ILOILO KOMIKS CARAVAN REPORT
Kararating ko pa lang sa Manila galing sa dalawang araw na worshop sa West Visayas University, Iloilo City. Sabik kaagad akong makahawak ng computer dahil ilang araw din akong walang access sa internet. 3 days lang akong nawala e 156 na kaagad ang inbox ng isa kong email address, ‘yung isa naman e 84. Grabe! Siguro pag nawala ako ng isang linggo, baka magsara na ang email ko dahil sa bigat.
Anyways, kuwentuhan ko muna kayo ng mga experiences ko sa Iloilo habang nagri-relax muna ako dito sa bahay.
Dumating kami ng umaga—with Karl Comendador, Ofelia Concepcion, Glady Gimena at Minda Limbo from Komisyon sa Wikang Filipino sa Hometel kung saan dito kami nag-stay for 3 days. After ng almusal ay dumiretso kami sa Rehiyons Sentro ng KWF to meet Mrs. Arenga—head ng KWF sa Iloilo. Pagkatapos ay tumuloy din kami sa opisina ng president ng university para ma-meet din ang ibang tao, hindi namin na-meet ang president ng West Visayas University dahil eksakto namang nasa trip sila sa ibang probinsya.
Pagkatapos ay kuwentuhan na kaming apat. Then pasyal sa kung saan-saan, gusto muna naming ma-feel ang lugar. Sa tinagal-tagal na panahon, doon lang ulit ako natulog ng 9:30pm. Nagising ako kinabukasan ng 5am, nag-jogging ako para medyo energetic naman ako pagdating sa classroom.
Day one ng workshop.
Mainit ang pagtanggap sa amin ng mga tao doon. Mga teachers, students at guests ay natutuwa dahil sa pagkakaroon ng ganitong workshop. May konting program, kantahan, speeches, at kainan.
After ng program, naghiwalay na ang mga workshoppers, writers at artists. Ginawa ang workshop proper sa conference hall. Mas maraming umatend sa art workshop, at karamihan ay mga high school and college students. Samantalang sa writing ay mga teachers at faculties ng iba’t ibang eskuwelahan sa Iloilo. May mga dumayo pa galing sa probinsya ng Antique. Sa art workshop, may umatend pa sa amin na dalawang animators.
Ang ganda ng resulta, makikita sa mata ng mga bata. Nakipagkuwentuhan ako sa isang teacher, first time daw kasi itong mangyayari dito sa Iloilo. Hindi ko alam kung itong komiks workshop o ang ganitong klase ng workshop mismo.
Lunch break, bigla kaming nagulat nang biglang sumulpot ang isang batikang dibuhista na alam kong kilala na maraming tagakomiks dahil part siya noon ng Filipino Invasion sa US comics noong 70s…si Art Geroche. Tuwang-tuwa siya dahil nagkaroon ng ganitong workshop sa Iloilo. Halata din ang pananabik nang makita niya sina Tita Opi at Mang Karl na naging kasamahan din niya noon sa Atlas.
Nag-invite ng dinner ang pinsan ko na taga-Zarraga, Iloilo, binalikan kami ni Mang Art ng hapon, isinakay na niya kami sa kotse niya at sumama pa siya sa Zarraga para lang makasama kami ng matagal.
Day two ng workshop.
Mas lumalim na ang talakayan tungkol sa komiks. Nag-introduce na ako ng form ng komiks ng Pilipino at ang kaibahan nito sa American at Manga. Siyempre, ipinakita ko sa kanila sa isang simpleng paraan na madaling maintindihan ng bata. Nakanganga din ang lahat ng pina-drawing ko ng on-the-spot sa blackboard si Mang Karl. Gulat na gulat sila sa ganda.
Lunch break, bigla na namang sumulpot si Mang Art. Kasabay pa naming nag-lunch. May dala siyang mga coloring books at magazine, ito ang ginagawa niya ngayon dahil bukod sa mayroon na siyang learning center para sa mga bata ay mayroon din siyang printing press.
Nalaman ko na gumagawa na pala ulit siya sa Hiligaynon magazine, ipinapadala lang niya ang trabaho dito sa Manila.
Hapon, nagkaroon ng bigayan ng certificates sa mga students. Mayroon pang ‘patotoo’ sa mga writers. Kuwento ni Tita Opi ay may umiyak pang attendee sa kanila, dahil parang ayaw pa nilang maniwala na tapos na ang 2 days na workshop. Gusto pa nila ng extension. Kahit nang magtapos ang klase namin, nilapitan ako ng mga bata, pati cellphone number ko e hiningi. Ibinigay ko na lang ang link ng blog ko, kaya madadagdagan na naman ng regular visitors itong blog.
Whiteboard lessons.
Gumawa ang ilang writers ng script at ipina-drawing naman sa mga artists.
Dr. Isabel Martin, Komisyoner ng KWF sa Hiligaynon at Kanaray-a.
Itinuro ko ang technique sa tamang pagsisimula ng pagdu-drawing.
Itinuturo ni Mang Karl ang basic na pag-drawing ng ulo ng tao.
Glady Gimena. Art Geroche at Karl Comendador.
Art Geroche at Karl Comendador sa likod ng mural na ginawa ni Mang Art.
Naglalabas si Mang Art ng postcards para sa mga dayo sa Iloilo.
Isa sa coloring book na inilalabas ni Mang Art.
Latest na trabaho ni Art Geroche na lumabas sa Hiligaynon magasin.
Departure.
11am ang flight namin pabalik ng Manila. Sumulpot na naman si Mang Art ng 9am. Talagang halata mo sa kanya na sabik siyang makasama pa kami ng matagal, siguro kung hindi dahil sa higpit ng schedule namin, baka namasyal pa kami sa kung saan-saan.
Nangako siya na susuporta sa program na ito para sa komiks. Nag-iwan din siya ng pagsuporta sa mga bagong komiks na lalabas at willing siyang gumawa ng painting para gawing cover ng komiks.
Habang naghihintay kami ng eroplano sa airport, nagkuwentuhan kaming apat, si Mang Karl, Tita Opi, at Glady. Magandang experience itong nangyari. Ang dami naming lessons na natutunan, at ang daming naming napag-usapan tungkol sa komiks, lalo na itong mga napapabalitang new players na balak ding maglabas ng komiks, actually dumadami na talaga. Hindi ako satisfied noong nakaraang Komiks Congress pero tingin ko ay ito na ang resulta ng hype at promotions na ginawa nina Joelad Santos at Direk Caparas kaya ang daming kumakausap sa grupo na maglalabas din ang iba pang businessmen ng komiks. Maganda ito para sa industry. Pero iba na ang mga tao ngayon, sa dami ng mga experiences ng mga tao sa local komiks publication, nakaranas na sila ng sarap at hirap sa linyang ito, sa tingin ko ay mas mapagmatyag na sila ngayon. Isa na ako dito, ayoko nang maulit ang nangyari sa akin noon. 300 pesos lang ang sisingilin ko ay ginawa pang tseke, postdated ng 1 month. Hindi na kayang takutin ang mga writers at artists ngayon, dahil pare-pareho na kaming nag-suffer noon.
*****
Na-interview ako ni Gary Rodriguez para sa ComicNews.Info . Panahon na rin siguro para hindi lang ang mga Pilipino nating artists ang mapag-usapan sa comics world kundi ang Filipino industry mismo.
Narito ang mga tanong sa akin: An Interview With Randy Valiente, Artist and Advocate for Philippine Komiks