Tuesday, October 31, 2006

A new project after Guardian Empires.

Monday, October 30, 2006

Analysis for FILIPINO KOMIKS and other COMICS OF FILIPINOS

Ang article na ito ay contribution ko sa pinag-uusapan sa Philippine Komiks Message Board tungkol sa iba pang comments at suggestions sa Filipino Komiks na inilabas ng Risingstar Printing Enterprise kamakailan. Mahaba ang analysis na ito kaya dito ko na lang inilagay sa blog at hindi doon sa mismong forum.

Kung inyong nabasa ang una kong review tungkol sa Filipino Komiks, nakatutok ako sa technicalities nito, basically sa story at drawings. Kung ano ang mga mababasa at matutunghayan sa loob. Although sa business side ay isa lang ang naging puna ko…ang presyo.

Sa article na ito, mas tututok ako sa marketing at business side. At sana ay makatulong ito ng malaki sa studies na ginagawa ngayon ng bumubuo ng Filipino Komiks.

Bakit presyo ang una kong nakita sa komiks na ito?

Bago natin mapag-aralan kung magiging successful nga ang isang product na ating ipu-produce, kailangan muna nating pag-aralan kung ano ang target market nito. Ang target market ang pinaka-importante para hindi tayo maligaw sa ating mga desisyon sa product na ating ilalabas.

Nang una kong makita ang cover ng Filipino Komiks (without knowing kung ano ang nasa loob), alam ko kaagad na ito ‘yung dating komiks na kinasanayan ko nang basahin—pati ng aking mga magulang. In short, mass-based ang komiks na ito sa una kong tingin.

Bago ako nag-conclude na mass-based ang komiks na ito, tiningnan ko muna ang kasalukuyang sitwasyon ng komiks sa Pilipinas. Nasa early stage ngayon ng evolution ang industry. At dahil ‘hilaw’ pa ang industry na ito, aware pa ang mga readers ang pagkakaiba ng traditional komiks sa kung ano ang mga lumalabas ngayon. Ang listahan ng mga ‘modern komiks’na lumalabas ngayon ay ang mga ito: Elmer, Tropa, Rambol, Mango Jam, Enchanted Kingdom, Neo Comics.

Visually speaking, without knowing the content of Filipino Komiks, ito ang mga dahilan ng pagkakaiba ng ‘traditional’ komiks sa modern (kapag magkatabi mo silang idinesplay sa isang rack):

1. The word ‘Filipino Komiks’ itself, ay nakakabit pa rin doon sa Pilipino Komiks na inilabas ng Atlas. Kasama na dito ang logo ng word na ‘komiks’ na makikita sa cover.

2. The size. 6 ½ x 10 ay standard na ginagamit na size ng ‘traditional komiks’ na nakasanayan nang basahin ng mga ‘old readers’ ng komiks.

3. Hindi mo man makita ang loob, alam mong newsprint na papel ang ginamit sa mga pages kapag sideview ang tingin mo.

4. Kung ang reader ng komiks ay aware sa ilang personalities ng nakaraang industry, alam nila kung sino sina Nestor Malgapo, Karl Comendador, Nar Castro at Ofelia Concepcion. Ang pangalan ng mga personalidad na ito ang mababasa sa cover pa lang.

At dahil malaki ang posibilidad na mapagkamalan ng readers na ang komiks na ito ay kagaya ng mga ‘naunang komiks’, they are also expecting na ang presyo nito ay hindi lalayo sa kung ano ang pinakahuling inilabas ng Atlas—which is P15. So kung ganito ang huling labas ng Atlas, papasok na isip ng mamimili na kung magtaas man ng presyo ang komiks, hindi ganoon kalaki. Puwedeng mag-range sa P25-P35 per copy.

Pero hindi ‘yun ang makikita nila sa presyo. Magugulat sila na bigla itong pumalo sa P100.

Puntahan natin ang mga ‘modern komiks’ na naglipana ngayon.

Karamihan ngayon ay naglalaro sa size na ito: 6.8 x 8.5 inches (malaki ang pagkakaiba sa ‘lumang komiks’. Dahil ang unang naglabas ng ganitong size sa market, at nagkaroon ng followers, ay ang Culture Crash, naglalaro sa isip ng buyer ng komiks na karamihan ng komiks na ganitong size ay naglalaro sa presyong P75-P100. Glossy paper at full-colored ang lahat ng pages, from cover-to-cover. Without knowing the content (again), ini-expect ng komiks buyer na ang ganitong komiks ay modern ang laman at modern ang presyo.

The good thing with these modern titles ay alam nila kung sino ang target market nila.

Elmer—P50 ang presyo, modern ang kuwento, modern ang drawing. Black and white ang loob. The cover itself ay nagsasabi na modern ang komiks na ito—the concept and the layout. May target market ang komiks na ito: hindi ang masa na nagbabasa noon ng ‘lumang komiks’.Why? Kasi English ang pagkakasulat. Hindi ito mabibili sa bangketa. Ano ang content? A chicken story na ibang-iba sa Piyok ni L.P. Calixto at Manoka ni Jim Fernandez. Ang komiks na ito ay Western/European influenced in form and content (storytelling wise), kahit pa ang kuwento at mga characters ay nangyari sa Pilipinas. Ang good side ng komiks na ito, dahil well-defined ang target market, alam ni Gerry Alanguilan kung saan ito idi-distribute—comics shops, local at abroad. Dahil pagbali-baligtarin man ang mundo, hindi ito babasahin ni Aling Taling na isang maggugulay at ni Mang Tasyo na isang magbubukid.

Tropa/Rambol/NeoComics—P60-P85 ang presyo. Glossy paper, American/Manga ang drawing. Very clear din ang target market ng mga comics na ito. Lahat ng sanay magbasa ng American superheroes at Manga. 10 years old hanggang late twenties. Hindi rin ‘yung gaya nina Aling Taling at Mang Tasyo. Hindi sila makaka-relate sa BWAMPH! BLAM! BRAGAASSSH! KA-BOOM! na takbo ng kuwento mula umpisa hanggang huli. The bad side of these comics, ang target market ng mga ito ay subok na ng Culture Crash. At nasubukan na ng Culture Crash na mabigo sa ganitong klase ng target audience. Well, hindi sa nagiging negative ako, pero may example na kasing naganap at may nakuha na tayong aral doon

NeoComics/Mango Jam—P60-P85 ang presyo. Glossy paper from cover to cover, computer colored ang buong pages. Well-defined din ang target market nito. Manga enthusiasts na mahihilig sa cute figures and faces ng mga characters. Hindil lang teen males kundi mga female readers na rin. Sa bookstore at magazine shops ito mabibili, kasama ng glossy magazines tungkol sa fashion, gadgets, hobbies at gimiks. In short, ang targer audience nito ay ‘yung nakikinig ng mga Britney Spears music, o ‘yung nanonood ng Starstruck sa tv.

Siglo (Series)/Mandong Agimat— P400-P800 ang presyo. Book format. Separate entity ang readers nito (well, ang readers nito ay katulad din ng readers ng Elmer na naghahanap ng kakaibang komiks na gawa ng Pilipino). Usually, ‘yung talagang mahilig sa komiks na handang maglabas ng P500 pesos and above para lang may mabasa. Mabibili lang din ito sa bookstores at imina-market din abroad.


Maraming possibilities na puwedeng gawin sa Filipino Komiks, lalo na sa issue number 2. Pero mahalagang ma-address muna ang malinaw na target audience ng komiks na ito. From there, madali nang mapag-aralan kung ano ang puwedeng gawin at ano ang hindi puwede.

Sunday, October 29, 2006

‘BOMBA KOMIKS’

Naghahanap ako ng mga ‘bomba’ komiks na ito para sa isang article na ginagawa ko. Kung meron kayong kopya na puwede kong hiramin o ipagbili man lang, tatanawin kong isang malaking tulong.

