Wednesday, February 28, 2007

ANG MGA NAPAG-ARALAN, PINAG-AARALAN AT PAG-AARALAN SA UNANG KONGRESO NG KOMIKS

Okay, marami nang naghihintay nito…

EXTERNAL

Successful ang nakaraang Kongreso ng Komiks in terms of giving informations to the public na may tao (o mga tao) na gustong pasiglahin ulit ang komiks natin. For the past few weeks, binaha ang kung anu-anong diyaryo (People’s Journal, People’s Tonight, Inquirer, Manila Bulletin, at mga tabloids) ng mga patalastas tungkol sa gaganaping Kongreso at sa pagbubuhay ng komiks.

Two days na magkasunod kaming lumabas sa tv interview. After ng Kongreso, ibinalita pa sa kung saan-saang channels at shows ang tungkol dito.

World ito ng celebrities at mga taong marunong maglaro sa power ng media. What do you expect? Celebrities sina Carlo Caparas, Donna Villa, at mga prominenteng tao sina Cecille Alvarez, Sen. Heherson Alvarez, Manoling Morato, Don Alejandro Roces, etc. Lahat ng mga taong ito ay nasa likod ng Kongreso ng Komiks.

Binaha ako ng text at emails ng mga kakilala tungkol sa sa event na ito. Meron pang isang nag-text: Hayup ka sikat ka na! Dati nangungutang ka lang sa ‘kin ng pamasahe ngayon di ka na ma-reach.

Dahil sa media blast na ito, maraming tao tuloy ang nag-aabang…at UMAASA…na muling mabubuhay ang komiks sa Pilipinas.

Kaya darating tayo sa punto ng…

INTERNAL

Sa kabubuntot ko at kaa-attend ng meeting para sa event na ito, marami akong obserbasyon. Natutunan ko kung paano maglaro ang mga tao. Inaalam ko individually kung ano ang purpose (o hidden agenda) ng mga taong involve para sa event na ito.

Una kong pinag-aralan si Loren Banag. Publisher ng komiks at iba pang prints, at potential na maglabas ulit ng komiks para sa atin. Nagbigay siya ng pera sa mga atists na sumali sa exhibit galing sa sarili niyang bulsa. Pero ang lagi niyang sinasabi, lalo na kay Joelad Santos na isang may katungkulan sa gobyerno, na suportahan siya (Mr. Banag) ng gobyerno para maglabas ulit siya ng komiks. Binabasa ko sa kanyang pananalita na mukhang hindi siya maglalabas ng komiks hangga’t hindi siya tutulungan ng gobyerno. Marami na siyang experiences sa publication ng komiks. Ayaw na niyang sumugal sa isang produktong hindi siya kikita. Sa businessman’s point of view, totoo naman talaga ito.

Ikalawa kong pinag-aralan si Joelad Santos. This man is a hero! Wala akong masabi. Nadagdagan ng isang tao ang mga iginagalang ko sa komiks. Kesihodang umuwi ng madaling araw, magbuhat ng mabibigat, sermunan ni Mrs. Alvarez, at asar-asarin ni Mr. Morato ay nakangiti pa rin na parang walang kapaguran. Dapat si Joelad ang gawing model ng Enervon vitamins! But inside of my head, naglalaro ang isang tanong. Ngayong humahawak ng mataas na katungkulan si Joelad sa gobyerno, ano ang purpose niya sa event na ito? Itinayo niya ang Philippine Komiks Institute of Arts and Sciences noong 1975 (na napabayaan at ngayon lang ulit lumabas ang pangalang ito). Malaki ang naging papel niya sa komiks noong araw as editor-in-chief.

Nasagot ang tanong ko nang lumitaw sa eksena si Dr. Ricardo Nolasco, ang head ng Komisyon sa Wikang Filipino. Sa pagkakaalam ko, under ng NCCA ang KWF. Milyones ang ipinapasok na budget ng gobyerno para sa NCCA para magkaroon ng projects patungkol sa culture and arts. Isa sa nabitiwang salita ni Mrs. Alvarez sa Kongreso ay ito: “Dapat silang magtrabaho at gumawa ng mga proyekto dahil may budget na nakalaan sa kanila (KWF).”

Sa madaling salita, use the money para hindi makuwestyon in the future. Kaya nga meron silang mga pa-contest sa poetry at iba pang activities na involved ang wikang Filipino.

Si Joelad ay taga-KWF, kabisado niya ang mundo ang komiks. At isa sa pinakapamilyar na maiaambag na maging project ng KWF ay pag-aralan nga ulit itong komiks kung paano mai-incorporate sa mga projects na kanilang gagawin.

Dito pumasok ang iniisip niyang Kongreso ng Komiks.

