Wednesday, January 31, 2007

GE PREVIEW 1


Copyright © 2007 Architeer Corporation

Tuesday, January 30, 2007

KOMIKS CONGRESS UPDATES

Ginanap ang ikalawang meeting ng board para sa Komiks Congress kahapon sa building ng NCCA sa Intramuros. Ang mga nagsidalo ay sina Commissioner Joelad Santos, Roger Aquino at ang kanyang misis, Jun Lofamia, Nar Castro, Al Cabral, Ding Abubot, Andy Beltran, Mario Macalindong, Joemari Moncal, at iba pang bisita, kabilang ang head ng NCCA na si Cecil Guidote-Alvares (asawa ni Senator Heherson Alvares) at Dr. Roger Birosel, General Secretary ng Earthsavers Movement, na isa ring premyadong mananaliksik at manunulat ng ating kultura.

Nagsimula ang pag-uusap kung ano ang mga napag-usapan noong nakaraang meeting (January 26). Sinundan ng mga suggestions ng board kung ano ang magiging laman ng gagawing Congress.

Nagbigay ng isang pahinang sulat si Dr. Berosil para sa aming lahat. At ito ang nilalaman:

Maikling Kasaysayan at mga Kinabukasan ng Pilipino Komiks

Nu’ng aking kabataan sa Pasay City, nalibang ako sa pagbabasa ng mga komiks- Illustrated Classics para sa mga nobelang banyaga, at Tagalog komiks. Nangalakal pa nga ako sa rentals pambasa ng koleksyon ng komiks ko para sa mga kababata kong walang pera o ayaw bumili ng sariling kopya.

Sa pagtanda ko at paglawak ng aking kaalaman at karanasan, sumabay ang hilig ko sa komiks sa mga pag-unlad ng cartoons, sineng ginuhitan ang artista, sci fi at fantasya na isinalin sa komiks.

Ano ba ang kasaysayan ng komiks na dapat gunitain para magplano para sa kanyang kinabukasan at ng mga ka-industriya?

Unang-una, umusbong ang komiks pagkasupil sa atin mg mga Amerikano. Pagkatapos ng Giyera Pangmundong II, iisang kapitalista- ang pamilyang Roces- ang nagmonopolya ng indnstriya. At nu’ng namatay ang patriarko at walang interes sa komiks ang mga anak- naglaho ang industriya.

Nuon ang parokyano ng komiks ay mga taga-siyudad na me pambili o pang-arkila. Ngunit dahil umnsbong na ang TV, mall, VHS, CD, DVD at mga player, at lalong naghihirap ang karamihan ng Pilipino, at bumaba ang sistemang pang-aralan kaya wala nang hilig magbasa ang mga kabataan, nawawalan ng parukyano ang komiks.

Paano pwedeng buhayin ang Komiks?

Kailangan pa rin ng mga Pilipino ng Komiks para madali silang matuto at turuang iangat ang sarili sa mga trabaho, pangangalakal, pamahalaan, sosyedad, at iba pa. Ang mga gnmagamit ngayon ng Komiks ay mga NGO, politiko, at mga kawanian ng pamahalaan.

Kailangan rin taasan ang antas ng kaalaman at kagalingan ng mga kasapi sa industriya- lalo na sa makabagong mga paraan at bagong namimili ng KOMIKS at ng mga ibang produktong ipinanganak nito.

Nagbigay din ng mahabang pahayag si Mrs. Alvarez tungkol sa komiks na pinaikli ko na lang sa ganitong punto:

“Kailangan nang mag-mature ang komiks. Dapat ay hindi lang tayo makabasa ng mga kuwentong pantasya, o yung mga kuwentong mister na may kabit. Kailangan ay makabasa rin tayo ng mga kuwento na magkakaroon ng impact sa ating society. Kailangan na rin nating mag-educate sa ating mga mambabasa. “

Pagkatapos ng salu-salong kainan ay ipinakita sa amin ni Mrs. Alvarez ang exhibit area sa lobby ng NCCA at ang auditorium kung saan gaganapin ang Konggreso.

Magkakaroon ulit ng meeting ang board ngayong Sabado na gaganapin sa Quezon City Memorial Circle.

Gusto ko ring I-announce na magkakaroon ng paligsahan sa paggawa ng komiks na pangungunahan ni Carlo J. Caparas—open ito sa lahat ng gustong sumali, amateur o proepsyunal. Malaya ang topic dito. Hindi pa gaanong buo ang detalye pero siguradong ilalagay ko ang contest na ito sa mga susunod na araw.







Mario Macalindong, Andy Beltran, Roger Aquino, Nar Castro at Ding Abubot.

Monday, January 29, 2007

Timpalak Talaang Ginto sa Tula 2007

Mula sa Komisyon ng Wika...
*********


PhP42,000 premyong salapi mula sa Pamilya Collantes
May kabuuang PhP42,000 bukod pa sa tropeo at mga sertipiko ang nakataya para sa maprestihiyong timpalak Talaang Ginto sa Tula.-Kabilang ito sa serye ng Gantimpalang Collantes sa panitikan na itinataguyod ng Komisyon sa Wikang Filipino.

Maaaring lumahok ang mga baguhan o mga premyado nang makata.. Tatanggap ng PI 5,000.00 at tropeo ang tatanghaling Makata ng Taon 2007; PI 0,000.00 sa pangalawa; P8,000.00 sa pangatio at P3,000.00 bawat isa sa tatlong karangalang-banggit.
Tatanggap ng sertipiko ng karangalan lahat ng magwawagi samantalang tatanggap din sertipiko ng paglahok ang lahat ng sumali.

Kailangang orihinal ang tula, malaya ang paksa, at maaaring magpadala ng kahit ilang lahok. Ang tunay na pangalan, address at maikling biodata ay ilalagay sa saradong envelope kung saan isusulat sa ibabaw ang ginamit na pen name o sagisag-panulat.