Narito ang listahan ng mga komiks na hinahanap ko:

Bold
Erotica art
Playmate
Sakdal Sexy
Sex News Komiks
Silahis
Macho
Tiktik
Titik L
Sir
Adam & Eve
Climax
Joy
Instant Hot
Instant Wet
Wild Orchids
Lahat Pag-Ibig
Game
Tisay
Darling Sekspesyal
Oooh, Pag-Ibig
Boobs
Bogli
Betamax Komiks
Bedtime
Toro
Bikini
Sexsee
Dyagan

Friday, October 27, 2006

SILENCE MEANS YES

Isang magandang balita ang sumalubong sa akin kanina sa email.

I’m happy to announce na natanggapan ako ng first story and art sa foreign publication, short story lang naman. Hindi ko pa puwedeng sabihin kung anong company ito, pero siguradong isa itong small publisher. Ang kakaiba dito sa komiks na ginawa ko, nagpakabaliw talaga ako dito sa concept at sa visuals. Social realism meets surrealism ang banat ko dito. Kaya hindi ko ipinasa sa Marvel Comics, baka itapon lang sa basurahan. Ha ha!

Ang title nito ay ‘Silence Means Yes’, visual feast ito at walang captions or dialogues. Meron lang isang line na sasabihin ng isang sikat na American fiction writer sa pinakahuling page. Tuwang-tuwa dito ‘yung publisher:

“Really great work! You could have a real contender here for a Gene Day prize at SPACE CON in 2008. Have to submit the book in 2007, and wait a year to get the prize. Sorry for the delay there but fame takes time sometimes. If so you'll get a plaque at an award ceremony, handed to you by Dave Sim and his partner Gerhard at the SPACE CON in Columbus, OH. I know you're excited already.”

Sabi ko, ganyan ang mga komiks sa Pilipinas, puro kabaliwan! Hahaha! Joke.

Wala pang date kung kailan lalabas ang komiks na ito. At sana masundan pa ito.

Ito yung ilan sa mga pages:




















LETTER FROM THE EDITOR

Dear Randy,

Magandang hapon.

Salamat sa magandang review at hindi ko alam kung talagang mabait ka sa pagkaka review o i just hit the right formula. It took me 2 months before i ended up with this lineup. Honestly, ginawa kong thesis ang mga post mo sa blog mo para lang makalkal ko ang mga archives mo. May isang instance na inabot ako ng 24 hours sa kababasa sa mga entries mo. I also read Gerry's. From time to time, I asked Jomari's insights. Ner's too. Meyo de Jesus also shared ideas, Tita Opi (Ofelia Concecion), Mang Nestor (Malgapo) Robby (Villabona). Marami...

Pero hindi ko inisip na magiging positive ang review mo. Judging from your blog ay napakalayo na nang narating mo at tama si Reno (Maniquis)... nakakatakot na ma-review mo. Inaasahan kong hihimulmulan mo ako ng balahibo. Pagugulungin ang ulo sa lupa. Maraming materials kasi.

Last minute I made a choice between Rabido and Robby's story. Pero pang-banner 'yung kay Robby kaya maybe next issue, yun ang dapat abangan.

Why P100 pesos? Maraming konsiderasyon. kung inyong matatandaan wala akong binanggit na readership ng komiks. Hindi ko sinabing pangmasa kasi ang abot ng masa ay hanggang P10, o siguro P20. Ang ordinaryong puzzle ay P12 at 22pages na ang presyo at maliit ang sukat (5x8), compare sa 76pages illustrated regular komiks size at iba pa ang ginamit na materyales sa cover, nakikita na rito ang computation. Editorial cost ng puzzle is around P1,600. madugo ang editorial cost ng komiks, iba-iba pa ang rate ng illustrators at writers.

One thing, isa na rin itong pag-a-uplift sa industry. Kung ibabagsak presyo ko ito ay masasagasaan ang mga nag-uumpisa pa lang lalo na ang range ay nasa P50-P85. Ayoko naman na may iba na nagpakapagod na tapos heto yung grupo namin na may makinarya at circulation tapos bagsak presyo kami. Baka nga mataas ang P100 sa ngayon, but since mahaba ang shelf life nito sa mga bookstores, baka naman maubos din. Honestly, hindi ko alam kung ano ang magiging response dito ng readers, lalo ngayong magpa-pasko, na alam nating dry season sa mga publications. But i'm willing to go back to the drawing board. Isang eye opener ang komikon, salamat sa mga nasa likod nito. At salamat sa mga gaya mo, nina JM (Joemari Lee), Reno, Gerry (Alanguilan), Ner (Pedrina), Gilbert (Monsanto) at marami pang iba na sa kabila ng paglaylay ng industry ay patuloy na naniniwala sa kakayahan ng mga Pilipino comics creators na makapagsisimulang muli gaano man kahirap ang sitwasyon. Kailangan ko ng maraming puna sa Filipino Komiks, kung walang babatikos sa akin hindi ko mai-improve ito. Maraming salamat.

-Kuya KC (Cordero)
Founder/Editor
Filipino Komiks

P.S. At siyanga pala, may CUT na 30 to 40 percent ang bookstores at mga ahente kung sa bangketa at probinsya, kaya 'yung P100 actually ay halos P65 na lang. Ang masaklap sa bookstore ay ang binabayaran lang nila ay kung ano ang nag-reflect sa resibo. Meaning, kung may 20 copies ka at nanakaw sa bookstore ang sampu tapos ay lima lang ang nabenta at naka-reflect iyon sa mga resibo nila, 5 lang masisingil mo. Sa mga nagtatanong, second issue out sa first week ng January kasi patay na season sa mga publication ang November at December. We're discussing on how to cut our expenses para bumaba ang cover price.

Ipa-plastic nga namin para maganda. Ipina-hold ko ang delivery, we might change the price kung kakayanin---for the love of the industry. Maraming salamat.

Thursday, October 26, 2006

BACK TO THE DRAWING BOARD

A commissioned piece, inspired by Brian Froud (idol ni Hannibal).

Wednesday, October 25, 2006

FILIPINO KOMIKS review


Isang bagong komiks na pinamagatang Filipino Komiks ang inilabas ng Risingstar Printing Enterprise. Nakaugat ito sa tradisyon ng komiks sa Pilipinas o sa tinatawag na ‘old school of komiks’. Hindi nakapagtataka dahil ang mismong bumuo ng babasahing ito ay si KC Cordero na isang dating editor ng Atlas Publications.

Ito ay mayroong 76 pages at nagkakahalaga ng PhP100.00. Bagama’t maganda ang ginamit na papel sa cover, ang inside pages nito ay gawa sa newsprint at greyscaled lamang ang mga artworks. Nasa sukat ito ng 6.5 x 10.5 inches na galing din sa sukat ng tradisyunal na komiks.

Sa unang tingin, mapagkakamalang ito ang karugtong ng Pilipino Komiks na inilalabas noon ng Atlas. Ngunit ito ay iba nang entity dahil sa letrang ‘F’ sa halip na ‘P’. Kapansin-pansin din ang logo ng salitang ‘komiks’ na katulad din ng logo na ginamit noong panahon ni Tony Velasquez.

Mababasa sa cover ang pangalan ng mga manunulat at dibuhista sa komiks, kabilang na rin ang mga interviews na makikita sa loob. Ang ganitong strategy ay masasabing ‘insider’s information’ kung saan ang ipinapakilala sa publiko ang mga manlilikha ng komiks. Sa isang karaniwang mambabasa na hindi kilala ang mga taong nakasulat sa cover, ang ganitong pagpapakilala ay magiging lehitimong talentong dapat na abangan sa loob ng komiks na ito. Sa madaling salita, mataas ang kredibilidad ng komiks dahil ipinapangalandakan ang mga kilalang personalidad ng nakaraang industriya tulad nina Nestor Malgapo, Jose Mari Lee, Karl Comendador, Nar Castro at Rico Rival. Kabilang na rin ang mga bagong dugo ng manlilikhang sina Gerry Alanguilan at Gilbert Monsanto. Dalawang magkaibang henerasyon na pinagsama sa isang komiks.