At dito na pumasok si Carlo J. Caparas. Ang isa sa magandang paraan na naisip ni Joelad para lumawak ang impormasyon na kanyang binabalak ay ang kumontak ng mga tagakomiks (na sikat) para makatulong sa project na ito. Kapag hinawakan nga naman ito ng KWF lang (solo lang sila), baka naman magmukahg ‘academe’ ang dating ng pagbibigay ng impormasyon sa komiks.

At dahil nga komiks, dapat ay isang impormasyon na malalaman ng marami. At ang makapagbibigay nito, ang kilalang direktor sa pelikula at dating tagakomiks na si Carlo Caparas. Tanggapin natin ang katotohanan, malaking pangalan si Carlo Caparas sa mundo ng entertainment sa Pilipinas.

Nang unang dumating sa meeting si Direk Caparas, nakita ko sa mukha niya ang pananabik at saya nang makita niya ulit ang mga dating kasamahan sa komiks. Sa pagnanais na makatulong hindi lang sa Kongreso kundi sa komiks mismo, nagbigay siya ng pera para sa isang contest. Pagpapatimpalak ng komiks galing sa sariling bulsa at sa asawang si Donna Villa.

Iba ang mundo ng showbiz na hindi tayo gaanong aware. You have to play with media people, kailangan may mai-project ka sa camera na ma-prinsipyo kang tao at nais mong tumulong, kailangan mong komunekta sa mga maimpluwensyang tao para mag-survive sa ‘show’ industry na ito. Sinabi kong ‘show’ dahil ang mga taong laging lumalabas sa tv—mga pulitiko at artista ay may imahe na iniingatan. Hindi ka puwedeng hindi ngingiti kapag may nakaharap na camera. O kaya makikipagkamay kapag may taong gustong kumausap sa iyo.

Kaya bago pa man ang Kongreso ng Komiks, naglabasan na sa kung saan-saan ang mga promo at press release para sa event na ito. At after din ng event, lalo pang dumami ang press release. Ang pagpirma ng tseke ni Donna Villa, ang planong pag-iikot nila sa buong Pilipinas, ang biro ni Donna Villa na handa siyang magpaa kung sakaling aakyat ng bundok para lang maikalat ang impormasyon tungkol sa komiks, ang pagpunta sa Malakanyang para sa awards, ang picture takings, kuha dito, kuha doon, pose dito, pose doon.

Iyan ang mundo ng mga public figures tulad nila. Hindi nila ito kasalanan. Ganyan talaga ang kalakaran sa mundo nila. You have to play with it.

NARITO NA ANG PROBLEMA

Alam ko na ang mga larong itinatakbo ng mga meetings kaya kinapalan ko na ang mukha ko na magkaroon ng Powerpoint presentation. Na-foresee ko kaagad ang tungkol sa media hype na ito. At iyon ang sinamantala ko para magkaroon ng dramatic entrance ng gusto kong sabihin sa Kongreso.

I have my own agenda. Which is I-educate ang mga lahat ng makakapanood sa presentation ko, partikular na ang mga organizers (Joelad at Caparas) kung ano ang tunay na kalagayan ng komiks sa kasalukuyan.

Nagtagumpay ako, sa tingin ko.

Nang magsalita si Joelad after ng presentation ko, nag-iba ang kanyang tono. In fact, nag-iba ang aura ng buong auditorium hall. Nakita kasi nila ang problema. Ito ang sabi ko:

“Gusto kong ipagdiinan na wala nang interes gumawa ang mga batang creators dito sa Pilipinas. Unang problema, wala namang publisher dito. Saan ka gagawa para mabuhay ka at iyong pamilya? Ikalawang problema, mas malaki ang bayad sa abroad, 50 times higher, sabi ko pa.”

Nang muling magsalita si Direk Caparas, iba na rin ang kayang tono: “Hindi namin kayang I-revive ang komiks industry. Hindi iyan kaya ng isang tao. Narito ako para pasiglahin kayo sa contest na balak ko. Nagpa-contest ako para makita ko kung gaano kayo kagagaling gumawa para malaman natin kung dapat pa ngang tangkilikin ang komiks. Para kapag nakakuha tayo ng potential publishers ay hindi naman ako mapapahiya na mai-presenta ang mga gawa ninyo.”

Sa sinabi niyang ito, nalinawan ako.

Nagsalita din siya sa harap ni Mr. Deo Alvarez, General Manager ng Atlas Publication: “Mr. Alvarez, isang araw ay magkikita tayo dahil hawak pa ninyo ang karapatan sa Pilipino Komiks, Hiwaga Komiks, Special Komiks, at iba pa.”

Tinitingnan ko ang sinabi niyang ito. May balak siyang kunin sa Atlas ang mga titulong ito ng komiks.

Ayon din kay Donna Villa sa interview namin sa TV, ilang movie producers na ang kinausap niya para pag-aralan ang business ng komiks. Kung may kakagat sa offer niyang ito, panahon na lang ang makakaalam.

