dengcoy Miel.

Gerry Alanguilan at Dante Perez.

Roderick Macutay, ako, at si Dengcoy Miel.

Bigla kong nakita si Roence, madalas ko siyang mapanood sa mga indie films at commercials. Kaklase ko siya sa Karate noong mga bata pa kami, binalian ako ng buto nito noong araw hahaha.

*****
Pag-alis ng isang kaibigan at kasamahan sa industriya. Pagkatapos ng bisita namin sa huling labi ni Galo Ador Jr. ay nag-reunion ulit ang mga GASI boys ng 90s, na nauwi sa inuman.

Makikita sa larawan sina (nakatayo): Mars Alvir, Ron Mendoza, Jeffrey Marcelino Ong, Elmo Bondoc, Ron-ron Amatos, (nakaupo) Arman Francisco at Ronald Tabuzo.

*****
Pagbabago ng lipunan. The Dark Side: a Forum on Corruption in line with Communal Action. Resource speakers sina Doy del Mundo Jr. (anak ng komiks novelist na si Clodualdo del Mundo Sr.), Heidi Mendoza at Benjie Tolosa.

Napapanahon ang paksa dahil sa mga anomalya at korapsyong naggaganap sa gobyerno.



Monday, March 10, 2008

GALO ADOR -- R.I.P.

Nagulat na lang ako sa biglang text sa akin ni Jeffrey Marcelino Ong...patay na si Galo Ador!

Inatake ito sa puso kaninang 1:30 ng madaling araw. Nakaburol siya ngayon sa St. Peter's Chappel sa Quezon Ave.

Si Galo Ador ay isa sa mahusay na manunulat ng komiks noong 90s, bata pa ito at tingin ko ay matanda lang sa akin ng ilang taon. Nalipat siya sa pagsusulat sa TV nang tuluyang magsara ang GASI. Si Galo Ador ang founder ng independent komiks na Dark Pages.

Saturday, March 08, 2008

MAGBASA!

Few years ago, ang libangan ko lang sa loob ng bahay ay tumipa ng gitara at magbasa ng libro at komiks. Ngayon, ang dami nang umaagaw ng atensyon ko—internet, tv, dvd, computer games, cellphone. Kaya binago ko ang desktop ng computer ko para lang maging disiplinado sa pagbabasa:


Malaki ang naitulong sa akin ng pagbabasa hindi lang sa pagiging artist kundi sa pagiging tao. Kung nababasa ninyo na medyo siraulo ako dito sa blog paminsan-minsan e matino naman ako sa totoong buhay hahaha. Kaya nga ang lagi kong sinasabi sa aking mga batang pamangkin ay magbasa ng marami—libro, komiks, children’s book, at kung anu-ano pa na kapupulutan ng impormasyon.


Isang interesting na paksa ang inilabas ng Read-or-Die sa kanilang blog tungkol sa pagbabasa. Involved tayong mga gumagawa ng komiks dito kaya magandang pag-aralan din natin ang ginawang pagsusuri ng National Book Development Bureau.


Highlights of the 2007 NBDB Readership Survey

The percentage of book readers in 2007 (83%) has decreased as compared to 2003 (90%).

Nearly all (96%) book readers in 2007 read non-school books (NSBs), while only three-fourths (76%) of book readers in 2003 read NSBs.

Among book readers:

Those who have read NSBs in the NCR decreased in 2007 compared to 2003.

All other groups who have read NSBs increased.

Among NSB readers:

Weekly/monthly readers of NSBs decreased in 2007.

Those who read NSBs a few times a year or less than once a year increased in 2007.

Packaging is what is noticed by the highest number, but not a majority, of NSB readers.

The blurb found at the book is also noticed.

Most NSB readers, however, do not notice information such as the NSB publisher, date of publication, author, and whether or not the NSB has several good reviews.

Overall, the percentage of NSB readers increased from 68% (76% of 90% book readers in 2003) to 80% (90% of 8% book readers in 2007).

The 2007 NBDB Readership Survey says that Filipinos are starting to read non-school books at an earlier age.

NSB readers are starting to read a year younger.

From 17.2 years in 2003, the average age of those who start to read NSBs decreased to 16.4 years in 2007.

The readers of non-schoolbooks in classes ABC began doing so at an older age compared to 2003. However, readers of NSBs in classes D and E started to read NSBs at a younger age in 2007.

What do Filipinos read?

For both 2003 and 2007, the Bible is the most popular non-schoolbook read. Romance books come in second.