Ang deadline sa paglahok ay sa ika-5 ng hapon, Marso 16, 2007
Ang mga magwawagi ay ihahayag sa gaganaping programa sa ika-219 na kaarawan ni Francisco "Balagtas" Baltazar sa Abril 2, 2007, ganap na ika-10 ng umaga sa Plaza Beata, Pandacan, Maynila. Isang natatanging gabi ng parangal ang ihahandog ng KWF kasama ang mga naging Makata ng Taon sa hapunang gaganapin sa Manila Hotel.

Bilang dagdag na pagkilala, ang mga bagong premyado ay uukulan din ng karampatang seremonya para mapabilang sa itinatayong Samahang Talaang Ginto sa Tula.
Para sa iba pang impormasyon, maaaring tumawag sa Dibisyon ng Impormasyon at Publikasyon ng KWF: 736-3832, o kaya'y sa Tanggapan ni Komisyoner Joe Lad Santos, s/p Ms. Loma Lynn L. Wenceslao: 736-3830 local 103.

Ang lahok ay maaaring dalhin ng personal o sa pamamagitan ng koreo sa 1610 Watson Building, J. P. Laurel St., San Miguel, Manila.

Sunday, January 28, 2007

THE NEED FOR CENTRALIZED KOMIKS BODY

Ilang beses na akong nag-suggest sa meeting ng Komiks Congress para sa pagkakaroon ng ‘centralized komiks body’. Naniniwala ako na mahalagang-mahalaga ito ngayong nasa krisis ang komiks sa Pilipinas.

Kapag magtatanong ka tungkol sa karate, pupuntahan mo ang Philippine Karate Federation. Kung magtatanong ka naman tungkol sa mga aso, pupuntahan mo ang Philippine Canine Club. Kung magtatanong ka tungkol sa mga bading, pupuntahan mo ang PROGAY. Pero ang malungkot, pag magtatanong ka tungkol sa komiks, wala kang mapupuntahan.

Ilang beses nang may kumontak sa akin para magtanong tungkol sa komiks industry. Ang ilan sa kanila ay mga mediamen (na gustong mai-feature ang komiks sa mga programa sa telebisyon) at mga estudyante. Isa lang ang naisasagot ko sa kanila, ‘lapitan mo si ganito, lapitan mo si ganoon’.

Minsan naman ay may magtatanong kung mayroon bang workshop tungkol sa komiks scriptwriting o illustrations. Ire-refer ko na lang si ganito o si ganoon. Minsan din ay may susulat sa akin galing sa international community at magtatanong tungkol sa Filipino komiks, ipapasa ko naman kay ganito. Minsan din, nakakabasa naman ako ng ibang informations galing din sa iba’t iba tao, pero magkakaiba lahat ng sinasabi. I mean, minsan ay marami din akong binibitiwang debatable issues dito sa blog ko, pero personal experiences ko ito. Wala akong niri-represents dito kundi ang sarili ko lang. Kung may grupo akong kinabibilangan, baka magkaroon ako ng ibang point of view, at baka maging more responsible ako sa mga pinagsasabi ko dito.

Sa centralized komiks body na ipinu-propose ko, hangga’t maari ay pagkakasunduin nito ang lahat ng gumagawa ng komiks sa Pilipinas (kahit mga Pilipinong gumagawa ng komiks sa abroad). Wala akong pakialam kahit ano ang style mo, kahit dog style ka pa, basta ang mahalaga ay Pilipino ka at gumagawa ka ng komiks.

Nariyan pa ang mga bigating nag-komiks tulad nina Carlo Caparas, Pablo Gomez, Tony de Zuniga, Hal Santiago, Joelad Santos, Loren Banag, at marami pa. Puwede silang maging advisers, o maging board members mismo para dito. Hindi puwedeng tawaran ang ganitong klase ng organisasyon kapag ganitong mga tao ang nasa likod mo. Anumang projects ang naisip mong gawin sa komiks, magiging credible dahil credible ang organisasyon mo.

Sa organisasyong ito, maiingatan ang lahat ng tala tungkol sa komiks (archives). Magkakaroon ng usapin ang tungkol sa pagtatrabaho ng mga writers at artists sa mga publishers, at kung anu-ano ang mga karapatan ng bawat isa. Makapagbibigay ng mga kaalaman tungkol sa komiks at kung paano pumasok sa larangang ito—mapa-local man o abroad. Makapagsasagawa din ito ng mga workshops, seminars, etc. at magsisilbing matibay na guide ng mga new generation of komiks creators. At higit sa lahat, magkakaroon ng awareness ang publiko na seryosong linya ang paggawa ng komiks dahil mayroong isang seryosong organisasyon para dito (at hindi lang ‘yung mga organisasyon na binuo lang ng magbabarkada o magkakaklase).

Sa gaganaping Komiks Congress sa February, sana ay mapag-isipan ito ng husto ng mga board members. Hiling ko lang ay huwag itong pagsimulan ng pulitika at baka maging dahilan pa ito para magkawatak-watak pang lalo ang mga nagku-komiks.

*************

Matagal na talagang pumapasok sa isip ko ang organisasyon na magri-represents ng komiks ng Pilipino. Nakagawa pa ako ng sample logo noong halos matindi pa ang drive ko na gawin ito.

Naalala ko nga ito dahil dito sa Komiks Congress. Sinulatan ko si Dr. Gene Kannenberg, Jr. ng http://www.comicsresearch.org/ , nagpakilala ako at sinabi ko ang mga karanasan at pagtingin ko tungkol sa komiks natin. Gusto ko ring mag-participate sa mga discussions at kung ano pang activities na puwede akong sumali.

