Sunday, September 27, 2009

ONDOY EXPERIENCE

Ngayon lang kami nagkaroon ng kuryente simula pa kahapon ng tanghali. Kanina lang din nabalik ang phone line ko. Pero habang sinusulat ko ito ay wala pa rin kaming tubig. Dalawang araw na kaming walang tubig, pero binaha ang lugar namin ng hanggang bewang.

Isa sa hindi ko makakalimutang karanasan sa bagyo ay itong Ondoy.

Wednesday, September 23, 2009

PINOY KOMIKS REBYU


Ilang linggo mula ngayon ay lalabas na ang magasing Pinoy Komiks Rebyu at malamang na i-launch ko ito sa PICCA Komikon sa Oktubre. 

Mayroon itong 66 na pahina at mabibili sa murang halaga, dahil wala pa ito sa printer ay pinag-aaralan ko na kung magkano, pero hindi ito lalampas ng Php50, sinisigurado ko. Inaanyayahan ko rin ang mga distributors (lalo na sa mga nasa probinsya) na gustong tumulong para maipakalat ng malawak ang magasin na ito. Kontakin lang po ninyo ako.

Narito ang mga patikim na pahina ng PKR:

Monday, September 21, 2009

ANONG MERON SA PILIPINO?

Nang ipakita sa akin ni Jess Noriega ang mga cover na ginawa niya ay natawag ang pansin ko sa komiks na ito na may pangalang Pilipino Thriller Komiks, gawa ito ng Soller Publications, at anim na taon nang lumalabas sa isyung nasa itaas.


Nakapagtatakang hindi man lang naghabol ang Ace Publications (Atlas) nang panahong iyon samantalang mapagkakamalan mo talagang Pilipino Komiks sa lettering at laki ng letra.

Ito namang Pilipino Klasiks ng Midget Publishing House ay puwede sigurong makalusot kung magkakademandahan dahil mas malaki ang salitang 'KLASIKS'.

Naalala ko lang dahil nang maglabas ng Filipino Komiks ang Rising Star dalawang taon na ang nakararaan ay may banta ang Atlas na magdedemanda dahil sa maari daw ipagkamali ang salitang 'Pilipino' sa 'Filipino'.

Pero paano naman itong Pilipino 'Ang Babasahin ng Bayan' na inilabas ng Philippine Free Press na ang format naman ay parang magasing Liwayway? Hinabol kaya ito noon ng Ace?

At para maging 'safe' na lang ang paggamit ng Filipino Komiks, ay inilabas na lang ni KC Cordero (editor din ng Filipino Komiks) ang Filipino Independent Komiks.

Maging ako, nang una kong maisip ang Pilipino Komiks Rebyu, ay bigla akong natigilan. Hindi kaya habulin din ako ng Atlas?

Pero kung ako ang tatanungin, baka mas habulin ko pa itong Pilipino Man's Magazine. Biruin mo ba namang ipangalandakan mo pa na ang magasin na ito ay para lang sa mga malilibog na Pilipino.

*****

Two weeks ago ko pang tapos ang Pinoy Komiks Rebyu. Sa mga hindi nakahabol ang article ay puwede naman sa susunod na isyu. Ang tungkol dito ang iba-blog ko sa susunod.

Sunday, September 20, 2009

ROSA NEGRA


Artis Corpus Gallery will open a group exhibition entitled ROSA NEGRA on Monday 21 September 2009 featuring works of the following visual artists:

RINNE ABRUGENA
REY ANTHONY ALEJANDRO
JERUSALINO ARAOS
JULIAN ARAOS
GRACE MARETH ASTOVEZA
JOJO AUSTRIA
JUAN BAUTISTA
MARK ANTHONY BELLO
HERALDO CORPUS
THOMAS DAQUIOAG
RAPHAEL DANIEL DAVID
BERNARD DEL MUNDO
CORONA DOLOT
RAY-ANN DURANA
FRANKLYN EPIL
PEDRO GARCIA
ZALDY GARRA
KRIS JAN GAVINO
RAFAEL LOUIS GONZALEZ
GRANDIER
JAY JAMORALIN
DOMINADOR LAROZA
LINDSLEE
DERRICK MACUTAY
JOHN MARIN
JCRISANTO MARTINEZ
NORLITO MEIMBAN
ALRASHDI MOHAMMAD
RENAN ORTIZ
AVERIL PARAS
SAM PENASO
RYAN RUBIO
DON SANTANA
JYOSNA SIACHONGCO
ELY TABLIZO
JUAN TIVI JR.
CHARLIE VILLAGRACIA

Rosa Negra (Black Rose) is a visual commentary on the state of the nation’s art. Although initially associated with the National Artist Award, artists have found a venue to air their concerns: artistic freedom, recognition and awards, criticism and acceptance, artist education and experience, commercialization and relevance of art, integrity and responsibility. These artists seek to contribute to the reinstatement of values and improvement of ethics in contemporary Philippine visual arts. Rosa Negra is both reactive and proactive.

The show opens with a program by the Concerned Artists of the Philippines (CAP) 6:00 pm this coming Monday.

In this regard, may I invite you to join the event or view the exhibition. Thank you very much!

ENRICO J. L. MANLAPAZ
President and Curator
ARTEPINAS The Philippine Art Scene In A Blog Mobile: +63.922.331.41.08 E-mail: info@artepinas.tk Website: www.artepinas.tk

JESS NORIEGA EXHIBIT PICS

Nakadaan ako sa opening ng exhibit ni Jess Noriega sa Sigwada Gallery. Ako lang ang tagakomiks na nagpunta dahil ang pagkakaalam ko ay maraming activities na naganap kahapon, may launching ng komiks si Danny Acuña sa Bookfair sa MOA SMX at huling lamay ni Roger Miralles, parehong hindi na ako nakapunta sa dalawang ito dahil maghapon din ang lakad ko.

Bilib ako kay Mang Jess dahil 1982 pa daw siya tumigil sa paggawa ng komiks pero naipon niya ang lahat ng kanyang gawa, ipinakita pa niya ang compilation ng mga gawa niya mula noong 1960s nang nagsisimula pa lang siya.

Aksidente lang pala ang dahilan kung bakit nakapag-exhibit si Mang Jess, nananahimik na lang daw sana siya sa bahay at inaalala na lang ang nakaraan niya sa komiks. Mayroon siyang maliit na carwash at art shop sa Cainta nang magpa-carwash doon si Luis Singson (nag-organize ng exhibit), nakita nito ang ilang artwork ni Mang Jess na naka-displey, at iyon na ang simula ng komunikasyon nila hanggang sa mabuo nga ang exhibit.

Maraming salamat kay Luis Singson sa pagbibigay ng panahon para muling maipakilala sa marami ang mga limot ng komiks creators. At maraming salamat din kay Ma'am Cecile Pagaduan (may-ari ng Sigwada Gallery) sa paniniwalang dapat mai-displey din sa mga galleries ang gawa ng mga tagakomiks. Mabuhay kayo!

Para sa ibang pang litrato, puntahan ang site na ito: Jess Noriega Exhibit Pics.






Thursday, September 17, 2009

MGA SANTIAGO SA KOMIKS

Ang pinakakilala na siguro ay si Hal Santiago, Rod Santiago at Ernie Santiago, hindi naman sila magkamag-anak, nagkataon na lang pareho ng apelyido.

Ang sumunod ay si Larry Santiago (hindi rin kamag-anak ng dalawa), ngunit naging assitant ni Hal Santiago. Kasama na diyan ang mga kapatid ni Larry na sina Rey at Roel na pareho ring nagsimula sa komiks na ngayon ay magkakasama na rin sa animation.