Marami pang gustong magsalita sa Kongreso ng Komiks. Pero maraming hindi napagbigyan dahil sa igsi ng oras. Kaya magkakaroon ng second session sa March 23 (Friday).

Napakarami pang problema na dapat harapin. Ang Kongreso ay usapan lamang. Hindi ito ‘sumbungan ng bayan’ na kaagad-agad ay makikita kaagad ang kasagutan. Kailangan nating maghintay.

Mabuti na lang ay mismong si Direk Caparas ang nag-nominate sa akin para makabilang sa ‘sectoral’ representative ng komiks. Wala akong pakialam kung sino ang mga opisyal at mga posisyon nila sa Kongreso, ang mahalaga ay nakapasok ako. Magiging bantay ako ng mga susunod na hakbang ng grupo.

In the meantime, payo ko sa lahat, huwag mag-expect sa Kongreso na parang dumating na si Hesu-Kristo. Ang Kongreso ay unang hakbang. Ito ay bahagi ng proseso. Hindi pa ito ang solusyon.

Tingnan ninyo ako, tumanggap ako ng isang project para sa pulitiko heheheh. Para may pera naman ako pambili ng Jollibee.


Ang Powerpoint presentation ko noong araw ng Kongreso sa Komiks.


TV guesting sa Dial M. Ako, Mario Macalindong, Alfredo Alcala's nephew, Sec. Cecille Guidote-Alvarez, Donna Villa, Direk Carlo J. Caparas, Alfredo Alcala Jr., Joelad Santos, (seated) Manoling Morato at Maggie dela Riva.
Salamat kina Azrael Coladilla at Alfredo Alcala Jr. sa mga litrato.
*******

Available na pala sa mga stands at bookstores ang short story ko (in prose) sa Risingstar Publications. Bumili kayo!




Monday, February 26, 2007

TV EXPOSURES

Iba talaga kapag hawak ng gobyerno ang project na kasasangkutan mo, samahan pa ng isang sikat na direktor sa pelikula na kayang mag-promote sa kung saan-saan. The power of press release!

Kahapon ay nag-taping kami sa Channel 4 sa programang ‘Gising Sining’ ni Cecille Guidote-Alvarez at ipinalabas ng alas onse ng gabi. Ito ay promotion at patikim sa mangyayaring Kongreso ng Komiks na gaganapin bukas ng umaga sa NCCA building. Kasama sa interview na ito sina Commissioner Joelad Santos at Direk Carlo J. Caparas.

Katatanggap ko lang ng text na ipinapatawag daw ulit kami ng direktor ng naturang show at muli kaming babalik mamayang 9pm sa Channel 4 para sa isa na namang balitaktakan tungkol sa komiks. Ang totoo niyan, dahil limitado ang oras namin kahapon, at nataon pang Edsa celebration (kaya may ‘Diwa ng Edsa’ ang usapan namin sa halip na komiks lang). Mamayang gabi, mas malalim na talakayan tungkol sa komiks ang mangyayari (sana).

Iba’t ibang reaksyon ang natatanggap ko, at nababasa, tungkol sa event na ito ng Kongreso ng Komiks. May positive at may negative, normal lang naman ito. Ang nakakatawa dito, kaming mga taga-komiks lang ang nagbibigay ng mga reaksyong ito. The public? Who the hell cares? E kung kayo ngang tagakomiks hindi ninyo ma-organize ang mga sarili ninyo, paano ninyo io-organize ang mga Pilipino na makisimpatya dito sa Kongreso ninyo?

Hindi ko alam kung ano talaga ang problema. Tinitingnan ko ang sitwasyon ng mga beteranong bunga ng lumang industriya at mga present creators na bunga ng independent scene. Talagang may gap.

Pero ang gap na ito ay hindi gawa ng both parties. Ang problema dito ay communication. It’s either ayaw makipag-communicate ng isa, o talagang inosente o ignorante ang isa na may nag-I-exist na isa pa. Ang gulo ‘no?

Sa araw ng Kongreso, kaya siguro kinapalan ko na ang mukha ko na mag-Powerpoint presentation, para maunawaan ng both parties ang pagkakaiba nila. Hindi ito ego tripping ko lang. Gusto ko lang talagang ipaalam sa marami, na may ganito, at may ganoon.

Siguro kung wala akong pagpapahalaga sa industriyang ito, dapat noon pa ay hindi na ako nakisangkot, di ba? Pakialam ko sa inyong lahat, kumikita ako ng dollar hahaha. Pero kinalimutan ko muna sandali itong pagkahayok kong kumita. Wala nang ibang pagkakataon, tingin ko. Ito na lang. Ang Kongreso ay balitaktakan, at ang Convention ay tindahan at palabas. So, ang Kongreso ang pinili ko para magsalita.