Ang ComicsResearch.org nga pala ay isang organisasyon ng mga mananaliksik sa larangan ng komiks sa buong mundo. Ang representative natin dito ay si Dra. Soledad Reyes, hindi ko lang alam kung aktibo pa siya dito hanggang ngayon.

‘World of academe’ ang ComicsResearch.org pero gusto kong samantalahin ang pagkakataon na isang actual komiks writer/artist ang mag-participate sa kanila.

Saturday, January 27, 2007

KOMIKS CONGRESS

Kalat na sa buong komiks community ang gaganaping Komiks Congress sa Pebrero. Dalawa ang layuin ng pagtitipong ito--maiangat muli ang wikang Pilipino (Tagalog) at pasiglahin ang industriya ng komiks.

Kabilang dito ang exhibit na gagawin sa NCCA building ng mga illustrators at contest na pangungunahan ni Carlo J. Caparas.

Isa ako sa naiimbitahan lagi sa meeting para sa Congress at kung anuman ang maging participation ko ay isa nang malaking karangalan. Kung inyong makikita sa mga pictures na inilalagay ko dito, informal pa ang mga meetings na ginagawa--minsan ay sa bahay lang. Pero sa lunes ay gagawin na ang proper meeting na gagawin sa NCCA building mismo.


Noong nakaraang taon pa ay binabanggit na ito ni Direk Carlo sa mga interviews sa kanya tulad nito.


Makikita sa larawan sina (nakaupo) Commisioner Joelad Santos, Nar Castro, sekretarya ni Joelad, Nestor Malgapo, Vic Poblete, Rey Atalia, (nakatayo) si Mario Macalindong at ako.

Thursday, January 25, 2007

MONOPOLY OF FORM (Part 1)

Form - external appearance of a clearly defined area, as distinguished from color or material; configuration.


Isa sa madugong pag-usapan tungkol sa ‘monopolyo’ ng komiks at kung bakit ito namatay ay ang business side nito. Subject for debate ang monopoly kaya nga naging ‘mainit’ ang blog na ito lalo na sa mga kumokontra sa teoryang ito kung bakit namatay ang komiks.

Sa salitang ‘teorya’ pa lang ay mayroon nang malaking diskusyon. Hindi naman daw kasi ito proven kaya nga theory pa lang. Pero kaya nga ito naging theory ay dahil mayroong basehan at idinaan sa malalim na pagsusuri.

May malinaw na bang nagsalita ngayon kung bakit nga ba namatay ang komiks? Wala pa rin. Lahat ay teorya din. Pero ang nakikita kong may pinakamatibay na ebidensya at basehan ay ang ‘theory of monopoly’. Nakahanda naman akong hindi paniwalaan ito kung mayroon akong mababasang mas higit pa dito ang pag-aaral..

Ang ilalatag ko dito ay ang tinatawag kong ‘Monopoly of Form’. Personally, ito ang matibay kong dahilan kung bakit namatay ang komiks sa Pilipinas. Nakahanda akong sumagot sa lahat ng ‘butas’ na makikita ninyo sa teorya kong ito.

Ang ‘Monopoly of Form’ ay bunga ng ‘Monopoly theory’. Hindi ito nakasentro sa business side ng komiks (pero nakakabit na ito) at mas naka-focus ito sa mismong ‘anyo’ ng komiks natin.


SIDE STORIES

Minsan ay ka-chat ko ang kaibigan ko noong college na member ng isang theater group. Ito ang naging pag-uusap namin:

Friend: Nakita ko ang website mo, a. Ang ganda naman ng mga gawa mo. Anong tawag du’n?

Ako: Ang Alin?

Friend: Yung mga nakalagay sa website mo. Yung parang mga pambatang drawing.

Ako: Pambatang drawing? (Inisip ko, pang-children’s book ba ang drawing ko?)

Friend: Di ba komiks ang mga ‘yun?

Ako: Oo.

Friend: E di ba pambata ‘yun?

Sapul ako!

Minsan naman, naimbitahan ako sa isang drawing/painting session. Nang makita ng ilan ang gawa ko, ito ang sabi nila:

Sila: Taga-komiks ka, ‘no?

Ako: Paano niyo nalaman?

Sila: Iba kasi magtrabaho ang pure painter. Sa lapis pa lang, may pagkakaiba na.

Tama naman siya. Malalaman mo sa lapis pa lang ang pinagkaiba ng illustrator sa painter.

Sila: Wala nang komiks, a. E di wala na rin kayong trabaho niyan. Mag-shift ka na lang sa painting. Ang daming gallery dito. Yun nga lang, dapat aware ka sa mga hinahanap sa galleries, dapat ‘yung hindi komiks ang dating.

Sapul na naman ako!

Nang dumalaw ako noon sa isang sikat na publication (na ngayon ay patay na—buti nga!), ipinakita ko ang librong ‘Malikhaing Komiks’. Ito ang sagot ng babaeng nakausap ko doon na taga-accounting department:

Siya: Bakit ka pa nagsulat ng libro tungkol sa komiks. Wala nang komiks ngayon. Patay na ‘yan.

Sapul ulit ako!

Isang dating editor ang nakita kong naglalakad sa Quiapo. Nagkakuwentuhan kami ng saglit.

Editor: Patay na ang komiks. Bakit nandiyan ka pa. Ang kumikita na lang dito ngayon ay si Mars Ravelo at Carlo Caparas sa mga gawa nila dati. Kung ngayon ka lang gagawa ng komiks dito, huli na. Wala nang tumatangkilik sa komiks ngayon.

Marami pa akong kuwento na may mga ganitong tema. Pero hindi ko na pahahabain dahil pamilyar na rin naman kayo dito. Ang ganitong mga pangyayari ang nagtulak sa akin para isipin kung bakit ba ganito ang tingin ng mga tao sa komiks.

Ang ganitong mga pagtingin kaya ang pumatay sa komiks ng Pilipino?

Abangan sa susunod.