Ang komiks ay kalipunan ng mga short stories na magkakaiba ang haba. Kaiba sa tradisyunal na komiks na naglalaro lamang sa 4-5 na pahina. Ang unang mababasa ay ang Guhit Ng Hangganan na sinulat ni Jose Mari Lee at iginuhit ni Karl Comendador. Tungkol ito sa isang binatang Filipino-Canadian na miyembro ng gang. Nagsimulang umikot ang kuwento nang mabaril ang binata at makausap niya sa isang dimension ang pambansang bayani na si Jose Rizal. Sa kalaunan ng pag-uusap ng dalawa, makikita ang mga rebelasyon sa buhay ng binata. Kabilang din sa pag-uusap ang mga pilosopiya nina Nietzsche, Descartes. Pati ang mga personal na kaalaman ng writer tungkol sa pelikula. Bagama’t marami nang kuwento na may ganitong tema kung saan ang twist sa huli ay isang malaking panghihinayang sa main character, nai-deliver ng maayos ni Lee ang kuwento na hindi magiging predictable para sa mambabasa. Ang kuwento ay isang magandang uri ng realization. Hindi rin dapat palampasin ang traditional way of illustration na ipinakita dito ni Comendador. Mas pulido ito kesa sa mga huling araw niya ng pagdidibuho sa Atlas nitong mga nakaraang taon.

Ang ikalang kuwento ay ang Rabido ni Ofelia Concepcion at iginuhit ni Rodel Noora. Horror-fantasy ito, isang temang aakalain nating hindi na muli pang isusulat ni Concepcion dahil mas nakilala siya sa mga kuwentong drama at romance stories sa pocketbook. Maituturing ko ang kuwento at dibuho nito bilang ‘good old way of storytelling’. Ito ang uri ng kuwentong angkop na angkop sa mambabasang Pilipino ng nakaraang industriya.

Ang ikatlong kuwento ay ang Met Crystal ni Fermin Salvador at iginuhit ni Nar Castro. Ito ang personal choice ko sa kabuuan ng komiks. Traditional Filipino ang pagkakaguhit, maging ang takbo ng kuwento ngunit tatablan ka sa bawat pilantik ng dialogues at captions ni Salvador. Makailang ulit kong binasa ang dialogues na ito: “Lahat ng tao ay may hinahanap sa buhay, Shawn. Kayong mga Pilipino, ‘di ba kailangan niyo ang Amerika? Dito ang kaligayahan niyo?”

“Ako, Amerkano na ako. Ito lang ang kailangan ko (ang tinutukoy niya dito ay ang ‘sex’).”

“Ngayong narito ka na sa Amerika, matutuklasan mo na kung minsan ito lang pala ang kaligayahan dito! Only this crap!”

Agad na pumasok sa isip ko na walang dudang si Salvador ay mahusay na manunulat, nang bigla niyang dalhin ang ending ng story sa hindi ko inaasahan. Brilliant storyteller.

Ang ikaapat ay ang Aliping Mandirigma na sinulat at iginuhit ni Ner Pedrina. Japanese-Manga/anime inspired ang gawa dito ni Pedrina. Sa pag-deliver ng kuwento maging ng drawing. Fast-paced ang takbo ng kuwento, pinipilit I-detalye ang labanan sa pagitan ng dalawang tauhan na naglalaban. Sa bandang huli, dadalhin ka sa isang twist na palasak na noon sa mga kuwento sa GASI partikular na sa Shocker Komiks at Space Horror Komiks.

Ang ikalima ay ang Sa Kamay ng may Likha ni Gilbert Monsanto. Mas makikita dito ang impluwensya ng American superhero stories at maliit na posyento lamang ng Manga. Ang unang nakapansin sa akin ay ang titulong ‘may Likha’, hindi ko alam kung dapat ay mas angkop na gamitin ang salitang ‘Maylikha’. Ikalawang nakabahala sa akin ay ang palasak na paggamit ng caption sa first-person point-of-view. Naligaw ako at hindi ko na masundan ang takbo ng kuwento pagdating ko sa ikatlong pahina. Hanggang sa natapos ko ang kuwento na hindi ko alam kung ano ang ano, at alin ang alin. Gayunpaman, nakita ko ang dynamic na layouting sa drawing ni Monsanto, isang magandang pagpapakita ng modern use of visual storytelling.

Ang sumunod ay ang Remembering Eileen ni KC Cordero at guhit ni Rico Rival. ‘Tatak-Atlas’ ang una kong napansin sa kuwentong ito. Isang mahusay na paraan ng pagsasalarawan sa tradisyon ng 70s at 80s era ng komiks. Mahusay gumamit ng captions at dialogues si Cordero, alam niya kung paano ito gagawin at gagamitin sa mga eksena, isang palatandaan ng mahusay na manunulat ng komiks sa tradisyunal na paraan. Mapapaisip ka rin sa isang comparison ng dalawang tauhan na may magkaibang kuwento na ipinakita niya sa ending kung saan binabasa ng pari ang isang dyaryo.

Ang sumunod ay ang Bonsai: Sa pagyabong ng Isang Pag-Ibig nina Jose Luis Casanova at Dante Barreno. Hindi ako pamilyar sa pangalan ng writer, o kung ito man ay penname lang na ginamit. Gayunpaman, katulad ng mga tradisyunal na komiks na inilalabas noon ng Counterpoint Publications, isa ito sa nakita kong akmang-akma sa mga kuwentong naroon. Pinaganda pang lalo ng drawing ni Barreno, isang mahusay na tandem.

Ang huli ay ang At Nakalimutan ang Diyos nina KC Cordero at Franklin Batolinao. Ang unang nakapansin sa akin dito ay ang muling pagbabalik sa komiks ni Batolinao. Matagal nang panahon bago ko ulit nakita ang drawing niya sa pahina ng komiks. Pamilyar ako sa mga gawa niya noon sa Atlas lalo na sa Ninja Komiks. Ang pamagat ng kuwento ay malinaw na galing sa isang kanta ng bandang The Wudz. Ngunit hindi ito ang ini-expect ko sa takbo ng kuwento. Fast-paced ang paglalahad ng kuwento, hindi mo kailangang huminga. Mahusay ang hook na ginawa ni Cordero dito sa bawat panel. Sa ending, dadalhin ka nito sa isang twist na ikagagalit mo sa lipunan na iniikutan ng mga tauhan sa kuwentong ito. Tagumpay si Cordero dito na galitin ang damdamin ng sinumang magbabasa nito. Isa itong epektibong ‘attack-to-emotion’ story.

Kasama rin sa mga pahina ng komiks ang gallery ng mga dibuhistang Pilipino tulad nina Nestor Malgapo, Charlie Baldorado at Randy Valiente (ako yata ‘yun!)—na hindi ko napansin sa una dahil akala ko ay isa lang patalastas ng isang ad agency.

Mababasa rin ang mga artikulo tungkol kay Nestor Malgapo, Gerry Alanguilan at…sa akin, na isang magandang pagpapakilalang muli ng mga personalidad ng komiks.

Sa kabuuan, ang Filipino Komiks ay isang pagpapakita ng anyo ng komiks na ating kinalakhan (kasing-edad ko syempre) pati na ng ating mga magulang noon. Moderno man ito, ngunit ito ang format na nakasanayan na ng malaking bilang ng mambabasang Pilipino. At dahil sa ganitong tipo na nakasanayana na nating lahat, ang nakabahala sa akin ay ang presyong PhP100.00. Ang pinakahuling komiks na inilabas ng Atlas two years ago ay nagkakahalaga ng PhP15.00. Although mas makapal ito at di hamak naman na mas may kalidad kesa sa huling komiks ng Atlas, hindi maipagkakaila na ang ganitong klase ng format ng komiks ay dapat na abot ng masa sa presyo pa lang. Isa rin ito sa nakita kong pagkakamaling nangyari two years ago sa Siklab Komiks. Sa anu’t anupaman, ang mga Pilipino ay aware sa presyo ng kanilang binibili, mapa-komiks man ito o pagkain sa mesa.