Sa mga naging anak ni Hal Santiago, sina Joseph Christian at Arthur Tristram ang nakapag-drawing sa komiks.

Kagabi ay ipinakita sa akin ni Sir Hal ang ilang sample ng isinulat ng kanyang bunso na si Katwin. Dugong writer at artist talaga ang bata. Nag-aaral ito ng nursing at kung minsan ay nagta-tattoo.


Narito ang maikling article tungkol kay Katwin Kelsene Santiago: FOR THE LOVE OF INK. At narito naman ang interview sa kanya: TATTOO 101

Naalala ko noong 1989 nang nakatira pa ako sa bahay ng mga Santiago sa Pasay, ay kinakarga-karga ko pa itong si Katwin noong baby pa. Lumaki itong talentado at magandang bata. Noon ding taon palang iyon ay may ginagawang nobela si Hal Santiago sa Pinoy Klasiks na may pamagat na 'Katwin en Dolly', ang bida dito ay ang batang si Katwin at si Dolly naman ay isang kabayo.

Tuesday, September 15, 2009

ROGER MIRALLES, Sumakabilang Buhay Na (Updated)

Sa Sabado po ang huling lamay sa labi ni Mang Roger, inaasahan po ng kanyang mga kaanak na darating ang mga tagakomiks. Magdi-displey po sila ng mga trabaho ni Mang Roger sa dingding, ito na ang huling exhibit niya. Nagpunta na po kami kanina kasama sina Hannibal, Steve Gan, Noly Zamora, Hal Santiago at Jun Diaz, pero babalik din po kami sa Sabado ng gabi, at inaasahang sasama ang iba pa.

Nakakagulat ang isang balita para sa akin kaninang umaga, sumakabilang-buhay na ang beteranong illustrator na si Roger Miralles. Si Mang Roger ay nakasali pa sa table exhibit namin sa Guhit Pinoy noong nakaraang October Komikon sa UP.

Nagkaroon ng bara ang kanyang puso at mula noon ay pahina na siya ng pahina, kinabitan na rin ng oxygen para makahinga, madalas na siyang dalawin sa bahay nina Steve Gan at Hannibal Ibarra.

Kasalukuyan siyang nakaburol sa Funeraria Paz sa Araneta Ave. Pinag-uusapan na kung kailan pupunta ng sabay-sabay ang mga tagakomiks.

Friday, September 11, 2009

MASCUVADO ART EXHIBIT

Tuesday, September 08, 2009

FRONT ACT

Hey FRONT ACT FRENZIES!

Extra Brewed ang episode this Sunday dahil...

Mike and Stanley Presents: OTAKU TAIIKI 2009 Part 2
Stanley goes to PNP FIRING RANGE
The Lighter side of RAMON BAUTISTA!
Plus MIC-MIC & TAN-TAN

FRONT ACT with Mike & Stanley at 6 PM (SUNDAYS)
bago mag-WOW MALI!!
TV 5 Channel 10 sa cable!

SWAK!

Si Stanley Chi ang creator ng cartoon strip na Chopsticks sa Manila Bulletin.

Monday, September 07, 2009

NEGROS CONTEMPORARY ART EXHIBITION

Galing kay kasamang Edbon Sevilleno...


Please join us at the opening of the NEGROS CONTEMPORARY ART exhibition on Sept.11 at 5:00 pm at the Rockwell Tent, Makati. This is going to be a part of the ANP (Association of Negros Producers) Trade Fair which will be from Sept. 11 to 16.

Saturday, September 05, 2009

FERNANDO AMORSOLO

Habang nasa waiting area ako ng isang kumpanya noong isang araw ay may napansin ako sa mga kuwadrong nakasabit sa dingding. Dalawang lumang kuwadro na may drawing ang hindi maalis sa paningin ko dahil ang ganda ng pagkakagawa. Rough sketches lang ang mga ito na parang preliminary studies para sa painting.