Tuesday, January 23, 2007

THE FIRST COMPUTER-GRAPHICS COVER IN KOMIKS


Ito ang kauna-unahang komiks na gumamit ng computer graphics sa traditional na komiks ng Pilipino. Lumabas noong late 90s (hindi ko na matandaan ang eksaktong date dahil hindi naglagay ang publisher). Inilabas ito ng Sonic Triangle na special issue ng dalawang komiks na pinagsama--Salamin ng Lagim at Mga Kuwento sa Dilim.
Mayroon itong 64 pages at black & white lang ang loob.

Monday, January 22, 2007

MEETING PICS









Lilinawin ko lang yung tungkol doon sa pagiging 'representative' ko ng new generation of komiks creators. Masyadong nakakatawa sa akin ang 'title' na ito. Una, hindi ko naman kayang i-organize ang mga bagong creators ngayon lalo pa hindi ko naman kilala ang lahat, si Gerry Alanguilan lang ang medyo nakakausap ko sa mga nagku-komiks ngayon. Ikalawa, paano ko iri-represents ang mga bagong creators ngayon samantalang iba naman ang 'purpose' nila kung bakit gumagawa sila ng komiks, lalo na yung mga stable na sa paggawa ng komiks sa ibang bansa, they don't need organization like this. Member man sila nito hindi, kikita pa rin sila ng dollar.
Nagsalita ako sa harap ng mga beterano (gaya ng nakita niyo sa picture), dahil sa biglaang pag-aasign ng board of members para sa Komiks Congress na gaganapin sa February 16 sa NCCA. As usual, dahil nga miting yun ng mga beterano, natural na mga beterano rin ang kukuha ng lahat ng posisyon.
Doon ako nag-suggest na sana ay magkaroon ng representative ang new generation ng creators ngayon dahil hindi natin puwedeng putulin ang history ng paggawa ng komiks sa Pilipinas dahil meron pa rin namang nag-i-exist ngayon.
Sabi ko pa, isa ako sa gumagawa ng komiks ngayon na active din sa internet. Nabanggit ko nga ang tungkol sa Philippine Komiks Message Board at ang iba pang mga beterano (Dell Barras, Romeo Tanghal, Floro Derry, etc.) na dito na lang nakakakuha ng infos tungkol sa komiks dito sa atin. Sabi ko pa nga, ang miting na nandoon ay maliit pa kumpara sa members ng Philippine Komiks Message Board.
Nagulat na lang ako, pagkatapos ko magsalita ay bigla akong sinabihan ni Mang Nestor Malgapo na maging representative ng new gen creators. Gusto kong linawin na hindi ako representative ng sinuman sa mga new gen dito, naging 'voice' lang ako ng new gen dahil wala naman kasing nagbabanggit nito sa miting.
Minsan tuloy naguguluhan na ako sa 'stand' ko. Pag kaharap ko ang mga new gens, tingin sa akin e traditionalist. Pag kaharap ko naman ang mga beterano, tingin sa akin e new gen.
Magkakaroon ng miting ang board this week, kasama ulit sina Joelad, at makakasama ako. Doon ko malilinawan ang lahat tungkol sa Komiks Congress (hindi pa kasi malinaw sa akin dahil may halong inuman ang nangyari dun sa miting), kaya wala pa akong masasabi kung anuman ang mga actions na ito ng mga beterano. Isa lang ang malinaw sa akin, malalaking tao at may 'say' sa gobyerno ang bumubuo ng Komiks Congress.

Thursday, January 18, 2007

JUST A COVER STUDY


I'm dying to upload some of the pages for Guardian Empires here so i can have a feedback, whatsoever. Still waiting for the publisher's approval. I'm proud to announce that GE is different from other comicbooks i did, in terms of art details. Ubos ang dugo ko sa komiks na 'to!

Wednesday, January 17, 2007

MAY PAGIGING 'SUPERHERO' KAY TONY DE ZUÑIGA

Masayang naidaos ang exhibit ni Tony de Zuñiga sa Crucible Gallery kaninang hapon sa SM Megamall na pinamagatang 'Superheroes'. Iba't ibang bisita ang dumating sa naturang event kabilang na ang mga beterano at mga bagong komiks creators ng bansa.

Maraming isyu na nakakabit kay Mang Tony noong active pa siya sa paggawa ng komiks. Aware dito ang karamihan sa mga gumagawa ng komiks ngayon. Para sa akin, hindi na dapat pang balikan ang isyu na iyon.

Si Mang Tony ang matatawag kong 'Father of Filipino Invasion' sa US comics. Kung babalikan natin ang kasaysayan, siya ang kauna-unahang Pilipino na nakagawa ng komiks sa Amerika, at siya rin ang dahilan kung bakit nakarating doon ang mga trabaho nina Nestor Redondo, Alfredo Alcala at Alex Niño.

Sabi niya sa akin: "Kapag twelve years ka na sa komiks, subukan mo nang gumawa ng painting. Makakatulong ito para mag-mature ka as an artist."

Mabuhay ka, Mang Tony!

Ako, Meyo de Jesus, Armida Francisco (pamangkin ni Ading Gonzales), at Mario Macalindong.

Mario Macalindong, Jun Lofamia, Grace Jodloman, brother of Jess, Jess Jodloman, Orvy Jundis, Alfredo Alcala Jr., hindi ko kilala itong isa, pasensya na po.

Gener Pedrina (standing), Edgar Tadeo, Gerry Alanguilan, Sandy Sansolis (owner ng Comics Odyssey) Azrael Coladilla at Mark Cerbo.

Jess Jodloman, Abe Ocampo at Tony de Zuñiga.



Rico Rival at Erwin Cruz.

Jess Jodloman.

Mga writers ng GMA 7.





Gallery staffs?

Salamat kay Kuya KC Cordero at Erwin Cruz sa additional photos.