Ang Filipino Komiks ay hindi dapat palampasin ng sinumang nagbabasa ng komiks. Collectors item ito. Inaasahan namin ang second issue, mas maraming laman, at mas mahuhusay ang nasa loob. Hagilapin natin ang lahat ng matatandang writers at artists ng industriya ng komiks, ipasok natin sa komiks na ito. Ito na lang ang magsisilbing bibliya kung sinu-sino at ano ang uri ng komiks na hindi na inabot ng henerasyon ngayon ng mambabasang Pilipino.

Tuesday, October 24, 2006

A KOMIKON 2006 REPORT

Article ni Gerry Alanguilan tungkol sa nakaraang KOMIKON na mababasa ngayon sa Newsarama.com.

Monday, October 23, 2006

KOMIKS REVIEW

Noong active pa ako sa songhits, isa sa trabaho ko ay maging reviewer ng music industry. Mostly, ang niri-review ko ay mga bagong banda, kahit na ‘yung mga wala pang album sa major companies. Isa sa natutunan ko kung paano mag-review ay hindi kung ano ang maganda o pangit para sa akin. Ang natutunan ko sa pagri-review ay ang kakayahan kong bumasa sa isang produkto, at kung ano ang magiging papel nito sa audience. Training ground ito sa mas malalim na analysis ng bagay-bagay sa mundo.

Isang salita ang natutunan ko nang maging aktibista ako during college days, MAGSURI! Titingnan ko ang isang bagay hindi lang sa labas nitong hitsura, hindi lang din ang loob, kundi kung ano ang ginagampanan nito.

Ang pagsusuri ng aklat ay tinitingnan ko sa mga kategoryang ito: Sino ang gumawa? Para kanino? Anong panahon ito ginawa? Ano ang laman? Ano ang impact nito sa nagbasa? Wala akong masyadong rules kung paano mag-criticize ng isang libro, ngunit ang limang kategoryang ito ang matibay kong pundasyon para gawin ito.

Lahat ng kritiko ay may sinasabing ‘personal choice’. Ang personal choice na ito ay resulta ng sarili niyang pagkatao—karanasan sa buhay at estado niya sa lipunan. Ang mahusay na kritiko ay hindi nagpapadala sa ‘personal choice’ na ito. Siya ay hindi sakop ng sarili niyang pagkatao. Ang mahusay na kritiko ay dapat maging kritiko muna ng sarili bago ang kanyang iki-criticize.

Kailanman ay hindi pa ako nagsagawa ng ‘komiks review’ sa blog na ito. Lahat ng ‘review’ ko tungkol sa komiks ay itinatago ko lang sa ulo ko. Marami akong isinasaalang-alang kung bakit ayaw kong mag-review ng komiks.

Una, isa rin akong creator ng komiks. Meron akong personal choice. Paano ko titingnan ang isang produkto na sa una pa lang ay alam kong hindi ko na magugustuhan? Ikalawa, dahil nasa loob din ako ng komiks, kaibigan ko ang mga publishers, writers at artists. Paano kung makasakit ako ng damdamin? Kabisado ko ang sarili ko, kapag sinabi kong pangit, talagang pangit. Kapag maganda, talagang maganda. Hindi ako mabait mag-review!

Ang dalawang ito ang pumipigil sa akin kung bakit ayaw kong mag-review ng komiks.

Pero naisip ko minsan, MASARAP MAGING KONTRABIDA. Ikaw kasi ‘yung magiging daan para umangat at makilala ‘yung bida. Kung walang kontrabida, walang kulay ang buhay.

Sa kasalukuyang sitwasyon ng komiks sa Pilipinas…LAHAT AY BIDA. At dahil lahat ay bida, ang paggawa ng komiks ngayon ay para na lang pangungulangot.

Kaya kailangan magkaroon ng ‘quality control’. Of course, wala namang pumipigil na gumawa ng komiks ang lahat. Gumawa sila kahit gaano karami. Mas marami, mas masaya, mas maaksyon. Pero dadaan sila sa ‘quality control’ ng blog na ito.

Sa ganitong paraan, lahat tayo ay matututo. Hindi lang ang mga creators para mapabuting lalo ang kanilang trabaho, kundi sa akin na rin kung paano mag-handle ng maseselang sitwasyon. I’m willing to take the risk. Sa aking pagri-review, wala munang kai-kaibigan, wala munang kila-kilala. Pero isa lang ang mapapangako ko sa inyo, hindi ito personal. Kung ano ‘yung hawak kong komiks, iyon ang magsasalita para sa inyo.

Tumatanggap din ako ng ‘payola’ kung gusto ninyong gandahan ko ang review sa komiks ninyo. Joke!

Puwedeng ako ang inyong maging guardian angel o ako ang maging worst nightmare niyo!

Abangan ang unang komiks na pagugulungin ko sa blog na ito.

CELEBRATING 120 YEARS OF PHILIPPINE KOMIKS

Iyan ang second part ng article sa Newsarama.

Saturday, October 21, 2006

KOMIKON 2006

Isa lang ang masasabi ko sa Komikon. WAAAHHHH!!! Ubos ang pera ko! Daming biniling komiks. Magastos ang komiks convention sa isang komiks adik. Buti na lang binigyan ako ng libreng copies ng Elmer ni Gerry at Filipino Komiks ni Kuya KC Cordero.

Salamat pala sa lahat ng bumili ng Diosa Hubadera. 19 copies lang ang dala ko, 3 na lang ang naiwan pag-uwi ko. Yey! Ibig sabihin, mabenta talaga ang SEX hahaha!

Hindi ako masyadong nakakuha ng maraming pictures dahil low-bat na ako nu'ng hapon, nakaupo na lang ako du'n sa area ng Filipino Komiks.

Entrance ng Komikon.


Filipino Komiks (Risingstar Printing Enterprise) table.


Orvy Jundis at Erwin Cruz.


David Campiti, sinusukat kung gaano karami ang nagsa-submit sa Marvel at DC araw-araw. Tina Francisco, napakamot sa noo. Yung nagti-text, sabi: 'Dto na me, wer na u?'


Reno Maniquis sa table ng Ravelos.


Indies.



Alfredo Alcala gallery. Sabi nu'ng tumitingin: 'Kapanahunan ko 'to, a.'


Mango Comics' table.

Orvy Jundis at...at...ewan kung sino 'yan.


Drawing Board table. Para kayong nalugi, mga 'tol. Wala bang bumibili?



O, Hannibal, ito na 'yung tsik na nagtotorotot sa banda. Hehe. Hinahanap ko 'yung nangangabayo naman.

Friday, October 20, 2006

BALITANG KOMIKS

NEWSARAMA.COM

Naka-feature ang 120 Years ng Komiks sa Pilipinas sa isang article kung saan may interview sa ilang Filipino komiks personalities including Gerry Alanguilan, Leinil Yu, Carlo Pagulayan, Gilbert Monsanto, at ako.

Magandang pagbibigay ng informations para doon sa mga hindi masyadong aware sa Filipino komiks industry, lalo pa ang Newsarama.com ay kilalang website na nagbabalita tungkol sa world comics.

Pero alam niyo kung ano ang sad part sa article na ito para sa akin?

Karamihan talaga ng gumagawa ngayon sa komiks (hindi lang readers ha, creators mismo), e hindi lang basta inosente (o mas magandang tawaging ignorante) kung ano ang nakaraang komiks industry, hindi pa sila mismo nagbabasa ng komiks na pang-masa (old industry). Kung hindi dahil kay Gerry Alanguilan, ang daming inosente ngayon sa komiks ng Pilipino. Tsk. Tsk. Well...