Top scorers in the popularity of NSBs are:

Bible (67%) (38% in 2003)

Romance (33%) (26%)

Cooking (28%) (7%)

Comic books (26%) (0%)

Religion/Religious/Inspirational (20%) (9%)

Why do Filipinos read?

As in 2003, the main reason for reading non-schoolbooks is still for information, or to gain knowledge.

However, more NSBs are reading NSBs for enjoyment in 2007, compared to 2003.

Whose books do Filipinos read?

In 2007, 46% of readers of non-schoolbooks read NSBs by Filipino authors only.

43% read NSBs by both Filipino authors and foreign authors.

9% read NSBs by foreign authors only.

In the rural areas, readers who read NSBs by Filipino and foreign authors increased significantly (20%+) in 2007.

In the urban areas, readers who read NSBs by Filipino authors only increased slightly (5%+) in 2007.

Means of acquiring books

NSB readers in 2007 acquired the NSBs they read by:

Receiving the books as gifts (42%)

Borrowing from others (41%)

Reading books from the library (27%)

Buying (19%)

Renting (18%)

Among all groups of NSB readers, receiving NSBs as gifts and borrowing from others are the most prevalent.

In what language do Filipinos prefer to read books?

Tagalog (Read: 50%) (Preferred: 32%)

English (Read: 35%) (Preferred: 15%)

Cebuano (Read: 5.97%) (Preferred: 4.6%)

Bisaya (Read: 5.73%) (Preferred: 4.41%)

Ilocano (Read: 4.72%) (Preferred: 4.1%)

Arabic (Read: 1.98%) (Preferred: 1.94%)

Ilonggo (Read: 1.18%) (Preferred: 0.91%)

Source: 2007 NBDB Readership Survey

*****

Ipinakita na ni KC Cordero ang cover ng lalabas na horror magazine kung saan ilang mga kaibigang tagakomiks ang gumawa dito, kabilang sina Gerry Alanguilan, Joemari Lee, Novo Malgapo, Rommel Fabian, at iba pa. May interview din sina Budjette Tan at Ka-Jo Baldisimo tungkol sa kanilang komiks na 'Trese'.


Sana nga ay mailabas na kaagad dahil tiyak na maraming mag-aabang ng kakaibang komiks-magasin na ito.


Wednesday, March 05, 2008

THE EAGLE AWARDS NOMINATIONS

Nagulat na lang ako nang mabalitaan ko na maging nominee ako sa Eagle Awards samantalang feeling ko ay wala pa naman akong nagagawang 'matinong' komiks sa abroad. Joke! I mean, magaganda ang kuwento ng mga independent comics na ginawa ko sa US pero guilty ako dahil artistically-speaking ay hindi ako satisfied sa results ng mga dinrawing ko, siguro dahil nagkakasabay-sabay ang projects ko noon na hindi ko mapagbuhusan ng panahon ang bawat isa. Ngayon ko lang na-realize na ang dami kong nasayang na panahon sa ganda ng mga projects na dumating sa akin. Kaya nga hindi muna ako tumatanggap ngayon ng independent comics sa abroad dahil gusto kong pagbalik ko ay sabik na ulit ako.

Speaking of Eagle Awards, puwede ninyo akong i-nominate sa link na ito. Punta lang kayo sa 'Favorite Newcomer Artist' category.

*****
Mayroon din pala akong interview sa The Mobile Infoshop Project, isa itong website ng mga radical and nomadic artists. I-klik niyo lang ang 'Interviewz' section.

Sunday, March 02, 2008

ARAL GALING SA KLEZMER

Hindi ko makalimutan ang eksenang ito sa graphic novel na pinamagatang Klezmer na sinulat ni Joann Sfar:

"I hear music in your harmonica than in all their instruments put together."

"Because you never know which note you're going to play next. You can play the tune a thousand times, and a thousand times it'll be unique."

"Whereas our dear musicians are just predictable. They make the right motions on their instruments. But i don't call that music."

"To me, that's just good craftsmanship."

Napakaganda ng mga linyang ito, marami tayong matututunan lalo na kung nasa linya tayo ng art, maging ito man ay komiks.

Minsan, sa sobrang pagkahumaling natin sa medium, masyado na tayong nagiging teknikal. Nawawala na ang pinakamahalang sangkap ng ating obra, ang 'self expression'. Magandang maging teknikal kung nagsisimula pa lang tayo o kaya ay hinihingi ng pagkakataon, pero kung gusto talaga nating ma-explore ang posibilidad ng medium ng komiks, kailangan pa nating laliman ang ating pang-unawa.

Ang Klezmer nga pala ay kuwento ng mga Jewish musicians sa Eastern Europe noong bagong mag-World War 2.