Monday, January 15, 2007

WANTED: ARTISTS


Saturday, January 13, 2007

ANG PAGPAPAANGAT NG KOMIKS AY PARANG PAGPAPAGAMOT NG ISANG MAY KANSER

Napaka-optimistic kong tao. Kahit Malabo pa sa akin ng future kung paano nga aangat ulit ang komiks sa Pilipinas, ay naniniwala pa rin ako na aangat ito. Faith. It’s a religious thing. Basta feeling ko lang na aangat siya kahit wala akong basehan.

Nabalitaan ko na magkakaroon ng meeting ang mga beterano ng komiks na gaganapin sa printing office ni Loren Banag. Imbitado rito sina Joelad Santos (dating editor-in-chief ng Counterpoint at GASI at ngayon ay Commissioner ng Wikang Filipino), kasama ring dadalo ang mga batikang manunulat at dibuhsita—sina Pablo Gomez, Elena Patron, etc. Magkakaroon daw dito ng magandang announcement para sa kapakinabangan ng industirya ng komiks. May balita pa na magkakabigayan ng awards sa Malakanyang ang ilang mga personalidad ng komiks.

Pero ang totoo ay hindi rin malinaw sa akin ang event na ito. Ang iba naman, nababasa ang meeting ng mga taga-komiks na may halong pulitika. Well, malapit na kasi ang eleksyon. At ang komiks ang isa sa best way para maipakalat sa publiko ang plataporma (kung meron nga) at istorya ng isang tatakbo sa eleksyon.

Ayoko namang bigyan ng negative effect ang gathering na ito, o meeting, o ‘great talk’ in komiks history. Malay nga naman natin, baka sa ikaaangat talaga ng komiks ang purpose ng mga tao doon. Go ako diyan!

Ang dami ko nang napuntahang meeting noong medyo humihinga-hinga pa ang local komiks. Karamihan ng mga meeting na ito ay mga personalidad na iisa ang linya: “Paaangatin natin ang komiks industry!” Na para bang dumating na ang sugo at ito ang magsasalba sa sangkakomiksan (what a word!).

Well, what’s new. Lahat naman ng gumagawa ng komiks ngayon, maging ang mga indie people ay iisa ang linya: “Paaangatin natin ang komiks industry!”

Ang gaganda ng mga dialogues, ano? Para bang ang komiks ay kayang paangatin ng isang pitik. Come to think of it, paano mo bubuhayin ang industriya ng komiks kung hindi mo nga lang alam kung paano ito namatay?

Ang pagsusuri ng industriya ng komiks sa Pilipinas ay isang kumplikadong bagay. Marami kang factors na dapat tingnan. Nariyan ang bagsak na ekonomiya ng Pilipinas, ang pag-decline ng pagbabasa ng mga Pilipino, ang mga kalaban sa entertainment, ang praktikalidad ng mga tao sa isang third world country na tulad ng sa atin. Hindi pa riyan natatapos ang pagsusuri,nariyan din ang labanang ‘traditonal’ at ‘ modern’ sa mga creators—dahil hindi magkasundo, pati reading public ay hati rin. Nariyan din ang lakas ng impluwensya ng Manga sa karamihan ng mga batang pumapasok ngayon sa komiks—teenagers ang audience, paano na ‘yung mga mature audiences na gustong makabasa ng iba? Nariyan din ang iba pang creators na mas mabuti pang gumawa sa abroad dahil well-paid sila kesa nga naman dito.

Kailangan din ng masusing pag-aaral sa pag-evolved ng mga babasahin dito sa atin. Ano na bang mga libro ang mabenta ngayon sa bookstore? Anong mga produkto ang makikita ngayon sa bangketa? Gaano ba nag-spend ng time ng pagbabasa ang isang ordinaryong tao sa isang araw? O may time pa nga ba siya sa pagbabasa? Anong tema ng mga kuwento ang interesting para sa mas nakararami (ayokong sabihing lahat, dahil wala namang produkto na gusto ng lahat). Anong mga mechanics (o ads, o press releases) ang dapat na gawin para maibalik sa publiko ang tiwala nila sa pagbabasa ng komiks.

May mga safe na sagot ang ilang independent publishers: “Hindi ko responsibilidad na paangatin ang komiks. Ang gusto ko lang ay gumawa ng komiks na gusto ko.”

Maganda nga naman. Basta gawa lang ng gawa. Mas maraming komiks, mas maraming topic at plot, mas maraming pagpipilian ang readers.

Mabuti nga ngayon ay at mayroon nang freedom sa paggawa ng komiks. Ang wala na lang freedom ngayon ay ang presyong printing. Sa ayaw mo man at sa gusto, kailangan mo rin mahalan ang komiks mo. Domino effect.

Nakikita ko rin na medyo maiiba ang tingin ng tao sa komiks kapag dumami na ang graphic novels dito ng gawa ng mga Pilipino ay nakabalandra na sa bookstores na may iba’t ibang topic para sa iba’t ibang klase ng readers. Pero huwag naman sana na ang isang graphic novel ay P400 hanggang P800. Wala tayo sa Amerika. Nasa Pilipinas tayo, dito nga may mabibili kang brand new na electric fan sa halagang P300. Ang underwear ko nga, tatlo isandaan lang. I mean, pagbali-baligtarin man ang mundo, aware pa rin ang tao sa presyo. Subukan mong magtinda ng isang boteng Coke sa halagang P100, ewan ko lang kung may bibili. Dito lang sa atin uso ang salitang ‘tawad’, mahilig tumawad ang mga Pilipino.

May gamot na ba sa kanser? Wala pa. Si El Shaddai lang ang nakakapagpagamot sa kanser. Tsamba pa ‘yun. Ganu’n din ang komiks. Hindi mo ito kailangang paangatin. Ang kailangan mo dito ay I-distribute sa malawak na readers na satisfied sila sa content at presyo, kunin mo ang gusto nila, at iwan mo ang ayaw nila.