Click here for the article.




REDONDO BY REDONDO

Nag-email sa akin kagabi si Stephen 'Dennis' Redondo at sinabi niya kung puwede kong ilagay itong isang article na nahukay niya sa lumang baul ng kanyang ama (Sisenando Redondo Jr.). Tungkol ito kay Nestor Redondo na isinulat mismo ng kanyang kapatid.


Brother Artist
by Sisenando P. Redondo Jr.


IT WAS WARTIME in the province of Albay and a 13-year old boy was curiously watching an artist soldier of the invading Japanese Imperial Army translating the majestic Mayon volcano into his sketchpad.

Without a word, the boy pulled out from his pant’s pocket a pencil and on a white paper also drew his own version of Bicolandia’s perfect cone and bragged it to the artist soldier.

A quick look was all the Japanese gave to what seemed to be a “work of art” and without a word too, he chuckled at the boy.

That boy, years after the invading forces were driven out of the country turned out to be one of the great comics artists the Philippines ever had. He is Nestor Redondo, my artist brother.

Thursday, October 19, 2006

PICTURES (iwan muna natin ang komiks kahit sandali)

Lumaki ako sa city pero pumapasok sa isip ko na pag tumanda ako, sa Romblon ako titira. Sa lugar namin simple ang buhay, sariwa ang hangit at pagkain. Tapat ang mga tao, karamihan sa napapansin ko, hindi rin matataas ang pangarap, pero matulungin sila sa kapwa kahit sila mismo ay nangangailangan din ng tulong.

Bihirang-bihira kong makita ang mga kamag-anak ko. Ang simpleng meryenda sa amin gaya ng puto, kutsinta at biko ay magandang bonding. Sila ang mga uncle at auntie ko, sa probinsya sila nakatira kaya pag may umuuwi galing Manila e talagang tuwang-tuwa sila. Para bang andu'n lagi ang pananabik kapag nagkikita.



Active sa church ang buong family namin. Baptist talaga kami mula pa nu'ng kanunu-nunuuan namin. Although agnostic talaga ako, pero hindi ko nakakalimutang pumunta sa simbahan tuwing linggo. Hindi ako pabor sa religiousity pero gustong-gusto ko ang spirituality.


Ito ang loob ng barko papunta sa Romblon (walang eroplano papunta sa amin). Para kaming nasa refugee center sa dami ng tao. Pero masaya, marami kang makikilala sa loob ng barko, marami ring mag-aalok sa 'yo ng pagkain. Hindi nakakainip ang byahe dahil para ka lang namamasyal.



Pag umuuwi ako sa amin, sa dagat agad ako unang pumupunta. Ewan ko ba, iba ang dating sa akin pag nakakakita ako ng dagat. Parang ang gaan-gaan ng feeling ko (parang naka-shampoo hehe). Siguro peaceful kapag tumitingin ka sa malayo tapos mararamdaman mo 'yung malamig na hangin. Tanggal lahat ng problema mo.

Natatandaan ko nu'ng bata pa ako, ang daming bangka sa tabindagat, pero ngayon kaunti na lang. Sabi sa 'kin nu'ng nakausap ko, bihira na kasi ang isda du'n sa amin.


Kaya karamihan ng mangingisda, nagpapagawa na ng malaking bangkang may motor para makarating sa malayo. Minsan umaabot pa daw sa Mindoro ang mga mangingisdang ito makakuha lang ng isda. Naalala ko, siguro naisip ko rin ito noon kaya may eksenang ganito sa 'Diosa Hubadera', kung saan unti-unti nang nauubos ang isda sa baryo ng karakter kong si Noynoy.



May tinatawag kami salugar namin na 'kagaykay'. Ito 'yung shell na makukuha sa tabindagat na puwede gawing ulam. Parang tahong, pero iba ang hitsura, kulay puti ito ay makinis ang shell. Ang tawag sa amin kapag nangunguha nito ay 'nangangagaykay'. Ang ginagamit dito ay paa lang. Para kang nag-cha-cha-cha sa buhangin, tapos bigla na lang lalabas 'yung kagaykay. Ang pinakamasarap dito ay para mo na ring minamasahe ang paa mo. Kaya pag pupunta ako sa tabindagat, iniiwan ko ang tsinelas.



Ito ang 'parola' (watch tower) sa tabindagat. Ginawa ito noong bago pa man mag-World War 1. Nakatayo pa rin ito hanggang ngayon, pero hindi na puwedeng akyatin. Delikado na kasi, marupok na.

Hindi masyadong dayuhin ang lugar namin (Odiongan, Romblon), malapit na kasi kami sa Boracay (30 minutes lang na byahe sa jeep at bangka) kaya du'n na tumutuloy ang mga bakasyunista. Kahit kailan ay hindi pa ako nakakapunta sa Boracay. Naisip ko kasi, napaka-commercialized na ng lugar na 'yun. Dito sa amin, kaunti ang tao sa tabindagat, magagawa mo ang gusto mo. Saka kung ano ang tubig sa Boracay, 'yun din naman ang tubig dito, baka nga mas malinaw pa itong sa amin.

Saturday, October 07, 2006

KOMIKON

Last post ko na ito ngayong linggo na ito hanggang next week. Mawawala ako ng matagal pero babalik din ako a day before the Komikon. Papakabait kayo ha.


Huwag niyo ring kalilimutan ang mga dapat ninyong bilhin sa Komikon, syempre unahin niyo na ang Diosa Hubadera. Hindi ko pa alam kung magkano ko ito ititinda pero sure ko na murang-mura lang ito. Wala rin akong table, baka makikipatong lang ako sa kung sino ang nandoon (kapal ng muk'a 'no!). 20 pieces lang ang ititinda ko kaya bumili na agad kayo hehehe!

Huwag niyo ring kalilimutan ang first issue ng Fiipino Komiks. Gawa ito ng Rising Star. Kasama dito ang mga batikan nating manunulat at dibuhista.



Kitakits!

Thursday, October 05, 2006

UNDERSTANDING FILIPINO KOMIKS (Part 6)


Mayroon ako magkasunod na panels. Ang una ay isang batang babae na nasa likod ng puno. Ang ikalawa ay isang bumubulusok na bulalakaw (pansinin na ang camerang ginamit ay galing sa outer space at hindi sa mata ng bata na nasa likod ng puno).

Walang relasyon sa isa’t isa? Non-sequitor.

Tingnan natin ang caption na ginamit sa unang panel:


Isang gabi, ang dalawang batang pulubi, ay kasama ng mga kapuwa batang naglalaro ng taguan. Si Narda ay sa likod ng isang punongkahoy nagtatago…


Sa ikalawa:


Walang anu-ano, isang dambuhalang bulalakaw ang gumuhit sa kalangitan…


Isang linear na daloy ng mga salita sa non-sequitor na mga eksena.

Alisin natin ang dalawang drawings. Iwan natin ang mga captions. Dagdagan natin ng isa:


At nang malaunan ay tila si Narda ang tutunguhin. Napatili si Narda.


At isa pa:


Subalit nang malapit na ito sa kanya, ay biglang nawala ang ningning nito, at walang nalabi kundi isang batong maliit na sakdal puti!


Mapapansin ninyo na hindi na kailangan ng drawing sa ganitong klase ng paggamit ng mga captions.

Ito ng komiks ng Pilipino.

Ang mga eksenang nakita ninyo sa itaas ay galing sa unang isyu ng Darna. Sinulat ni Mars Ravelo, iginuhit ni Nestor Redondo.