Kaya mamayang gabi, abangan ninyo sa Channel 4 (9pm) ang iba pang mapag-uusapan sa komiks. At bukas ng umaga, sa NCCA, ang iba pang pagtatalunan at pag-aawayan.

Paalala ko nga pala sa mangyayaring Kongreso bukas, ang idea dito ni Com. Joelad ay tulad ng isang lumang Kongreso. Lahat puwedeng magsalita sa mikropono, bibigyan ka ng ilang minuto para magsalita kung ano ang gusto mong sabihin tungkol sa komiks. Papakinggan ito ng lahat. Pagkatapos ay tatanungin ka sa mga pinagsasabi mo. Nakakita na ba kayo ng eksena sa Congress at Senate na nagsisigawan ang mga pulitiko? Ganu’n ang mangyayari sa Kongreso bukas.

Well, hindi naman siguro aabot sa ganoong sigawan. May kaunting kabaitan pa naman tayo.

Kaya kung sanay kayong pumunta sa conventions, seminars at workshops ng komiks, hindi po ito ang mangyayari sa Kongreso. Ito ay battleground!

Sunday, February 25, 2007

KONGRESO AT EKSIBIT NG KOMIKS!!!

Pebrero 27, 2007 (Martes)
8:00 ng umaga (Pagbubukas ng eksibit)
10:00 ng umaga (Pagbubukas ng Kongreso)
1:00 ng hapon (Malayang talakayan)
NCCA Bldg., Intramuros, Manila
ANG LAHAT AY INIIMBITAHANG DUMALO!!!

Friday, February 23, 2007

SINABI KASI NG DYARYO

Lumabas ito kaninang umaga. Press relase daw tungkol sa komiks.

Alin ba dito?

Yung 'Carlo J. Revives Komiks Industry'?

O 'yung 'Monopoly of Evil'?

Hahaha!


Thursday, February 22, 2007

MGA EKSENA SA KONGRESO

Masyadong mataas ang expectations ng maraming tao sa darating ng Kongreso ng Komiks. Sa nakikita ko, dahil ang mga komiks creators ngayon ay agresibo at marunong nang tumingin ng mga sitwasyon, hindi na nakapagtataka na mag-stand out ang 'new generation' kapag nagsimula na ang open forum para sa komiks (hindi ito sa pagyayabang, ikinumpara ko ito sa mga nakaraang meeting at sa mga binibitiwang salita sa mga forums at blogs dito sa internet).

Bilang isang 'new gen creator', marami akong natutunan sa past industry ng komiks. Pero proud din akong sabihin na marami rin silang matututunan sa generation namin ngayon. Nag-evolved na ang buhay ng tao (natural na pati ang industry) at marami nang dapat tingnan ngayon kung hinahangad ng Komisyon ng Wikang Filipino, NCCA, Filipino Institute of Komiks Arts and Sciences, na maglabas ulit ng komiks ngayon (kung hindi man pasiglahin ang industriya--na isang mahirap na gawain).

Ako ang magpi-presenta ng maikling kasaysayan ng komiks sa Pilipinas sa Powerpoint presentation sa darating na Kongreso ng Komiks. Bilang isang 'modernong manlilikha ng komiks' na galing sa 'tradisyunal na publications ng komiks', gusto kong masiguro na ang bawat generation ay magkaroon ng partisipasyon sa pagtalakay na gagawin ko.

Bagama't ang program na inilaan para sa akin ay para ipakita lamang ang 'highlights' ng history ng komiks sa Pilipinas, pero hindi maalis sa isip ko na lumihis ng kaunti sa paksa. Gusto kong magbitaw ng maraming hamon sa lahat ng dadalo sa Kongreso. At sana ang mga hamong ito ay magkaroon ng malalim na talakayan.

Sa mga nakaraang meeting ng board ng Kongreso, kalimitang nauuwi ang usapan sa kuwentuhan ng mga nakaraang buhay nila sa komiks, which is nakakatuwa namang pakinggan kapag beterano na ang nagkuwento. Sa araw ng Kongreso, maraming kabataan ang pipiga sa lahat ng issues tungkol sa komiks.

Samantala, habang pinaghahandaan ko ang event na ito, hindi puwedeng pabayaan pa rin ang trabaho. Habang nag-iisip ako tungkol sa komiks ng Pilipino, lahat naman ng gawa ko ngayon ay para sa Amerkano. Weird, 'no?

Well, isa 'yun sa paksang isisingit ko...ang 'talent fee' ng artist at ang 'praktikalidad ng buhay'.

Nitong mga nakaraang meeting ng board, ang dami kong nakikitang nagpapakabayani para sa Kongreso ng Komiks o sa komiks mismo. Naalala ko ang isang kasabihan, 'A nation of heroes is a nation in trouble'. Malaki ang problema ng komiks. Hindi ito kayang i-solve ng Kongreso. Pupunta ako sa Kongreso hindi para i-solve ang problema. Pupunta ako doon, para bigyan ko pa sila ng mas marami pang problema.