Walang sinumang nagpaangat ng romance pocketbook industry dito sa bansa. Kaya lang ito lumakas ay dahil tinangkilik ito ng maraming readers. Ang readers ang magdi-decide kung paaangatin ba nila ang produkto mo o hindi.

Thursday, January 11, 2007

DRAGON LADY pin up


May nagtanong sa akin, bakit daw ang hilig-hilig ko sa kulay brown. Karamihan kasi ng artwork ko na nakikita niya sa blog na ito, pati sa Deviant Art ko ay laging dominated ng kulay brown.
Sabi ko, hindi ko rin alam. Unconsciously, baka mahilig talaga ako sa earth colors. Para ring si Hannibal. Ayoko kasi ng 'eye candy', o 'yung parang rainbow sa dami ng kulay na ginamit.
At siguro, kapag brown, para tayong bumabalik sa nakaraan. Napaghahalata sa mahilig ako sa classics. Ewan ko, may lalim sa akin ang kulay brown. Hindi ko alam kung bakit. Meron ba sa inyo na marunong magbasa ng personality ng tao sa pamamagitan ng colors?

Tuesday, January 09, 2007

MONOPOLY! MONOPOLY! MONOPOLY! PURO KAYO MONOPOLY!

Mahirap tanggapin ang katotohanan na monopolyo ang pumatay sa komiks sa Pilipinas. Lalo na sa mga komiks creators na nagkaroon ng malaking pakinabang sa mga publications na hawak ng Roces family.

Kaya para mas maging mabait ang sagot kung paano namatay ang komiks, ay simple lang ang sagot. Dahil sa pagdami ng kalaban sa entertainment—tv, computers, sinehan, etc.

Hindi ito aplikable sa Japanese comics. Sa Japan, sangkatutak ang source of entertainment, in fact, wala pa tayo sa kalahati ng technology nila. Pero namatay ba ang komiks nila?

Ang isa pa sa ‘safe’ na sagot na naririnig ko ay ang isyu ng ekonomiya. Bumagsak ang ating ekonomiya kaya bumagsak din ang komiks.

Ang nakapagtataka, kahit bumagsak ang ating ekonomiya, lalong lumakas ang romance pocketbooks sa bansa. Ngayon nga, ang mga horror stories naman ang makikita mong nakakalat sa mga bookstores at bangketa.

Paano ba natin matatanggap na monopolyo nga ang malaking dahilan kung bakit bumagsak ang komiks dito sa atin?

Simple ang sagot.

Bago natin pag-aralan kung ano ang dahilan ng pagbagsak ng industriya, pag-aralan muna natin kung ano ang mismong industriya. O mas maganda tanong ay ‘sino’?

May iba bang industriya ng komiks dito sa atin na tumapat sa mga publication ng Roces? May mga sumulpot na maliit, gaya ng CRAF nina Redondo at Alcala, iyong kay Pablo Gomez, iyung sa Rex Publication, at ilan pang maliliit na hindi rin naman nagtagal dahil kinain ng higanteng Roces.

Sa madaling salita, ang komiks ay Roces, ang Roces ay komiks.

Kaya nga nang umatake na ang ang mga ‘safe’ na sagot tulad ng pagsulpot ng iba’t ibang entertainment, at paghina ng ekonomiya, naapektuhan ang Roces. Nang bumagsak ang Roces, bumagsak din ang komiks. Bumagsak ang nag-iisang industriya.

May sumalo ba sa Roces komiks? Wala. Wala kasing kalaban.

Ang nagpapatuloy para paangatin ulit ito sa kasalukuyan ay ang mga independent publishers na ngayon lang nakakabuwelo dahil wala nang Roces na babangga sa kanila.

Monday, January 08, 2007

SUPERHEROES


Tony DeZuniga Art Exhibit

Crucible Gallery4th Floor, SM Megamall

Mandaluyong, Metro Manila

Exhibit Opening: 6:00 PM, January 16, 2007
(Information courtesy of www.Komikero.com)

Saturday, January 06, 2007

1AM (Number One Artists Movement) REUNION 2007

Two years na rin siguro bago nagkita-kita ulit ang aking kauna-unahang grupong mga professional artists, writers and poets, ang 1AM. Napagkasunduan na dahil kapapasok pa lang ng taon at wala pang masyadong ginagawa ang marami sa amin (although marami pa ring hindi nakarating), magkita-kita ulit kami para sa isang masayang kuwentuhan at balitaan.

Ang grupong ito ay hindi na active two years ago pa dahil sa trabaho ng bawat member. Pero hindi naman nakakalimot ang bawat isa kapag may mga gatherings tulad nito, lalo na kapag may project ang isa, nariyan ang lahat para sumuporta.


Early birds. Dennis Miguel, Atoi Panerio at Lizzie Santos. Ang tagpuan ay sa Filipiniana section ng SM Harrison Plaza, pero dahil nainip na kami, nauna na kami sa pizza house para kumain.


Pagkatapos ng kaunting kuwentuhan ay tumuloy kami sa exhibit ng mga estudyante ni Dennis sa CCP. Ilang beses nang nai-feature sa mga palabas at docus si Dennis dahil sa kanyang pagtuturo ng visual arts sa mga batang preso. Siya rin ay isang award-winning painter at kailan lang ay nanalo ng best screenplay tungkol sa mga batang preso.

May kurot sa puso ko kapag nagkukuwento siya ng tunay na kalagayan ng mga batang ito. Karamihan sa mga kasong kinasasangkutan ng mga bata ay pagnanakaw, snatching, gang riots, at iba pa.



Hanga ako kay Dennis sa debosyon niyang ito para makatulong sa mga bata. Kung tutuusin, hindi naman siya kumikita dito dahil sapat lang ang pondong ibinibigay ng kanyang sponsors. Minsan ay siya pa ang nag-aabono ng gamit sa mga bata.