Alam ko agad na mahusay ang gumawa dahil halata sa hagod ng lapis. Hindi takot sa linya at alam na alam ang ginagawa. Sabi ko sa isip, "Lapis pa lang ang ganda nang tingnan. Pa'no pa kaya kung nalagyan na ito ng pintura."

Ilang minuto akong nakaupo sa harapan ng mga kuwadro at naghihintay para tawagin sa meeting. Hindi ako mapakali at gusto kong makita nang malapitan ang mga drawing. Nanlaki ang mga mata ko nang mabasa sa ilalim ng mga drawings ang gumawa: F. Amorsolo 1957.

Pamilyar ako sa mga paintings ni Amorsolo na ilang beses ko ring na-encounter noong mahilig pa akong magtitingin ng mga paintings sa mga Filipino books. Pero hindi ako gaanong nakakakita ang kanyang mga rough sketches, lalo pa't original.

Sabi nga ng mga batikang artist, makikilala mo ang mahusay na pintor (o illustrator) kung paano sila maglapis.

Si Amorsolo ang kauna-unahang National Artist sa Pilipinas, at ito ang mababasa sa kanyang website tungkol sa paglalapis: 'As with the traditional classicists, he believed that the foundation of the finished painting was built not upon the first brush strokes but the initial drawings that should precede them. He painstakingly drew multiple studies, repeatedly revising and correcting the previous output until he arrived at a satisfactory result. Amorsolo’s drawings remind us that painting is not just a reverberation of one’s soul but must involve the analytical structuring of one’s eye.'

Noong nasa college pa ako at 'social realism' pa ang gusto kong painting, hindi ko gaanong pinapansin ang mga trabaho ni Amorsolo dahil karamihan ng kanyang mga subject ay hindi katanggap-tanggap sa mga social realist painters. Karamihan ng kanyang mga paintings ay nagpapakita ng mga tanawin sa baryo, lalo na sa mga bukirin, na parang laging may fiesta- nagsasayawan ang mga tao, nagluluto ng lechon, nagkakainan- na para bang wala silang problema sa kanilang pang-araw-araw na buhay. Hindi ka makakakita ng mga magsasakang pinapawisan o kaya nahihirapan sa trabaho. Para bang napakagaan at napakasagana ng buhay sa Pilipinas, lalo na sa mga baryo at sakahan, sa mga paintings niya.

Ngunit sa lahat ng mga ganitong uri ng kritisismo, nananatiling maestro si Amorsolo para sa akin sa paggamit ng lapis at ng kulay. Anuman ang ipinakita niya sa kanyang mga trabaho ay malinaw na isa siyang tunay na alagad ng sining sa mundo ng biswal.

Friday, September 04, 2009

JESS NORIEGA TRIBUTE EXHIBIT


Apo Jess'

Si Mr. Jess Noriega, o “Apo Jess” sa pagkakakilala ng iba, ay isang manunulat at dibuhista ng komiks magsimula noong 1957. Nakilala siya sa kanyang mga ginawang art covers, at sa pagpasok ng 1970 siya ay nakumbida ng manager ng Graphic Arts Services Inc. (GASI) na si Tony Velasquez na magdibuho para sa kanila. Kabilang ang Teens Weekly sa mga komiks na nagawan ni Apo Jess ng art cover. Sa komiks din na iyon ay nagdibuho siya ng mga maiikling kuwento tulad ng “Lola Goyang.” Lumabas rin sa Holiday Komiks ang “Gina at Aladino” na sulat at dibuho ni Apo Jess. Sa katapusan ng 1970 ay nakapagdibuho si Apo Jess sa kilalang Liwayway Publications. Siya ang sumulat at nagdibuho ng mga kuwentong “Anarda” at “Bokbok” na isinalin sa wikang Ilokano para sa Bannawag magasin. Nagretiro siya noong 1982, at sa kasalukuyan ay may arts and sign na negosyo.