Now, back to the drawing board...


Copyright © 2007 Architeer Corporation

Wednesday, February 21, 2007

KOMIKS EXHIBIT IMPORTANT ANNOUNCEMENT!!!

Pasensya na mga kapatid, last minute call ito....

HINDI PO TULOY BUKAS NG UMAGA ANG RIBBON CUTTING NG KOMIKS EXHIBIT SA NCCA.ANG RIBBON CUTTING NG EXHIBIT AY ISASABAY NA SA KOMIKS CONGRESS PARA ISANG PASADA NA LANG.

Humihingi po ako ng paumanhin sa lahat ng ng kabulastugang nangyayaring ito sa mga scheduling na ginagawa ng Komisyon ng Wika at NCCA. Kung kelan naman isang tulog na lang ay saka magbibigay ng ganitong report sa amin.Nag-usap kami ni Mario Macalindong at pareho kami ng saloobin. Naka-front kami sa inyong lahat, kasama si John Becaro, pero hindi namin hawak ang schedule ng Komisyon at NCCA.

Kami ay representative lamang at tumutulong sa programa nila.Noon pa man ay very vocal na ako sa mga weakness na nangyayari sa grupo ng Komisyon, particular na sa scheduling, kahit na mga miting noong nakaraan, na nauuwi sa kuwentuhan sa halip na pagtuunan muna ng pansin ang event ng congress. Hindi talaga nila isinasapuso ang mga pinagsasabi ko.

KOMIKS EKSIBIT AT KONGRESO

Matagal ang naging proseso bago napagkasunduan ang petsa ng exhibit at Kongreso ng komiks. Sa wakas ay ito na ang opisyal na petsa ng mga pagdiriwang na ito:

EKSIBIT

Araw ng Pagbubukas
Pebrero 22 , 2007 (Huwebes)
11:00 ng umaga
NCCA Bldg., Intramuros, Manila

KONGRESO

Unang bahagi
Pebrero 27, 2007
8:00 ng umaga
NCCA Bldg., Intramuros, Manila

Ikalawang bahagi
Marso (wala pang opisyal na petsa)
NCCA Bldg., Intramuros, Manila

Monday, February 19, 2007

EXHIBIT NGAYONG LINGGO

Daig ko pa ang pulitiko nitong mga nakaraang araw, halos hindi ako mapirmi sa bahay sa dami ng lakad. Meeting sa kung saan-saan tuwing umaga at paspas sa trabaho kapag gabi. Para naman pagdating ng April ay makapagbakasyon na. Yes! Gusto ko munang umuwi ng probinsya para makalanghap ulit ng sariwang hangin.

Magkakaroon ng formal opening ang KOMIKS EXHIBIT ngayong Huwebes alas dos ng hapon sa NCCA building sa Intramuros, Manila. Naka-set up na lahat ng mga participants, ang inaayos pa ay ang table ng mga indie publishers para naman makasama sila. Pero sabi sa akin, halos punung-puno na raw ang exhibit area. Hindi namin ini-expect na napakarami ang magbibigay ng artworks (at marami pa ngang hindi nakasali lalo na sa mga new gen artists ngayon), ang inaasahan na 30 pieces na artworks, ngayon ay lampas ng 100. Kaya kung pupunta kayo sa opening ngayong linggo, magsasawa kayo sa dami ng komiks artworks na makikita ninyo.

Ito ang mga kasama sa exhibit:
NAR CASTRO, VIC AURE, JOMARIE MONGCAL, JUN LOFAMIA, AL CABRAL, STEVE GAN, JESS JODLOMAN, KARL COMENDADOR, PERRY CRUZ, FLORENCE MAGLALANG, RENN MAGLALANG, ROD SANTIAGO, RENE CELEMENTE, RENE CORTEZ, DING ABUBOT, YONG MONTANO, AL SANCHEZ, HANNIBAL IBARRA, REY ARCILLA, FERDEEE BAMBICO, DANTE BARRENO, LAN MEDINA, RUDY VILLANUEVA, NAR CASTRO, ALFREDO ALCALA, FEDERICO JAVINAL, MAR SANTANA, ERNIE PATRICIO, NESTOR MALGAPO, ARNEL AVETRIA, MANDING DE GUZMAN, JUN DE FELIPE, TONY ANCHETA, RANDY VALIENTE, NAR CANTILLO, VIC POBLETE, ABE OCAMPO, MARIO MACALINDONG, JOEY CELERIO, JUNE GABRIEL, TONY ANCHETA, JOSEPH VILLAMAR, VAL PABULOS, DON SANTOS, RUBEN YANDOC, NAR CANTILLO, JOHN BECARO, DANNY ACUNA, BERT GABIANO, JOJO GALICIA, JIMMY PABULOS, LARRY GALVEZ, NAR DE MESA, ARTURO DOMINGUEZ, JUNE MEDIAVILLO

May nagtatanong din kung free ang entrance sa exhibit. Yes! Libre po ito. Pero kung gusto niyo akong pameryendahin, okey lang heheh.