Kahit man lang kaunti ay maambunan ako ng creativity ng mga bata.



Ang mga paintings ay makikita sa Pasilyo Victorio Edades, 4th floor ng CCP building. Hanggang January 14 pa ito.



Isa sa pinakapaborito ko ito. Printed sa vinyl at nilagyan ni Dennis ng caption.


Pagkagaling sa exhibit ay namasyal muna kami sandali sa tabindagat ng CCP. Nagkapalitan ng regalo. Nakatanggap ako ng 2007 planner, bag at flashlight hehehe.
Pagkatapos ay tumuloy kami sa floating library (Doulos ship) sa pier 13. Ready na kami para mamili ng mga libro. Busy pa sa pagkalikot ng camera sina Joseph Gannaban (may poem na lumabas pala sa Philippine Graphics January issue si Joseph kung gusto ninyong makabasa ng kanyang tula) at Manny Zacarias. Tini-text na rin yata ng asawa si Lizzie hehehe: wer na u? wat tym ka uwi?

Pero nagulat kami. Sobrang dami ng tao. Bago ka makarating sa barko ay pipila ka ng pagkahaba-haba. Nakita niyo 'yang lalakeng may bag na orange? Siya ang huli sa pila. Nagbiruan pa kami: Dumadami na ba ang readers na Pilipino? Nu'ng nakaraang bookfair sa world Trade Center ay ganito rin karami. Dahil gutom na kami lahat, napagkasunduan na sa ibang araw na lang kami pumunta.
Kumain na lang kami sa Luneta. Gabi na kami naghiwa-hiwalay. Sa mga hindi nakarating, at du'n sa mga hahabol pa sana pero gabi na, sa susunod na lang ulit tayo magkita-kita.
Thanks, guys. Ang 1AM ang isa sa inspirasyon ko kung bakit ang sarap maging artist.

Thursday, January 04, 2007


Study of Victor Ambrus' illustration style.
Watercolor and pen.

PANIBAGONG ADVENTURES NA NAMAN SA 2007

Isa sa pinakamagandang pamilyang nakita ko ay ang pamilya ng aking girlfriend. Nitong nakaraang bagong taon, bago magkainan at magkaputukan (parang bastos a!), ay nagkaroon muna ng maikling salu-salo ang pamilya. Pamilya sila ng born-again Christian at kahit ako ay isang ‘burn-again’ ay nakisali na rin ako sa taunang pasasalamat ng pamilya sa mga achievements nitong nakaraang 2006.

Mostly ay personal ang ‘patotoo’ ng bawat isa. Isa rin ako sa naging emotional, muntik talaga akong maiyak, dahil hindi ko akalaing ang dami palang tao na tinitingnan ako bilang inspirasyon. Siguro kung nababasa ninyo ang blog na ito, aakalain ninyong napakawalang puso kong tao at wala akong ginawa kundi mag-usisa at magtanong at pumuna ng kung anu-ano. Pero sa totoong buhay ay normal din ako gaya niyo (kung normal nga kayo hehehe). Subukan ninyong makipag-inuman sa akin at siguradong mababato kayo dahil hindi ako mahilig magkuwento.

Ang 2006 ang isa sa pinakamagandang taon sa aking career. Noong matapos ang contract ko as game developer noong nakaraang summer ay inisip ko na kaagad na babalik ako sa komiks ng fulltime. Magmula noon ay wala na akong ginawa kundi buklatin ulit ang mga drawing books, bumili ng mga bagong references para maging updated naman ako kung ano na ba ang nangyayari sa komiks ngayon.

Sumigla ulit ang interes ko sa komiks dahil sa blog na ito, at sa mga forums sa internet. Ginawa kong private studio ang salas ko sa bahay, kaya pag nadalaw kayo ay wala kayong makikita salas kundi working area ko lang.

Wala sa loob ko na ilabas ang ‘Diosa Hubadera’ pero dahil sa Komikon, inihabol ko ito. Nagkaroon naman ng magandang feedback kahit paano. Pero hindi pa ako kuntento sa naging resulta. Isa sa naging plano ko ay I-print ito sa papel, pagkatapos kung mag-ikot sa iba’t ibang printer, bigla ring nagbago ang isip ko. May plano akong ipasa na lang ito sa isang alternative/underground comics publisher sa abroad kaya inuunti-unti ko ang pagta-translate dito. Naisip ko, kung nagawa ngang ipabasa ni Marjane Satrapi ang kultura ng Iran, at ni Lat ang kultura ng Malaysia, bakit hindi ko ipabasa ang mga eksena ng Pilipinas sa pamamagitan ng Diosa Hubadera.

As usual, wala na namang nangyari sa plano ko tungkol sa ‘Malikhaing Komiks’. Ewan ko ba, hindi pa siguro panahon para ilabas ko ito. Naisip ko rin, baka hilaw pa nga. Kailangan pang pahinugin.

Katatapos ko lang gawin ang ‘Gripo’ para sa Filipino Komiks #2. Sana masakyan ito ng mga mambabasa, although mukha lang siyang usual commercial story, pero dadalhin kayo nito sa isang ending na hindi ninyo aakalain na ganu’n pala. Nu’ng ipinakita ko nga sa isang kaibigan ang ilang pages, akala nila ay horror at fantasy, pero malayung-malayo. Nagbiro pa nga sa akin si Kuya KC Cordero (editor ng Filipino Komiks) kung true story ko ba ito, sabi ko hindi. Expect na gagamit ako dito ng maraming salita kesa sa super-detailed na drawings.



Bagong komiks ang lalabas na naman galing sa akin sa first quarter ng taong ito. Ang pamagat nito ay ‘Headlocked’, tungkol ito sa buhay ng wrestler sa Amerika. Sinulat ni Michael Kingston para sa Visionary Comics. Ilang pages na lang ang gagawin ko at maari na naman akong tumutok sa ibang projects.