Bukod sa mga komiks at painting ni Apo Jess, kasama rin sa exhibition ang mga fan art ng ilang mga dibuhista ng mas nakababatang henerasyon. Inaanyayahan namin kayo na dumalo sa opening ng exhibit sa Setyembre 19, 6pm.

Narito ang ilang halimbawa ng mga komiks na ginawa ni Jess Noriega noon:



Narito ang mapa ng Sigwada Gallery.

Tuesday, September 01, 2009

HUGO YONZON CARICATURE CONTEST / LARRY ALCALA CARTOON COMICS CONTEST

We would like to invited everyone to join the 1st Philippine Comics, Cartoons and Animation Festival that will be held here in Manila this coming October 2009..

We would like to invite you to join in our art contests open to everyone.... read on and register!!!! please visit our website www.piccafest. com


HUGO YONZON CARICATURE CONTEST

· Open to high school and undergraduate college students in the Philippines

· Participants must have the endorsement of his/her school principal or dean

· Subject: Any Filipino celebrity or widely known personality from the field of entertainment, sports or politics

· Size of artwork: 15”x20” illustration Board

· Medium: Ink and coloring materials (watercolor, colored pencil, oil, acrylic, pastel color,etc). computer or inkjet coloting not accepted

· Participants must leave artwork unsigned. Instead, a duly accomplished entry form must be sealed inside a letter enveloped and taped securely at the back of the artwork entry.

· All entries must be received not later than 5 pm on Sept. 30, 2009 by the PICCA contest committee at Marketingworx with address at unit 5and 6 mezzanine B LPL business center, Leeviste St. Salcedo Village Makati City. Telephone no. (02) 812-2363 and Telefax. (02) 894-3465

· Announcement and Awarding of Prizes will be on October 18, 2009 at the komikon in Megatrade hall, SM Megamall

· Prizes:

First Prize – P15,000.00

Second Prize – P12,000.00

Third Prize – P10,000.00

3 Consolation Prizes – P3,000.00 each

All prizes are with trophies plus gifts

· All entries shall be the properly of the PICCA and it may publish the artworks as a whole or in part as it may deem of it.

· Criteria for Judging:

Originality of Caricature rendering

Creative likeness to subject matter


LARRY ALCALA CARTOON COMICS CONTEST

· Open to high school and undergraduate college students in the Philippines

· Participants must have the endorsement of his/her school principal or dean

· Theme: “Family Is Funny”

· The participant is to create original characters and write an original story for a two-page sequential art or comics

· Size of artwork: 2pcs. 15”x20” illustration Board

· Each page must consist of at least six sequential panels or frames

· The work should start with the title

· Medium: Ink and coloring materials (watercolor, colored pencil, oil, acrylic, pastel color,etc) or inkjet. Work in Black and White is acceptable

· Participants must leave artwork unsigned. Instead, a duly accomplished entry form must be sealed inside a letter enveloped and taped securely at the back of the artwork entry.

· All entries must be received not later than 5 pm on Sept. 30, 2009 by the PICCA contest committee at Marketingworx with address at unit 5and 6 mezzanine B LPL business center, Leeviste St. Salcedo Village Makati City. Telephone no. (02) 812-2363 and Telefax. (02) 894-3465

· Announcement and Awarding of Prizes will be on October 18, 2009 at the komikon in Megatrade hall, SM Megamall

· Prizes:

First Prize – P15,000.00

Second Prize – P12,000.00

Third Prize – P10,000.00

3 Consolation Prizes – P3,000.00 each

All prizes are with trophies plus gifts

· PICCA has the right to reject works that do not conform to the rules and criteria of the contest

· All entries shall be the properly of the PICCA and it may publish the artworks as a whole or in part as it may deem of it.

· Criteria for Judging:

Originality of Story

Storytelling and Humor

Artwork and execution


SUE M. JOSE
Special Events & Production Manager
sue_jose@yahoo. com
0926.6251271 0922.4449385