Sa loob ng mga sumunod na taon, nagkaroon ng development ang komiks scriptwriting sa bansa. Bukod sa pag-aaral sa mga kuwentong kagigiliwan ng maraming mambabasang Pilipino, kailangan ding pag-aralan ang mga technicalities sa paggawa ng script sa komiks. Dahil ang komiks ay hindi naman prosa, at kalahati nito ay visuals, napag-alaman ng mga manunulat na mas epektibo ang paglalahad ng kuwento kung susundin ang mga pamantayang ito:

- Una, kapag ang eksena ay inilahad na sa caption, hindi na maganda pang ipakita ito sa drawing. Redundant.

- Ikalawa, hindi na rin epektibo kapag ang isang particular na aksyon ay sasamahan pa ng dialogue ng mismong karakter na nagsagawa nito.

Panel 1
Lalake: Susuntukin kita!!!
Illustration’s guide: Ipakitang sinusuntok ng lalake ang kaaway nito.

- Ikatlo, ang komiks ay isang ‘static visual medium’. Ibig sabihin, ang lahat ng eksena ay naka-freeze sa loob ng panel. Hindi ito animated na tumatakbo ang pangyayari sa isang screen.

Halimbawa: I-drawing sa isang panel si Arman, naglalakad siya sa gitna ng kalsada. Nang bigla siyang matigilan at mapalingon sa nakitang sunog. Dinukot niya sa bulsa ang cellphone at tumawag sa kinauukulan.

Ang script natin ay hindi tulad ng script ng Marvel Comics kung saan malayang magagawa ng dibuhista ang lahat ng nabanggit na pangyayari sa isang pahina.

Paanong pagkakasyahin ng dibuhista sa isang panel ang mga eksenang: ‘naglalakad sa gitna ng kalsada’, ‘napalingon sa sunog’, ‘dinukot ang cellphone sa bulsa’, at ‘tumawag’.

Script-dominated ang esensya ng komiks natin. Ang bawat isang panel o frame ay nasa ‘vision’ ng writer. Spoonfeeding. Ang ‘vision’ lang na naiaambag dibuhista ay kung paano I-execute ng maganda ang ‘vision’ ng writer.

Bigyan ko kayo ng isang halimbawa…

Narito ang isang script:

Panel 1: Ipakitang hawak ni Arman ang telepono.
Arman: Hello?

Panel 2: Arman: T-Totoo ba ang sinasabi mo?

Ito ang kinalabasan ng drawing



Gagamitin ko ang paraan ng Marvel Comics. Ito ang script:

Ipakitang hawak ni Arman ang telepono. Sinagot niya ang nasa kabilang linya, “Hello?”. Nagulat siya sa narinig, “T-Totoo ba ang sinasabi mo?”

Ito ang kinalabasan ng drawing ng‘visual storyteller artist’.


Nagdagdag ang artist ng isang panel sa gitna. Ang panel na ito ay tatawagin kong ‘realization stage’ ng panel 1 and 2. Ang panel na ito ay kakikitaan ng ‘stillness’. Walang dialogue ngunit mararamdaman mo ang emotion ng karakter, at ang tension ng kasalukuyang nangyayari. Makikita natin dito ang power ng iisang panel na isiningit sa gitna.

Sa isang epektibong script ng komiks ng Pilipino, ganito dadalhin ng writer ang mga pangyayari:

Panel 1
Caption: Malakas ang kabog sa dibdib ni Arman nang damputin ang telepono. Siguro’y napakarami niyang alalahanin nitong mga nakaraang linggo.

Arman: Hello?

Panel 2
Caption: Mga alalahaning alam niya na isang araw ay bigla na lang darating sa kanya. Parang patalim na tutusok sa kanyang puso.
Arman: T-Totoo ba ‘yang sinabi mo?




Ang tensyon at emosyon ng karakter ay nasa paggamit ng mga salita at hindi sa drawing. At dahil hindi ginagawa ng mga dibuhistang Pilipino ang ‘xerox’ ng naunang panel (pag-uulit ng panel na ang binago lang ay wordings, sa American at Japanese comics lang ito makikita), ang naitulong lang ng dibuhista ay I-close-up ang ang mukha ng karakter para madagdagan ang tension sa eksena.

- Ikaapat, ang tahasang paggamit ng mga flowery words na kinatatamarang basahin ng readers. ‘Madaldal’ ang komiks natin. Ito ang malaking kaibahan natin sa Manga ng Japan. Malaking bagay sa atin ang mga ‘salita’. Sa written words ng komiks, malaki ang posibilidad na mayroong tayong assurance. Sa visual imagery, subject ito for interpretation. Lalo pa kung ‘visually illiterate’ ang titingin sa komiks.

Sa mga words lang na mambabasa ng komiks o comics reader, malalaman natin na ang pinakaugat nito ay ang salitang ‘reader’. Ibig sabihin, binabasa ito. Hindi tinitingnan. Literal ito. Hindi ito puwedeng ikumpara sa ‘nagbabasa ang painting’ o ‘nagbabasa ng palad’ o ‘nagbabasa ng weather’.

Malaki ang nagawa ng modernisasyon sa paglalagay ng mga captions at dialogues ng writer. Tinanggal ng mga modernong manunulat ang napakaraming flowery words. Ginawa nilang mas natural, direkta, tagos sa puso. Ang ilan sa kinakitaan ko ng ganitong presentasyon ay sina Vic Poblete, Mike Tan at Almel de Guzman.

Ito ang kinalabasan:

Panel 1
Caption: “Tandaan mo ito, Arman. Isang araw, gugulatin na lang kita…”
Arman: Hello?

Panel 2
Caption: “Pagsisisihan mo kung bakit ako pa ang kinalaban mo…!”

Arman: T-Totoo ba ‘yang sinabi mo?




Maituturing ba natin na mali ang ganitong pundasyon ng ating komiks dahil ‘weak’ ang ating ‘visual storytelling’? Kailanman ay hindi. Ang komiks form ng Pilipino ay napakarami nang dekadang sinubaybayan ng mambabasang Pilipino.

Hindi komiks form ang pumatay ng komiks ng Pilipino. Usapin ito ng ekonomiya.

Iba ang sequential art, iba ang visual literature. Ang komiks ng Pilipino ay isang uri ng matagumpay na visual literature sa mata ng milyun-milyong Pilipino na nagbasa nito.

Sa kasalukuyang ebolusyon ng komiks natin, hindi lang drawing ang nawala, hindi lang ang uri ng kuwento. Ang tunay na nawala ay ang kaluluwa ng paggawa nito.
Walang dapat sisihin sa pangyayaring ito. Sabi nga, tayong lahat ay resulta ng ating panahon at mundong ating ginagalawan. Tayo sa panahon ngayon ay resulta ng salitang ‘pagbabago’.

Tuesday, October 03, 2006

IRON MAN




Sa wakas! Binigyan din ako ng assignment ni Joe Quesada!

Joke! Ha ha ha.

Regalo ko lang ito kay Adi Granov, matapos ko siyang purihin sa trabaho niya sa Iron Man.

UNDERSTANDING FILIPINO KOMIKS (Part 5)

RESULTA NA NAGING EBIDENSYA

Noong una ay hindi pa ako kumbinsido na words-dominated ang komiks natin. Ang una kasing pupuna dito ay ang mga illustrators.

Pero isang pangyayari sa komiks industry ang nagpatunay na tama nga ang teorya ko.

Noong 80’s, ito na ang kasagsagan ng trabaho sa GASI at Atlas. Ang dami-dami nang titles na inilalabas linggu-linggo. Hindi na magkandaugaga ang mga artist kaya karamihan sa kanila ay kumuha na ng mga assistants para lang hindi sumablay sa weekly deadline.

Noong nag-aaral pa ako kay Hal Santiago, nakita ko kung paano siya gumawa ng komiks. Nakakatapos siya ng 15 pages sa isang araw. Pero hindi lang siya mag-isa ang gumagawa nito, kabilang sa mga assistants niya sina Larry Santiago at Ohrlee ‘Vee’ Villanueva, gumagawa ng backgrounds, kasama pa ang mga kapatid ni Larry na naglalagay ng blackings at nagbubura ng lapis.