Inaayos ko pa rin ang ibang bagay sa Kongreso ng Komiks, poster, videos, presentations, programs, etc., kaya hating-hati talaga ang oras ko. Plus komiks pages na kailangan kong mag-submit sa writer tuwing weekends.

Gusto sumama sa akin ng ‘live model’ ko sa Diosa Hubadera sa opening ng exhibit, gusto rin daw niyang makakita ng original na komiks, pero ang totoo nu’n e gusto lang magpalibre sa akin ng pizza nu’n. Kaya kung sino man sa inyo ang gustong gawing pelikula ang Diosa, kontakin niyo lang ako, meron na tayong actress hahahaah.

Mababasa pala ang maikling report ni John Becaro sa kanyang blog sa pag-set up nila ng mga artworks sa NCCA. Ang dami na agad bisita ang dumating, wala pang opening.

Beth Rivera, Lan Medina, Mayette (Lan's wife), Ernie Patricio. Seated: Joemari Moncal, Larry Galvez, Mario Macalindong, John Becaro and Nar Castro.

Sunday, February 18, 2007

POSTER

Ginagawa ko ang poster ng Komiks Kongress, kulang pa ng details (exact dates, images, etc.), pero kung sakaling ma-approved ito ng board ay malamang na ito na ang gamitin na 'official poster'. Any suggestions on the design aspect?


Friday, February 16, 2007

ELEVENTH HOUR #1: YOUNG GODS preview

Press Release from UK's Orang Utan Comics:

Eleventh Hour #1 is Orang Utan Comics' debut comic. Due for release at the Bristol Comic Expo in May, Eleventh Hour showcases the talents of orang Utan Comics' writers and artists.

Confirmed stories currently include Purgatory Blues (Rogers/Akberali), Bloodstain (Rogers/Nobre/Sharman), Brothers In Arms (Rogers/Walsh) and The Young Gods: Slash & Burn (Sharman/Valiente). Eleventh Hour #1 will be printed in black and white with a full colour cover by Austrian artist, Franke.

Illustration of 'Young Gods' (above image) was painted by Azim Akberali.

Wednesday, February 14, 2007

MGA EKSENANG PINOY

Nakakatuwang makita sa mga foreign comics ang mga eksenang pamilyar sa ating mga Pilipino.

Ang inyong nakikita ay gawa ng Argentinian cartoonist na si Quino, galing sa komiks na YO NO FUI. Natawa ako sa isang panel dahil naka-drawing ang bahay na may gulong sa bubong. Pamilyar ba hehehe? Ganitong-ganito ang makikita sa squatter's area dito sa Manila.


Ito naman ay gawa ni Robert Crumb sa Weirdo Comix. Makikita sa background ang isang Filipino restaurant. Paano ko nalaman? Nakasulat kasi sa pintuan at bintana ang 'lechon', 'pansit palabok' at 'fresh lumpia'. Hahaha. Ang nakakatawa (o nakakaiyak) dito, sa labas ng restaurant ay may nakatambay na pulubi at adik.

Tuesday, February 13, 2007

Copyright © 2007 Architeer Corporation

Saturday, February 10, 2007

UPCOMING KOMIKS EXHIBIT


Photos taken by Grace Jodloman

Tuloy na sa February 16 ang exhibit ng mga komiks artists sa National Commission for Culture and the Arts, Intramuros, Manila. Baka mauna ito sa Komiks Kongress. Gusto mang isama lahat ng artists ng komiks pero gahol na sa oras, kaya nakasentro na lang ito sa mga beterano. Well, makakasama din ako (kahit hindi ako beterano hahaha).

After ng meeting kagabi sa Max’s Quezon Ave. ng mga tagakomiks (kasama sina Carlo Caparas, Loren Banag, Joelad Santos, etc.), tiningnan ko ang mga artworks na kasama sa exhibit. Halos mapamura ako sa ganda ng illustrations. Sa loob-loob ko, bakit hindi ko ito inabot noong active pa ako sa GASI. Parang dito na ibinuhos ng mga beteranong artists ang ilang taon din nilang pamamahinga sa paggawa ng komiks.