Ang ‘Guardian Empires’ ang pinakamadugong trabaho ko sa kasalukuyan. Hindi nga lang ako puwedeng maglagay pa ng mga pages sa internet dahil wala pang go signal ang bossing ko.

Ako ang klase ng taong sabay-sabay kung gumawa ng kung anu-ano. Bumili ulit ako ng watercolor at muli akong sumubok na mag-painting, magpo-post ako dito ng ilang piraso para makita ninyo. Kailangan kong gawin ito para mag-mature din ang tingin ko sa komiks illustration at hindi puro power fantasies ang pinaggagawa ko.

Malaking tulong ang blog na ito sa aking pagsusulat. Dahil nga wala na akong panahon para mag-ikot-ikot pa sa mga publications dito, at wala pa akong balak sa kasalukuyan, mas minabuti kong ito na lang ang maging releasing outlet ko sa pagsusulat. Although open ang Liwayway Magasin para sa akin bilang contributor, wala pa akong maisip na isulat sa kanila kundi tungkol lang sa komiks. Nakapagsulat ulit ako ng isang horror story para sa True Pinoy Ghost Story ng Risingstar. Ginawa ko ito para malaman ko kung uubra pa ba akong magsulat ng prosa at pocketbook. Hindi ko alam kung kailan lalabas, pero siguradong ngayong buwan na ito.

Nagulat ako dahil nagpo-post na si Gerry Alanguilan ng mga drawings niya sa susunod yata niyang graphic novel tungkol kay Jose Rizal, nakaplano na rin sana ito sa akin. In fact, nakabili na akong ilang libro tungkol sa kanya. Kaya nagbago ako ng isip. Alam kong mabibigyan ng hustisya ni Gerry ang buhay ng ating pambansang bayani. Ang ganitong mga komiks ang kailangan ng industriya para mag-mature ang tingin ng mga Pilipino sa komiks.

Ang target ko ngayon ay mag-submit ng story and art para sa US comics. Tatlo ang pinagpipilian ko, Image, Fantagraphics o Alternative Press. Nasa unang draft na ako ng script, pero ngayon pa lang ay gusto ko nang itapon ang concept na naisip ko. Ito ang pinakamahirap para sa isang writer, ang mag-isip ng concept ng kuwento. Mas madaling pag-isipan ang flow ng kuwento at pagdu-drawing kesa doon sa mismong konsepto. Malakas ang loob ko dahil wala naman akong nakikitang dahilan kung bakit hindi ko ito kayang gawin. Medyo mayabang din ako minsan pero pinanghihinaan din ako ng loob lalo na kapag naiisip ko na iba ang audience ng international comics kesa sa mga pinaggagawa ko dito.
Updated na rin ang website ko www.RandyValiente.com sa wakas, after 2 years. Sponsor ko ang www.filwebhosting.com at maniniwala ba kayo na inilibre ako ng isang kaibigan na may-ari nito. Ang bait talaga ni Lord.

Noong nag-inuman kami ng ilang tagakomiks, naikuwento ko ang tungkol sa sakit ko (workaholic ako). Bitin ako lagi sa tulog. Kahit alas kuwatro na ng madaling araw ako matulog, nagigising pa rin ako ng alas sais ng umaga. Kaya siguro ang dami-dami kong nagagawa, ang dami kong oras para magtrabaho kesa magpahinga. May nag-suggest na magpa-konsulta na ako sa manggagamot. Hindi na kasi ito normal, minsan nga, nagigising ako ng madaling araw, nakatulala lang ako, nag-iisip ng kung anu-ano tungkol sa kung anong project ang magandang gawin sa susunod o kung sino ang mas sexy, si Katrina Halili ba o si Angel Locsin.

Kailangan ko na rin sigurong magbalik sa gym. Kapag nakita ninyo akong nagda-jogging sa QC Circle ng linggo ng madaling araw, ibig sabihin, dinidisiplina ko na ulit ang katawan ko.

Habang sinusulat ko ito, umiinom ako ng Milo. At habang nag-iisip ako ng kasunod na sentence, nanonood ako sa YouTube ng laban ni Mirko Crocop.

Wednesday, January 03, 2007

THE MONOPOLY OF FORM: COUNTDOWN TO MONOPOLY THEORY (Part 4)

MEDIUM

“…What should be done now is to study how is should grow as a medium. Nestor Redondo, who with other illustrators like Fred Carillo, Alfredo Alcala, and Alex Niño now work for comic book publishers in the States, once said that ‘Komiks is the Pablum of art appreciation. Ang isang bata, kelangan pakainin mo muna ng malalambot na pagkain bago mo bigyan ng matitigas na pagkain gaya ng steak. Unfortunately, the problem is that some readers have stayed young and ‘retarded’ and will forever prefer the taste of the komiks Pablum. Perhaps, the industry could find ways to grow with a maturing audience. Redondo and company have been lost by the local industry precisely because foreign publishers, aside from juvenile publications of DC and Marvel, offer an opportunity for growth –not only financially, but professionally as well—through adult comicbooks and educational comicbooks which challenge their craftsmanship as illustrators.

Komiks should not forever stay at the level of the young. The art of komiks should be developed—in both content and form. By content I don’t mean just sex themes, which seem to be equated with adult fare. Surely, there are topics that would interest an adult reader other than sex.”


Excerpts from ‘KOMIKS: And Industry, a Potent Medium, our National “Book” and Pablum of Art Appreciation’ by Clodualdo del Mundo, Jr. (Philippine Mass Media: A Book of Readings; 1986)

Monday, January 01, 2007

PINOY KOMIX BIZ STRIKES AGAIN!!!

Are you ready?

LET'S GET IT ON!!!