Nalaman ko rin na mas marami pa palang assistant si Mar Santana. Hindi ko aktuwal na nakita pero sa kuwento ng mga tao sa publication, sa dami ng trabaho ni Mang Mar, ang ginagawa lang niya ay ang layout, tapos lalagyan lang niya ng ink ang ulo ng mga major characters. And then, the rest ay ipapasa na niya sa mga assistants.

Normal ang ganitong mga eksena sa mga superstars ng komiks noon sa dami ng trabaho. ‘Yung mga artists na hindi na naghanap pa ng mga assistants ay isa lang ang solusyon para mapabilis ang trabaho. Dinaya na nila ang drawing. Ibig sabihin, kung ano ‘yung guide na inilagay ng writer, kadalasan ay hindi na nila sinusunod.
Gaya nga ng nabanggit ko sa mga nakaraang articles, nagkaroon ng tinatawag sa mga illustrators na ‘ulo-ulo’. Ito ‘yung mga eksenang wala kang makikita kundi ulo ng mga karakters na nagsasalita, o kaya ay makikita lang ang facial expressions.


Walang magawa dito ang mga editors, lalo na ang mga writers, alam naman kasi nila na talagang sa dami ng trabaho ng artist, kailangan niyang gawin ito. Sa katunayan, dahil sa ganitong pangyayari sa komiks noon, karamihan na rin ng mga batikang writers ay hindi na rin naglalagay ng guides sa kanilang mga script. Ang script na binibigay noon ni Jim Fernandez kay Hal Santiago ay nasa ½ na bond paper. Nakita ko na ang script ni Mang Jim, nakasulat kamay lang ito. Naglalagay lang siya ng mga panels sa bawat page, pinupuwesto na niya ang mga captions at dialogues. Bihira siyang maglagay ng illustrator’s guide dahil alam naman niya na madaling maiintindihan ni Sir Hal ang daloy ng kuwento.

Paglipas pa ng ilang taon, mas nadaig pa ang mga pandarayang ‘ulo-ulo’. Mas lumala pang lalo. Nauso na ang mga eksenang ang makikita mo lang ay close-up ng mata, o kaya ng kamay. Minsan pa nga ang hinihingi sa script ay loob ng salas ng bahay na may nag-uusap na mag-anak, ang dinu-drawing na lang ng artist ay exterior ng bahay, mas malala pa, minsan bubong na lang na may antenna.

Pero ito ang pinakamalalang ‘pandaraya’ na nakita ko mga drawings sa komiks. Ang eksena ay full shot ng mga kapitbahay na nagtsitsismisan sa kanto, ang dinrowing ng artist ay planet Earth na nilagyan lang ng mapa ng Pilipinas. Tapos nakaturo lang ‘yung dialogues ng mga nag-uusap du’n sa mapa ng Pilipinas.

Noong 80’s, resulta ito dahil sa dami ng trabaho. Pero noong 90’s, resulta ito dahil nagsisimula nang magrebelde ang mga illustrators dahil sa page rate na kanilang natatanggap. Pagagandahin mo pa ba ang drawing mo kung ang bayad sa ‘yo bawat page ay P75? Natural, para makarami ka, kailangan mong maging mabilis. Parang pabrika, dapat may quota ka sa sarili mo.

Pero sa lahat ng pangyayaring ito sa komiks industry, isa lang ang malinaw na lumabas na ebidensya kung ano talaga ang komiks ng Filipino. Nakapa-importante sa atin ng mga ‘salita’ kesa sa drawing.

Kasi, kahit puro ‘ulo-ulo’ o ‘mata-mata’ na ang drawings ng mga artist ay naiintindihan pa rin ang kuwento. May mga readers na nagrereklamo na ‘ang pangit naman ng pagkaka-drawing dito’, pero after niyang mabasa, naintindihan rin naman niya ang kuwento.

Ibig sabihin, isali-saliwa mo man ang drawing ng artist, kahit para itong kinahig ng manok, ang nagdadala pa rin ay ang writer.

Ito ang malaking dahilan kung bakit hindi talaga na-develop sa atin ang ‘visual storytelling’ ng ‘mainstream American comicbooks’.

Una, gigibain mo ang matagal nang institusyon ng mga writers sa kanilang mga trabaho nilang ‘word-oriented narratives’ at papalitan mo ng ‘visual narratives’.

Sa aking nakikita, hindi ito kasalanan ng writers o artists. Walang may kasalanan dito. Dahil ito talaga ang form ng komiks natin. Ito ang kaluluwa ng komiks ng Filipino. Kaya ba nating sabihan ng ‘visuals’ visuals’ ‘visuals’ sina Pablo Gomez, Elena Patron, Lualhati Bautista, Carlo Caparas, Clodualdo del Mundo, at marami pang manunulat na Pilipino?

Sa susunod: Paglalatag ng mga halimbawa sa pagkakaiba natin sa ibang form ng komiks.

Monday, October 02, 2006

UNDERSTANDING FILIPINO KOMIKS (Part 4)

MORE ON VISUAL LITERATURE

Noong bago-bago pa lang ako sa komiks, isang batikang writer ang nakakuwentuhan ko. Ito ang sabi niya sa akin:

“Bigyan mo ako ng kahit anong picture, o kahit na anong drawing mo d’yan…gagawan ko ng kuwento.”

Ilang taon din bago ko naintindihan ang sinabi niya. Ang paggawa ng komiks ay hindi lang kuwento, at hindi lang drawing. Merging ito ng dalawang elemento—story at visuals.

Kaya may nakikita tayong komiks na maganda ang kuwento pero pangit ang drawing, meron din naman na pangit ang drawing pero maganda ang kuwento. Ang problema dito ay hindi lang ang talent ng writer at artist kundi ang ‘pagsasanib’ ng dalawang elemento.

Sa komiks, isa lang ang pinakamahalagang bagay. Kung ikaw ay artist, ‘lubugan’ mo ang ginawa ng writer. Kung ikaw ay artist, magkaroon ka ng vision sa artist na magdu-drawing ng script mo.

Maari akong makapagbigay sa inyo ng mahigit 100 na titles ng American comicbooks na ang gaganda ng drawing pero ang papangit ng kuwento. At maraming magagandang comics sa America na hindi magaganda ang drawing. From Hell by Alan Moore and Eddie Campbell. Gregory by Marc Hempell. Persepolis by Marjane Satriapi, may nagsasabi nga na pati ang Maus ni Art Speigelman ay pangit ang drawing.

Sa kasalukuyang sitwasyon na ang karamihan ng komiks creators ay nakatingin sa ‘mainstream idea of visual storytelling’, nakalimutan na ang mahalagang bagay tungkol sa pagsasanib ng dalawang elemento ng komiks.

Sumakay ako minsan sa jeep na biyaheng Taft, nakita ko ito sa likuran ng upuan ng driver. Natawa ako, pero humanga sa kung sino mang gumawa nito, nagkaroon ako ng realization sa paggawa ng komiks. Ito ay mahusay na halimbawa ng ‘visual literature’.




Sa susunod: Ang mga malinaw na ebidensya kung bakit talagang word-dominated ang komiks ng Pilipino.

Sunday, October 01, 2006

UNDERSTANDING FILIPINO KOMIKS (Part 3)

Transisyon ng Sandali

Maituturing ito tulad ng animation. Kung saan ‘smooth’ ang galaw ng isang tinututukan sa eksena. Bihirang-bihira itong gamitin. Una, dahil babagal ang daloy ng kuwento kapag naka-focus lang sa transisyon na ito ang mga eksena. Ikalawa, kapag ito ang ginamit na uri ng paglalahad ng kuwento, baka ang isang short story ay abutin na ng pagkarami-raming pages.