Tingin ko ay talagang nasabik sila ng husto kaya itinodo na nila ang powers nila dito. Bigyan ko kayo ng idea kung ano ang makikita ninyo sa exhibit. Original pages ng Ramir ni Jess Jodloman, at inamin ni Carlo Caparas na si Jodloman ang idol niya kesa kina Coching at Redondo. Mga unpublished works ni Mar Santana, Nestor Malgapo. Napa-wow din ako nang makita ang painting ni Jun de Felipe lalo na ang illustrations ni Ernie Patricio. Sabi ko sa isip, Shit! Ito ang katibayan na iba talaga ang mga beterano kesa sa mga batang katulad ko. Marami pa akong kakaining bigas. At naisip ko rin na hindi sapat na nakakagawa lang ako ng komiks sa ibang bansa. Doon ko naintindihan na ang artist ay makikita mo…sa isip, sa salita, at sa gawa (parang Panatang Makabayan).

Hindi ko pa ipinasa ang artworks ko at balak kong dalhin na lang kapag ikakabit na ito sa NCCA. Farout kasi ang concept ko, baka biglang I-reject ni Nestor Malgapo hahaha. Seriously, medyo surreal ang artworks ko na kasama sa exhibit. Sabi nga ni Ernie Patricio, “Paminsan-minsan, I-explore mo ang sarili mo. Hindi lang ‘yung art o ‘yung style mo. Yung ikaw mismo as an artist.”

Kaya kung may makita kayong ‘baliw’ at ‘bastos’ na artwork doon sa exhibit, akin ‘yun.

Ito ang mga titles ng dalawang entry ko sa exhibit:
ANG EBOLUSYON NI KIKONG MATSING
SERYOSO ANG BUHAY, AKO LANG ANG HINDI

Tuesday, February 06, 2007

BUSY WEEK

Kahit nakalatag na sa harap ko ang mga deadlines ay nakuha ko pa ring umalis ng bahay dahil sa mga activities na hindi ako makatanggi. Ilang araw na akong hindi napipirmi sa bahay. Pero ayos lang dahil minsan lang naman mangyari ito na magkita-kita ulit ang magkakasama at magkakaibigan sa komiks.


4th Meeting of Komiks Kongress. From right: Me, Ofelia Concepcion, Josie Aventurado, Joelad Santos, staffs from Komisyon ng Wikang Pilipino, the two guys on the last row are Ding Abubot and Al Cabral.

Report and photos on John Becaro's blog.

Read or Die! Convention. Jonas Diego (The Comic Blurb), Me, Gerry Alanguilan (Elmer), Norman B. Isaac (Manila Bulletin) and Carlo Vergara (Zsa Zsa Zaturnnah).

More of this event on Gerry and Jonas' blog.

Monday, February 05, 2007

ON PRESS FREEDOM

I-share ko lang sa inyo ang interview na ginawa sa akin ng mga MassCom students ng isang university sa Quezon City last week.

*****

Ilang taon na po kayong nagtratrabaho bilang isang manunulat/ mamamahayag? Kailan po kayo nagsimula?

Nagsimula akong magsulat ng fulltime noong 1995. Pero before nu’n ay nagpapasa na ako ng script sa komiks, paisa-isa lang, hindi ko siniseryoso.

Ano po ang naging inspirasyon ninyo sa pagsusulat?

Ako ay dating komiks illustrator bago ako naging manunulat. Nang humina ang komiks ay nagsimula akong magsulat ng script at pocketbooks. Iyun na ang naging simula ko ng pagsusulat ng iba’t ibang media—articles, interviews, balita, screenplays, teatro, etc.

Ano po ang pakiramdam ng maging isang manunulat/ mamamahayag?

Natural masarap. Hindi kasi lahat ng tao ay kayang gawin ito. At the same time, kumikita ka sa isang propesyon na gustong-gusto mong gawin.

Kung bibigyan po kayo ng pagkakataon na pumili ng ibang karera, ano po ang pipiliin ninyo?

Nasa arts pa rin. Siguro nagpi-painting or nagsusulat ng musika (mahilig din kasi ako sa music).

Anu-ano po ang mga karanasan ninyo sa pagsusulat? Ano po ang pinaka-maganda? Ang pinaka di-kanais-nais?

Makulay ang mundo ng pagsusulat dito sa Pilipinas. Nalinya kasi ako sa fiction writing at hindi sa pagiging journalist. So lahat ng mga taong kausap ko rin ay mga fiction writers. Hindi kami nag-uusap tungkol sa pera, or ‘payola’ or ‘lagay’ galing sa mga maiimpluwensyang tao. Ang usapan namin lagi ay ang craft ng pagsusulat. Ang pinakamagandang karanasan ng pagiging writer ay ang malaman mo na may nagbabasa ng sinusulat mo at sinusulatan ka nila na nagagandahan sila sa gawa mo. Isa rin sa pinakamaganda ay ang makita mo ang pangalan mo na naka-print. Walang pinakamasarap na karanasan kundi makita mo ang sarili mo na isa ka nang professional writet dahil binabayaran ka sa ginagawa mo.