Sa katunayan, hindi ito ginagamit sa komiks ng Pilipino. Ginamit lang ito nang magsulputan na ang mga independent publishers noong early 90s na pawang naimpluwensyahan ng malaki ng mga Western superhero comicbooks at Japanese manga.

Transisyon ng Aksyon

Hindi rin masyadong gamitin sa komiks natin ang transisyong ito. Isa rin ito sa nakapagpapabagal ng kuwento. Narito ang mga dahilan:

- ang komiks natin ay mayroong iba’t ibang kuwento sa loob ng isang isyu. Bawat istoryang ito ay mayroon lamang 3-6 pages. Pero ang standard sa lahat ng komiks natin ay 4 pages. Ginagamit ito mapa-short story o nobela man.

-ang dibuhistang Pilipino ay hindi gumagawa ng mga eksenang inuulit (Xerox) sa kasunod na panel. Likas sa mga script ang ganitong guide: Same scene, change angle.

Madalas itong makita sa mga mga comic strips, pero hindi sa mismong komiks natin.

Transisyon ng Tema

Isa ito sa pinakagamiting transisyon ng kahit anumang form ng komiks sa buong mundo. Dito, ang eksena ay hindi mabagal at hindi rin mabilis. Akma ito sa komiks ng Pilipino dahil sa ikli ng pahinang ginagamit natin sa bawat kuwento.

Ang daloy sa mga eksenang ito ay ‘linear’. Ibig sabihin, kung magsisimula ka sa 1, tiyak na makakarating ka sa 10 kapag dinaanan mo ang 2 hanggang 9.

Transisyon ng Eksena

Isa rin ito sa pinakagamiting daloy ng paglalahad ng mga eksena. Katulad ng ‘transisyon ng tema’, ito rin ay kasama sa ‘linear path of storytelling’.

Sa komiks, nagiging fast-paced ang kuwento kapag ginagamit ito. Hindi na masyado pang dinidetalye ang mga eksenang ‘palamuti’ o ‘pampahaba’ lang ng kuwento.

Transisyon ng Aspeto

Isa rin ito sa madalas gamitin sa komiks natin. Sa ganitong transisyon, nilalampasan nito ang mga eksena o pangyayari na hindi na kailangan pang isa-isahin. Sa mga short stories, tulad ng komiks natin na mayroon lamang 4 pages, nagiging malaking tulong ang daloy na ito biolang shortcut ngunit direct-to-the-point na mga eksena.

Non-Sequitor

Sa una ay mapapansin natin na hindi ito ginagamit sa komiks ng Pilipino kung titingnan natin ang pagkakasunod-sunod ng mga transisyong ito. Tama si McCloud, wala itong lohikal na relasyon sa isa’t isa. Ngunit sa maniwala kayo at sa hindi, ginagamit ito ng mga gumagawa ng komiks noon nang hindi namamalayan.


QUESTIONING McCLOUD’s ANALYSIS

Nang mag-analyze si McCloud sa mga transisyong ito, walang duda na ang form na ginamit niya ay ang ‘visual storytelling’. Ibig sabihin, nakatutok siya sa visual aspect ng komiks. Ang point-of-view na ito ay nakuha niya kay Will Eisner.

Ano ang papel ni Will Eisner sa analysis ni McCloud?

Si Eisner ang isa sa pinakamahusay na visual storyteller sa mundo ng komiks. Sa katunayan, napakalaki ng impluwensya ng kanyang aklat na ‘Comics and Sequential Art’ sa halos lahat ng American comicbooks. Naging pundasyon na ng mga sumunod na henerasyon ng comocbook creators sa Amerika ang katuruan ni Eisner tungkol sa visual storytelling.

Maraming kaibahan ang komiks ng Pilipino sa comics ng Amerika. Isa na ditto ang ‘storytelling’. Ang komiks natin, sa simula’t simula pa, ay ‘word-oriented’. Ibig sabihin, nakasentro ang komiks natin sa paggamit ng mga ‘salita’ at hindi sa ‘drawing’.

Huwag ninyong mamaliin ang sinabi kong ito. Gusto ko lang tumbukin na ang ‘daloy ng kuwento’ ay nasa responsibilidad ng writer at hindi ng artist.

Habang abala si Mars Ravelo kung paano mapapaganda ang takbo ng kanyang mga kuwento, si Nestor Redondo ay abala naman kung paano pagagandahin ang renderings, shades and shadows, perspective, at paggawa ng magagandang pigura.

Ang visual storytelling sa atin ay hindi tulad ng lesson ni Eisner. Ang storytelling ay nasa writer. Craftsmanship naman ang nasa dibuhista. Craftsmanship dahil halos lahat ng dibuhistang Pilipino ay mahusay gumawa ng pigura at gumamit ng sopistikadong shades and shadows. Pero nang mapunta sila sa Amerika, visual storytelling kaagad ang pinuna sa kanila.

Ano ang mga dahilan bakit ‘word-oriented’ ang komiks natin? Una, ang mga nagsimulang batch ng komiks writers natin ay galing sa pagsusulat ng prosa. Kaya nga ang komiks noong araw ay punum-puno ng dialogues at captions bawat eksena. Ikalawa, ang mga early comics ng West ang nakaimpluwensya ng direkta sa ating komiks, tulad ng Prince Valiant at Flash Gordon.
Sa halimbawang ito ng Prince Valiant, subukan nating alisin ang mga captions at tiyak na maliligaw tayo kung ano ang nangyayari.


Nakasentro sa visual storytelling ang analysis ni McCloud. Nakalimutan niya na ang komiks ay binubuo ng ‘words’ at ‘visuals’. Mag-asawa ito at hindi puwedeng paghiwalayin. Ito ang tunay na esensya ng komiks. Tanggalin mo ang words, magiging simpleng storyboard lang ito. Tanggalin mo ang drawings, magiging isang script lang ito.

Sa paglalarawan ng kuwento sa komiks, mayroong ding transisyon ang mga salita:

Transisyon ng Sandali

‘Inihakbang niya ang kanang paa, kasunod ay kaliwa…’

Transisyon ng Aksyon

‘Nalaglag ang baso. Basag ito!’

Transisyon ng Tema

‘Mahuhulog ako…!’
BLAG!

Transisyon ng Eksena

‘Hanggang sa muli, mahal ko.’
Pagkalipas ng ilang taon, muli silang nagkita.

Transisyon ng Aspeto

‘Madilim ang kalangitan, nagbabadya ito ng isang malakas na ulan.’
Sigurado ka bang ngayon darating ang hinihintay natin?

Non-Sequitor

‘Ano nga ulit ang pangalan mo?’
Tatlo ang naging anak ng aso namin.

Ang analysis ni McCloud ay maituturing kong ‘visual transitions’. Hindi nito sakop ang mga salita.

Very powerful ang ‘words’ sa komiks ng Pilipino. Sa katunayan, sa oryentasyong ito ng komiks na aking kinalakhan, kaya kong makabuo ng isang kuwento na ‘moment-to-moment’ ang wordings samantalang ‘non-sequitor’ naman ang visuals.

Gayon din naman, kaya kong gumawa ng ‘aspect-to-aspect’ word transition sa isang ‘moment-to-moment’ visuals.
Kaya ko ring patakbuhin ang isang kuwento kahit pagsama-samahin pa ang magkakaibang panels nina Nestor Redondo, Jack Kirby, Moebius, Jim Davis at Jackson Pollock.

Ang kaalamang ito ay utang ko dahil sa pagkakahubog ko bilang isang ‘word-oriented komiks creator’.

Sa ganitong uri ng presentasyon, ang komiks na gawa ng mga Pilipino ay hindi matatawag na ‘visual storytelling medium’. Mas angkop na tawagin itong…VISUAL LITERATURE.

Sa susunod: Ano ang visual literacy? Ano ang papel nito sa mga manunulat at dibuhistang Pilipino? At paano ito nauunawaan ng mambabasang Pilipino?