Ang pinakamasaklap naman na experience ay ang nararanasan din ng karamihan ng mga fiction writers dito sa atin. Ang katotohanan, maraming naghihirap na manunulat dito. Una, maliit na nga ang bayad ng mga publications dito, postdated pa palagi ang tseke (lol). Ikalawa, kailangan mo munang patunayan (lalo na sa mga editors at publishers) na magaling ka at maraming magbabasa ng sinusulat mo.

Sa ngayon ay hindi na ako gaanong aktibo sa pagsusulat dito sa Pilipinas. Ang lahat ng ginagawa ko ngayon ay sa ibang bansa na. At tumutok na rin ako sa paggawa ng komiks sa US. Nalaman ko na financially rewarding ang magtrabaho sa ibang bansa kumpara dito, iyan ang masakit na katotohanan.

Saang mga pahayagan/magasin na po kayo nakapagsulat?

Halos siguro lahat ng publication dito sa Pilipinas ay nalibot ko na. Magasin, songhits, tabloids, etc. Nitong nakaraang November, nagsulat ulit ako sa Liwayway. Nagsulat din ako ng short story sa horror para malaman kung uubra pa ba akong magusulat ng prosa. Pagkatapos nu’n hindi pa ulit ako nagsusulat dito at balik na naman ako sa trabaho ko sa abroad (ang trabaho ko nga pala ay internet-based so hindi ko na kailangan pang pumunta ng ibang bansa para magtrabaho). Sina-submit ko lang through emails.

Ano po ang inyong opinyon ukol sa estado ng kalaayaan ng pamamahayag (press freedom) sa bansa?

Ang press freedom para sa akin ay isang ‘political thing’. And i hate politics. Kaya siguro hindi rin ako nagtagal sa pagsusulat ng dyaryo noon. Hindi ako ang klase ng taong kakapit sa isang pulitiko or maimpluwensyang tao para lang umangat. Gusto kong makilala ako as a writer.

Maganda ang pagkakaroon ng kalayaan sa pagsulat. Ngunit dapat ay may kaakibat itong responsibilidad. Hindi lahat ng kalayaan ay para sa nakararami. Hindi mo puwedeng murahin ng murahin ang presidente nang walang dahilan. Puwede mo siyang murahin kung mayroon kang basehan.

Marami kasi ngayon ang hindi nakakaintindi ng salitang ‘freedom’. Na para bang ang tingin nila dito ay isang ‘anarchist’s thing’. Na kapag may kumontra na sa kanila ay ipagdidiinan ang salitang ‘freedom of the press!’

Freedom is all about responsibility.

Kaya nga meron tayong gobyerno or media board na magmo-monitor nito.

Anu-anong mga pagbabago sa pamamahayag at/o pagsusulat ang mga nabatid ninyo mula noon, hanggang ngayon?

Kung sa journalism point-of-view tayo, sa tingin ko ay wala. Of course, mas malaya tayong magsulat ngayon kesa noong panahon ni Marcos. Pero hindi ka rin naman basta-basta magsusulat ngayon na may makakabangga kang tao. Salvage ang labas mo. Medyo comedy ang sinabi kong ito pero totoong nangyayari ito sa isang third world country tulad ng Pilipinas.

Ang pagsusulat para sa akin, it’s all about purpose. Kung ano ang purpose mo kung bakit ka nagsusulat. Hindi ito binabago ng panahon. Ito pa rin ang pinanghahawakan ng lahat ng writers mula noon pa.

May mensahe po ba kayo sa mga nais maging mamamahayag o manunulat?

Love the craft. Be responsible. Iba’t ibang klase ang readers. May mga readers na kokontra sa iyo, meron namang sasang-ayon sa iyo. Ang sinulat mo ay magiging reflection sa ibang tao. Sa iba naman, magiging basehan ito ng pagtingin nila sa buhay. So kailangan ibigay mo ang tama.

Friday, February 02, 2007

THE MALAY MYSTERIES


"There is good reason why this group won awards last year."
--David LeBlanc, ComicBookNet E-mag



Nag-announce na ang Shoto Press na puwede nang mag-pre order ng The Malay Mysteries book 4: Sita's Shadow and Other Stories. Sana nga ay mai-distribute ito ng malawak at makarating ito sa Pilipinas. Ngayon pa lang ay inaabangan ko na rin na dumating ang complimentary copies.


Ang book na ito ang masasabi kong pinaka-proud ako na nai-drawing. Dahil talaga namang napakaganda ng kuwento (huwag niyo nang intindihin ang drawing ko, 'yung mismong kuwento na lang). Ayaw kong mag-exaggerate pero talagang napaluha ako sa ending ng story. Hindi naman nakapagtataka dahil nga nominated ang series na ito sa Eisner awards noong mga nakaraang taon. At sana naman, makasama din ngayong taon na ito (para makakuha naman ako ng award hahaha!).


Ito ang mga taong bumubuo ng Shoto Press. At masaya ako dahil kasama na ako sa grupong ito. Yey!